Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.2K 600 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 34

217 14 5
By PollyNomial

CHAPTER 34 — Bangungot


Pagbaba ko ng taxi ay sinalubong agad ako ni Celine. Nanggaling siya sa loob ng isang matayog na gate. Ito na siguro ang sinabi niyang bahay ni Vans.

Kumunot ang kaniyang noo at tiningnan ang likuran ko bago ako nginitian at binati.

"Good morning, Elaine! Sorry sa late notice. Buti na lang ay umabot ka," aniya at isinukbit ang kamay sa aking braso. Hinila niya ako papasok.

"It's okay. Good thing na wala akong gagawin ngayong araw," sagot ko sa kaniya habang pinapanood ang mga nadadaan namin papasok.

I couldn't help but be mesmarized by the landscape around us. Sa mayamang pamilya nanggaling si Vans at hindi iyon lingid sa kaalaman ko. I've known about it eversince because of Celine. Sa pangalan pa lang ng kanilang subdivision ay masasabi na kung gaano karangya ang kanilang buhay. Seeing their house or should I say mansion proved it all.

"Bakit nag taxi ka lang?" tanong niyang sumagot sa pagtataka ko kanina nang pagmasdan niya ang likod ko nung dumating ako.

Nagkibit ako ng balikat. "We don't have a driver yet. Si daddy ang nagmamaneho para sa amin. And he brought his car to work with mom," simpleng paliwanag ko.

"Uso na ang Grab ngayon, Elaine. Mas safe iyon compared sa taxi. I'll teach it to you next time," aniya sa akin.

Tumango ako kahit na ang totoo ay alam ko na ang tungkol doon. Hindi pa lang talaga ako sanay sa mga pagbabago rito sa Pilipinas. There were still alot of changes that happened and I couldn't adjust that fast.

Nakapasok kami sa loob at hindi nakalagpas sa aking pandinig ang mga malalakas na tawanan. Sumikdo ang kakaibang kaba sa aking dibdib nang mapagtantong mga lalaki ang tumatawa. I stopped walking and Celine immediately turned to me when she noticed it.

Katakot takot na sindak ang nasa aking mga mata nang salubungin iyon ni Celine. She saw it and realization registered in her eyes. Bumuntong hininga siya at binitiwan ang braso ko.

"He's not here. Don't worry. Alam ko ang sitwasyon at hindi ko kayo pangungunahan," wika niya sa nakakaintinding tono.

Hindi pa rin ako nakakabawi at nanatili lang ako sa aking kinatatayuan. "What do you know?" I asked her, worried of the last sentence that she said.

Celine gave me a gloomy smile. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng ngiting iyon para sa kaniya.

"I know everything. He didn't tell it to me directly but I saw it in his actions for the past years. Especially on the first year that you were gone. Vans confirmed it to me when I asked him about it. Palagi pala siyang kinakausap ni Conrad noong nasa states pa kami dahil nakikibalita siya tungkol sa'yo," she explained.

Umawang ang aking bibig ngunit pinilit ko ang sariling magsalita pa dahil gusto ko ng mga sagot sa aking mga tanong. "Nakikibalita? Nakikibalita saan?"

She pursed her lips. Mukhang ayaw pa niyang sagutin ang tanong ko. Kaya naman nangusap ang mga mata ko at nagmakaawang sagutin niya ako.

She sighed in defeat.

"I shouldn't be the one telling you this," she uttered like she was regretting talking about it in the first place. "But since I am your best friend, it's my responsibility to let you know about it. Iyon sana ang nais kong sabihin sa'yo noong unang araw nating magkita. But you were very eager in avoiding the topic. That's why I decided that it would be much better if he's the one who will tell you about it," aniya.

"Tell me about what, Celine? Please. Ano bang sinasabi mo?" pagmamakaawa ko.

Hinawakan ni Celine ang aking mga kamay. Pumikit siya nang mariin at mukhang pinag-iisipan pa kung sasabihin pa niya ang mga kailangan kong malaman.

"I didn't know about it until last year. Vans told me about it when I was doubting his faithfulness to me. He would frequently leave the house secretly and talk to someone on the phone when I'm not around. Ang akala ko noon ay may babae siya kaya binantaan ko siyang makikipaghiwalay ako sa kaniya kung hindi niya sasabihin ang totoo sa akin."

Hinintay ko pa ang kaniyang mga sasabihin habang patuloy pa rin ang mga baritonong boses na nagsasalita mula sa loob ng bahay. I couldn't tell the owner of those voices. There are two men to be exact. Siguro ang isa sa mga iyon ay si Vans.

"Conrad asked for Vans' help to find you. He couldn't do it on his own because he's busy with his studies here. Pinilit pa pala siya ni Vans na sumunod na lang sa amin at doon na lang din mag-aral sa states pero ayaw niya. He said that he couldn't and we didn't know the reasons why."

Itinagilid ni Celine ang kaniyang ulo at tinitigan akong maigi sa mga mata.

"He knew about everything that happened in your life, Elaine. Kilala niya ang mga taong nakapaligid sa'yo at alam niya ang lahat ng pinagkakaabalahan mo. Until one day, he stopped searching and learning things about you. That was last year. Hindi ko rin alam kung bakit. I asked him why but he's stubborn wouldn't answer me."

Bumagsak ang mga luhang sobrang dami pa rin kahit na ilang beses na akong umiyak dahil sa parehong tao. Napaupo ako at tinakpan ng mga palad ang aking mukha.

I cried hard because of the things that I learned. He looked for me! He found me! He was there all along while I was so busy thinking of the anger that he had for me. Sobrang abala ako sa pag-iisip kung paano niya ako mapapatawad gayung andoon pala siya at patuloy pa rin akong sinusundan. Hindi man pisikal ngunit ang ginawa niyang pagpapahanap sa akin sa ibang tao ay sapat na para malaman kong pareho pa rin ang nararamdaman naming dalawa sa mga lumipas na taon.

But the last thing that Celine said triggered something painful in my heart. He stopped knowing all my whereabouts for an unknown reason. What would that reason be? Katakot takot na kaba ang namuo sa aking dibdib nang maisip na baka naubusan na siya ng pasensya. Para akong binagsakan ng langit at lupa nang matantong baka naubos na rin ang pagmamahal niya.

Bakit wala akong alam? Bakit hindi ko ito alam? It was my fault. Everything was my fault. If I didn't cut the connection that we had, maybe I wouldn't be regretting right now. Siguro ay masaya pa rin ako. Si Conrad nga ay nagawang alamin ang buhay ko sa mga lumipas na taon. Ibig sabihin ay hindi siya sumuko. Ako lang ang dapat na sisihin dito.

"Elaine, please calm down. I promise that I will help you. Gago lang talaga ang kambal ko para pakawalan ka..."

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil pinutol ko siya.

"Ako ang may kasalanan. Ako ang kumawala sa kaniya. Ang higpit higpit ng kapit niya sa akin pero ako ang bumitaw. Ako ang tumalikod at ako ang hindi na bumalik," naghihinagpis kong sambit ng mga bagay na matagal ko nang inamin sa aking sarili.

"But you are here now. And he knows about it. He will do something, Elaine. Kilala ko ang kapatid ko. Magkadugtong ang buhay naming dalawa. Hinding hindi ka niya pakakawalan. O kung nakawal ka man, gagawin niya ang lahat para lang ibalik ka sa piling kaniya."

Sinubukan kong huminahon at ipinagkasya ko na lang ang aking sarili sa mga sinabing iyon ni Celine. Sana nga ay totoo ang lahat ng iyon. Ngunit sino ba ako upang magduda? Sa mga lumipas na taon ay iyon lamang ang ginawa ko. Ang pagdudahan ang pagmamahal ni Conrad at heto ako, tanga dahil ngayon ko lang napatunayan ang pagmamahal niyang kinayang gawin ang lahat ng iyon kahit na iniwan ko siya.

Celine's assuring words helped me to calm down. Alam kong hindi lang dahil gusto niya akong kumalma kaya niya nasabi ang mga iyon. Naniniwala si Celine na maibabalik pa rin ang dati.

Pumasok kami sa loob ng bahay. My eyes were numb because of crying. Namumula pa siguro iyon at ang buong mukha ko. Kaya lubos ang hiyang naramdaman ko nang makita si Vans at ang isa pang lalaking nakatalikod sa amin.

Vans immediately walked towards his fiancee and kissed her on the cheek. "Hey," aniya kay Celine bago bumaling sa akin.

Natuwa ako sa kaniyang kilos at napangiti.

Inilapit pa ako ni Celine sa kaniya at malawak ang ngiting ipinakilala ako kay Vans. "Vans, this is Elaine, my best friend," pagkasabi niyon ay kumindat pa si Celine.

Unti-unting naisantabi ang lungkot na kanina lang ay bumabalot sa aking puso dahil sa kanilang dalawa.

Vans gazed at me like he knew a secret. Kung hindi pa naikwento ni Celine ang mga ginawa ni Vans para kay Conrad ay magtataka ako sa kaniyang mga titig.

I slightly bowed my head and smiled to greet him. "Hi, Vans. It's nice to meet you," I said and offered him my hand.

Ngumiti ang mga mata niya sa akin at imbes na tanggapin ang aking kamay ay iba ang kaniyang ginawa. Lumapit siya sa akin at namilog ang mga mata ko nang marahan niya akong yakapin.

"It's nice to finally meet you, too! And it's even nicer to have you back in the country," Vans said happily.

I heard Celine giggled beside me. Ang kasama naming lalaki ay natanaw kong tumayo at mahina ring tumawa.

"Damn you, Vans. Your finacee is here and yet you are hugging another girl?" pang-aasar nito kay Vans.

I was suddenly alert when I heard the man's voice. His baritone voice reminded me of someone. He sounded familiar to me.

Binitawan ako ni Vans at agad inabot ang lalaking nagbiro kanina. Sinapak ito ni Vans sa dibdib at sinuklian lamang iyon ng malakas na halakhak ng lalaki. Dahil doon ay nakita ko ang gilid ng kaniyang mukha.

I gasped in surpise when I saw Lorenzo Fajardo, Vans' cousin, right in front of me. He was still laughing at Vans when he turned to me. Kaya naman malinaw ko ring napagmasdan ang mapuputi niyang ngipin sa likod ng malawak niyang ngisi.

Kaya pala pamilyar! Halos magkapareho lang ang baritonong boses nila ni Vans ngunit ang kay Lorenzo ay mapaglaro.

Celine tapped my back to get my attention. I quickly turned to her even though I was still dumbstruck at Lorenzo's gorgeous looks and bright awra.

"He's Lorenzo, Vans' cousin," ani Celine pagkatapos ay lumapit pa ng kaunti sa akin. "You remember him, right?" she asked with a tinge of humor in her tone.

Sunod sunod ang tango ko.

She beamed and pushed me in front of Lorenzo.

"Enzo, si Elaine, best friend ko. She will also be your partner in my wedding," ani Celine na ikinalaglag ng panga ko.

She was already leaning beside Vans. Her fiance snaked his arm around her waist and pulled her more to him.

Nalukot ang puso ko dahil sa pansamantalang inggit na aking naramdaman. But I instantly shook my head and ignored the thoughts that popped in my head.

"Oh, she doesn't like you!" Vans exclaimed while laughing so hard.

Siniko naman siya ni Celine kaya tumigil siya ngunit kitang kita pa rin ang pagpipigil.

I was a little confused at first and then I realized that Vans was laughing because I was shaking my head. He might have misinterpreted my gesture. Kaya naman umiling akong muli.

"No!" madaling agap ako. Mas lalo lamang ikinatawa iyon ni Vans.

I glanced at Lorenzo, my cheeks were already burning. He was pouting his lips but I could tell that he was just faking it because his eyes was saying otherwise.

"I'm hurt," aniyang sinapo pa ang dibdib upang ipakitang nasasaktan nga siya.

Umiling ako at sa huli ay natawa na lang. Tiningnan ko si Celine na nakikitawa na rin.

"I'm sorry, that's not what I meant," I told him.

Just like what I did with Vans, I offered him my hand.

"I'm Elaine. It's nice to meet you, Lorenzo," pinasigla ko ang aking tono.

His eyes brightened up and he accepted my hand for a shake. Nawindang pa ako dahil hindi lang iyon ang kaniyang ginawa. Inangat pa niya kamay ko at hinalikan ang likod niyon.

"Easy, cous. Someone might get jealous," Vans teased him.

Because of his words, I withdraw from his hold right away. Nakita ni Lorenzo ang ginawa ko ngunit hindi na iyon pinansin.

"No one would be jealous," matabang na utas ni Lorenzo sa kaniyang pinsan.

They were quiet for a while until Celine grabbed my hand and pulled me. "Excuse lang boys, ah. Kailangan pang magpasukat ni Elaine. Where is Meira, by the way?" aniya habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng living area.

"She's in the garden. Kinakausap lang 'yong tumawag sa kaniya," sagot ni Vans.

Tumango si Celine. "Let's wait for her here," ani Celine sa akin. "Kumain ka na ba? Siguradong hindi pa kasi pinagmadali kita. I can ask the maid to prepare breakfast for you," aniya.

Umiling ako kahit na ang totoo ay medyo nagugutom na ako.

Pinanliitan ako ng mga mata ni Celine bago niya ako hinayaang umupo sa sofa at naglakad palayo. "You are hungry. I'll get some food," kumpirma habang naglalakad na palayo sa amin.

Hindi ko alam kung paano niya nalamang hindi pa talaga ako kumakain. She might have seen it in my face.

Naiwan akong kasama ang dalawang lalaking naging pamilyar lamang ako dahil kay Celine noon. They were Celine's crush. If I remember it right, Celine had a crush on the both of them but she only had this one guy in her heart.

Magkaibang magkaiba ang ugali ng dalawang ito at hindi nakalagpas sa mga mata ng lahat, kasama na ako, ang mga pagkakaibang iyon.

Lorenzo was the funny and nice type of guy while Vans was the mysterious one. Although, I couldn't see that attitude of Vans right now. Maybe because he was with Celine or it might be because he had changed.

I bit my lower lip when I realized that it might really be because of it. Kung ganoon ay ano na kaya ang ugali ni Conrad ngayon. Nasagasaan din kaya siya ng mga pagbabago? Kung masiyahin siya noon, maaari kayang masungit at mahirap na siyang pangitiin ngayon?

Conrad and Lorenzo almost have the same attitude. Ngunit mas kilala ko si Conrad dahil kahit kailan ay hindi ko naman nakasama si Lorenzo. But through other people's words, I got to know some of the qualities of Lorenzo. Ganoon din kay Vans. Lalo ko pa silang nakilala noong madalas pa kaming mag-usap ni Celine noong nasa states na ako. Noong panahong hindi ko pa pinuputol ang koneksyon ko sa kanila.

Pero bakit si Lorenzo ay mukhang ganoon pa rin? I mean, he didn't look like he had changed at all. Kung ano ang madalas kong makita noon sa kaniya ay ganoon pa rin naman ngayon. Wala akong ibang mapagbasehan kundi ang madalas na ngiti sa kaniyang labi. Iyon pa rin ang nakikita ko hanggang ngayon.

"Hm, I wonder who won as the better guy," Lorenzo mumbled and that's when I realized that he was already staring at me.

Actually, we were both staring at each other.

"Tss. You and your games, Lorenzo. Sa huli naman ikaw ang natatalo," ani Vans sa mapaglarong tono.

Napaupo ako nang maayos sa sinabing iyon ni Vans. Iba ang tono ng kaniyang pananalita sa ipinapakita ng mukha niya. He was seriously looking at his cousin and a second after, he smirked.

Lorenzo didn't say anything. Sumandal lamang siya sa kaniyang upuan at humalukipkip. "Just don't tell me that you are seeing him in me, please. Mapapahiya ako sa pinsan kong mayabang," aniyang hindi ko naman naintindihan.

He chuckled when I only continued staring at him.

Napahiya naman ako roon. Mabuti na lang at inalis din niya ang nakakahiyang titig niya sa akin at ginalaw ang kaniyang cellphone. Nakangiti pa rin siya habang may tinitipa roon.

Maya maya pa ay bumalik na si Celine dala ang tray ng cheese cake at juice.

"Your favorite!" masayang lahad niya ng pagkain sa akin.

Hindi nakalagpas sa akin na naalala niya pa ang isa sa mga paborito kong pagkain.

Nilapag niya ang tray sa maliit na mesa sa aming harap at iminuwestra iyon sa akin. Wala akong nagawa kundi tanggapin na lang iyon. Kinuha ko ang tinidor upang tikman ang kaniyang inihanda.

I closed my eyes in appreciation. It was so delicious!

"You liked it?" tanong niya sa akin.

Ilang beses akong tumango na ikinatawa lang niya.

"It's my favorite flavor too!" singit ni Lorenzo

Napaatras ako nang dumukwang siya patungo sa akin at inagaw ang tinidor na hawak ko. Kumuha siya ng malaking parte ng cake at isinubo iyon.

My jaw dropped at what he did.

"Lorenzo! Can you please stop being annoying!" suway sa kaniya ni Vans.

Si Celine naman ay napabuntong hininga na lang.

Ganoon ang itinakbo ng ilang minuto kong kasama sila. Lorenzo kept on teasing me. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya sa akin. I was thinking that it was his way of being comfortable with me since we will be partners in Celine and Vans' wedding.

Ako naman ay hindi naaasar at natatawa na lang sa kaniya. He was fun to be with and his technique worked. In just a matter of time, I became comfortable with his presence. Ganoon din naman kay Vans. Hindi naman sila mahirap pakisamahan. Malaking tulong din na nandito si Celine upang pumagitna sa aming tatlo.

Matapos din nang ilang minutong iyon ay bumalik na ang sinasabing magsusukat sa akin. Meira was the assistant of Celine's designer. Mas matanda ito sa amin nang ilang taon ngunit ipinilit nito na huwag na siyang tawaging ma'am o miss dahil natatandaan daw siya sa kaniyang sarili.

I obliged and just called her Meira.

Mabilis lamang itong natapos. She let me decide what style I would like for my gown. Sinabi ko namang sila na ang bahala dahil mas nalalaman nila ang nababagay na style para sa akin. I was not good in fashion so it was hard for me to decide when she showed me a number of designs.

"Okay, let me just take a picture of you so that I can show it to my boss," ani Meira sa akin. "Para makita ka niya at malaman kung anong babagay sa'yo," paliwanag pa kung bakit ako kailangan kuhaan ng litrato.

Tumalima naman ako at tumayo nang maayos upang makuhaan niya.

"Can you also take a picture of her with me?" Lorenzo butt in and stood beside me.

"Enzo!" suway ni Vans dito na tinawanan lang ni Lonrezo.

"What? Makakatulong ito sa designer," paliwanag siyang wala namang saysay.

Ngunit natatawa na lang si Meira nang kuhaan niya kami ng litrato ni Lorenzo. "Bagay kayo," sabi pa niya habang nakangising tinitingnan ang phone niyang marahil ay may litrato na namin.

Ngunit dahil sa pagmamadali ay nagpaalam din agad si Meira sa amin.

Lorenzo offered to lead her outside the house.

Nang maiwan kami ay kinausap ako ni Vans. "Don't be fooled my by cousin, Elaine. He's a player," masinsing sabi niya sa akin. "Hindi ko na alam kung bakit nagkakaganyan iyan. Lahat na lang ng babae..." palatak niya.

Hinaplos ni Celine ang braso niya dahilan upang tumigil siya. Nawala ang inis sa kaniyang mukha at napalitan ng matatamis na tingin para sa aking matalik na kaibigan.

Ang saya saya nilang panoorin. They look so in love with each other. Hindi ko mapigilan ang mainggit at mag-isip ng mga posibilidad. Could I become this happy just like my best friend? Mangyayari pa kaya na ang taong pinangarap ko ay siya ring pakakasalan ko?

I was still daydreaming about those things when I heard Lorenzo. Nagsasalita siya at mukhang may kausap.

Nilingon ko ang pinto sa pag-aakalang bumalik si Meira ngunit ganoon na lang ang sunod sunod na paglundag ng aking puso nang mamataan ko ang pamilyar ngunit kakaiba ring pigura ng lalaking naglalakad sa tabi niya.

My heart only ached at the sight of him. Tears welled up in my eyes. Ang akala kong saya na mararanasan ko sa oras na makita ko siyang muli ay hindi nangyari. Bagkus ay pait at paninikip lamang ng dibdib ang naramdaman ko sa puntong iyon.

I didn't know that seeing your one great love could hurt you a lot. Ngayon ko lang nalamang maaari pala iyon. Hindi pala masaya na makita siya. Parang hinihiwa ang aking puso sa presensya niya.

Our eyes met. That's when I broke into pieces. Lalo na nang may namuong emosyon sa kaniyang mga mata.

Galit at poot.

Conrad was mad. He hated me. I could see it all in his eyes.

I imagined this to happen but never wanted it to come true. Ngayon ay iniharap na ako sa bangungot na kinatatakutan ko. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 159 52
There was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that h...
20.5K 445 54
Description: [Saudade] How I long wanted to be yours and for you to be mine. How I long wanted for the time to pass by so we don't have to wait. How...
30.8K 988 52
"You're not the only one who was shackled to her own melancholia. I was trapped too... before." Astra and Axon Filipino Story Contains matured conten...
398K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...