Class 3-C Has A Secret | comp...

By enahguevarra

17.8M 319K 103K

WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA... More

C3CHAS REPRINT 2019
C3CHAS TRILOGY
WELCOME TO HELL
C1: Teacher Yuko is ... dead?
C2: Confession
C3: The Call
C4: Mortem iuxta est
C5: A warning
C6: Akira
C7: Punishments
C8: Revelations
C9: An old friend
C10: Psycho
C11: Secrets are about to unfold
C12: Conflicts
C13: Freya
C14: The witness
C15: The forgotten flower
[Extra Chapter] Unfinished Business.
C16: Envy
C17: Betrayals
C18: Trust me, I'm lying
C19: Wrongdoers
C20: Hatred and Vengeance
C21: Is it over?
C22: Untold Feelings
C23: Obsessed
C24: White Roses
C25: You can't cheat Death
C26: The Queen Bee
C27: The Queen Bee (part 2)
C28: Memento Mori [UNEDITED]
C29: Luna
C30: Promises
C31: Deceitful Truth
C32: Goodbye, Summer
C33: The Sinners
C34: Truthful lies
C35: The game of Death
C36: Doubt
C37: Conspirator
C38: Fatalism
C39: Hush Hush
C40: Eagle's Prey
C41: Beginning of an end
C42: The monster inside
C43: Apocalypto
C44: Consequences
C46: Distorted
C47: The vengeful one
C48: The other side of the coin
C49: The one who sets fire
C50: The end is near
C51: The manipulator
C52: The last murderer
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE + TRAILER
C3CHAS Spin-Off

C45: To perish or to subsist

160K 3.6K 1.8K
By enahguevarra

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Denise's POV


Narinig ko ang tunog ng sapatos ni Amanda habang papalapit siya sa kinauupuan ko. Nakatulala ako sa mga puting rosas na nasa mesa ko. Hindi ko alam ang dapat madarama ko. Magagalit ba ko? Iiyak? O magpapakamanhid na lang at ngingiti tas sasabihin sa kanila na ayos lang.

"It's your turn. Denise ... sinong gusto mong mamatay sa klaseng ito?" Tanong sa akin ni Amanda pagkatapos niyang ilapag ang rosas sa lamesa ko.

Tinignan ko ito.Nasasaktan ako ngunit walang tumutulong kahit isang patak ng luha mula sa mga mata ko. Kumikirot ang puso ko ngunit para bang walang pumapasok sa isipan ko kundi ang tapusin ang lahat.

"Ibibigay ko to ... sa sarili ko." Mahina kong sinabi.

Narinig ko na naman ang mga nakakabingi nilang tawanan. Ang mga boses ng mga taong gusto akong makitang mamatay. Ang mga tawanan ng mga taong gusto akong masaktan.

"Then go, kill yourself!!" Isang sigaw na nangibabaw sa buong klase.

Tama, gusto nyo kong mamatay. Gusto nyo kong mawala. Gusto nyong matapos na ang lahat. Tumingin ako nang diretso ngunit nakatitig lang ako sa kawalan. Pakiramdam ko'y para bang wala na kong ibang nararamdaman kundi matinding kalungkutan. Kinuha ko lahat ng puting rosas at mabilis akong lumabas sa classroom, sa impyerno ko.

Tuloy tuloy ako sa hagdanan papunta sa rooftop ng High school department. May mga kaklase akong nagsisunod sa akin ngunit wala akong pake. Kung ano ang gusto nila, iyon ang ibibigay ko sa kanila.Kung gusto nila akong mamatay, gagawin ko.

Tatapusin ko na ang lahat ng ito.

Nakakarinig ako ng sigawan. Tinatawag nila ang pangalan ko ngunit para bang wala akong gana na pansinin sila. Tulala ako. Dahan-dahan kong inapak ang mga paa ko. Para akong wala sa sarili basta ang alam ko, kailangan kong tumalon. Tinignan ko ang baba, mataas ngunit sa sakit na nadarama ko ngayon, wala nang mas sasakit pa sa pagpapamukha nila na dapat akong mamatay.

Ang sakit sakit.

Itinaas ko ang kamay ko at dahan-dahan kong pinakawala ang mga puting rosas na nasa kamay ko. Tinignan ko ito habang isa-isang bumabagsak sa baba. Ito ang mga rosas para sa kamatayan ko. Hindi ko aakalain na magagawa nila ito sa akin. Nang wala na akong hawak na rosas ay bumuntong hininga ako at muling tumingin sa kawalan.Ito na siguro ang katapusan.

Hahakbang na sana ako at narinig ko na ang sigawan ng lahat nang may humawak sa kamay ko bago pa man ako makahakbang.

Si Andy.

Hinatak niya ako na naging dahilan ng pagkasandal ko sa dibdib niya. Hingal na hingal siya habang yakap yakap ako. Mahigpit niyang hinawakan ang ulo ko at kinausap ako habang deretsong nakatingin sa aking mga mata.

"Ayos ka lang ba? Denise!" Inalog-alog niya ang balikat ko ngunit para bang wala akong reaksyon na natatanggap mula sa utak ko. Wala akong maramdaman ... gusto ko pa ring tumalon. "Denise! tumingin ka sa akin! " Sigaw niya muli sa akin.

Hindi ako nakasagot kaya muli niya akong niyakap at ang pag-iyak niya ang kinagulat ko sa lahat. Hindi ko alam kung bakit pero tuloy-tuloy na ring tumulo ang mga luha ko nang sandaling iyon. Lahat ng luhang hindi ko nailuha kanina, lahat ng hagulgol na hindi ko nagawa ... ngayon lang bumuhos ang lahat.

"Gusto nilang akong mamatay. Andy, gusto nila akong mawala..." Paulit-ulit kong sinasabi kay Andy. Alam kong hindi niya masyadong naiintindihan ang mga sinasabi ko dahil sa labis kong pag-iyak ngunit hindi ko na kaya kailangan kong ibuhos ang lahat ng ito.

"Sorry. Sorry." Bulong sa akin ni Andy habang humagulgol ako sa balikat niya. "Nandito na ko Denise, nandito na ang best friend mo." Dahil sa mga sinabi niya ay napayakap pa ko ng mahigpit sa kanya.


Andy's POV


Pagkadating na pagkadating sa main gate ng school ay agad akong pumasok. Walang guard na nakabantay kaya mas madali akong nakapasok .Pagkapasok ko sa loob ay agad na nakuha ang atensyon ko ng isang babae na nakatayo sa rooftop na para bang magpapakamatay.

Madaming taong nanonood sa kanya at isa na ako dun. Kitang-kita ko ang pagtaas niya ng kamay niya at dahan-dahan niyang binibitawan ang mga hawak niyang bulaklak. Hindi ko siya agad namukhaan ngunit nang lumipas ang ilang segundo ay automatikong gumalaw ang mga paa ko at madaling madali akong umakyat papunta sa huling palagpag ng high school dept. Ilang beses akong napamura sa isipan ko.

Hindi ako makakapayag na mamatay si Denise.

Hingal na hingal man ay hindi ako tumigil sa pagtakbo. Nakabukas ang pintuan papunta sa rooftop mismo kaya tuloy-tuloy ako. Narinig ko ang malakas nilang sigawan nang unti unting tinataas ni Denise ang paa niya sa hangin.

"Denise! Wag!" Sigaw ko at tumakbo ako papalapit sa kanya.

Hinatak ko agad bago pa man niya ituloy ang gusto niyang gawin gamit ng paghawak sa kamay niya. Hinawakan ko ang ulo niya sapat para matignan ko siya ng mabuti sa mga mata.

"Ayos ka lang ba? Denise!" Inalog-alog ko ang balikat niya ngunit para bang wala siyang naririnig. Nakatingin lang siya sa baba. "Denise! tumingin ka sa akin!" Sigaw ko muli sa kanya.

Hindi siya sumagot kaya wala na kong nagawa kundi yakapin siya nang mahigpit. Bigla kong naramdaman ang pagluha ko at sa bawat pagpatak nito ay may kirot akong nararamdaman. Hindi ko akalain na darating sa ganitong punto ang mga bagay bagay.

"Gusto nilang akong mamatay. Andy, gusto nila akong mawala." Malabo man ang pagkakasabi niya ay naintindihan ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"Sorry. Sorry." Walang tigil ang paghagulgol niya. Hindi ko alam kung papano siya patahanin. "Nandito na ko Denise, nandito na ang best friend mo."

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya.

Inalalayan ko siya habang pababa kami ng hagdanan. Tinaklob ko si Denise sa suot kong jacket, hanggang ngayon kasi umiiyak pa rin siya. Madaming taong nanonood sa amin ngunit hindi ko na ito pinapansin. Kahit anong sabihin nila, wala nang magpapabago sa sitwasyon. Dere-deretso kami sa clinic kung san maaring makapagpahinga si Denise.

Kumatok kami at dali-daling pumasok sa loob. Sinalubong naman kami ni Nurse Tin at agad na inalalayan si Denise upang makaupo. Tinignan niya ito na para bang awang-awa at dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Denise.

"Paparating na si Ash. Nasa Tarlac siya pero uuwi daw siya." Ngumiti si Denise sa kanya, napakalungkot na ngiti. "Sa ngayon, magpahinga ka muna rito. Hangga't hindi pa nagiging okay ang pakiramdam mo." Tumayo si Nurse Tin at pumunta sa kabilang kama na kaharap ng kinauupuan ni Denise ngayon. "Alam mo, wala nang naidulot na maganda yang laro na yan e."

"Laro?" Tanong ko sa kanya."Anong laro?"

"White Rose. Alam mo na siguro ang ibig sabihin nun." Tumango lang ako. Tama, ang white rose game. Napayuko ako nang naalala ko muli ito. "Akala ko noong nawala na siya, mawawala na rin ang larong ito." Tinignan ako ni Nurse Tin na para bang may gustong ipahiwatig.

Nagtanong naman si Denise kung sino ang tinutukoy niya.

"Ang bumuhay ng laro." Agad na napatingin si nurse tin sa bintana."Si Teacher Yuko."

Sa pagkakasabi niyang iyon ay mas lalong sumama ang ekspresyon ng mukha ni Denise. Napausog siya at sumandal sa pader habang ako'y nanatiling nakatayo .Hindi ko alam na sa kanya nagmula ang larong iyon.

"Pano mo nalaman?" Tanong ko muli kay Nurse tin.

"Alam ko lang." Tumingin siya sa akin at ngumiti ... kakaibang ngiti. "Sige, mauna muna ako. Pinapatawag ako sa Office of the President. Babalik din ako." Pamamaalam niya. Binuksan ko naman ang pinto at hinintay siyang lumabas bago isarado ito.

Bigla kong naalala si Lilith.

Hinihintay niya ako.

Nakita kong nakahiga na si Denise sa kama at nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama. "Aalis na ko. May babalikan pa ko." Sabi ko sa kanya sabay tayo. Papunta na sana ako sa pinto nang hawakan niya ang dulo ng suot kong shirt. Tinignan ko siya at nakita ko muli ang malungkot niyang mukha.

"Wag mo kong iiwan Andy. Kahit ngayon lang."

Wala na kong nagawa kundi umupo sa tabi niya at bantayan siya habang natutulog. Tinignan ko muli ang mukha niya. Ang tagal ko na rin itong hindi natitignan nang malapitan. Bumaba ako ng kama at bahagyang umupo upang matapat ang mukha ko sa mukha niya, para mas matignan ko siya.

Kung wala si Ash, kung hindi lang dumating si Ash--sana ako na lang Denise.

Inilapat ang labi ko sa noo niya.

"I miss you, Denise."



Lilith's POV



Oras ko na?

Isang ngisi ang pumorma sa mga labi ko na kinagulat naman ni Nichole at naging dahilan ng kanyang pag-atras. Ayokong ipakita na natatakot ako.K ung kailangang lumaban ... lalaban ako.

Ngunit bigla niyang hinatak ang kamay ko. Pinilit kong ialis ito sa pagkakahawak niya ngunit tila wala akong lakas. Biglang nawala ang lakas ng loob na inipon ko kani-kanina lamang. Dahil sa wala na ko ibang magpapipilian ay kinagat ko ang braso niya. Iniinda niya ang sakit ngunit mas lalo ko itong diniinan kaya napabitaw siya bigla.

Tumakbo ako nang tumakbo papalayo kay Nichole. Papalayo sa taong gustong pumatay sa akin.

"Akira! Ba't nakatayo ka lang diyan?!" Narinig kong sigaw niya kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. Nagtataka ako nang hindi nila ako hinahabol. Napangiti ako nang naisip ko na natakasan ko na silang dalawa.

Huminto ako at sandaling hinabol ang hininga ko. Nakapatong ang dalawa kong kamay sa tuhod ko habang bahagyang naka-upo. Nang pakiramdam ko ay maayos na ang paghinga ko ay tumayo na ako nang maayos habang nakapikit upang mas makondisyon ang katawan at isipan ko.

Nakatakas ka na, Lilith. Ligtas ka na.

Tatakbo na sana ako ngunit pagdilat ko ay isang pamilyar na mukha ang bumungad sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang nakilala ko kung sino siya. Napahawak ako sa bibig ko at nanginginig na umatras.

Hindi maari...

Ba't siya nandito?

Hinatak niya ako sa braso at pinatong ang isang panyo sa bibig ko. Kakaiba ang amoy ... tila ba pinanghihina ang katawan ko. Muli ko siyang tinignan bago ako nawalan ng malay. Sa pagpikit ko ay isa lang ang nasabi ko sa isipan ko.

Kung isa nga siya sa kanila ... nanganganib talaga ang lahat.

--

Pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa isa akong malaking kwarto na walang laman kundi isang malaking orasan na nakasabit sa dingding. Maliwanag ang buong paligid dahil sa ilaw na nasa kisame ng kwarto. Sa isang tingin mo pa lamang sa kwartong ito ay masasabi mong parte ito ng isang abandunadong gusali.

Nakatali ang mga kamay ko at ang dulo ng tali ay nasa kisame. Bahagya akong nakatayo at tila ba ngayon ko lang naramdaman ang lubhang pananakit ng mga paa at kamay ko dulot sa pagkakatali nang mahigpit. Tinignan ko muli ang kadugtong ng tali sa mga kamay ko sa kisame.

Mahirap makatakas..

Isa pa sa nakakadagdag ng takot ko ay ang malakas na pagtunog ng orasan sa tuwing tumatakbo at lumilipas ang bawat segundo, bawat minuto at bawat oras. Hindi ko alam kung bakit pero sa bawat tunog nito ay napupuno ang isipan ko ng mga imahe na hindi ko dapat isipin.

Papatayin na nila ako. Yun lang ang alam ko.

Hindi na ako ang dating Lilith na para bang nasisiyahan pa sa mga bagay na hindi masikmura ng mga normal na tao. Wala na ang Lilith na yon. Ang Lilith na walang kinatatakutan ... kahit ang kamatayan. Sa pagbabago ko, naging mahina ako.

Muli ay sinubukan kong alisin ang mga tali sa mga kamay ko. Ilang beses ko ring hinatak ang kamay ko pababa para sakaling masira ko ang tali na nasa itaas ngunit bigo ako. Tumayo ako ng maayos ngunit muli kong naramdaman ang sakit ng mga paa ko. Halos napasabit ako nang napaupo ako sa sahig. Nakataas ang mga kamay ko habang ito'y nakatali at napayuko na lamang ako sa panghihinayang.

Hindi ko akalain na mangyayari to.

Napatingin naman ako kaagad nang narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto. Nakita kong papasok si Nichole kasama siya. May hawak hawak na duct tape si Nichole sa kaliwa niyang kamay at isang malaking kutsilyo naman sa kanan. Nakaramdam ako ng matinding takot nang nakita ko ang mga ngisi sa mga labi nila.

"Ako na." Narinig kong sinabi niya.

"Pero ... Akira." Pagtutol ni Nichole.

"Kapag sinabi kong ako na, ako na!" Eala nang nagawa si Nichole kundi ibigay sa tinatawag niyang Akira ang hawak niyang duct tape at malaking kutsilyo.

Lumabas si Nichole na may naiiritang eskpresyon sa mukha nito. Nabaling naman ang atensyon ko sa kanya. Tinignan ko siya ng masama habang papalapit siya nang papalapit sa kinatatayuan ko.

"Kung nakakamatay na ang tingin, sigurado kanina pa ko patay." Pagkasabi niya ay tumawa siya nang mahina na para bang isang malaking biro lang ito sa kanya.

"Ba't mo ko papatayin? Wala akong kasalanan!" Digaw ko sa kanya. "Dapat sila ang pagbayarin mo, bakit ako?!" Muli kong pagsigaw.

Hindi ko talaga mawari kung ba't nandito ako sa sitwasyong ito. Lumapit siya sa akin habang nakayuko. Nang malapit na ang mukha niya sa mukha ko ay bigla niyang hinablot ang buhok ko sa may batok at sinabunutan ito ng ubod nang higpit.

"Sa tingin mo wala kang kasalanan?!" Dabi niya habang pinandidilatan niya ako.

Muli niyang hinigpitan ang pagkakasabunot niya sa buhok ko.

"Dahil wala kang ginawa!" Naramdaman ko ang matinding emosyon sa bawat salitang sinambit niya. Gali t... poot ... lahat. Ilang sandali ang nakalipas at binitawan na niya ang buhok ko. Pumilas siya sa duct tape na hawak niya at tinapal ito sa bibig ko. Lumakad siya ng ilang hakbang palapit sa pader .

"Itaas mo ang tali." Sigaw niya sa may dingding.

Kaba.

Takot.

Iyan ang naramdaman ko habang tinataas ako. Hindi ko maipaliwanag ang sakit ng mga balikat at braso ko. Pilit kong ginagalaw ang buo kong katawan. Pilit kong inaalis ang pagkakatali ngunit tila ba'y napakatatag ng taling ginamit nila.

Takot na takot ko siyang tinignan habang papalapit muli siya sa akin. Itinaas niya ang kutsilyo. Pinaikot ikot niya ang hawakan nito gamit ang kamay niya. Tumigil siya sa harapan ko. Ilang hakbang lamang ang layo ng kinatatayuan niya mula sa kinalalagyan ko.

Umiling iling ako upang maipahiwatig na maawa siya sa akin.

"Noong namatay si Freya, ako lang ang nagluksa. Lahat sila ... pinagtawanan lang ang pagkamatay niya. Alam ko, alam kong iyon ang naramdaman nila.." Tumingin siya ng deretso sa mga mata ko tsaka nagsalita muli. "Kasama ka dun Lilith?" Umiling-iling muli ako. "Sinungaling!" Sigaw niya sa akin kasabay ng pagtapon ng kutsilyo deretso sa binti ko.

Halos lamunin ko na ang duct tape sa pagsigaw na alam ko namang walang magagawa kahit isang tunog. Lumapit siya sa akin at binunot ang kutsilyong nakabaon sa kaliwa kong binti. Maaring hindi naman masyadong malalim ang pagkakabaon nito ngunit sadyang masakit pa rin ... wala akong maisip na salita na maaring makapagpaliwanag ng sakit na nadarama ko ngayon.

"Lahat kayo ... lahat kayo may kasalanan. Sa akin at kay Freya." Napayuko siya habang hawak-hawak sa kanan niyang kamay ang malaking kutsilyo. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng dugo mula sa binti ko katulad ng luha ko na kanina pang umaagos sa mukha ko. "Magbabayad kayo. Tatapusin ko ang larong ginawa nyo."

Sa bawat pagtunog ng orasan. Da galaw ng kamay nito sa bawat segundo--nararamdaman ko na ang nalalapit kong kamatayan. Katapusan ko na nga ba talaga? Napapikit ako sa sakit nang naramdaman ko ang muling pagbaon ng kutsilyo sa mismong buto ng kanan kong paa.

"Mas masakit pa ang pinaramdam nyo sa akin kaysa sa mga saksak na yan." Lumapit siya sa akin. Tumingala siya upang matignan ang mukha ko haba ako'y nakayuko naman upang makita kung ano ang gagawin niya.

Takot man, kailangan kong harapin ang kamatayan. Sa sakit na nadarama ko ngayon ang tanging gusto na lamang ay ang mamatay nang tuluyan.

Madiin madiin niyang binaon ang kutsilyo sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko sa sakit na dinulot ng pagkakasaksak niya. Narinig kong tumawa siya habang dalawang beses siyang umatras palayo sa akin. Duguan ang katawan ko habang walang kalakas lakas na nakasabit. Para akong karne na nakasabit sa mga tindahan sa palengke.

Walang kalaban laban.

"Gusto mo na bang mamatay?" Mahina niyang sinabi. Tumingin ako sa kanya na may pagmamakaawa sa mga mata ko.

Naramdaman ko ang pagbaba ng tali hanggang sa nakaapak na ko sa sahig. Halos hindi ako makatayo ngunit piniit ko ... ito na lamang ang huli kong magagawa bago pa man ako mamatay. Gusto kong muling maramdaman ang lamig ng sahig, ang pagtibok ng puso, pagtulo ng pawis at dugo dahil ito na ang huling beses na magagawa ko ito bago pa man ako maging malamig na bangkay.

Hinang hina akong tumingin sa kanya. Umiikot na ang paningin ko ngunit nagawa kong tumingin nang deretso sa mga mata niya. Lumapit muli siya sa akin. Natatanaw ko ang kislap ng kutsilyong hawak niya sa kanang niyang kamay. Pinatong naman niya ang kaliwa niyang kamay sa may ilalim ng batok ko.

Inilapit naman niya ang bibig niya sa tainga ko at tsaka bumulong.

"Paalam, Lilith."

Hanggang sa kabilang buhay hindi ko malilimutan ang pagbigkas niya ng pangalan ko, napakalamig at puno ng galit. Napapikit ako nang naramdaman ko ang madiin na madiin niyang pagsaksak sa batok ko.

Bigla kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib kasabay ng pagdilim ng akin paningin.

Paalam..

Nang naimulat ko ang mga mata ko ay nasa isa akong kwarto na walang ibang kulay kundi puti. Ang sahig, ang dingding, ang kisame. Lahat ay puti. Bigla akong napaisip kung nasan ako. Nagpalakad lakad ako upang hanapin ang pinto.

Ngunit ilang minuto na kong naglalakad at tila walang hanggang itong kwartong kinalalagyan ko at wala akong nahanap na kahit anong lagusan palabas ng puting kwarto na to. Napaupo na lamang ako sa isang sulok at niyakap ang mga tuhod ko.

Nag-iisa na naman ako.

Ilang sandali lang at dinalaw ako ng antok.

"Lilith."

May naririnig akong boses.

"Anak."

Napatingala ako kaagad at nakita ko sila Mama't Papa kasama si Kuya. Inaabot ni Papa ang kamay ko kasabay ng muling pagtawag sa akin ni Mama.

"Anak, tara na."

Tinignan ko naman si kuya Denzel, ang nag-iisa kong kapatid habang siya'y nakangiti sa akin.

"Matagal ka na naming hinihintay." Sabi ni kuya Denzel.

Ngumiti ako kasabay ng pag-abot sa kamay ni papa. Nagtawanan kami kasabay ng paglalakad namin. Walang hanggang kaming naglalakad sa kwartong puti na ito.

"Mama, nasan ba ang pinto palabas?" Tanong ko kay mama.

"Kung san tayo dadalhin ng mga paa natin, iyon na ang pagkakalagyan natin. Nasa paraiso na tayo. Mamaya, makikita mo Siya."

"Sinong Siya?" Tanong ko muli.

"Ang pinagmulan ng lahat."

---------------------x

Continue Reading

You'll Also Like

8.2K 794 11
"If I could just steal all the happiness in the world, my life would be more interesting..."
58.6K 1.5K 27
(Old story) Si Ava Maria Kristina Block ay gusto maging Secret Agent kagaya ng kanyang mga magulang kaya naging scholar siya sa Secret Academy, isang...
3M 72.4K 56
"Hindi lahat ng mabuti ay mabuti at hindi lahat ng masama ay masama" - Tiffany Rochefort Achievement - #1 in Mystery Thriller
135K 9K 47
Isa ka bang manunulat o mambabasa? Mambabasa na naging manunulat? O manunulat na mambabasa dito sa Wattpad? Halika..! Samahan mo akong tunghayan ang...