W A R N I N G: READ AT YOUR OWN RISK !
~*~
JANA
HINALIKAN AKO NI ADA?! NANANAGINIP BA AKO?!
Nanlaki ang dalawang mata ko nang ma-realize na totoo ito. Nararamdaman ko yung init ng labi ni Ada.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin. Umiinit yung katawan ko. May kung anong gumagalaw sa tiyan ko. Napapikit na lang ako sa pakiramdam na ito.
Anong gagawin ko?! Unang halik ko 'to, 'di ako marunong makipag halikan?!
Sinabayan ko na lang ang ginagawa ni Ada. Gumanti na rin ako ng halik.
Wala pang limang segundo mula nung humalik ako pabalik, hindi ko nararamdaman yung labi ni Ada.
Napabukas ako ng mata at laking gulat na wala na si Ada sa harapan ko.
~*~
ADA
Bakit??? BAKIT?! BAKIT KO HINALIKAN SI JANA?!!!
Natauhan lang ako nung tumugon siya sa halik ko. At wala ako sa katinuan, hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko nga alam kung bakit ko ba siya hinalikan.
I left her in her room right after I kissed her.
Nagmadali akong lumabas ng bahay nila at sumakay sa Taxi kahit pa hinahabol ako ng Mama niya at tinatanong kung anong nangyari at bakit ako nagmamadali.
Damn, ano ba 'tong ginawa ko?
Habang nasa taxi, iniisip ko kung bakit ko ba hinalikan yung babaeng 'yon.
"Ma'am bakit po kayo ngumingiti?" Tanong ng chismosong taxi driver.
Ano raw? Ngumingiti ako?
Tumingin ako sa bintana at nakitang nakangiti nga ang labi ko. Damn, ano 'to?
Iniisip ko yung halikan namin na hindi naman nag tagal pero nakangiti ako?! I must be kidding myself.
"Kuya, dyan lang po sa building D." Sabi ko sa chismosong driver nang matanaw na ang entrance ng Condo.
Palabas na sana ako ng taxi, bigla kong naalala na wrong move kung dito ako uuwi.
"Kuya, mali pala. Punta tayo sa Royal Empire Village." Sabi ko kay kuyang driver.
Mas mabuti pa siguro kung uuwi muna ako sa bahay namin.
~*~
Hindi naman umabot sa 10 minuto at nandito na ko sa pinto ng bahay namin, handa ng buksan ang pinto.
"It's a miracle! Why are you here?" Tanong ng kuya ko.
Jusko, kuya, 'di ka nakakatulong sa ngayon.
"Last time I checked, dito pa rin naman ako nakatira." I said while rolling my eyes.
"Bakit ang pula ng mukha mo? Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni kuya Adrien.
"Please lang, Eve. Let her rest." Isang pamilyar na boses ang nag salita.
Pag tingin ko, hindi ako nagkamali. Si ate Adeline Gen nga, my oh so loving sissum.
Imbis na matuwa, bigla kong na-realize na may mini reunion yata sila at ako lang ang wala.
"Don't ever think that this is a mini reunion, because it is not." Ate told me like I verbalize my thoughts. She really knows me well, huh.
"Well, where's dad?" I asked.
"Right here, why?" Dad answered while making his way to ours.
"Dad, I wanna go back to California." I said without hesitation.
"What?! Why?!" My family asked but I didn't respond.
~*~
JANA
Nang maka-recover ako mula sa kiss, bumaba agad ako para habulin si Ada. May kung anong nag push sakin na habulin siya, tanungin, kausapin kung bakit 'yon nangyari.
Nasa pinakalast na step na ko ng hagdan, sumilip si Mama mula sa kitchen at tuluyang lumapit sa akin.
"Anong ginawa mo, Sherry?! Hindi ka siguro naging gentle noh?! Bakit nagmamadaling umalis si Ada?! Namumula pa yung tenga at mukha niy--- teka, bakit namumula rin mukha mo?! Ano bang ginawa niyo sa kwarto mo?!" Sunod-sunod na tanong niya.
"Ma! Wala kaming ginawa, okay? May misunderstanding lang kaya siguro natarantang umalis yon. Pupuntahan ko muna siya para mag usap kami. Bye, Ma!" Paalam ko rito. Niyakap ko muna siya bago tuluyang umalis, buksan ang sasakyan ko, at iharurot ito papunta sa condo.
Habang nagmamaneho, hindi ako mapakali. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung ginawa namin ni Ada.
Hindi ko mapaliwanag kung bakit ganito. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Kagaya sa bilis nung una kong nakita si Adrien myloves. At nung kumandong si Ada sakin nung panahon na pinagselos niya si Lucy.
May kung ano ring lumilipad sa tiyan ko pag naaalala ko yung pakiramdam ng labi niya sa labi ko. Gaya ng pakiramdam sa tuwing nakikita ko siya.
Ada, ano bang ginawa mo sa akin?! Siguraduhin mong may magandang paliwanag ka tungkol dito.
Hindi ko na nagawang i-park sa parking lot ang sasakyan ko, gusto ko na talaga maka-usap si Ada. Para bang mababaliw ako 'pag 'di namin 'to pinag-usapan.
Maswerte na lang ako at walang nakapila sa elevator, nagmadali na akong pumunta sa floor kung nasaan ang units namin.
Narealize kong nasa tapat ako ng unit ko. Anong ginagawa ko dito? Si Ada yung pupuntahan ko pero nasa tapat ako ng unit ko?
Siguro nasanay na talaga ako na magkasama kami ni Ada sa unit ko kahit may sarili naman siyang unit.
Lumipat ako sa tapat ng pinto ng unit niya at nag doorbell. Halos masira ito sa sobrang taranta ko.
Naka-ilang pindot ako ng doorbell pero walang Ada na lumalabas.
"Ada?! Are you in there? Please talk to me!" Sigaw ko habang kumakatok sa pinto.
Ngunit makalipas ang mahigit sampung sigaw ng pangalan niya, wala pa rin akong nakakaharap na Ada.
Ngayon ay nag double ang kaba ko. Nagsisimula na akong mag-alala kay Ada. Kapag may masamang nangyari sa kanya, malalagot ako.
Nilabas ko ang cellphone ko at mabilis na tinawagan ang number niya.
Kahit paano, nabawasan ang kaba ko nung marinig na nag ri-ring naman ito.
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima... Hanggang sa 'di ko na mabilang kung ilang beses ko na paulit-ulit na tinawagan ang number niya, pero 'di niya sinasagot. Ring lang ng ring.
Nang subukan ko ulit sa huling pagkakataon, nakapatay na ang phone niya.
Ada, nasaan ka ba?!
The end
Charot lang.