Intricate

NnahJanexz tarafından

57.6K 1.3K 160

HIGHEST RANK: #12 in Teen Fiction CURRENTLY EDITING EVERY CHAPTERS Isang simpleng babae lamang si Chriscely D... Daha Fazla

NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chaper 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 31

679 20 6
NnahJanexz tarafından

Dangerously Beautiful

Chriscely's Pov:

"Oh my gosh girl! Ang ganda ganda mo grabeeeee!" nanlalaki at nakaletter 'O' ang bunganga ni Pepay habang nakatingin sa akin.

"T-Tumigil ka nga Pepay!" saway ko sa kanya. Eh kasi naman! Hindi talaga ako sanay na pinupuri ng sobra eh.

"Oh eh bakit? Totoo naman 'no! Mas lalong maiinlove si Papa Stanley sayo nito! Megesh!"

"Tss.." nangingiti akong napaiwas ng tingin. Iniisip ko palang si Stanley napapangiti na ako. Ewan ko ba. Simula nung kahapon, hindi mawala sa isip ko ang halik na ibinigay niya sa akin.

Leche! Ang landi ko!

"Sure ka na bang ayaw mong ibahin ko hairstyle mo?" nakataas kilay na tanong niya sa akin.

"Oo." ayokong ibahin niya ang nakalugay kong buhok ngayon. Dahil sa tattoo na nakalagay sa batok ko.

"Okay! Let's go na!" at umalis kami ni Pepay sa bahay papuntang skwelahan.

Pagdating namin ay halos lahat ay nasa gym na. Ang iba ay nakikipagkatuwaan sa kanya kanyang lamesa. Pero maya maya pa ay bigla silang huminto sa kanya kanyang ginagawa nang makita kami. Halos lahat sila ay napatingin sa kinaroroonan namin lalo na sa akin. Bigla akong nailang pero may biglang humawak sa mga kamay ko.

"Omegesh!" biglang tili ni Pepay sa gilid ko.

"Hi... Chriscely." sa uri ng pagkakasabi niya sa pangalan ko ay parang biglang may nagliparang paru-paru sa tiyan ko. Ramdam ko ang sobrang kilig na nagpapula sa akin.

"H-Hi!" ano ba 'yan! Parang nawala lahat ng kasungitan sa katawan ko!

Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. "You look so dangerously beautiful tonight."

A/N: 'Yan po ang ayos ni Chriscely Dizon.

Naghiwayan ang lahat. Kahit hindi nila narinig ang sinabi sa akin ni Stanley ay naghiwayan parin sila't nangunguna talaga si Pepay dahil sa sobrang lapit namin ngayon ni Stanley sa isa't isa.

"T-Thank y-you.." Pak you Chriscely! Nasaan na ang kasungitan mo ha?!

Napatitig ako kay Stanley na ngayon ay sobrang seryosong nakatitig sa akin. Ang gwapo niya sobra! Sobrang gwapo! Ang mga chinito niyang mga matang nakatitig ng husto sa akin. Ang mga labi niyang mapupula. Sobrang gwapo na hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na boyfriend ko siya.

A/N: 'Yan po si Stanley Javier.

Na naging akin siya.

Hindi pala imposible.

"Hold my hand Mahal..." diniinan niya ang pagtawag sa akin ng Mahal.

Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa akin. Hinihintay na mahawakan ko ito. Naalala ko ang warning ni Daddy. Siguro, pagkatapos nito, magagawa ko ng tuluyang lumayo sa kanya. Mapipilit ko na ang sariling tiisin ang mga araw na hindi siya makakasama. Dumaan ang kirot sa aking dibdib. Iniimagine ko palang na hindi siya makasama ay parang hindi ko na makakaya.

Tinanggap ko ang kamay niya. Sa mga oras na ito, susulitin ko ang gabing ito. Na kasama ko pa siya. Dahil ito narin ang araw na tatapusin ko na ang lahat sa amin. Alam kong sobrang bilis ng desisyon kong ito. Pero, alam kong ito lang ang paraan para mabago ko pa ang desisyon ni Daddy. Dahil alam kong, hangga't alam niyang mahalaga ang isang taong ito sa akin, ay kukuhanin niya sa akin. Kabayaran sa kasalanang nagawa ko sa kanya. Kasalanang hindi ko nagawa't hindi ako ang may kasalanan pero patuloy kong pagbabayaran.

"Let's dance Mahal.." dinala niya ako sa gitna para sumayaw.

Napatingin ako sa paligid. Ang ganda ng dekorasyon. Ang layu sa normal na gym ng eskwelahan namin. Mas lalo itong pinaganda. Napakaelegante kung tignan. Marami kaming nagsasayaw sa gitna. Ang iba'y nakaupo lang pero mas marami kaming sumasayaw. Nasa gitna kami ni Stanley. At alam kong walang sinumang may maglalakas ng loob na pumagitna sa aming dalawa.

Hanggang sa may nakita akong isang pares ng nagsasayaw. Si Bianca at Steven. Mukhang hindi sila masaya sa isa't isa. I know Bianca. Si Stanley ang gusto niyang makapartner. Pero si Steven? Bakit mukhang hindi rin siya masaya?

"Chris.." tawag sa akin ni Stanley na nagpalingon sa akin. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay bumilis ang tibok ng puso ko. Leche! Kinakabahan ako!

"Hmm?" sinubukan kong ngumiti. 'Yung hindi niya mahahalatang kinakabahan ako ngayon. Nakakahiya naman kasi talaga sa kanya kung makita niyang kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Hindi siya sumagot. Imbes ay pinatalikod niya ako at akmang hahawiin ang buhok ko nang hawakan ko ang kamay niya't humarap ulit sa kanya.

Sh1t! Muntik na!

Nanlalaki ang mga mata ko at ang kaninang kabadong puso ko ay mas lalong nadagdagan. Fvck! Akala ko makikita niya!

"What's wrong?" puno ng pagtataka ang mga matang nakatingin sa akin. Hindi niya makuha kung bakit ko siya pinigilan.

"A-Anong gagawin mo?" nautal ako. Siyempre, kinabahan ako. Konting konti nalang at makikita niya na. Mabuti't mabilis ako. Nakalimutan ko panaman kaninang lagyan ng concealer ang batok ko.

"I just want to give you this." itinaas niya ang kamay at nang oras na makita ko ang hawak niya habang nakaangat ito sa ere ay nanigas ako sa aking kinatatayuan.

N-No! Hindi ang isang 'to!

"B-Binili mo?" nanlalamig ako. Nauutal rin ako't pakiramdam ko ang putla putla ko ngayon sa harap niya.

Napatitig ako sa kuwintas na hawak niya. Ang kuwintas kahapon sa mall! Kumikinang ito habang nasisinagan ng ilaw. Gawa ito sa silver kaya't alam kong mahal ito. A skull necklace. Ang uri ng logo na nagbibigay ng takot sa akin.

"Yes. I brought this. I know you like this one. But seeing you---" pinutol ko siya. Nag-uumpisa ng magsuspetsa ang mga mata niya kaya ayaw kong madagdagan pa.

"A-Ako na. Ako na ang susuot." kinuha ko ang kuwintas sa kamay niya. Alam kong nakatitig siya ngayon sa akin. Pinagmamasdan ako.

Sh1t! Sana wala siyang mahalata sa akin! At sana hindi na siya magpumilit pa.

"Okay." sabi niya't hinayaan akong ilagay ito sa leeg ko.

Nang mailagay ko na ang malamig na kuwintas sa aking leeg ay gusto kong tumakbo papalabas ng gym. Ang bagay na iniiwasan ko, ay eto ngayon. Binigay mismo ng taong mahal ko. Dahil isa siyang inosente. Walang kaalam-alam kung anong epekto sa akin ng bagay na ibinigay niya.

"You like it?" ngumiti siya. Pero nakita ko sa likod ng mga ngiti niya ang pagdududa.

"Oo naman! Hindi ko inexpect na bibilhin mo 'to. Ang mahal kaya!" salamat sa diyos at hindi ako nautal. Pinilit kong ngumiti ng malapad. 'Yung matatabunan ang kaba na nararamdaman.

"Good. I love you.." niyakap niya ako. Sobrang higpit ng yakap niya. Hinimas niya ang buhok ko.

"I love you too.." napapikit ako. Gusto kong umiyak sa sakit na nararamdaman. This will be the last na magsasabi ako ng ganito sa kanya. Huling I love you.

Paano ko sisimulan ang plano ko? Paano ko sasabihin sa kanya na ngayong gabing ito matatapos ang lahat sa amin?

Humiwalay ako sa yakap niya. Hindi niya ito inaasahan kaya dumaan ang gulat sa kanyang mga mata pero napalitan ito ng pagiging seryoso.

"May problema ba Mahal? Kanina ka pa parang wala sa sarili." sinabi niya ang mga salitang 'yun habang may pagdududa.

Hindi ba ako magaling magtago?

"P-Pwede ba tayong lumabas?" nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang tumagal ng titig kasi pakiramdam ko matutunaw ako.

"Bakit?" nakikita ko. Sinusuri niya ang bawat aksyon ko.

"G-Gusto ko lang tayo mag-usap." pak you ka Chriscely! Tigilan mo ang pag-utal kasi para kang duwag!

"Okay. Lead the way." malamig na sabi niya na nagpakaba ng husto sa akin.

Ang paglabas naming dalawa ay nagpatahimik sa lahat. Pero hindi ko ito pinansin. Nagpatuloy lang kami sa paglabas. Pagdating sa field kung saan medyo malayo na sa gym ay tumigil na ako. Ganun din si Stanley. Tumigil din siya sa paglalakad.

Huminga ako ako ng malalim. Kaya mo 'to Chris! Tang*ina mo! Marami ka ng nagawang mga bagay na mas masahol pa sa gagawin mo ngayon!

Humarap ako sa kanya. At nang makita ko ang mga mata niyang nakatingin ng seryoso pero makikitaan mo ng pagtataka ay nanghina kaagad ako. Gusto kong tumakbo. Tumakbo papalayo sa kanya. Pero makakaya ko ba 'yun? Saan ako pupunta? Alam kong kahit anong gawin ko, hindi ako makakalayo sa kasamaang iniukit na ng ama ko para sa buhay ko.

You need to be strong Chris. Patigasin mo ang puso mo. Magbago ka. Huwag kang mahina. Dahil sa oras na hihina ka, ikaw ang matatalo.

"What is it?" seryoso parin siya. Hindi siya ngumingiti.

Handa ba ako? Handa ba akong makita siyang galit sa akin pagkatapos ng gagawin kong ito? Kaya ko bang harapin siya na nagbago na nang dahil sa akin?

"L-Lets b-break u-up." nautal ako! Pak you Chris! Sa sobrang utal ko ay parang hindi maintindihan ang sinabi ko.

And then i saw him.. natulala siya. Hindi nakagalaw. Inaabsorb sa isipan kong ano ba ang sinabi ko. Nabigla siya. Nakikita ko 'yan ngayon sa kanya. Hindi siya sumagot. Kahit ilang minuto na ang lumipas.

At ako. Ako na nagsabi 'non. Parang bumuhos ang lahat ng nasa sakin. Nanghihina ako. Gusto ko ng may masandalan. Pero wala! Wala akong makapitan ngayon. Kundi ang sarili ko lang. Dahil ang taong kinukuhanan ko ng lakas, ay heto sinasaktan ko ngayon.

"Y-You're kidding me." nag-iwas siya ng tingin sa akin. Umiling-iling. At ilang sandali pa ay pagak na tumawa. I know he's hurting. But he's just hiding it. Ang galing niya. Leche!

Nag-ipon ako ng lakas ng loob. Humugot ng sobrang lalim na hininga para lang masigawan siya. Kasi kung hindi ko 'yun gagawin, paniguradong babagsak ako sa lupa't hahagulhol nalang sa sobrang sakit na nararamdaman.

Hindi ko kasi expect to! Na ako 'yung makikipagbreak sa kanya. Kasi akala ko, hindi totoo 'yung pinapakita niyang pagmamahal sa akin. Na balang araw makikipaghiwalay din siya sakin kasi laro lang ang lahat sa kanya tungkol sa aming dalawa. Pero heto ako ngayon! Ang kapal kapal ng mukha ko! Ang isang basurang katulad ko, sinasaktan ang isang taong mayaman! Taong nagmamahal sa akin ng lubusan!

"Hindi! Hindi ako nagbibiro! Sa tingin mo ba nagbibiro ako?!" sinigawan ko siya. Ibinigay ko ang lahat ng emosyon ko. Pinilit kong paliitin ang mga mata ko para magmukha akong galit.

"No. Hindi ako nakikinig." umiling iling siya.

"I'm breaking up with you Stanley!" isinigaw ko ulit ang mga salitang 'yun. Pero leche! Ako! Ako 'yung paulit ulit na nasasaktan!

"No---"

Pinutol ko siya. Kinain ko ng malalaking hakbang ang distansyang nagpapagitna sa aming dalawa. Sinapo ko ang mukha niya ng dalawang malalamig kong mga kamay. Na agad kong pinagsisihan. Kasi...

K-Kasi yung taong mahal ko... umiiyak na ng dahil sa akin! Dumaloy ang mga luha niya papunta mismo sa kamay ko. At ako, ako na nakakakita sa kanya ngayon ay sobrang nasasaktan. Parang may bumabara sa lalamunan ko. Gusto ko ring umiyak na tulad niya. Pero hindi ko magawa. I need to be strong! Fvck this strong word. Sinong niloloko ko?!

Isang luha... isang luhang tumulo mula sa aking mga mata. Tumingala ako para pigilan ito. At tinitigan muli si Stanley sa kanyang mga mata na ngayon ay puno ng sakit lang ang aking nakikita. Wala ng bahid ng saya.

"Stanley Javier." malamig kong binanggit ang pangalan niya. At kahit ako nagulat sa boses na pinakawalan ko. Ang layo nito sa Chriscely na nakilala niya. At nakita kong mas sobra siyang nasaktan. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa mga mata ko.

"Don't say it please... please Mahal... I-I'm begging you!" hinawakan ng mga nanginginig niyang mga kamay ang mga kamay kong nakahawak sa mukha niya. He hold my hand na parang mawawala na ako sa kanya.

"No Stan! Buo na ang desisyon ko! I want us to---"

"NO! I WON'T GRANT YOUR WISH THIS TIME!" sinigawan niya ako. At ito ang unang pagkakataon na sinigawan niya ako.

Nagulat ako oo. Pero hindi ko pinakita 'yun. Ngumisi ako. Kumunot ang noo niya. Nakatitig sa akin na parang hindi makapaniwala. Alam kong nagmumukha na akong estranghero sa kanya. Tutal ito naman talaga ako. Isang demonyo. Sanay magpaikot ng tao mahulog lang sa bitag ko.

"Akala mo mahal talaga kita 'no?" tumawa ako. Malademonyang tawa. At nang makita ko ang reaksyon niya ay gusto ko nalang mawala ng parang bula.

Tao pa ba ako? Para gawin ang lahat ng ito?

Tulala siyang nakatingin sa akin. Maya't maya pa ay tumingala siya. Ngumisi siya. Then his eyes now back at me.

"Prank mo ba 'to Chris? Kasi kung oo hindi magandang birthday gift 'to sa akin."

Natigilan ako. A-Anong sabi niya?

"Yeah.." tumango tango siya. "You forgot about it." sa mukha niya sobra siyang na disappoint. Pero nagmatigas ako. Nanatiling malamig ang titig ko sa kanya kahit na gusto gusto ko siyang yakapin ngayon din!

"Oh eh ano ngayon kung nakalimutan ko?" wow! Ang tapang ko grabe!

"Wala naman.." pilit siyang tumawa. Hinalikan niya ang ibabaw ng kamay ko. Sa halik niya palang ay gusto ko ng sumuko. "Tapos ka na ba sa prank mo Mahal?" halatang pilit lang ang biro niya.

"Hindi. Pero tayo, magtatapos na." magtatapos na tayo Stanley! At kahit anong gawin mo, hindi na magbabago pa ang desisyon ko para maligtas lang ang buhay mo!.

"Mahal naman..." tinangka niyang abutin ang kamay ko pero agad ko itong iniwas. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya pero binalewala ko iyon.

"Sabi nang ayoko na eh! Pagod na ako Stanley! Hindi naman talaga kita minahal eh! Ginamit lang kita para sa mga pangangailangan ko! Ni hindi nga kita ginusto! Minahal pa kaya?! Ano bang mahirap intindihin dun ha?! Ha?!"

"Talaga bang hindi?" dumilim ang titig niya sa akin. Umigting din ang panga niya. "Ano 'yung mga yakap, saya, at halik na ipinadama mo sa akin ha?"

Nag-iwas ako ng tingin. "So.. pinaniwalaan mo ang lahat ng 'yun? Alam mo... ang tanga mo!"

Tinitigan niya ako. Sa sobrang lapit naming dalawa ay umatras ako. Hindi ko kaya ang intensidad ng mga titig niya. Nakaramdam ako ng sobrang sakit dahil sa mga mata niya. Tulad ko, nag-iba ito. 'Yung tipong hindi niya ako kilala.

"Akala mo rin ba minahal kita?" ibinalik niya lang sa akin ang sinabi ko. Pero bakit parang sinaksak ako ng sobrang daming kutsilyo? "Isa ka lamang hamak na basura."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko kasi para akong maiiyak. Pero pinigilan ko ito. Ngumisi ako para mawala ang sakit na naramdaman at pag-agos ng mga luhang unti-unting namumuo sa aking mga mata.

"Gusto mong humiwalay? Pwes ibibigay ko sayo ang gusto mo. 'Wag na 'wag ka lang magkakamaling umiyak kapag nawala ako sa buhay mo." tumalikod siya.

Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Sana wag na siyang lilingon pa para hindi na niya makita ang nadudurog kong pagkatao.

"You are dangerously beautiful. Yet, toxic in my life Chriscely Dizon."

The he left.

At nang iwan niya ako ay lumuhod na ako sa lupa. Di ko alintana ang dumi na hatid nito sa puti kong damit.

Tama ka Stanley. Mawawala ka nga sa buhay ko. Pero hindi ang buhay mo. At kahit papaano ay panatag ako. Dahil 'yan naman talaga ang gusto ko. Ang maging ligtas ka't kahit hindi na tayo, makikita parin kita kahit sa malayo.

Goodbye Stanley Javier.

----

A/N: Waaaaahhh! 😭

-NnahJanexz

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
13.7K 254 39
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
633K 39.6K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...