My Crush and My Seatmate

By MnMs05

4.1K 76 81

Pano kung maging seatmate mo si crush? JACKPOT ka teh! Pero pano kung may ibang crush si crush? Pano na ka na... More

Chapter 1: Cute Face
Chapter 2: Bitter si bestfriend.
Chapter 3: Zharrielle <3
Chapter 4: My Personal nurse.
Chapter 6: Ducks
Chapter 7: Now I Know.
Chapter 8: First Cutting then a surprise.
Chapter 9: One Happy Family?
Chapter 10: Championsh---este Try-outs.
Chapter 11: The Distant Cousin
Chapter 12: A Day of Kisses
Chapter 13:The Truth
Chapter 14: Her Knight & Witch
Chapter 15: A Mystery Kisser
Chapter 16: Wounds Will Heal

Chapter 5: Lunch with Crush.

303 11 12
By MnMs05

Lucas' POV

Hello! Monday na ngayon at napagalitan kami agad! Lunes na lunes nga naman! First subject pa! Advisory teacher pa! Hindi daw kasi kami nagpaparticipate sa discusion, ayun napagalitan kami. Badtrip tuloy si madam! Di na daw kami friends! :[

Pero napansin ko din, kanina pa di umiimik si Momo, as in hindi pa talaga! Nakakapanibago lang. Pasalitain ko nga . . .

"PSSST!" ako

"Oh?" Momo

"Wala naman, di ka kasi umiimik dyan"

"Ahh . . . Wala naman kasi feel ko maging tahimik ngayon kaso wala na. Binasag mo na ang aking katahimikan! :P"

"Okay lang yan! At least maririnig ko ang iyong magandang tinig o aking mahal na binibini! ;D"

"Ay makata??? Tumigil ka na nga baka bigla pang dumating si madam, badtrip pa naman satin yun. :["

"Oo nga eh. :[ Hindi kasi tayo nagpapaarticipate eh. :("

"Bawi na lang tayo bukas! :)"

Oh See?! Napasalita ko siya! Hahaha! OA ko. Di lang talaga ako sanay na tahimik siya. Kaya dapat palaging masaya! ( a/n: Wait anong konek?!XD! ) Epal ka naman author eh! ( a/n: Tanggalan kaya kita ng POV, you want ha?! ) Ay hindi na! Epal ka lang! Anytime! Hahaha!

Momo's POV

Eto naman si Lucas nambabasag ng katahimikan! Feel na feel ko pa naman yung silence ko! Lunch break na namin ngayon kaso nakaalis na si Rhian. Psh! Hindi na ako hinintay! Punta nalang ako ki Riyel sa kanya nalang ako sasabay!

*lakad*

*lakad*

Ayun classmate ni Riyel yun! Tanungin ko nga kung andyan pa si Riyel

"Uhm, excuse me, nandyan pa ba si Riyel?"

"Nakalis na siya Molly eh"

"Ah sige. Thank you"

Haaaay! Wala akong kasabay maglunch! Iniwan na nila ako! Huhuhuhu! ( _ _ )

*sigh*

"Huyy! Kanina ka pa dyan nagbubuntong ng hininga. Baka maubusan ka naman ng hininga nyan!" Zack

"Ha? Wala 'to."

*sigh*

"Oh! Ano ba kasi problema mo? Pwede mo naman kasi sabihin sakin"

Eto naman! Chismoso din pala 'to!

"Wala. Ang babaw kasi!"

"Ng ano?"

"Ng problema ko."

"Okay lang kasi! Sabihin mo na!"

"Eeeh!"

Bigla niyang hinawakan ang dalawa kong balikat at yinugyog! Hay naku! Ang kulit naman nito! (>,<)

"Tigilan mo na ko!!! Nahihilo na ako!"

"Sabihin mo na kasi"

"Oo na! Kulit mo rin noh?"

"Oo na, ano na kasi yun?!"

"Kasi iniwan na ako nila Rhian at Riyel. Tuloy wala akong kasabay maglunch. ( _ _ )"

"Yun lang pala! Psh! Halika na nga!"

Tapos hinila na niya yung wrist ko. Lakas ng heartbeat ko!!! {>,<}

"Teka! Wait! San tayo pupunta?"

"Teka na nga wait pa! :D Sa SM"

"HA HA"

Sa SM? Ano naman gagawin namin doon?

"Bakit?"

"Kakain. Wag ka na nga magtanong! Sasabayan na nga kita maglunch eh."

Ha? Sasabayan niya ako maglunch? Kaming dalawa lang???

"Ha?"

"Wag kang magalala, treat ko."

Kakahiya naman sa kanya! Sinamahan na nga ako, siya pa manglilibre! Kaya ko naman magbayad eh. KKB syempre! Hindi naman ako ganon kayaman para manlibre no! XP

"Wag na. KKB nalang!"

"Hindi! Treat ko kasi ngayon lang naman tayo nakasama diba? Kaya parang frriendly date natin 'to. Ayos lang ba?"

Ano daw? Date? Friendly date lang naman eh. Na kami lang dalwa! (a/n: DUH! Kaya nga date kasi kayong dalawa lng. :P) (>o<) Waaaah! Ang lakas ng heartbeat ko!!!

Tumango nalang ako as a sign of okay. Pumasok na nga kami ng SM.

"San mo gustong kumain?"

"Ikaw na bahala. Ikaw naman magbabayad eh! :D"

"Ako nga magbabayad pero gusto ko, yung magugustuhan mo din. Hindi lang ako yung masaya sa pinili ko."

(O////O)

"Zack ikaw ba yan??? Ang lalim ah!"

"Ikaw kasi eh! San mo kasi gusto?"

"Sa foodcourt nalang tayo. Ayos lang?"

"Syempre! Halika na!"

Zack's POV

Ako naman tuloy ang sumusunod sa kanya kasi siya na daw maghahanap ng upuan namin. Ang dami kasing tao kaya hirap makahanap ng bakanteng upuan.

"Ayun Zack oh!" Momo

Tiningnan ko yung tinuro niya tapos hinila na niya kamay ko. Ayun umupo na kami, buti nalang matalas ang pagtingin nito kundi wala kaming mauupuan!

"Pssst! San mo guto kumain?" ako

"Uhmmm . . . . Western Plate! :D"

"Sige. Ako nalang mag-oorder"

Tumayo na ako papuntang Western Plate kaso hinila ni Momo yung gilid ng polo ko.

"Sama ko" Momo

"Ha? Dito ka nalang, walang magbabantay sa upuan natin."

"Ehh. Iiwan naman natin bag natin eh. Sige na pleaseee!"

Tapos parang nag puppy eyes pa siya. Hahaha. Para talaga 'tong bata! :D

"Osige na."

"Halika na! Dali!"

"Iwan mo muna kaya bag mo?"

"Ay! Sorry! Hahaha."

Pumunta na kami sa Western Plate tsaka bumili ng pagkain. Maliit lang nga yung nabili niyang pagkain, yung konti lang. Siya nagdala nung pagkain namin, ako nung drinks. Sabi niya kasi ako na magdala kasi baka matapon niya.

Habang pabalik kami nakita ko na yung upuan namin kaso may nakaupo, dalawang babae. Kala ko nga baka hindi sa amin yun kaso nasa floor sa tabi nung upuan yung bag namin. Si Momo derederetso papunta doon sa table namin.

Momo's POV

Grabe 'tong dalawang babaeng 'to ha! (+_+)! Nauna na kaya kami dyan. At talagang binaba pa nila yung bag namin sa sahig.

"What are you looking at?!" sabi ni maarte girl no. 1

"Excuse me lang ha? Upuan kasi namin yan! Nilagay niyo pa sa sahig ang gamit namin. Nahiya naman ako sainyo!"

"Pinapaalis mo ba kami? Can't you see we're already seated? So rude!" sabi naman ni maarte girl no. 2

Obvious ba?! Nauna kaya kami dyan! Ako pa tuloy ang rude?! (+_+) Magsasalita na sana ako nang inunahan ako ni Zack . . .

"Ah miss, kasi kami na nauna dyan. Iniwan nga namin yung bag namin dyan eh. Can you and your friend, find another seat?" Zack

"Hanapan niyo muna kami ng mauupuan bago kami umalis. Pagnakahanap na kayo saka kami lilipat." maarte girl no. 1

"Ano ka? Sinu--"

"Is there something wrong mam?"

Nasa likod ko na pala yung supervisor yata 'to ng foodcourt. Nagkatinginan kami ni Zack, yung tingin naman niya parang sinasabing 'ako na magsasabi!' Kaya di na ako nagsalita.

"Ah kasi po nauna na kami dyan sa upuan na yan" sabay turo dun sa upuan "Iniwan pa po namin yung bag namin dyan as a sign na taken na yung seat but when we got back after buying our food sila na yung nakaupo at ang sabi po nila di daw po sila aalis hangga't di kami nakakahanap ng upuan para sa kanila. Can you help us with that sir?" Zack

"Certainly sir. Ako na lang sir maghahanap ng upuan para sa kanila. You can now occupy those chairs."

"Salamat po" ako

Lumapit na yung supervisor doon sa dalawang babae at kinausap. Pagkatapos niyang kausapin ay tumayo na yung dalawang babae at umalis kaya kaming dalawa ni Zack na upo na para kumain. Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang mapansin na . . .

na . . .

na . . .

na MATAKAW PALA SIYA! HAHAHA!

Sunod-sunod ang subo niya ng pagkain sa bibig niya! Hindi na 'ko magugulat kung mabilaukan siya. Tumigil lang siya nung nahuli niya akong nakatingin sa kanya at mukhang nahalata niya din na pinipigilan kong tumawa dahil magkasalubong ang kilay niya. Linunok niya muna yung nginunguya niyang pagkain saka ako tinanong.

"Ba't ka tumatawa mag-isa dyan? Mamaya talsikan mo pa ako ng kanin nyan eh!"

"Alam mo kasi ngayon ko lang nalaman na . . ."

"na?"

"na MATAKAW ka pala! Pfft! Hahaha!"

Hindi ko na talaga napigilan. I bursted in laughter in front of him. Hindi ko aakalain itong cute na nilalang na ito ay matakaw. Hindi halata sa figure niya eh. Ano kayang secret niya? Matanong ko nga.

"Tapos ka na? Kumain ka na kaya. May pasok patayo kaya bilisan mo kung ayaw mong malate."

"Zack ---"

"Mak-mak na lang."

"---Ok. Ang pangit ng Mak-mak. 'Di bagay sayo. Acky nalang. Balik tayo, anong secret mo?"

"Icky nalang mas cute. Tsaka, secret? Anong ----"

"Secret sa pag mamaintain ng figure mo?"

"Huh?"

"Tingnan mo lakas mong kumain. Ganyan ba araw-araw ang kinakain mo?"

"Hindi mas masarap pa dito kasi luto ng mama ko. Sa figure ko naman . . . mabilis lang talaga ang metabolism ko kaya 'di ako tumataba."

"Buti ka pa. Sana mabilis din metabolism ko para di ako agad-agad tumataba."

"Kumain na nga lang tayo at baka malate tayo."

Binilisan na namin pagkain dahil nga baka malate kami. Bumalik naman kami agad sa school. Pag kapasok namin sa highschool building piagtitinginan kami ng mga estudyante na nagbubulungan na rinig ko naman. Anong klaseng bulong yan?

Zack's POV

Hindi ko alam na ganun kataray at war freak 'tong si Momo. Kala ko siya yung babaeng mabait, mahinhin, 'di makabasag pinggan. Pero simula na naging close kami, mas lalo ko syang nakilala. At aware din ako na crush niya ako. Sana nga huwag na niya akong magustuhan baka mas masaktan siya eh. Malapit na kami ngayong sa highschool building, 'di kami nag-uusap. We're enjoying the silence :).

Pagkapasok na pagkapasok namin ni Momo sa highschool building, pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Yung mga babae naman nagbubulungan pero rinig naman.

"Akala ko nililigawan ni Zack si---"

Sinamaan ko ng tingin yung babae. Wala nang magawang matino sa buhay. Puro na lang chismis. Baka narinig yun ni Momo. Baka nagtataka na yan ngayon kung sino yung nililigawan ko. Hindi ko naman kasi masyado pinapakita.

Pumasok na kami sa room namin at hinintay magsimula yung klase. Tinitiingnan ko paminsan-minsan si Momo, pagnakikita ko siya parang lalim ng iniisip niya. Baka iniisip niya yung sinabi kanina nung babae.

Chismosa kasi masyado ng iba. Ako na kasi magsasabi eh. She's already a friend to me and I don't want her to get hurt because of me.

Momo's POV

"Akala ko nililigawan ni Zack si---"

Naputol yung sinasabi ng babae kaya hindi niya natapos. Ako naman 'tong napaisip. May nililigawan na pala si Zack? Ni hindi ko man lang nahalata. Alam kong alam ng halos lahat na crush ko si Zack. Nagtataka siguro sila kung bakit kasama ko si Zack, ang alam kasi nila 'di kami close. Siguro iniisip nila umeepal ako sa love story nila Zack at nung nililigawan niya.

Tahimik lang ako at nakayuko habang papunta kami ng room. Hindi ako masyado nakaconcentrate sa klase dahil iniisip ko pa rin hanggang ngayon yung sinabi ng babae. Malaking OUCH para sakin ang malaman yun (kung totoo man yun) Kung kelan magaan na ang loob ko sa kanya. Kung kelan nagiging close na kami. Saka ko pa malalaman.

Dapat sinabi na kaagad sakin ni Zack tungkol dun para hindi na 'ko masyadong epal sa kanila. Baka magalit pa sakin yung nililigawan niya. Teka nga may nakakalimutan ako . . . sino nga ba yung nililigawan ni Zack?

------------------------------------------------------------------------

Sino nga ba?

Hahaha. Trip ko lang magpabiten. XD

Sorry may sira ang ulo ng author niyo!

Salamat po pala ki Ate Alyloony! Nakatulong ng marami yung tips niya! Thank you po! (^o^)/

Salamat sa pagbasa! Please vote, comment and be a fan!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...