Curse Resurrection (Complete)

Galing kay CypressinBlack

99K 4.1K 147

◈◈BOOK II of Curse Saga◈◈ At this time, I'm desperate to resurrect the curse of mine, my Cursed Guardian. Kim... Higit pa

----
Prologue
Chapter 1: The Contract
Chapter 3: The Beginning of Curse
Chapter 4: Lupus Tribe
Chapter 5: The Power of Being a Princess
Chapter 6: Under the Moonlight
Chapter 7: Second Body and The Bitter Truth
Chapter 8: Encountering the Demons
Chapter 9: Spiritual Beast
Chapter 10: Realization
Chapter 11: Real Fight
Chapter 12: Tomoki's Last Wish and Confusions
Chapter 13: Morning Shadow
Chapter 14: Chaos
Chapter 15: Memento of the Goddesses I
Chapter 16: Memento of the Goddesses II
Chapter 17: Best Choice
Chapter 18: Bloodbath
Chapter 19: Goddess of Immortal
Chapter 20: Second Sign
Chapter 21: A Hunt to Survive
Chapter 22: Flaglet
Chapter 23: Snakes' Downfall
Chapter 24: Subtle Pearl
Chapter 25: Question(s)
Chapter 26: Their Revenge
Chapter 27: The Three-Eyed Butterfly
Chapter 28: Memory
Chapter 29: King's Mate
Chapter 30: End of the Contract
Chapter 31: Facing the Giant God
Chapter 32: Gods and Goddesses' Reunion
Chapter 33: Vengeance of Light
Chapter 34: God of Illusion
Chapter 35: Dyspherein's Gift
Chapter 36: Dead's Mate
Chapter 37: Preserved Body
Chapter 38: Long Wait
Chapter 39: Move On
Chapter 40: The Conflict between the Zeurdous Siblings
Chapter 41: Hard Decision
Chapter 42: Awakening the 1000 Year Demon
Chapter 43: Saving the Vampiric Auras
Chapter 44: Goddess of the Nightmare
Chapter 45: Just the Beginning
Chapter 46: Pairs of Dagger
Chapter 47: Fight for Kim Dwight
Chapter 48: Facing Darkness
Chapter 49: Apprentice of Eternity
Chapter 50: Final Battle
(: Shout Out Is Real :)
Chapter 51: Blades of Card
Chapter 52: Turns to Skeleton
Chapter 53: Scream for Death
Chapter 54: Barrier
Chapter 55: He's Back!
Epilogue
Untold 1: Last Hope and Nightmare
Untold 2: Yin and Yang Keeper
Untold 3: Goddess of Manipulation
ANNOUNCEMENT!

Chapter 2: Tomoki Ascandelancé

1.9K 95 2
Galing kay CypressinBlack


n o t e :

Wala po akong tiwala kay GOOGLE TRANSLATE
kaya pagpasensyahan niyo na ang

mga foreign language na ginagamit ko.
Parang walang sense si GOOGLE, eh.
Anyway, sa marunong paki-correct nalang po.


HANDA na ako. Iyan ang bagay na tumatatak na sa isipan ko habang pinagmamasdan ng Shrine, Supremo, at ang tatlong babaeng kasama sa apat na itinakda. Nagpaiwan sila dito sa Vasemuelle para bantayan ako. At ganun narin sa batang babaeng prinsesa na siyang makipagpalit sa aking katawan.

Nakaupo ako sa aking higaan. Hinihintay ko nalang ang pagpatak ng hatinggabi. Sa oras na 'yun, marami ang magbabago.

Bigla na lamang akong napaseryoso nang may humawak sa aking kamay. "Even you're fully decided, I know you're still feeling uncertain about what might happen."

May pagkaawa ang mga matang ipinapakita ng Shrine sa akin. Alam kong nag-alala rin siya sa aking kalagayan. At tama siya. Kahit buo na ang aking desisyon ay may pag-aalinlangan parin ako. Hindi sa pinagdududahan ko si Lumina kundi dahil walang katiyakan ang buhay ko sa Vampiric Auras, yet I'm still encouraging myself to grab this opportunity. Dahil ito lang ang aking pagkakataon na makagawa ng hakbang upang muli siyang makita.

'I didn't regret for saving you in your death, because seeing you safe is just like having a better life. I won't forget you my deity. I know you'll dislike the other me in my next life so I hope you will forgive me already. See you in Vampiric Auras. You will always be in my heart, my love.'

Alam kong may malalim na ibig sabihin ang salita niyang binitawan.

'I know you'll dislike the other me in my next life so I hope you will forgive me already.'

Isa lang ang ibig sabihin nito. May magagawa siyang mali!

'Diko namalayang may kumawalang butil sa aking mga mata. Bakit ba sa tuwing naiisip ko siya ay nagiging ganito ako! This is so fucking absurd!

Naikimkim ko ang mga palad ko sa bedsheet ng aking kama.

"Stop thinking about him, Kim."
Napatingala na lamang ako kay Eleanor na seryosong nakatitig sa akin, "Seven years of bereavement of him is enough."

Tama siya! Pitong taon na ang nakalipas kaya dapat na maka move on na ako! Pero---parang 'diko magagawa 'yun hangga't 'diko siya makita mismo ng aking dalawang mga mata!

"We knew, how affected you are but please..." Eleanor's eyes were like begging for me to do what she requested, "This is the time for you to see him. I just want you to realize how we are affected by yourself."

Huminga ako ng malalim. May naglabasan ng luha sa aking mga mata. Ganito rin pala kasakit kapag naisampal na sayo ang katotohanan. 'Yung napagtanto mong pati sila ay nasasaktan rin pala sa nangyari sayo. Not logically but literally. Nasaktan ko rin pala sila dahil itinakda kaming apat. May iisang koneksyon!

Bakit ngayon ko lang napagtanto? If I've suffered enough about 7 years ago then they also felt the same!

"I'm so---rry. I'm being selfish!" 'diko naisip ang bagay na iyon. Nagpadala ako sa aking damdamin!

"We understand you but please learn to move on..." Hermoine added.

"Dahil masyado kang nagpadala sa emosyon mo. 'Yun ang mas naramdaman naming tatlo." Mahinang tugon ni Leilah. Kung anong emosyon sa aming apat ang mas lamang ay 'yun ang mararamdaman ng lahat.

"Ito na ang pagkakataong makikita mo siya muli. Kaya sana maka move-on ka na." Rinig kong wika ng Supremo na nakatingin lamang sa labas ng bintana.

"You already forgiven by us so don't over think that we're mad at you. We are one after all," tama si Eleanor pero nakokonsensya pa rin ako.

"In 5..."

Tila kumabog ng malakas ang aking dibdib nang marinig ko ang pag-countdown ng Supremo.

"4..." Ngumiti lang sa akin ang Shrine at hinalikan ang aking noo.

Kita ko pa kung paano gumalaw ang labi niya sa pag 'mouth word' niya.

'Always take care of yourself.'

"3..." tiningnan ko ang Supremo na ngayon ay nakaharap na sa akin na 'di parin tumigil sa pag-ka-countdown niya. Seryoso ang kanyang mukha na tila binibilang na niya ang natitira kong segundo sa mundong ito.

"2..." Tiningnan ko ang kasama mga kong itinakda.

"Don't worry we will take care of the Princess..." sabi ni Leilah. Alam ko na ang tinutukoy nila ay ang prinsesang sasanib sa katawan ko.

"1..."

Awtomatikong napabaling ang aking mga mata sa may bintana kung saan kitang-kita ang kabilugan ng buwan. Ramdam ko ang pagningas ng aking mga mata. Hanggang sa narinig ko na ang pag-ingay ng kampana na umalingawngaw sa palasyo.

"This is it..." ang naibulong ko.

Sa kahuli-hulihang pagdako ng aking mga mata sa tatlong itinakda ay ang pagkaramdam ko ng antok.

Dahan-dahang naging mailap ang paningin ko na halos 'diko na sila makita. Bumibigat na ang talukap ng aking mga mata. Hanggang sa naramdaman ko nalang na ako'y nakatulog.

*****

Bumungad sa aking mga mata ang mausok na paligid na medyo madilim. Magkasing kulay ng dugo ang tubig kung saan nakababad ang kalahati kong katawan, na siyang ipinagtataka ko kung bakit nasa ganitong klase akong lugar. Wala akong saplot. Damang-dama ko pa ang medyo mainit ang temperatura ng tubig.


Sa isang kurap ko lang ay may nakalutang ng dalawang kopita sa tubig.

Ano na naman bang nangyayari?

Maya-maya lang ay nakita ko ang pag litaw ng ulo ng isang babae galing sa ilalim ng tubig na aking kaharap. Wala ring saplot ang katawan nito.

Sumalubong sa aking mga mata ang napakaputla niyang mukha ngunit mapula ang kanyang mga mata. Hanggang balikat ko ang tangkad niya.

It took a minute before I realized who she is, "T-tomoki?"

"Shimai..." (sister) nakita ko ang butil ng luhang kumawala sa kanyang mga mata, "tasuke te..." (help me). Tuluyang naglaho ang pulang kulay ng kanyang mga mata.

'Diko alam kung bakit naiintindihan ko ang sinasabi niya. Maybe dahil malapit na naming magawa ang kontratang ito.

"Eleiah Ultear Kim Amore, she will become you and you will become she," napalingon ako sa babaeng biglang nagsalita. Si Lumina.

'Diko siya agad napansin dahil na kay Tomoki ang aking mga mata kanina.

Nakababad rin ang kanyang kalahating katawan sa tubig at kagaya parin ng dati nakasuot parin siya ng kanyang balabal.

"Mag-uumpisa na tayo sa kontrata," nakaramdam ako saglit ng kaba nang banggitin niya ang salitang kontrata.

I swallowed the lump in my throat, "I'm ready," kahit na kinakabahan ako.

"Watashi mo junbi ga deki te iru," (I'm also ready). Tugon ni Tomoki na halatang 'di na siya makapaghihintay.

"Make your oath, Kim," ani ng mangkukulam.

"I, Kim Dwight, the reincarnation of the Goddess of the Last Hope, Eleiah Ultear Kim Amore, promising that whatever it takes I'll make those people who commits a crime upon the life of Tomoki Ascandelancé to pay the price. Regarding of that case that is the favor in return of possessing her body by making my own mission in her world."

"Arigatō gozai mashi ta," (Thank you). Maluha-luhang tugon ni Tomoki.

"Ito na ang kontrata," muli akong napatitig kay Lumina. Napansin kong may hawak na siyang mas malaking kopita kompara sa dalawang kopitang lumulutang sa aking harapan. May inilagay siyang mahika roon at isinandok ito sa tubig kung saan kami nakababad.

'Diko masyadong naiintindihan ang pinaggagawa niya. Hanggang sa narinig ko na ang sunod niyang sinabi, "Ipatak niyo ang unang butil ng dugong lalabas sa palapulsuhan ninyo sa kopitang hawak ko."

Without any thought, ay nakita kong kaagad kinagat ni Tomoki ang palapulsuhan niya at mabilis niyang ipinatak ang unang butil ng kanyang dugo na lumabas sa kanyang sugat sa kopitang hawak ni Lumina.

Mag-aalangan pa sana ako ngunit kinagat ko na rin ang aking palapulsuhan at ginawa rin ang ginawa ni Tomoki. Medyo mahapdi ang ginawa kong sugat pero kaagad rin itong naghilom.

"Kapag babaliin mo ang iyong pangako, Kim. Remember, the consequence already awaits," habang dahan-dahan niya 'yung isinalin sa dalawang lumulutang na kopita, "May masamang mangyayari sa orihinal mong katawan. Kagaya na lamang ng pagiging halimaw ni Tomoki habang nasa kanya ang katawan mo."

Napalunok ako saglit sa kanyang sinabi.

"Sa pag-inom niyo ng laman ng kopitang ito," ibinigay niya sa amin ang dalawang kopita, "Tuluyan nang mangyari ang bagay na inaasahan niyo," napatitig ako saglit sa hawak kong kopita. Lumalabas pa sa bunganga nito ang puting usok kagaya ng usok sa binababaran naming tubig, "Now, drink."

Dahan-dahan akong pumikit at nang dumampi ang aking labi rito ay naramdaman ko na ang likidong nanggagaling rito na dumaloy sa aking bibig. Tuluyan ko nang ibinuka ang aking bibig. Hanggang sa nalasahan ko na ang dugo at naramdaman ko ang pagguhit nito sa aking lalamunan.

Sunud-sunod na pumasok sa aking isipan ang mga alaala ni Tomoki. Tila lahat ng kanyang pinagdaanan ay tumatatak lahat sa aking isipan. Kung paano siya minamaltrato ng lahat. Kung paano siya pinapainom ng gamot(lason) araw-araw.

Sa pagmulat ko ng aking mga mata ay nakangiti na si Lumina, "Your mission starts now."

Magtatanong pa sana ako ngunit naglaho na silang dalawa sa tubig.

"Teka!" inilibot ko ang aking paningin habang malakas na ang kabog ng aking dibdib. No! This must be a trap!

"Hindi!" malakas ang aking sigaw habang ako'y nakapikit.

Parang umikot ang paningin at tila may humatak na pwersa sa aking kaluluwa.

*****

Dahan-dahan akong napamulat dahil sa sobrang sakit ng aking katawan. Para akong napasali sa bakbakan na 'di na makatayo.

Maingat kong iniangat ang aking kanang kamay at bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang makita kong nasa ibang katawan na ako.

Hindi ganito ang laki ng mga kamay ko.

Saka ko lang napagtanto na nagpalit na kami ng tuluyan ng katawan. I thought I was tricked by her!

Napaluha ako nang sumagi sa aking isipan ang isang pangyayari.

"Tomoki," nakatitig ako kay mother Therese, "Inumin mo ito. Makakatutulong ito sa katawan mo para madaling maayos ang pakiramdam mo." kita ko ang pagngisi nito nang tanggapin ko ang inabot niyang soup bowl.

"Maraming salamat po."

"Walang anuman." at tumalikod na ito at lumabas sa pintuan.

"Princess Tomoki," napalingon ako kay Ge Chen. Isang katiwala ko na halos kaedad ko lamang.

Lumuluha siyang nakatitig sa akin, "Don't drink that soup..." halos humagulhol na siya sa pag-iyak.

"Dōshite?" (Why?)

"Sa tingin ko isang lason iyan. Sa bawat pag-inom mo sa bagay na iyan---lalong lumalala ang karamdaman mo."

Tuluyan kong nabitawan ang soup bowl. Rinig na rinig ng dalawa kong tainga ang pagkawasak nito sa sahig at ang pagdanak ng laman nitong lason... sa sahig.

Kaya pala sa bawat pag-inom ko sa bagay na 'yun ay mas bumibigat ang pakiramdam ko. Bakit ang tatanga ko?

Naikimkim ko ang aking magkabilang palad. Tomoki Ascandelancé your stupidity is enough. For now, I'll make sure to make them suffer.




Gabi ngayon dahil nasa mundo ako ng bampira tiyak na gising lahat sila.

Nasa akin ang alaala ni Tomoki, and I think this is a great advantage against them. Madali akong makagawa ng plano kung paano ko sila paghihigantehan. Pero sa ngayon dapat 'diko muna po-problemahin ang bagay na 'yun.

Kailangan ko munang makabawi ng lakas, dahil sa lasong nanalaytay sa kaugatan ng katawan ni Tomoki ay nanghihina ako. Katawan niya ang mahina. Hindi ako!

Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at sinubukang tumayo. Halos matumba pa ako na tila 'diko magawang maibalanse ang aking katawan.

Shit!

Bigla nalang sumagi sa aking isipan ang nangyari sa akin noon dahil sa lintik na sumpang lason na 'yun!

Ganito rin ang nangyari sa akin. Na halos walang lakas para itayo ang sarili.

Huminga ako ng malalim, pumikit at bumuntong hininga. Mahigpit na nakahawak ang aking mga kamay sa aking kama. Napangiti ako saglit nang may maalala ako.

I'm immune with poison. Dahil sa kagat ni Hiro na ginawa sa akin noon. I was bitten by him twice. And I'm confident na madali lang akong makaka-recover sa kalagayang ito.

Sinubukan kong ihakbang nang maingat ang aking mga paa. Napabuga ako ng hangin nang maramdaman ko ang panginginig ng aking mga tuhod. Shit! I don't have any choice but to lie down again.

Muli akong bumalik sa kama at nag-isip ng mga bagay-bagay.

Tiningnan ko muli ang aking braso. Maputla ito...

Sa totoo lang naninibago ako sa aking katawan na ito.

Napatawa na lamang ako sa bagay na aking naisip. Imagine I'm already 24 years of age and now I'm possessing the body of a 15 years old girl. How fantastic!

Napahinto ako sa pag-iisip nang may marinig akong mga yabag patungo sa kuwartong ito.

Mabilis kong ipinikit ang aking mga mata. Nagpapanggap na tulog.

Rinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kuwartong ito. Maya-maya lang ay narinig ko ang boses niyang umiiyak.

"M---mahal na prinsesa---!" basag na ang kanyang boses na tila kanina pa niya pinipigilang umiyak, "Hwag niyo po---akong iwan!" Ge Chen, naramdaman ko ang paghawak niya sa aking mga kamay. Hinigpitan niya ang paghawak nito na tila ayaw na niyang bitawan.

Naisipan kong 'di muna kikibo baka may bagay pa siyang nais sabihin, "H---hindi po---ako nagkamali. Simula palang ay nilalason---na po kayo ni Therese. Ang bruhang 'yun sikreto talaga ang kulo!" ramdam ko ang panggigil niya sa pamamagitan ng kanyang pananalita.

Medyo napaluha ako dahil sa awa kay Tomoki. Even her own father treated her like a trash. And this two concubine trying also their best to make Tomoki's life as a living hell!

And her step sisters is always bullying her.

Kung ako na ang bubulihin nila. They will pay the damages!

"N---naririnig mo ba ako mahal na prinsesa?" medyo pabulong niyang tanong.

Hindi ako nakapagpigil pa sa aking emosyon. Hinatak ko ang kanyang mga kamay dahilan kaya siya napasubsob malapit sa aking leeg at mabilis ko siyang niyakap. Ramdam ko ang pagkagulat niya sa aking ginawa.

"Hwag kang mag-alala 'di pa kita iiwanan," hinagod ko ang kanyang likuran.

"Mahal na prinsesa?"

"Maghihiganti tayo, Ge Chen. Ipatitikim natin sa kanila kung paano maghigante ang mga mahihina!"

Ilang minuto kami sa posisyong 'yun at 'diko namalayan na nakatulog na pala kaming magkayakap.













Unti-unti kong naimulat ang aking mga mata nang mapansin kong wala na sa aking tabi si Ge Chen.

"Ge Chen?" mabilis akong napabangon at 'diko na nagawang pansinin pa ang paggaan na ng aking pakiramdam dahil bigla na lamang akong napatayo.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo, mahal na prinsesa?"

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siyang biglang pumasok na may bitbit na pagkain. Akala ko kung ano na?

"Maayos na ako, Ge Chen. Hwag kang mag-alala. See nakakatayo na ako!" binigyan ko siya ng matamis na ngiti at kinuha ko ang dala niyang pagkain at nilapag ito sa mesang meron sa kuwarto.

"Nakakapagtaka naman kung bakit bigla na lamang kayong gumaling..." tila 'di siya kumbinsido sa nakikita niya.

Sa kaloob-looban ko ay napangiti ako. Because this is not Tomoki anymore.

Gusto ko sanang sabihin 'yun pero gusto kong manatili muna 'yung sikreto.

"Let's just say I was given by another chance to live again. Hwag mo munang isipin ang bagay na 'yun. Ang mahalaga ay maayos na ako."

"Sana 'di na kayo magkasakit muli."

Ngumiti ako, "Not now. Not ever, Ge Chen."

Nag-usap kami tungkol sa mga bagay na kanyang nalaman. Ang sabi niya, narinig niya ang pag-uusap ni Therese at Bridgette. Ang dalawang concubine ng ama ni Tomoki. Pinag-uusapan lamang ng mga ito na sa araw na ito ay tiyak na wala na akong buhay since I am Tomoki. But sad say, Tomoki were now safe from their filthy hands.

Matapos niyang sabihin 'yun ay nagpaalam na rin siya. Wala na akong ibang ginawa kundi nag-agahan na lamang.

Matapos akong kumain ay napagdesisyunan kong lumabas sa silid. Tinungo ko ang parte ng mansyon kung saan matatagpuan ang silid-aklatan.

Sa ngayon kailangan ko munang pag-aralan kung ilang imperyo ang meron sa mundong ito. Dahil sa pagkaalala ko ay nabanggit ni Hiro sa akin ang kanyang imperyong kinabibilangan ang Ursua Zetharius. At ang palasyo naman nila ay ang Hephaesto.

Malapit na ako sa silid-aklatan nang may biglang humarang sa dadaanan ko.

"Tomoki..." sa kaloob-looban ko ay napa arko na nang bonggang-bongga ang kilay ko. How pity was Tomoki before, even their maids were trying to bully her. "Saan ka pupunta?"

Gusto kong ihampas sa mukha niya ang hawak niyang mga kubyertos para matauhan siya pero siyempre kailangan kong maging mukhang kaawa-awa sa harapan niya para mas thrilling.

Ganun 'yung nakikita ko sa mga palabas na sobrang gandang panoorin!

"S-sa silid aklatan," I said with a weak tone of voice. Of course! This revenge is for Tomoki. I need to act more convincing for her to think that I'm still a weak as before.

"Sa silid-aklatan? hmm..." may paturo-turo pa siya sa kanyang ibaba na animo'y nag-iisip. Sige! Mag-enjoy ka muna, "Mamaya ka muna pumunta ro'n. Ihatid mo muna ito sa may kusina," at iniabot niya sa akin ang mga kubyertos, "Tsaka hugasan mo na rin, okay?" I think she's just a seventeen years of age girl and dared to give some order with a princess.

"S--sige po," I respond and reached the tableware she handed.

Napangiti siya sa aking ginawa, "Good girl!" at hinimas-himas niya pa ang aking ulo. Animo'y isa akong utusang aso.

Tatalikod na sana siya pero mabilis pa sa kidlat na lumipad ang isang kubyertos at nawasak sa kanyang ulo.

Kita ko ang pagkagulat niya sa aking ginawa. Sabay-sabay na nagsilag-lagan ang mga hawak kong mga kubyertos sa sahig.

Lilingunin pa niya sana ako pero hawak ko na ang kanyang leeg at idinikit siya sa pader. Tuluyang nagningas ang aking mga mata. Kung nasa orihinal kong katawan siguro ako ay kakaiba ang kulay ng aking mga mata pero dahil nasa katawan ako ni Tomoki ay pula ang kulay nito.

Sinubukan niyang tanggalin ang mahigpit na pagkasakal ko sa kanya pero mas hinigpitan ko ito.

"I don't accept any orders from anyone. Next time, know the place where you should place yourself."

"Ack--!" Nang mapansin kong mawawalan na siya nang hininga ay ay saka ko lang siya binitawan.

Bumagsak siya sa sahig habang hinahabol ang hininga. Tuluyan na akong tumalikod at tinungo ang silid-aklatan.

Napangisi na lamang ako dahil sa aking ginawa. Umpisa pa lang iyon.












--- CypressinBlack ---

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

86.6K 2.6K 78
May mga taong nagsasabi na ang mga kapangyarihan o ano mang bagay na mayroong mahika ay impossible. Hindi niyo ba alam na ang salitang "Impossible" a...
8.6K 373 42
Sa mundong kinalakihan ko, hindi ko inaakalang may mundong magpapabago ng buhay ko. Kung sa ibang tao, yaman ang ipinamana nila sa mga anak nila, sa'...
1.6M 64.1K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
258K 6.9K 87
(COMPLETED) She's an orphan who was sent to the human realm at a young age with no recollection of who and what she is. She lived there for a few yea...