Diary ng Chubby [Published un...

Por Vanessa_Manunulat

705K 19.9K 2.3K

Mataba ako. Malaki ang tiyan ko pero hindi ako buntis. Kapag yumuko ako, hindi ko abot ang mga paa ko. Mataba... Mais

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
- Notice -
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
INDAY CHRONICLES LAST PART
INDAY CHRONICLES
THE ADVENTURE CONTINUES
Diary ng Chubby Books
WHOLE - Chapter 21
WHOLE - Chapter 22
WHOLE - Chapter 23
WHOLE - Chapter 24
WHOLE - Chapter 25
WHOLE - Chapter 26
WHOLE - Chapter 27
WHOLE - Chapter 28
WHOLE - Chapter 30
WHOLE - Chapter 31
Inday Chronicles 1
Inday Chronicles 2
Inday Chronicles 3
Inday Chronicles 4
Inday Chronicles 5
Inday Chronicles 6
Inday Chronicles 7
Inday Chronicles 8
Inday Chronicles 9
Inday Chronicles 10
Inday Chronicles 11
Inday Chronicles 12
Inday Chronicles 13
Inday Chronicles 14
Inday Chronicles 15
Inday Chronicles 16
Inday Chronicles 17
Inday Chronicles 18
Inday Chronicles 19
Inday Chronicles 20
Writer's Note and Teaser

WHOLE - Chapter 29

1.7K 99 1
Por Vanessa_Manunulat

CHAPTER 29

FAVORITE FOOD 25: Chicken Galantina!

FAQ 25: "May kumakasya pa bang damit sa 'yo?"

COMMON REPLY: "Oo naman!"

DEEP INSIDE: "WALA! 'KITA MO, NAKAHUBAD AKO!"

IMBIYERNA 25: Kapag lowered ang sasakyan, sa unahan ka pinapaupo ng driver. At kapag sumayad ang kotse sa "humps," umaatikabong "tsk-tsk-tsk" ang maririnig sa kanya, with matching pag-iling, habang nakatitig sa 'yo.

Private jet ang sinakyan namin at hindi dumaan sa immigration ang mga pasahero. Kung red tape o magic ang dahilan, lalong naging malinaw sa akin na malaki ang nagagawa ng salapi. Kaming dalawa ni Inday na walang visa, babalik na naman sa Europe. This time, sa Romania.

Sa biyahe, aligaga ako kasi si Octavio ang katabi ko. Si Gavril ay kasama ng mga kawal sa ibang eroplano. Nauna na sila. Marami-rami rin naman daw ang natira at marami pa raw na nauna na sa Romania. Babalik daw si Octavio sa palasyong minana sa mga magulang. Doon daw talaga siya dapat nakaistasyon pero dahil sa naging sitwasyon niya, napilitan siyang magpalipat-lipat sa loob ng napakahabang panahon.

Si Sir William ay tegi na. Nasentensiyahan daw ng kamatayan ni Octavio. Dapat lang. Marami pang iba ang nategi, habang ang iba naman ay nakatakas. Kunsabagay, mga extra lang naman ang mga 'yon. Ang mahalaga, wala na si Dmitri. Pero ang sinasabi ni Octavio, kahit kailan daw ay takaw-atensiyon ang kuwintas. Ang sabi ni Martin, wala daw nakakaalam ng tungkol sa kuwintas noon, pero ipinagkatiwala ni Octavio ang lihim at nalaman nga ni Dmitri.

Matagal ang biyahe at nakatulog ako. Nang magising ako ay nakalapag na kami. Private landing strip ang nilapagan namin at mula doon, tanaw ko ang mataas na palasyo. Mas malaki iyon kaysa sa palasyo noong nakaraan pero tulad din noon, malayo sa kabihasnan ang lugar na ito. Siguro ganoon talaga ang buhay ng isang bampira, kailangang malayo ka sa iba. Lalapit ka lang kapag sasagpangin mo na. Chos.

Nang makababa kami sa eroplano, napaismid ako nang makitang kasama sa sasalubong sa amin si Lucretia. Katabi ni Gavril. Ano ba talaga ang problema ng babaeng ito? Hindi naman siya kasama sa entourage, parati na lang nandoon? Hindi ba puwedeng tantanan na niya kahit ngayon lang? Nakakapeste eh.

Bumaba na kami ni Octavio sa eroplano. Inalalayan niya ako. Pasimple akong sumusulyap-sulyap kay Gavril. Mamaya na kami mag-e-LQ tungkol kay Lucretia. Pero ni hindi man lang tumitingin sa akin ng buwisit. O baka nakatingin, hindi ko lang kita kasi naka-shades. Ang cute ng mahal ko. Juice ko, parang ang hirap timpiin na takbuhin siya at yakapin. Ang gandang tanawin, lalo na at mahangin. Puwede kaming background ng videoke kapag tumakbo ako sa kanya at magyayakapan kami at magpapaikot-ikot sa... PUNYETA!!!

Parang gustong magdilim ng paningin ko! Nag-zero in ang paningin ko sa braso ni Lucretia na umabrisiete sa brasong akin lang! Akin lang ang braso ni Gavril! AKIN LANG! Tumaas-baba bigla ang dibdib ko sa inis, lalo na at mukhang walang balak si Gavril na lumayo sa harot. Pinipilit kong makipagtitigan kay Gavril pero ang hirap makipagtitigan sa taong may shades!

Hindi tulad noon, walang magbubuhat sa akin o kay Octavio papunta sa palasyo. Malakas na si Octavio at siya mismo ang bumuhat sa akin dahil nauna na si Gavril na buhatin si Lucretia! Juice ko, parang sinusuntok ang dibdib ko sa kaba at inis. Pero hindi ako dapat mag-react agad. Kailangan ko lang mapagsabihan itong si Gavril na sa susunod, wala na siyang ibang dapat buhatin kundi ako lang!

Nang makarating sa palasyo, nawala na si Gavril, may duties pa sigurong kailangang tapusin. Ihinatid ako ni Octavio sa kuwarto ko, kasama si Inday. Hindi ako mapakali. Gusto kong hanapin si Gavril at kausapin.

"Ma'am, ano bang problema? Bakit para kang pig na hindi mapaanak?"

"Shut up!" sigaw ko.

Mukhang natakot. Kahit ako, natakot. Napahawak ako sa ulo at umupo sa kama. Parang taon ang umandar bago sumapit ang gabi, kung saan talagang gumawa na ako ng paraan para makausap si Gavril. Hindi siya mahirap hanapin, nasa garden siya. Nakaupo siya sa bench, nakapatong ang mga braso sa hita. Off duty na siguro kasi nakalilis na ang uniporme pero hindi man lang ako naisip puntahan. Nakakainis lalo pero hindi dapat uminit ng ulo ko. "Gavril?"

"Yes?" tanong niya, hindi man lang tumingin sa akin.

"Puwede ba tayong mag-usap?"

"About what?"

About what?! About what?! Parang uusok ang ilong ko! "Ano'ng about what?"

"Alam ko na kung ano ang sasabihin mo." Tumayo siya, bumuntong-hininga. "I knew it the moment you looked at me earlier."

Naipon lahat ng mga salita sa bibig ko. Alam na niya? At ganito ang reaksiyon niya? Kung nabasa niya sa mukha ko kanina kung gaano katindi ko siya gustong kausapin, bakit parang siya pa ang masama ang loob?

Still, nagdesisyon akong magpakahinahon. "May problema ba?"

"No. No problem at all. We'll just have to carry on as before. I have talked to the king about this and I told him about me and Lucretia. He even suggested that maybe I should ask her hand in marriage."

Wait lang. Wait lang! Huminga ako ng malalim kasi parang hindi ko na-gets. Matagal bago ako nakapagsalitang muli. "Sinabi mo kay Octavio ang tungkol sa inyo ni Lucretia kaya sinabi niyang magpakasal na kayong dalawa?"

Nagkibit-balikat siya. "Well, it's the natural thing to do, and I agree."

"Ah, okay. Maganda naman. Maganda 'yan." May mga pagkakataong lumalabas ang isang side ng pagkatao kong hindi ko alam na taglay ko pala. Ang loob-loob ko, nagkaroon na ng People Power at nagrebolusyon na ang mga lamang-loob, pero sa panglabas, kalmado ako. In fact, nagawa ko pang ngumiti. "Congratulations, Gavril."

"And all the best to you."

Tumango siya nang bahagya, tumango rin ako, saka pumihit. Pakiramdam ko, naglalakad ako sa ilalim ng dagat, mabigat ang bawat hakbang, ang emosyon ay na-shock. Patuloy lang akong naglakad nang naglakad hanggang sa makabalik sa kuwarto. Naupo ako sa kutson ng kama, tulala.

Napakaraming mga isipin ang nagsalit-salit sa isip ko, wala ni isang matino o may sapat na haba para mapagtuunan ko ng atensiyon. Parang naging compilation ng mga video clips ang isip ko. Funny, I didn't feel anything. Naghintay ako, pumailanlang sa isip ko ang linya ng ilang mga kanta, kasabay ng mga eksenang ilang ulit kong pinangarap para sa amin ni Gavril. Lahat panandalian lang sa isip ko, parang radyo kapag naghahanap ka ng istasyon at walang matiyempuhang magandang kanta.

Mayamaya, kalmado kong kinuha ang diary at natagpuan ang sariling nagdo-drawing. Naalala ko ang mga manga ng mga pamangkin ko, ang mga comics nila. Sige ako sa drawing at doodle, parang wala sa sarili. Hindi pa nagtagal, taas-baba na ang dibdib ko, halos mabutas ang papel sa pagdo-drawing at pagsusulat. Hindi pa sana ako titigil kung hindi ako nakarating sa huling page. Maliit na lang ang space na natitira, eksakto na lang para sa isang sentence na tatapos at magsasara ng diary.

Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko at nagsulat ng closing sentence, saka isinara ang diary. Ubos na ang mga pahina at tapos na rin ang love story namin ni Gavril. Nahiga ako. Ayaw pa ring dumating ng mga luha. Hanggang sa makatulog na akong umaapaw ang sama ng loob. I hate Gavril. I hate him so much.

Nang maalimpungatan ako, may malamig na kamay sa leeg ko. Agad akong nagmulat at nakatitigan si Angelita.

"Well, hello there, cousin."

"Yawa ka!"

Napalingon ako at nakitang sa kuwarto ko pala natulog si Inday, sa sofa. May hawak siyang patalim. Hindi na ako nagtaka. Si Inday ang tipong laging handa.

"Paano ka nakapasok dito?" tanong ko kay Angelita.

"Paano pa, eh, di nilandi siguro ang mga bantay!" sigaw ni Inday.

Bumukas na ang pintuan ng kuwarto. Nandoon sina Octavio at Gavril, kasama ang iba pa. Pero sa puntong iyon, nagawa na akong kaladkarin patayo ni Angelita. Nasa likod ko siya, ang likod niya ay nasa pader. "Well, well, if it isn't the king and the gallant knight!"

"Let her go," sabi ni Octavio.

"Not until you give me the gem!"

Wala pang split-second at ni hindi ko alam kung paano nangyari, mula kay Angelita, napunta na ako kay Octavio. Hawak na ako ni Octavio at si Gavril, hawak na ang mga braso ng pinsan kong demonyita.

"Let me go, jerk!" sigaw ng bruha.

"You are but a young vampire. You know nothing of our ways," si Octavio. "But you trespassed. And you shall pay the price of threatening Yuli."

"Ano ba ang special sa babaeng 'yan bukod sa nakapatay ng draugr?! She's a fucking loser, you morons! She's always been!"

"What shall we do to her, Your Majesty?" tanong ni Gavril, hindi tumitingin sa akin.

"My Lady? What shall we do to your cousin?" si Octavio.

Ito ang mahirap. Madaling sabihing itegi na lang si Angelita pero pinsan ko pa rin siya. Kahit naging handa siyang patayin ako, hindi ko kayang ganoon din ang gawin sa kanya. Kaso, kung palalayain naman ang bruha, baka maisipan pang balikan ako. Napatingin ako kay Inday.

"Kalusin na ang yawa!" Matigas ang loob ng sidekick ko. "Ma'am, hindi 'yan magdadalawang-isip na tapusin tayong dalawa! Muntik na tayong nategi diyan, many times!"

"Shut up!" sigaw ni Angelita.

"Octavio, hindi ko alam kung ano ang magandang parusa sa kanya. Ano ba ang choices?" Parang hindi ko rin kayang ipakulong si Angelita. Pinsan ko pa rin eh. Isa pa, paano siya dadalawin ng mga tiyahin ko?

"We can let her go but she will have to remember to stay away or a whole army of vampires shall look for her until the end of time. She would have to live forever in hiding if she attempts something like this again."

"Fine! Let me go, Gavril!" singhal ni Angelita. Pinakawalan siya ni Gavril. Nagbigay-daan ang mga kawal para makadaan ang bruha papunta sa bintana. Pero bigla niyang inilabas ang isang patalim at na-fast forward na naman ang eksena. Ang alam ko lang, may gurlis akong naramdaman sa braso ko. May humigit sa akin at nang tumigil ang mabibilis na galaw sa kuwarto, yakap na ako ni Gavril at nagdurugo ang braso ko.

"G-Gavril..." bulong ko.

Pinakawalan niya ako, hindi tumingin sa akin, kundi kay Angelita na bumagsak sa sahig, may nakabaon na espada sa dibdib. Napanganga ako nang unti-unting naging abo ang pinsan ko.

"Malandi man daw at magaling, nagiging abo rin..." sambit ni Inday, nag-antanda.

Hindi ako nakapagsalita. Kasalanan ni Angelita. Ebidensiya ang nagdurugo pa ring laslas sa braso ko. Pero nakakatulalang makita si Angelita sa sahig, abo na.

Para akong natauhan mayamaya, sabay tingin kay Octavio. "Shet... lagot ako. Paano ko ipapaliwanag ito sa tiyahin ko?"

"I will arrange for papers and other things you can show them. Meanwhile..." Inabot niya ang kamay ko, saka inilapat sa bandang dibdib niya ang bahaging nalaslas, nandoon siguro ang Gem of Life. Mabilis nagsara ang sugat. "Are you all right?"

Si Gavril ang gusto kong umalo sa akin, ang magsabi sa aking magiging maayos ang lahat, ang yumakap sa akin. Pero kay Octavio lang ako nakatingin. "Yes. Thank you. I would like to rest now, Octavio.

"Of course."

"Kukuha akong walis!" si Inday.

Lumabas ang mga tauhan, ni hindi ako sumulyap pa kay Gavril. Napaupo ako sa kama, tumingin sa abo sa marmol na sahig. Pumasok na rin si Inday mayamaya, winalis si Angelita, pasipol-sipol pa. "Nabawasan din ang malandi sa mundo."

"Inday, pinsan ko pa rin 'yang winawalis mo."

"Hindi ako naiiyak, Ma'am. Kahit kailan naman, walang 'ya 'tong pinsan ninyo. Mabuti nga nategi na."

Hindi rin ako maiyak. Masama ba akong tao? Pero ginusto akong patayin ni Angelita. Sa totoo lang, wala akong maramdaman kundi panghihinayang at awa sa mga tiyahin ko. Mabigat ang loob ko hindi para kay Angelita. Kundi para sa naglahong "something" namin ni Gavril.

"Luksa-luksa rin 'pag may time," monologue ni Inday habang inilalagay sa isang garapon ng malaking Nutella ang abo.

"Inday, 'wag diyan!"

"'Wag kayong mag-alala, Ma'am, wala nang laman ito. Walang masasayang na chocolate."

"Hindi 'yon! Ilagay mo naman sa porselanang lalagyan! Tao pa rin 'yan! Pinsan ko 'yan!"

"Porselana? Mahirap tibagin 'yong inidoro, Ma'am. Doon lang bagay itong bruhang ito, eh! Hindi n'yo ba naisip na ginusto kayong ipa-rape at ipapatay ng bits na ito? Tama na dito, Ma'am. Pahiram ng pentel pen." Kumuha siya noon sa drawer, saka naupo sa tabi ko, hawak ang punong garapon. Sinulat niya: Bawal kainin ito, malansa.

Napatulala na naman ako saka parang nabaliw. Halong iyak-tawa ang ginawa ko. Lord, anyare sa buhay ko?

Continuar a ler

Também vai Gostar

354K 10.2K 31
Sapat na ba ang salitang MAGKAPATID tayo kahit hindi talaga tayo magkapatid para layuan kita? Kailangan kong lumayo para hindi ka na madamay pa. Hind...
110K 5.2K 46
Condemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. ...
45.9K 524 27
WARNING: R-18 [NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS] Nathan Williamson. Inside the Campus of George University, you'd think he's a cold person, he was so o...
469K 14K 42
I am a knight with no shining armour. A knight with vow to protect the royal family with my own life. But when a princess came, my purpose has gone...