SERENDIPITY || The Adventures...

By KimSeungHae

966 45 260

"The proverbs was wrong.. the Skies wasn't always the limit." || Angel, Steph and Jerra, common adolescents... More

Prologue
CHAPTER 1 - BEGUN
CHAPTER 2 - HER
CHAPTER 3 - FIRST DAY
CHAPTER 4 - TRY
CHAPTER 5 - APART
CHAPTER 6 - INCHEON
CHAPTER 7 - ADVENTURE
CHAPTER 8 - HE'S INTO HIM?
CHAPTER 9 - READY
CHAPTER 10 - SEMBREAK
CHAPTER 11 - THE SINGING CONTEST
CHAPTER 12 - NIGHTMARES
CHAPTER 13 - TROUBLE
CHAPTER 14 - TOGETHER
CHAPTER 15 - HELP
CHAPTER 16 - AGAIN
CHAPTER 17 - SHAMANS
CHAPTER 19 - FOR NOW
CHAPTER 20 - CALICO
CHAPTER 21 - LIE
CHAPTER 22 - TOO FAST
CHAPTER 23 - ANGEL
CHAPTER 24 - NAMSAN TOWER
CHAPTER 25 - WHO ARE YOU?
CHAPTER 26: Part 1 - SPIRITS
CHAPTER 26: Part 2 -SUSPICIONS
CHAPTER 26: Part 3 - OVER
CHAPTER 27 : Part 1 - NAMI ISLAND
CHAPTER 27: Part 2 - YOU
CHAPTER 27: Part 3 - STAY
CHAPTER 28: Part 1 - AMERICA
CHAPTER 28: Part 2 - DEJA VU
CHAPTER 28: Part 3 - FOUND IT
CHAPTER 29: Part 1 - JEJU
CHAPTER 29: Part 2 - MOON
CHAPTER 29: Part 3 - PAST
CHAPTER 30: Part 1 - MULI
CHAPTER 30: Part 2 - AMOR
CHAPTER 30: Part 3 - EVERYTHING
CHAPTER 30: Part 4 - 사랑해
CHAPTER 30: Part 5 - 2:25
FINAL CHAPTER - SERENDIPITY

CHAPTER 18 - ATLEAST

22 1 11
By KimSeungHae

Angel's P.O.V.

Mahimbing akong natutulog nang maalimpungatan ako sa patuloy na pangangalabit ng isang babae na nasa tabi ko. Napaling ang tingin ko sa bintana at nakita kong wala pa namang araw na sumisikat at tanging ilaw lamang na nagmumula sa isang lampshade na nasa lamesita ang napapaliwanag sa buong kwarto.

"Ano ba yun?" Inaantok ko pang tanong kay Jerra na ngayon ay nakatulala at nakatingin sa isang bahagi ng kwarto habang patuloy parin ang pangangalabit sa akin.

"N-N-N-Na-Nap-Nap-Saeng" Pautal-utal nitong sambit na di ko mawari kung ano bang gusto niyang sabihin.

Ano daw?Napsaeng? Kaya naman napatingin ako sa kung saan kanina pa tanaw-tanaw ni Jerra. Biglang nagising ang diwa ko at nanlaki ang mga mata ko kung ano ang nilalang na nasa harapan ko.

Isa ngang NAPSAENG!!

"AHHHHHHHHHHHHHHH!!" Sigaw ko sa sobrang takot na nagpagising kay Steph.

Nagulat din siya ng makita ito at dahil doon ay dali-dali kaming tatlo na pumunta sa isang gilid ng kwarto at nagsiksikan dahil sa takot. Hindi na namin nasubukan pang lumabas ng kwarto dahil nakaharang ito sa pinto.

"S-So? G-Guys, a-ano na?" Sabi ni Jerra na bakas sa mukha ang labis na takot.

Wala namang imik si Steph dahil narin sa takot at gayundin maging ako. Bigla namang sumagi sa utak ko yung 'tiger totem' na binigay samin ni Shaman Baek. Tama! Magagamit ko yun ngayon!

Nalagay ko ang akin sa loob ng drawer ng lamesita kaya naman napag-isipan kong agad na kunin yon. Madali akong nakapunta sa lamesita at nakuha ang tiger totem sa loob, pero kasabay ng pagdampot ko totem ay siya ring pagkumpas ng kamay ng napsaeng na nasa harapan namin dahilan para mabitawan ko ang totem at matumba at mapaupo ako sa gilid ng lamesita.

"ANGEEELL!!" Narinig kong magkasabay at nag-aalalang sigaw nila Steph at Jerra.

Nanlilisik at kulay pulang liwanag ang inilalabas ng mga mata ng napsaeng na ito na para bang takam na takam siya sa enerhiya ng wooden necklace na suot-suot ko ngayon.

Tila nagslow-motion ang mga nangyayari sa paligid. Hindi ko na alam ang mga susunod kong gagawin sa oras na iyon, dahil nabato na ako sa kinalalagyan ko at hindi ko na rin alam kung nasan tumilapon yung tiger totem ko kaya naman wala na akong magawa kundi tignan nalang ang napsaeng na unti-unting lumalapit sa akin na kahit anumang sandali ngayon ay pwedeng-pwede na akong saktan.

Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at iniluwa nito ang isang lalake. Agad itong pumunta sa akin at niyakap niya ako habang hindi ko parin maialis ang mga mata ko sa napsaeng na nasa harapan ko. Kasabay ng pagyakap ng lalaking iyon sa akin ay itinaas niya ang kanyang kamay na may hawak na isa ring tiger totem. Ilang segundo lang ang nagdaan at nagliwanag ang totem dahilan upang umalis at maitaboy nitl ang napsaeng na gutom na gutom sa enerhiya.

Nang wala na ang napsaeng ay dahan-dahan na kumalas ang lalaking ito mula sa pagkakayakap sa akin at nang tumama sa kanyang mukha ang liwanag ng lampshade ay nakilala ko na kung sino siya...

Si Jimin.

"A-Are you okay?" Jimin said while gasping for air.

"Y-Yes." Tugon ko sa kanya kasabay ng pagtango habang gulat na gulat pa din sa mga nangyari.

Inalalayan ako ni Jimin na makaupo sa kama habang si Jerra at Steph naman ay tumayo na rin sa kinalalagyan nila kasabay noon ay ang pagbukas ni Steph ang ilaw.

"Kukuha ako ng tubig." Pagvolunteer ni Jerra at lumabas na ito ng kwarto.

"Are you sure? Are you really not hurt?" Nag-aalala muling tanong nj Jimin.

"No.. No.. I'm fine." Sambit ko sabay pakawala ng isang tensed na ngiti.

Ilang saglit mula nang makalabas si Jerra ay bigla muling bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mga lalaking nakapantulog at halatang antok na antok pa.

"W-What happened here?" Nag-aalalang tanong ni Jin.

"Yes. We heard someone screamed a while ago." Dag-dag pa ni Namjoon.

"Napsaeng." Medyo hinihingal na tugon naman ni Steph na mabilis parin siguro ang tibok ng puso dahil sa kaba.

"Really? Sesang-ae( Oh my God.)" Narinig ko namang sabi ni Taehyung habang nasa paanan nito si Yeontan na mukang nakikiusyoso din sa mga pangyayari.

Nakita ko namang nabigla at nag-aalalala din ang mga reaksyon ng ibang mga members dahil sa nangyari ngayon. Habang si Jimin naman na nasa tabi ko ay nakatingin pa din sa akin at nakahawak ngayon ang kamay niya sa wrist ko. Maya-maya pa ay muling bumukas ang pinto at siya namang pumasok si Jerra na may dala-dalang isang basong tubig. Iniabot niya sakin ito at saka ko naman ininom. Pumunta naman si Steph sa kabilang gilid ko at hinimas-himas ang likod ko.

"A-Angel?" Jungkook called.

"Yes?" Tugon ko naman sa kanya sabay lapag ng baso sa lamesita.

"W-What does it look like?" Medyo natatakot and at the same time curious na tanong ni Jungkook. Hindi naman nagreact ang ibang members at tila hinihintay din nila ang mga susunod kong sasabihin.

Bigla namang bumalik sa isipan ko yung itsura ng monster na napsaeng na yon. Wala itong paa at para lang itong isang itim na usok. Alam niyo ba yung dementor sa Harry Potter? Yes! Parang ganoon ang itsura niya pero ang kinaibahan lang ay itim na itim ito at di katulad ng isang dementor ay wala itong bunganga at tanging kulay pula at nanlilisik na mata lamang ang meron ito. Matatalas din ang mga kuko ng kamay nito na sa tingin ko ay kayang pumunit at tumagos sa kalamnan ng isang tao. Since suot ko ang kwintas ay pwede niya akong masaktan dahil para katulad na din ako ng isang normal na tao na may tunay na buto at laman at hindi parin ako magiging ligtas kahit na hubarin ko ang reumdulhan dahil parehas pa rin kaming spirits at sa tingin ko ay magagawa niya parin akong masaktan. Grabe nakakakilabot talaga!

"It's just.. scary." Ang tanging tugon ko na lamang dahil di ko kayang i-describe pa ang itsura ng napsaeng na iyon dahil mas lalong nagflaflashback sa akin ang over all appearance nito. Which gives me goosebumps.

"Good thing that Jimin came right away before that napsaeng do anything bad to you." Jungkook said.

"I was alarmed when I heard her scream, I don't know why but that time I just felt that I should bring my tiger totem and my instincts were right."  Jimin said while still looking at me.

"Ohhhh." Taehyung said with amazement.

"But wait? You heard her scream and go to her room right away? Aren't you sleeping? What's the reason?" Hoseok questioned him.

"Yah! Hyung! The better question is.. WHO's the reason.." Taehyung said na parang may gustong ipahiwatig sa mga sinabi niya kasabay naman noon ay ang pagtingin nilang lahat saakin.

"YIEEEEEEEEE!!" Sabay-sabay nilang pang-aasar kay Jimin. Wawa naman si chimchim ko. Hayss.

"My knight and shining armor, my one and only protector. Save me.." Jin said na boses pang-babae.

"Don'tya worreh my princess, your mighty prince has arrived." Pagsali din ni Jungkook sa mini role play ni Jin habang ang ibang members naman ay tawa-tawa sa tabi nila while si Jimin at ako ay pulang-pula na sa sobrang hiya. Graveness!

"Really guys? Joking at this very moment? This is a serious matter to gag about. And don't you remember that Angel understands every word that we say?" Singhal naman ni Namjoon sa kanila. And he's being a father to them sa pagkakataong ito. Yarwe kayo sa papa niyo! Haha!

"Ow.. The necklace.. I see.." Jungkook said while scratching his head dahil for a moment nakalimutan niya.. specifically nilang dalawa ni Jin, na naiintindihan ko nga pala sila.

Nakita ko naman ang reaction ng mga member at natigilan din sila sa isang gilid na para bang sinermonan talaga sila ng tatay nila. Pero kahit ganon ang cu-cute parin nila. Uwuu! Para silang mga tuta!! Ihhhhhh! Lika nga kayo dito! Titirisin ko kayo nanggigigil ako ha! Chos! Haha!

Daming dama.

Pagkatapos noon ay lumabas na nga sila ng tuluyan at napagpasyahang ipagpatuloy ang naudlot nilang pagtulog dahil sa nangyari kanina.

"A-Are you sure that you're okay now? Aren't you afraid here?" Jimin said na halatang nag-aalalala parin.

"Yes. I'm fine." Matipid ko nalang na sagot dahil alam kong pag pinahaba ko pa ito ay baka di niya na maintindihan.

"Okay. But just don't forget to put this here everytime you go to sleep." Sambit muli ni Jimin kasabay ng pagpatong ng tiger totem ko sa lamesita at sinuklian ko nalang siya ng pagtango at isang ngiti.

"I'll go now." Sabi ni Jimin sabay tayo at pumunta na ito sa pintuan.

"G-Goodnight.." Medyo nahihiyang hirit pa nito na may kasamang ngiti bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Napabuntong-hininga nalang ako nang makalabas siya at nang mapaling ko ang tingin ko sa isang bahagi ng kwarto ay nandoon sila Steph at Jerra na nakatingin sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas at silang dalawa naman ang nagtinginan. Oh noes. Parang alam ko na gagawin nitong mga to ah.

"AHH-- " Natigilan nilang pagtili nang pigilan ko sila at takpan ang mga bibig nila.

Hayss. Sabi na eh.

"Wha-What happened?" Gulat na tanong ni Jimin na muling napapunta sa kwarto dahil narinig siguro ang sandaling pagtili nila Steph at Jerra.

"Nothing." Sagot ko sakanya sabay ngiti.

Napatango nalang si Jimin sa akin at napabuntong-hininga ito bago lumabas ng kwarto na tila nagrelease ng kaba. Nakakaloka kasi tong mga animal na to eh, nasisitress tuloy yung  abs este si Jimin dahil sa mga kabalbalan niyo. Di pa nga siya ata nakakatulog tas nenerbyosin niyo na naman siya. Graveness!

Nang makalabas na nga si Jimin ay dahan-dahan kong itinapat ang ulo ko kanila Steph at Jerra at matalim ko silang tinignan.

"Ang iingay niyo kase eh! Yan tuloy!" Halos pabulong kong singhal sa kanilang dalawa nk Jerra.

"Ah ganun ba.. okay.." Sabat ni Steph sabay tingin ulit kay Jerra.

"ahhhhh.." Pabulong na tili nilang dalawa na ikinatawa ko nalang kasi muka silang mga siraulo ngayon. Magkasundong panget. Haha!

Ewan ko ba kung ba't ko sila naging kaibigan eh, ang ganda ko naman tas nasama ako sa kanila. Bakit kaya? Hayss..

Pero sa totoo lang kung wala din siguro ang bangtan ngayon baka hindi ko rin makikila ang dalawang bruhang toh. Kaya isa na rin yon sa ipinagpapasalamat ko sa bangtan, na dahil sa kanila naging magkakaibigan ang tatlong pokpok. Haha!

"Whatever! Tama na yan muka na kayong tanga dyan, ayos mukha guys. Jusko. Matulog na nga tayo alas tres y media palang oh." Singhal ko sa kanilang dalawa at kasabay noon ang paghiga ko sa kama.

"Wehh.. Kinikilig kalang--"

"Blablabla! TULOG NA!" Pagbara ko sa kanila sabay talikod sa kanila at pikit ng mata.

Narinig ko namang mahinang nagtawanan lang sila nila ni Steph. Hindi ko naman na ito pinansin at di na ako gaanong naggagagalaw sa kinalalagyan ko dahilan upang unti-unting bumagsak ang mga mata ko.

———————————————————————————

Nagising ako kinaumagahan sa isang pamilyar na amoy na sobrang sarap na siyang nagpatakam sa bibig at nagpagising sa aking diwa. Teka? Anong nga ulit tong amoy na to? Yes! Right! Korean Pork Belly or as what they call here Samgyeopsal. Kasabay naman ng paglanghap ko sa napakabangong amoy ng samgyeopsal ang pagkaalala ko sa isang lalaki..

Jihyung.

Ano kayang ginagawa niya ngayon? Kamusta na kaya siya? Wala na kong alam balita tungkol sa kanya since mangyari samin to, alam ko it's a couple of days palang naman pero diba isa parin siya sa naging unang malapit sa aming tatlo ng pumasok kami sa H.E.R.. Hayss. I hope he's okay. Buti nalang talaga at sinabi naming magbabakasyon kami kung hindi baka nag-aalala na rin yun ngayon. Shocks! Oo nga! Pinangakuan ko nga pala siya na pagbalik namin galing nga sa "bakasyon" ay ililibre namin siya ng samgyeopsal tas magkakaraoke pa kami.. pero hindi ko na alam kung matutupad pa ba namin yun, kung matutupad ko pa yun.

Anyways, ginising ko na rin sila Jerra at Steph na parang tahong at kawayan na nakapulupot sa isa't isa ngayon habang natutulog. Wala naman nang malisya sa amin ni Jerra na yakapin kami ni Steph or what kasi alam naman na namin noon pa man na kung ano siya.. kung sino talaga siya.. isang kabahagi ng pederasyon. Chos! Haha! Love'ya Steph. Aaaaand! Ayon na nga at binaklas ko na silang dalawa mula sa pagkakakapit sa isa't isa at niyugyog ko sila ng todo para samahan na nila akong bumangon at bumaba na. Pagbaba namin ay naabutan namin ang mga nakakatandang members ng bangtan or what we ARMYs call, the hyung line na nasa baba. Nanunuod ng TV si Namjoon at Hoseok habang nagkakape nandoon din naman si Yoongi pero mukhang inaantok parin ito at mukhang nakatulog na sa couch. And well, Jerra.. as a certified pokpok ay pasimpleng tinabihan nga ang natutulog na si Yoongi. Then inusog niya ang katawan niya malapit dito at iniangat niya ang nakapatong na ulo ni Yoongi sa sofa at isinandal yon sa balikat niya and since tulog mantika nga si MIN YOON GI, ay hindi parin ito nagigising. Nakita ko namang napangiti at  natawa nalang sina Hoseok at Namjoon sa mga pinaggagagawa ni Jerra kay "SUGAr babe" niya.

Ang feeling close ni Jerra lalo na ngayon sa bangtan and especially kay Yoongi samantalang di naman yan ganoon dati yan sakin nung una kaming nagkakilala nung second year highschool, well I can't blame her.. Kahit sino namang ARMY ang ilagay mo sa sitwasyon niya ngayon, ganon at ganon din ang gagawin eh. Graveness! Ang aga-aga pero buhay na buhay ang dugo ng kapokpokan kay Ms.Villaforte.

"Woahh.. The smell makes my mouth water." Jin said habang nilalanghap yung usok mula sa korean pork na niluluto niya.

"Come on now guys, breakfast is ready." Sabi muli ni Jin kasabay ng pagserve niya ng pagkain sa lamesa.

Agad naman kaming nagsipunta nila Namjoon, Hoseok at Steph sa lamesa para na nga mag-almusal.

"Oh!!" Yoongi said  na gulat-gulat dahil sa pagkakasandal niya kay Jerra.

"Good morni-- ahh! I mean.. jo-eun a-chim,jaljasseo? (Good Morning, Did you sleep well?)" Sambit ni Jerra ng kaunting korean words na alam niya.

"Y-Yae." Yoongi said with a bit of shyness.

Nang sabihin na iyon ni Yoongi ay bahagya itong nagdali-dali na makapunta at umupo kasama namin nila Steph.

"Oh! Wait a sec. I'll just call the others." Sabi ni Jin.

"Ahh.. No it's okay, I'll do it." Pagvovolunteer ko na naman.

Natigilan lang ng sandali si Jin at ibinaling niya naman ang mga mata niya kay Namjoon at tila sinesenyasan niya ito na i-translate sa kanya kung ano yung mga sinabi ko.

"Oh! She said that she'll be the one to call the other boys." Explain ni Namjoon sa kanya.

[A/N : Kaya naiintindihan ni Angel si Jin ay dahil meron siyang wooden necklace or reumdulhan which technically translates the words na sinasabi ng kausap niya into english. Got it? Basta ganern.]

And noong matranslate na nga iyon ni Namjoon kay Jin ay bumalik na siyang muli sa pagkakaupo habang ako naman ay tumayo at umakyat sa taas. Since sabi ni Jin na magkakatabi lang naman ng kwarto sila Taehyung, Jungkook at Jimin ay sunod-sunod ko nalang silang kakatukin at pababain para kumain. Sinimulan ko na sa pinakabungad, sa kwarto ni Taehyungie. Pagkatok ko ay agad naman niya akong sinagot na baba na siya at nagsusuklay lang kaya naman umusad na ko sa susunod na pinto, ang kwarto naman ni Jungkook. Kakatok pa lang sana ako kaso bigla namang bumukas ang pinto at inilahad nito sa akin ang isang lalaking mukhang kakagising lang at nakawhite t-shirt habang nakapants parin siya napantulog. I can't deny, ang cute parin jungkookie kahit na bagong gising lang siya. Alam mo yung parang ang fresh niya paring tignan. Di kagaya ko na mukhang sinakluban ng langit at lupa at parang pugad ang buhok kapag bumangon sa kama. Graveness!

"Jaljaseo?(Did you sleep well?)" Bati ko sa kanya.

"Nae." Jungkook answered sabay ngiti ngunit mukang inaantok parin siya.

"Join your hyungs downstairs, they're having their meal now." Sabi ko sa kanya na mukhang naintindihan niya naman kahit papaano kaya naman sinuklian niya akk ng isang ngiti at pagtango sabay alis.

And then umusad na nga ako muli sa susunod na kwarto.. sa kwarto ni Jimin.

Hindi ko talaga alam kung bakit habang papalapit ng papalapit ang mga hakbang ko sa kwarto niya mas bumibilis ang tibok ng puso ko na tila sasabog na sobrang kaba. Shet, para akong nasa isang scene ng horror movie tapos eto na yung part kung saan bubuksan nung cast yung isang bakanteng kwarto tapos may bubulaga sa kanya kung anong multo or something. Wahhh! Juiceko! Shut it off Angel! Gumagana na naman yang wild imagination mo! Stop it.

Tuluyan na nga akong nakalapit sa pinto ng kwarto ni Jimin at doon ko lang narealize na nakasiwang pala ito. Hmm.. Lumabas kaya siya?

Out of curiosity ay pumasok na lang ako sa kwarto niya. I don't know pero parang may pwersang kusang nagpapagalaw sa katawan ko ngayon at pilit akong pinapapasok sa loob ng kwarto niya. Tinatawag ko si Jimin habang unti-unting lumalakad sa kwarto niya pero walang sumasagot. Nang makaabot na ko sa bandang kama niya ay siya ko lang naconfirm na wala nga talaga siya sa kwarto niya. Kaya naman napagpasyahan kong lumabas na lang dahil baka nandoon na siya at nauna na saken.

Akma na akong pupunta sa pinto ng bigla akong mabunggo ng isang lalake na basa ang katawan at naging dahilan para matilamsikan ako ng kaunting tubig.

Nang makita ko ng tuluyan ang mukha niya ay nanlaki ang mata ko kung sino siya. Ang lalaking kanina ko pa hinahanap..

Jimin.

Mas lalo akong nabigla ng makita kong topless siya. Juiceko! Graveness na this! Parang pangatlong beses ko na ata siyang nakitang nakahubad! Mukang hindi pa nakuntento ang tadhana at mas lalo kaming pinaglaruan nang ilang segundo lang matapos kaming magkabanggaan ay nalaglag din naman ang towel na ipinangtapis niya sa kanyang lower body. I'm literally dead, 3000 times over! Ahckkkk!

Mga 0.2 seconds kong naibaba ang mata ko doon sa ti-- ahh basta alam niyo na yun! And then after that napatakip ako ng mata.

Sumilip ako ng bahagya sa pagkakatabon mg kamay ko sa aking mga mata at nakita kong inaayos na muli ni Jimin ang tapis niya pero nanatili paring nakatakip ang mga palad ko sa mga mata ko.

"Breakfast is ready, come downstairs." Paspasan kong sinabi kay Jimin habang nakatakip pa rin ang mga mata at matapos nun lakad-takbo akong umalis sa kwarto ni Jimin sa sobrang kahihiyan.

Hindi ko na nalingon si Jimin dahil tuloy-tuloy lang ang usad ko hanggang sa tuluyan na nga akong makababa and then umupo na ako sa tabi ni Steph.

Juiceko! Yes.. Oo.. Hindi ito yung first time ko na nakita siyang nakahubad and lalong lalo nang hindi rin ito ang first time ko na makita yung ano nya.. yung ano.. yung.. ahhhh!! Basta yon. Pero guys, promise! Iba talaga ang feeling kapag live na live mong nakita at alam niyang nakita mo yung ano niya. Ahckkk! Hindi ko na kaya to! Nag-iinit yung katawan ko. Oh my Gosh Angel, calm yourself. Woooh!

"Huy! Angel!" Pagtawag ni Steph sa atensyon ko.

"H-Hah? Baket?" Tugon ko naman sa kanya nang magising ang diwa ko.

"Hay nako.. I was just asking you kung bakit hindi pa bumababa si Jimin dahil siya na lang ang hindi pa nakakain ng almusal." Paliwanag saken ni Steph.

"Hah? Eh.. Ano.. Uhm.. Pinababa ko na, susunod na rin yun." Kinakabahan kong tanong dahil hindi parin lubos na mawala sa isipan ko yung nakita ko kanina. Graveness! Sariwang-sariwa pa ang image noon sa utak ko. Ahckk!

Ilang segundo lang mula nang matapos kong sabihin iyon ay kasabay naman ang pagbaba ni Jimin mula sa hagdan. Para akong nabuhusan ng malimig na tubig at parang di ako makagalaw sa kinauupuan ko ngayon. Iniiwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at ibinaling ito sa pagkain.

"Ya! Jimin-hyung come on join us now." Pagyaya ni Jungkook sa kanya na masayang nakikipagkwentuhan kay Taehyung kanina.

Sinuklian na lang siya ng ngiti ni Jimin sabay tabi kay Jungkook. And since masyadong playful ang tadhana ay talagang ang natirang upuan na bakante na uupuan ni Jimin ay nasa harapan ko pa. So sa madaling salita, magkaharap kami ngayon ni Mr. Park Ji Min. Oh noes!!

"Uy! Bebs! Ayos ka lang?" Pabulong na tanong ni Jerra na siguro ay nagtataka narin sa mga ikinikilos ko.

"Huh? Oo naman why?" Turan ko.

"Eh bakit parang napapansin ko na naiilang kang tumingin kay.. Jimin." May pagtigil nitong wika na siguro ay para ma-emphasize niya ang pangalan ni Jimin.

"W-Wala.. Wala..." Pabulong ko muling tugon sa kanya.

"Wehh.. I know there's something Ms.Permithivo, so tell it to me na dahil you know naman na hinding-hindi kita titigilan." Sambit ni Jerra na may bahagyang pagbabanta. Ugh! Mukang di na nga talaga ako makakatakas pa sa kanya.

"Ahh.. Eh.. Nakita ko kasi yung ano.. yung uhmm.. " Natitigilan kong sabi habang si Jerra naman ay nakaabang lang sa mga susunod kong wiwikain sa kanya.

"N-Nakita ko yung ano ni J-Jimin.." Nauutal kong turan and sabay tingin sa ibaba na batid kong naintindihan ni Jerra.

"W-WHAT?" Bigla niyang bulalas na ikinabigla ko at maging ng ibang mga members na nasa lamesa din..

"Ah.. ohh.. it's nothi-- ah I mean, amugeosdo..aniya. (No, it's nothing.)" Sambit nanaman muli ni Jerra at parang napahiya din siya siguro pagka-OA ng reaksyon niya kanina.

"Makasigaw ka naman eh. Wag ka masyadong maingay." Bulong ko naman sa kanya.

"Ano ba yan ha?" Pabulong ding pagsingit ni Steph sa usapan namin habang nginunguya ang pagkain niya.

"Mas mabuting mamaya ko nalang sabihin sayo kasi kumakain tayo." Sagot ko sa kanya.

"Sus! Kay Jerra nga sinabi mo eh. You should be fair kaya tell it to me now." Pangungulit pa muli sakin ni Steph.

"Sige sabi mo eh." Usal ko nalang at siya ko na nga sinabi kay Steph.

Nang masabi ko na sa kanya ay napatingin ito kay Jimin at biglang nasamid sa pagkaing kasalukuyan niyang nginunguya.

"Are you okay ,Steph? Here have some water." Taehyung said with worries.

Nilagyan ni Taehyung yung baso ni Steph ng tubig. Agad naman itong kinuha ang baso at ininom sabay ibinaling ang tingin kay Jimin.

"S-Sorry, It's just that.. Jin cook so well." Palusot ni Steph sa ibang mga members habang nakatingin parin kay Jimin.

Napangiti na lang si Jin sa kanya at mukhang nafluttered din sa sinabi niya. And matapos noon ay nagresume na muli sa pagkwekwentuhan at pagkain ang ibang mga members habang kami ay nasa state of shock pa rin. Hayss..

"Ikaw na talaga bebs! Idol na kita."  Pabulong na pang-aasar sa akin ni Jerra.

"Mukang may magaganap na coronation mamaya." Gatong ni Steph na nagpaconfuse sakin.

"Coronation para sa bagong.." Nagpause ito saglit kasabayng pagharap niya sa direksyon ko.

"Reyna.. ng kapokpokan." Pabulong muli nitong pang-aasar na siyang ikinatawa nila ni Jerra pero pinipigilan nilang matawa ng sobra dahil syempre nasa harapan namin ang bangtan.

Argh! So it turns out na ako lang pala ang kanina pa tense na tense dito samantalang ang dalawang bruhildang toh ay tuwang-tuwa sa pinagdadaanan ko ngayon. Bakit ko ba kayo naging kaibigan. Juiceko!

"It seems that you're having a nice talk there." Namjoon uttered nang makita niya sila Steph at Jerra na mahinhing tumatawa.

"Do you want me to share the story to you?" Mapang-asar na wika ni Steph at nakatingin pa saken habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.

"Oh yes sure." Namjoon replied.

"It's just that Angel saw Ji--" Natigilang pagsasalaysay ni Steph nang kurutin ko siya sa tagiliran kasabay ng matalim na pagtitig sa kanya.

Isa pang word Steph nako talaga! Kahit magkaibigan tayo, babalatan kita ng buhay! Grrr!

"T-There's something important that I need to tell you." Pag-iiba ko ng usapan. At nakita kong nagseryoso naman ang mukha ni Namjoon habang ang ibang members ay nagpay-attention naman din sakin.

"Shaman Baek said that we must go to him whenever we saw a Napsaeng." Sabi ko.

"He said that? But why should we go?" Nagtatakang tanong ni Namjoon.

"I don't know what's the reason either. He didn't tell me." Sagot ko naman.

Napatango na lang si Namjoon sa mga sinabi ko at parang nag-iisip ito ng mga susunod niyang gagawin. Nang matapos na nga kaming kumain ay siya na naming pinagtangkas ang mga plato at mga kubyertos at dinala ito sa may lababo. Since may dishwasher machine naman sila ay dun nalang namin inilagay ang hugasin para malinisan.

Maya-maya ay inutusan na ni Namjoon na magsipagbihis ang ibang mga member dahil nga may lakad na naman kami. Well kung tama ang pagcacalculate ko ng mga araw, meron pa silang halos 5 days left sa leave na hiningi nila sa admin ng bighit kaya't marami-rami pa ang panahon nila na malaya nila kaming matutulungan without the interference ng trabaho nila.

Anyways, ilang saglit kaming naghintay sa couch nila Steph at Jerra since wala naman kaming damit dito ay same outfit pa rin ang aurahan naming tatlo. Mabango pa rin naman kami kahit pa paano dahil hindi naman kami ganon ka pawisin and nagpupunas-punas pa rin naman kami.

Minutes later at bumaba na nga si Jin and he's wearing a white jacket with a hoodie, at dahil siya ang magdridrive muli ng van ay lumabas na ito para i-start ang makina ng sasakyan. Nagkusa naman na si Steph na buksan ang gate para ready to go na ang van pagbaba ng ibang members.

Nang mapainit na ni Jin ang makina ay sinenyasan niya na kaming sumakay na siya naming ginawa ni Jerra. After that inilabas na nga ng tuluyan ni Jin ang van sa garage and sinarado na ni Steph ang malaking gate saka tumabi samin ni Jerra.

Ilang sandali pa ang lumipas at bumukas ang maliit na gate at sunod-sunod nitong iniluwa sila Jungkook, Hoseok, Namjoon, Yoongi, Taehyung and si Jimin.

Namula ako ng makita ko si Jimin kaya naman iniba ko ang direksyon ng aking mukha at ibinaling ko sa harapan. Nakita ko naman sa peripheral view ko na siya na rin ang nagsarado ng gate since siya ang pinakahuling lumabas. Bumukas na ang pintuan ng van at nagsimula nang magsisakay ang buong bangtan.

Pumwesto sa likod sila Taehyung, Jungkook, Yoongi at Hoseok. Samantalang si Namjoon naman ay nasa tabi ni Jin sa harapan. And mukhang trip talaga akong paglaruan ng tadhana ngayon dahil iisa nalang ang bakanteng upuan na maaaring pwestuhan ni Jimin and surprise! surprise!! nasa tabi ko pa ang upuan na yon.

Iisang tanong lang ang pumasok sa isip ko ngayon. Yun ay.. Baket? Baket ngayon pa.. ahckkkk! Parang gusto kong matunaw ngayon sa sobrang kahihiyan. Graveness!

Medyo nagdalawang-isip pa si Jimin kung tatabi sa akin pero dahil nga wala na siyang magawa ay sumakay nalang ito. Naaninag ko naman ang reaksyon ng dalawang impakta sa gilid ko na pulang-pula.. hindi dahil sa kilig pero sa sobrang pagpipigil nila sa pagtawa sa moment na iyon. Arghh! Bakit ba ako lang lagi ang may 'nakakahiya moments' dito? Kaloka.

Umandar na nga ang van at umusad na ang byahe. Nanatiling tahimik sa loob ng van dahil ang iba sa amin ay busy sa pagsoscroll sa cellphone samantalang ang iba naman ay busy din sa pagtanaw sa labas or di kaya naman pagtunganga. Maya-maya pa ay tuluyan na nga kaming nakaalis sa village kung saan nakatira ang bangtan at nasa highway na kami ngayon.

Wala naman akong cellphone na madudutdot kaya naman sa bintana ko na lang ibinigay ang atensyon ko. Tinatanaw ko ngayon ang mga matataas na building na tanda ng pagiging tunay na maunlad ng isang bansa. Pero sa lahat ng buildings na ito, isa ang nagstand-out dahil sa taglay nitong ganda at parang pamiliar sa akin ang building na ito. Alam ko ang pangalan nito eh. Ano nga ba ulit yon? Nan---Nar---Nam.. Namsan. Tama! NAMSAN!

I admit na kahit mapa-umaga man o gabi ay nanantiling kahanga-hanga at nakakafascinate tignan ang toreng ito. Napanood at nakita ko na ito noon pero sa pictures at mga kdramas nga lang. Kaya naman isa sa bucket list ko ang mapuntahan ito. Hayss.. kung hindi lang ganito ang sitwasyon naming tatlo baka kahapon pa kaming tatlo nila Jerra nakapunta doon at parang mga baliw na nagtatalunan dahil sa sobrang saya.

Patuloy ko lang pinagmasdan ang Namsan dahil parang namagnet ang mga mata ko dito. Bahagyang nalihis ang paningin ko at nasilayan ko ang imahe ng isang lalake na mukhang kanina pa nakatingin ng diretso sa akin. Wait.. JIMIN? Shocks! Oo nga pala nasa tabi ko siya umupo at parang nawala sa isip ko na nandyan parin pala siya.

Nang marealize naming dalawa na sobrang lapit ng mga mukha namin ss isa't isa ay agad naminh ibinaling sa opposite directions ang mga ulo namin. Napalunok nalang ako ng laway dahil hindi ko alam kung anong mga susunod kong gagawin dahil kinakabahan lang ako ngayon. Hindi ko naman siya pwedeng chikahin dahil hindi naman siya ganon kabihasa sa english kaya wala akong magagawa ngayon kung hindi ang iwasan siya.

"Oh? Nakablush on ka na naman?" Medyo natatawang sambit sa akin ni Steph.

"Huh? Baka kasi mainit lang kaya ganon." Palusot ko nalang sabay takip sa mga pisngi ko.

"Hmm.. Init ka dyan, ang lamig-lamig sa loob ng van tas naiinitan ka pa. " Pagbasag ni Steph na binusangutan ko nalang.

"Tell me.. Hindi mo pa rin makalimutan yung nangyari sa inyo a while a go noh?" Asar pa sa akin ni Steph.

"Shh! Ano ba baka marinig nila tayo!" Singhal ko kay Steph.

"Pfft.. So what? Eh wala naman sa kanilang nakakaintindi ng tagalog, remember?" Bwelta naman ni Steph.

"Eh si Namjoon.." Hirit ko pa.

"Hays.. English lang ang naiintindihan ni Namjoon, girl." Sabat naman niya sa akin.

"Ah basta wag kang maingay." Sabi ko nalang.

"Grabe.. Ganyan ba talaga ang epekto ng nakakakita ng ti.." Sambit niya na may pagtigil.

Sinuklian ko na lang siya ng isang napakatalim na titig pero ikinatawa niya lang ito. Grrr! Kahit kailan ka talagang bakla ka!!

Anyways, kasalukuyan pa rin nga kaming patungo kay sa bahay ni Shaman Baek. Ang kaninang mga natatayugang buildings ay napalitan na ng mga talahib at puno.. malapalit na siguro kami. Ilang saglit pa ay lumiko na nga sa isang pamilyar na daan paalis sa highway. Wait.. tama! Eto na nga yun, eto na nga ang street na kung saan sa dulo na nito ay matatagpuan ang bahay ni Shaman Baek.

Kung tutuusin maituturing nang dead end ang kinalalagyan ng bahay ni Shaman Baek and sobrang tahimik ng kapaligiran that will really give you the creeps. Idagdag mo pa na bago ka makarating sa dulo ng daanang ito ay magsisimula ng mas kumapal ang talahib at mas nagtataasan na ang mga puno. Actually hindi naman siya talagang dead end na wala ka ng mapupuntahan kasi after ng bahay niya ay maliblib na kagubatan na at halos hindi na ata tumatagos ang araw sa lupa dahil sa kapal ng tumatabon na dahon ng mga puno.

The reason why I called his place "dead end" is because doon.nalang karaniwang nagagawi ang mga tao ss bahay niya dahil syempre ayaw naman nilang suungin ang madilim na kagubatan noh.

Pero honestly kahit ako natatakot din na magpunta sa bahay niya pero kinakailangan eh dahil nakasalalay ang buhay naming tatlo nila Steph at Jerra dito. Kaya naman gagawin ko ang lahat, whatever it takes.

Maya-maya pa ay namalayan ko na lang na tumigil na pala ang van namin maging ang makina nito. Nagsibabaan na kaming lahat, and since si Jimin ang nasa pinakabungad namin ay siya na ang nagbukas ng pinto para saming tatlo nila Jerra.

Iniabot sa akin ni Jimin ang kamay niya at gusto atang alalayan ako pero nakatitig lang ako sa kanya dahil sa paghehesitate.

"Hoi Angel! Baba na ano ba!?" Singhal ni Jerra na nasa likod ni Steph.

Kaya naman I have no choice but to take Jimin's hand kasi ang rude naman kung iso-snob ko lang siya.. Halerr!? Milyong-milyong ARMYs kaya ang nagkakandarapa para lang sa specific moment na toh and sino ako para tumanggi sa biyayang handog ng tadhana. Haha!

Nauna na nga si Jin at siya muli ang kumatok sa bahay ni Shaman Baek. Agad naman itong bumukas after ng halos apat mahigit na katok and as usual nakabusangot pa rin na mukha ang bungad niya sa aming lahat like last time noong una namin siyang nameet. Juiceko, kaya siguro toh napanot ay dahil araw-araw masama ang gising niya. Palagi kasing BV eh yan tuloy.

"Come in." Shaman Baek uttered emotionlessly.

Dahil doon ay siya na nga kaming pumasok sa bahay niya and then muli ay sa likod ulit kami niya dinala at doon ay pinaupo.

"Tell me. What is your concern?" Bungad niya sa amin na deretsahan.

Tumingin naman sa akin si Jin at tumango ito na para bang sinesenyasan ako na magsimula nang magsalaysay.

"You told me last time that if I see a Napsaeng, I should go here to you." Sambit ko ngunit nanatiling seryoso ang mukha ni Shaman Baek.

"Oh.. I told you that, indeed. Well then, describe me the appearance of this napsaeng." Shaman Baek seriously said.

Napa-exhale muna ako para irelax ang sarili ko at pagkatapos noon ay siya na akong nagsalita.

"Its shape is indefinite and it was just like a smoke, a black smoke to be exact, and it hovers the ground. It has bright red eyes that stares sharply. It has thin arms and its nails and teeth are long and pointed just enough to tear and shred a human's flesh." Usal ko habang kinikilabutan at nagtitindigan ang mga buhok ko sa katawan.

"Hmm.. From your description I think it's a geomyeong (검영)." Shaman Baek said habang kami namang lahat ay tahimik lang at naghihintay ng mga susunod niyang sasabihin.

Ngunit tumayo siya at pumunta sa harap ng isang istante na nasa likuran niya. At mukang may hinahanap siyang isang bagay hanggang sa maya-maya ay may bunutin itong isang lumang papel na nakarolyo at saka bumalik sa may tapat muli ng kanyang lamesita.

In-untie niya mula sa pagkakatali ang nakarolyong lumang papel at saka ibinuklat niya sa harapan namin ang nilalaman ng papel na iyon. And it turns out na ang nilalaman pala nito ay ang imahe na isang di pangkaraniwang nilalang.

"In ancient times of Korea, a 'geomyeong' is depicted like this. And it is the most abundant evil being in all of Korea and like many unwanted entities it is mainly attracted to one thing. And unfortunately you have that one thing that they like the most.. energy. And you have lots of it." Paliwanag niya sa amin.

"W-Will it comeback?" Taehyung said na halatang kinakabahan.

"Oh yes of course. And it is only the beginning, for you will see beings worse than that." Shaman Baek replied.

Nakita ko ang expression sa mukha ni Taehyung at sobra na talaga siyang kinakabahan ngayon at nakita kong napalunok siya nang marinig ang mga sinabi ni Shaman Baek.

"So next time it happen better be prepared and because of that I'll give you something that you can use in times of need." Usal niya sabay tayo muli at pumasok siya sa loob ng bahay.

Ilang saglit pa ay lumabas na muli si Shaman Baek at may dala-dalang basket. Juiceko, ano na naman kayang thinggy ito. Inilapag niya na sa gilid ng lamesita ang basket at mula dito ay inilabas niya ang mga maliliit na bote na naglalaman ng kung anong something.

"Here take this." Sabi niya sabay abot sa amin ng mga bote at dinistribute namin ito tig-isa sa amin.

"Uhm? May I ask on what's inside this thing?" Yoongi said in confusion.

"It is a special oil made from varieties of herb,leaves and flowers." Paliwanag ni Shaman Baek.

Yoongi unscrewed the bottle matapos sabihin niyang sabihin iyon. And then inamoy niya ang langis na laman ng bote at mukhang nabanguhan ang expression ng mukha niya.

"But what is it's purpose?" Yoongi asked.

"It maybe has a good scent to us but for evil spirits specially geomyeongs it is the complete opposite. The scent will drive them away from you. And also that special oil has another ability.." Shaman Baek said and still nanatili kaming tahimik.at naghihintay ng mga susunod niyang sasabihin.

"To warn you if there's a nearby threat, it will simply boil and that indicates when there is an approaching napsaeng." Dagdag niya.

So para pala ito yung langis nasa bahay nila lola sa probinsya, na para daw malaman kung may aswang sa paligid titingnan daw kung kumukulo yung langis na yon. Ang galing lang kasi meron din pala nun dito sa Korea.

Anyways, nang matapos na ngang magpaliwanag si Shaman Baek ay tumayo and nagbow na kami sa kanya. Nagpasalamat naman kami sa bago niyang binigay samin and makakatulong na to kahit pa paano kung sakaling bigla na namang may sumulpot na geomyeong or kahit ano pa mang napsaeng.

Lumabas na nga kami ng tuluyan sa bahay ni Shaman Baek at nagsisakay na kaming lahat sa van. Umusad na nga ang byahe namin para sa susunod naming destinasyon.. si Shaman Choi.

Tahimik lang muli ang loob ng van dahil busy ang lahat sa kanya-kanyang mga pinaggagagawa. Ilang oras din ang byahe papunta sa kinaroroonan ng ikaapat na Shaman na pupuntahan namin dahil ayon kay Jin malapit daw sa Incheon ang tirahan niya. Juiceko! Sana naman may mapala na kami sa Shaman na to noh.

Maya-maya pa ay pumasok kami sa isang eskinita at parang wala na kami sa highway ngayon parang village na ata ito dahil sa tabi-tabi lang ang mga kabahayan dito. Ilang sandali pa at huminto na si Jin sa isang bahay na mukhang 300 years na ang tanda dahil pure old korean style ang disenyo ng bahay na ito. And katabi ng main door ng bahay ay may dalawang estatwang bato na mga kabayo. Kaloka! Vice? Bakit ka nandito? Hahaha!

Anyways, since si Jin nga muli ang may kilala sa kanya ay siya na naman ang kumatok. Ilang katok palang ang nagagawa ni Jin at bigla nang bumuka ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaking naka-hanbok, medyo chubby, kalbo at maputi.

"Nice to see you again Shaman Choi." Jin greeted him.

"Oh! Seok Jin-ah! It's been a long time since your last visit here? How are you?" Cheerful and masayahing bungad nito kay Jin. Halos mapunit na rin ang mukha niya sa sobrang ngiti at muka siyang masayahing buddha.

Grabe! Sobrang opposite nila ni Shaman Baek dahil as you now naman kung paano nya kami sinasalubong, laging nakabusangot. Haysst.

"I've been too busy Shaman Choi, sorry." Jin replied.

"Ahh.. It's okay! It's okay! I understand. Oh wait your friends?" Ani niya sabay turo sa amin na nasa likod ni Jin.

"Oh yes. We've come here to seek some help." Jin said.

"Oh.. Okay.. Then come on in." Shaman Choi uttered and after it he opened his door wider so that all of us can get in.

And nang makapasok na kami sa bahay niya ay pinaupo niya kami sa isang mahabang sofa. Kasya kaming lahat dito at sa katunayan nga ay pwede pang umupo ang apat na katao. Nilibot ko ang mga mata ko sa bahay niya at masasabi kong malaki ito. Para siyang mansyon na korean style, yung para bang mga bahay na isang mayamang negosyante sa sinaunang korea ang nagmamay-ari.

Hindi naman ganon kadilim sa loob dahil maraming ilaw ang nakabukas. Maya-maya pa ay muling lumitaw sa harapan namin si Shaman Choi at may bitbit itong tray na may babasaging takore at maliliit na koreab tea cups.

"Have some tea." Nakangiti nitong bati sa amin habang sinasalinan ang bawat baso ng tsaa mula sa takore.

Sa kalagitnaan ng paglalagay niya ng tsaa ay may napansin akong chinese character na nakatatak sa wrist niya.

Nakita niyang nakatingin ako dito at dahil doon ay agad niya itong tinakpan gamit ang sleeves ng hanbok niya at sabay nginitian ako.

Ang weird ha..

Nang matapos na itong maglagay ng tsaa ay nagsidampot na kami ng mga tea cups para inimumin.

Ilang saglit pa ay nagsalita na muli si Shaman Choi.

"So how may I help you?" Malumanay at nakangiti parin niyang sabi sa amin.

Since si Jin ang pinakaclose niya sa aminh lahat ay siya na lang din ang magsasabi ng pakay namin dito. Hindi naman na nagpaligoy-ligoy si Jin at sinabi niya na kaya kami nandito ay dahil gusto naming makakuha pa ng mga necklace na kagaya ng reumdulhan para lubos na magkaintindihan kaming lahat.

Napailing-iling naman si Shaman Choi at sinabing wala siyang ganoong klaseng kwintas kaya naman natahimik na lang kami dahil sa disappointment..

Juiceko! Hanggang sa pang apat na shaman na mapupuntahan namin, wala parin! Ganun ba talaga ka-rare toh! Arghhh!

"But.." Shaman Choi said na nagpabaling muli ng atensyon namin sa kanya.

"I know someone who makes it. And her family is well-known for making that kind of necklace." Sabi ni Shaman Choi na nagpabuhay sa pag-asa namin.

Tama ba yung narinig ko? "Her"? So ibigsabihin babae siya. Maaaring siya rin kaya ang nagbigay ng necklace na ito sa amin.

"The Jang Family." Shaman Choi said.

"J-Jang Family?" Confused na tanong ni Jin.

"Yes. For over hundreds of years, the Jang Family is well-known for making that kind of necklace. And they call it reumdulhan." Paliwanag ni Shaman Choi na siya naming ikinabigla dahil iyon din ang pangalan ng mga necklaces namin.

Hindi naman nabanggit kanina ni Jin sa kanya kung anong pangalan nito at inaadress niya lang ito kanina bilang " wooden necklace" pero hindi reumdulhan. However nanatili parin kaming tahimik at hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.

"In 1426, Jang In Suk(장인석) created the necklace and named it 'reumdulhan' which means necklace of all-speak. It was passed down from generation to generation and because of that, the art of making that kind of shamanistic masterpiece has never faded." Shaman Choi explained.

Dahil doon ay namutawi sa mga mata naminh lahat ang galak at pag-asa dahil mukang hindi masasayang ang pinunta namin dito. Nagpasalamat na nga kami kay Shaman Choi dahil sa impormasyong ibinigay niya sa amin. Ngunit bago pa man kami umalis ay sinabihan niya kami na maghintay lang saglit dahil may kukunin siya.

Pagbalik nito ay may hawak-hawak na siyang isang box. Sinabi niya sa amin na moon cake daw ito at sinabi niyang ibigay ito kay Shaman Jang. Siguro matalik silang magkaibigan or sadyang mapagbigay lang talaga siya.

Inihatid niya na kami sa labas ng sa pintuan at tuluyan na nga kaming umalis at pormal na nagpaalam sa kanya.

Nagsimula na nga muling umusad ang van. Ayon sa direksyon na itinuro sa amin ni Shaman Choi, tatlong kilometro lang daw halos ang bahay ni Shaman Jang mula dito kaya naman ilang tumbling lang nandoon na rin siguro kami.

Habang nakatanaw sa labas ay nagsisimula na ring luminaw ang memorya ko. Teka.. Tama! Eto na nga yon! Eto na nga yung daan patungo doon sa Shaman na nagbigay sa amin ng mga necklaces na toh. Nakita ko rin ang mga reaksyon sa mga mukha nila Steph at Jerra and mukhang iisa lang ang nasa isip namin ngayon.

Ilang saglit pa ay may nadaanan kaming isang pamilyar eskinita na sobrang dilim. Parang... Oo nga! Eto nga pala yung eskinita kung saan namin unang nakita yung batang babae na anak ng shaman na nagbigay samin ng reumdulhan.

Kalaunan ay tumigil na nga ang van sa isang bahay and yes! 100% confirmed na ito nga ang bahay niya.. ang bahay ni Shaman Jang.

Dahil hindi naman ito kilala ni Jin at tanging kami lang tatlo nila Steph at Jerra ang nakakilala sa kanya personally ay kami naman ngayon ang kakatok sa bahay niya.

And because si Steph ang representative namin ay siya na ang kakatok para sa aming tatlo. Tuluyan na ngang kumatok si Steph and seconds lang ang lumipas ay bigla na itong bumukas.

Iniluwa ng pinto ang isang babaeng matagal na naming hinahanap.. si Shaman Jang.

"Oh! Steph?" Nabiglang sabi ni Shaman Jang sinuklian lang niya ng isang ngiti na mukang aso habang kumakaway ng matipid.

"Hmm.. It looks like you're not the only one who came here." Dagdag pa nito sabay tingin sa kinaroroonan namin.

"Well, come on in." Nakangiting pagyaya nito sa aming lahat.

Pagpasok namin sa bahay niya ay siya niya kaming pinaupo sa sofa and since maliit lang ito ay limang tao lang ang kasya kung kaya't kumuha pa siya ng anim upuan para mapaupo ang iba habang yung natitirang isa ay siya niya namang inupuan.

Hindi ko man makita ang mukha ko ngayon pero alam kong mapupunit na ito sa kakangiti. Di ko lang talaga kasi maitago ang saya na nararamdaman ko dahil sa wakas ay nakita narin namin siya. Although ilang shaman muna ang nadaanan namin bago makarating sa kanya at halos magputukan na ang mga braincells naming tatlo dahil sa pag-alala kung saan ang bahay niya ay kahit pa paano worth it ang mga paghihirap namin because we're here atleast.



































Continue Reading

You'll Also Like

53.1M 1.3M 70
after a prank gone terribly wrong, hayden jones is sent across country to caldwell academy, a school for the bitchy, the dangerous and the rebellious...
793K 29.6K 105
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
465K 31.5K 47
♮Idol au ♮"I don't think I can do it." "Of course you can, I believe in you. Don't worry, okay? I'll be right here backstage fo...
11.5M 298K 23
Alexander Vintalli is one of the most ruthless mafias of America. His name is feared all over America. The way people fear him and the way he has his...