TEMPTATION ISLAND: Hot Encoun...

By RaceDarwin

30.9M 585K 72.8K

"You're invited to Temptation Island." More

Hot Encounter
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One

Chapter Twenty Nine

496K 11.4K 988
By RaceDarwin


"Are you okay now?" concerned pa ring tanong ni Gigi sa kanya. Kunyari ay nahihilo na tumango siya. Pinabigat niya ang talukap ng mata at tumingin dito.

"I'm fine, cuz. You can go back there."

"Hindi na. Sasamahan na kita. Isa pa, gusto ko na rin naman umuwi."

"A-Are you sure?"

"Oo na nga. Saka hindi naman pwede na hayaan lang kita na mapag-isa habang nagpa-party lang ako."

Itinikom niya ang bibig. Hinayaan na lang niya si Gigi. Nakahinga siya ng maluwag sa kaalaman na hindi nito narinig ang mga sinabi ni Kaleb. Noong una akala niya ay narinig nito ang lahat. She was about to explain to her. Pero nakangiting inapproach sila nito, then she asked her if she is okay because her face is pale. Sinakayan na lang niya ito at nagkunwari na masama ang pakiramdam.

"Pasensya na nga pala. Sabi ko naman sa 'yo i'm not into parties like that," sabi niya pagkarating nila sa cabin nila. Nagpapalit na siya ng pantulog.

"Hanggang ngayon hindi ka pa rin talaga sanay sa parties. But I get it. You're always the good girl."

The good girl. Hindi niya alam kung siya pa ba iyon pagkatapos ng lahat. Pakiwari niya ay nasa pwesto na rin siya tulad ni Terry. Naglilihim siya dito nang nararamdaman niya para kay Kaleb.

Hindi nito alam na may nangyari na sa kanila si Kal habang nakatalikod ito. Alam niya, tapos na ang relasyon nito kay Kal. He's single. Pero mahal pa rin ito ni Gigi, and now she's fucking him. It made her feel so bad. Hindi naman siya kabit, pero 'yun ang nararamdaman niya dahil hindi niya masabi kay Gigi ang totoo.

"Ano nga pala ang pinag-uusapan niyo ni Kal?"

"H-ha?"

Lumingon sa kanya si Gigi, nagtatanong. "Hinahanap ko kasi siya noong makita ko kayo. Seryosong seryoso siya sa sinasabi niya. Be honest with me, Gel.."

Napalunok siya. "A-Ano bang gusto mo malaman?"

"I don't know. You tell me," ngumiti ito sa kanya bago pinagpatuloy ang ginagawa.

"Wala naman kami pinag-uusapan. Tinatanong lang niya kung okay lang ba ako. Sinabi ko kasi sa kanya na masama na rin ang pakiramdam ko."

"Iyon lang?"

"Yes.. It's not a big deal anyway. Why do you ask?"

"Nothing." Pinanood niya ang ginagawa nito. Pagkatapos ay napakunot-noo siya nang marealize na nag-eempake na ang pinsan.

"Gi, bakit nag-aayos ka na ng mga gamit?" she asked curiously.

"Ah, ito ba? Ineempake ko lang mga gamit ko para sa pag-alis bukas. I got a call from Tito. Ininform ako kanina ng staff ng Temptation na may emergency call ako, so, yun nakausap ko siya. Kailangan na niya tayo doon.. But since nagbabakasyon ka pa, sabi ko ako na lang muna."

"What? Bakit ngayon mo lang binanggit?"

"Iyon nga ang dahilan kaya hinahanap kita kanina. Don't worry. You can still stay here if you want."

Sunod sunod na umiling siya. "No, no. I'm coming with you. Sabay na tayong umalis bukas."

Kinaumagahan rin ay nag-empake na siya ng mabilisan. Hindi niya alam kung bakit mabigat ang loob niya na aalis na agad sa isla. Parang ang bilis lang ng oras at panahon. Parang kahapon nga lang siya nakarating doon. At ayun siya, tinatanaw ang isla na lumiliit sa paningin niya habang papalayo.

Hindi siya nakapagpaalam kay Kaleb. Hindi man lang sila nagkita bago siya umalis.

Ipinilig niya ang ulo.

No. Maybe, that's for the better. Atleast, makakagawa na siya ng tamang dahilan para hindi na niya ito makita. In that way, wala siyang masasaktang iba.


 SHE really left him. He can't believe she left without saying a word to him. Tiim-bagang na pinanood niya ang pakikipag-usap nito sa isang babae. Tatlong linggo na ang nagdaan nang huli niyang makita ang magandang mukha nito. Yeah, it's been three weeks. And it still feels like yesterday when he found out that she left the island with her cousin. Without telling him. Without saying goodbye.

Parang suntok sa sikmura niya nang malaman niya ang pag-alis nito ng walang pasabi. Ganoon ba nito kagusto na layuan siya?

Hinaplos niya ang panga at tinitigan ito mula sa kinauupuan nito. Hindi niya pinansin ang dalawang kasama at nakatuon lang ang pansin sa tinititigan. Mula nang pumasok ito sa loob ng resto na 'yun, hindi na mawala ang titig niya sa mukha nito. He missed her like crazy. Ngayon lang niya ulit niya nakita ito at ang unang pumasok sa isip niya ay lapitan ito. Pinigilan ni Kaleb ang sarili. Nang huling kumilos siya na hindi nag-iisip, he almost lost her. Natatandaan pa rin niya ang pagkainis nito sa kanya.

Or maybe that's the reason why she left him.

"Who is she?" Damien asked.

"That's his unofficial girlfriend, dude." sagot naman ni Noah. Nasa second floor sila ng resto kung saan kasama niya si Noah at si Damien na isa sa mga matalik na kaibigan niya simula pa lang noong kolehiyo siya. Member din ito Temptation Island at may-ari ng isang malaking construction company.

Tinapunan ni Kal ng matalim na tingin ang kaibigan na si Noah.

"Bakit ganyan ka na naman matingin? I told you I did not flirt with her."

"Wala pa akong sinasabi dito. Nagiging defensive ka na agad."

"Because I know you, at pipilitin mo na naman ako paaminin kahit wala naman akong ginawa." Bumaling si Noah sa kaibigan nila na si Damien. "Can you believe this guy? Sinamahan ko lang ang babae niya, ako na pinagseselosan. I didn't even touch her with desire." Ikinuwento pa ni Noah ang tungkol sa magpinsan. Napahilot siya sa noo. Nanlalaki ang mata ni Damien na tumingin sa kanya.

"Damn bro. Magpinsan pa pala ang dinali mo."

"Matagal na kaming wala ni Gigi. And Gel, she's different. She's not like other woman."

"So you really like her? Kung ganoon, bakit hindi mo na lang diretsuhin? Iparamdam at ipakita mo sa kanya ang nararamdaman mo."

Ngumisi siya. "Believe me, Damien. Diniretso ko na. Otso diretso pa."

"Tangina," parehong napamura ang dalawa.

"But she keep on pushing me away."

"Baka naman kasi may dahilan din. Kung gusto ka naman ng isang babae, hindi naman 'yan magdadalawang isip na patulan ka."

"It's because of her cousin."

"I still remember her. What's her name again?"

"Giselle."

"I remember her. Alam ko 'yung nangyari sa inyo." May pang-unawa sa mukha ni Damien. "Anyway, I won't mention it here. I understand that's all in the past. Wala naman masama kung ipu-pursue mo ang pinsan niya."

Tumawa si Noah. "But dude, the problem is not just her ex.."

Marahas na humugot siya ng hangin. Muling ibinalik niya ang tingin sa pwesto ni Gel. She was still there. Nakikipagtawanan pa rin ito sa kausap nito.

Gustong gusto niya makita ang tawa at ngiti nito. Kahit papaano nakakapagdala sa kanya iyon ng kakaibang kapayapaan. He felt contented by just seeing her bright smile. It was so pure and genuine. Kahit ang mga kislap sa mga mata nito kapag tumatawa ito ay nagbibigay sa kanya ng ibang liwanag. It make him feel so good.

Damn he really missed her.

Kailangan lang niyang pigilan ang sarili. Alam na niya ang magiging reaksyon nito kapag nilapitan na lang niya ito basta. He don't want that. Ilang linggo siyang nagtimpi at ngayon pa ba siya matutuksong magpakita dito? Nah.

But that doesn't mean hindi siya gumagawa ng hakbang na hindi malaman ang mga pinaggagawa ng dalaga sa nakalipas na linggo. Call him a creep, wala siyang pakialam. Kahit si Noah tinatawanan na lang siya. Ngayon lang niya ginawa iyon sa isang babae. At anong problema sa paglalagay ng personal body guard dito? Oo hindi nito alam.

But he's doing her a favor. He's keeping her safe.

Excuses, sabat ng konsensya niya. Okay, fine. Maybe a part of him wants to make sure that she's not seeing other man. Hindi naman siya lumalagpas sa limitasyon. Kung gugustuhin niya, pwede niyang gawin. He can put a secret cam on her room, so he could watch her all night like a horny teenager. Pero hindi. It's her privacy. Walang siyang gagawin para kunin 'yon dito.

Naglagay lang siya ng bodyguard na pwedeng tumingin dito. That's it. Gusto lang din naman ni Kal malaman ang activities nito, mapa-opisina o labas. Alam niya rin lahat ng kinikita nito pag nasa labas. Including her encounter with her asshole ex-boyfriend and her family.

Naikuyom niya ang palad nang maalala kung paano lang ito pagsalitaan ng kapatid nito at itrato ng magulang nito. He felt sorry for her. Hindi niya alam kung paanong sa lahat ng pinagdaanan nito ay naging ganoon pa rin kaganda ang ngiti nito. The world doesn't deserve her smile. Hindi rin nito deserve ang tulad niya. She's too kind. Too precious.

But he already decided what he would do with her.

Babawiin na sana ni Kaleb ang pagtitig sa dalaga. Pero biglang nag-angat ito ng tingin sa second floor. Nasa bungad lang siya nakapwesto and she could easily spot him. Dumako ang mata nito sa kanya. Nagsalubong ang titig nila. He raised a brow at him. Pero parang walang nakita na inilipat nito sa iba ang tingin.

Fuck? Did she just ignored him? Sigurado si Kal na nakita siya nito. Pero wala siyang nakuhang reaksyon mula sa maganda nitong mukha. Kaswal na ibinalik nito ang pakikipag-usap sa kasama.

O baka sapat na ang tatlong linggo para makalimutan siya nito at ang mga nangyari sa kanila.

His jaw clenched at the thought. Damn her.


Itutuloy..


Continue Reading

You'll Also Like

5.3K 74 33
This is a story of Mia Concepcion and Kid Fuentebella. Two different people. Two different state of heart. Two different state of mind. Two differen...
6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
531 150 12
//+ Slow updates // DESCRIPTION: [ ] Surprising Elisse on her 16th birthday. [ ] Graduate with flyings colors. [ ] Ace the college ent...