SERENDIPITY || The Adventures...

By KimSeungHae

975 45 260

"The proverbs was wrong.. the Skies wasn't always the limit." || Angel, Steph and Jerra, common adolescents... More

Prologue
CHAPTER 1 - BEGUN
CHAPTER 2 - HER
CHAPTER 3 - FIRST DAY
CHAPTER 4 - TRY
CHAPTER 5 - APART
CHAPTER 6 - INCHEON
CHAPTER 7 - ADVENTURE
CHAPTER 8 - HE'S INTO HIM?
CHAPTER 9 - READY
CHAPTER 10 - SEMBREAK
CHAPTER 11 - THE SINGING CONTEST
CHAPTER 12 - NIGHTMARES
CHAPTER 13 - TROUBLE
CHAPTER 14 - TOGETHER
CHAPTER 15 - HELP
CHAPTER 17 - SHAMANS
CHAPTER 18 - ATLEAST
CHAPTER 19 - FOR NOW
CHAPTER 20 - CALICO
CHAPTER 21 - LIE
CHAPTER 22 - TOO FAST
CHAPTER 23 - ANGEL
CHAPTER 24 - NAMSAN TOWER
CHAPTER 25 - WHO ARE YOU?
CHAPTER 26: Part 1 - SPIRITS
CHAPTER 26: Part 2 -SUSPICIONS
CHAPTER 26: Part 3 - OVER
CHAPTER 27 : Part 1 - NAMI ISLAND
CHAPTER 27: Part 2 - YOU
CHAPTER 27: Part 3 - STAY
CHAPTER 28: Part 1 - AMERICA
CHAPTER 28: Part 2 - DEJA VU
CHAPTER 28: Part 3 - FOUND IT
CHAPTER 29: Part 1 - JEJU
CHAPTER 29: Part 2 - MOON
CHAPTER 29: Part 3 - PAST
CHAPTER 30: Part 1 - MULI
CHAPTER 30: Part 2 - AMOR
CHAPTER 30: Part 3 - EVERYTHING
CHAPTER 30: Part 4 - 사랑해
CHAPTER 30: Part 5 - 2:25
FINAL CHAPTER - SERENDIPITY

CHAPTER 16 - AGAIN

12 1 3
By KimSeungHae

Angel's Point of View

Nagulat at natawa na lang ako nang bigla akong hatakin ni Jerra para takbuhan si Steph. Madalas talagang kaming magkatandem ni bebs para lang uratin siya.

Siguro dahil bago pa man kami naging bestfriends ni Steph eh kilala at kaibigan ko na si Jerra at nagkasundo kami dahil na rin sa parehas naming hilig.. K-POP.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa couch at nasa tapat ko ang malaking flat screen tv habang katabi ko naman si Jerra na ngayon ay medyo hinihingal dahil sa pagtakbo namin pababa kanina.

Nakita ko namang pababa na rin si Steph na iniwan namin kanina at tinabihan narin kami nito.

"Teka, Jerra?" Patanong na pagtawag ni Steph kay Jerra.

"Mm?" Tugon nito.

"Nasaan yung necklace mo?" Tanong nito at agad namang napakapa at napatingin si Jerra sa leeg niya at wala nga doon ang wooden necklace niya.

Kung saan-saan na naman siguro niya nalapag dahil sa sobrang kilig kay Yoongi kanina.

"Hala.. Oo nga no." Sagot ni Jerra.

"Hays, kahit kailan burara ka talagang babae ka sige na nga ako na kukuha." Medyo inis na sabi ni Steph.

"A-ah.. Ako nalang!" Pagbubuluntaryong sabat ko naman.

"Sige bebs thank you, mahal kita.." Paglalambing sa akin ni Jerra.

Hindi naman na kinwestyon ni Steph ang pagboboluntaryo ko kaya naman napatango nalang ito at naupo sa narin sa couch katabi ni Jerra. Tumayo na ako at ilang metro palang ang layo ko sa kanila ay naririnig ko na ang asaran at pagbabangayan nilang dalawa.

Away panget. Haha!

Umakyat na nga ako ng hagdan at pumunta dun sa kwarto kung nasaan kami kanina at agad ko namang nakita yung necklace ni Jerra na nakalapag sa lamesita kaya naman kinuha ko na ito.

Lumabas na ako at naglakad na sa hallway at di ko inaasahan na bigla akong matatapilok dahilan para tumilapon yung wooden necklace mula sa kamay ko at di ko na alam kung saan ito napunta.

Bago pa man ako bumagsak sa matigas na sahig ay may sumalo na sa akin at laking gulat ko kung sino ito..

Si Jimin.

"A-Are you okay?" Jimin asked.

Hindi parin naman ako makapagsalita dahil sa gulat sa bilis ng mga pangyayari. Sobrang lapit ng mukha niya sakin ngayon at damang-dama ko ang hininga niyang napakabango na dumadampi sa mukha nang magsalita siya kanina. Pero nagtaka naman ako saglit kung paano niya ako nakikita ngayon at agad namang nasagot ang tanong na yon ng makita kong suot niya ang necklace na hawak ko kanina dahil nga di ko na alam kung saan ito napunta nang bigla itong tumilapon sa kamay ko.

"Y-Yes.." Tugon ko na lang.

Bumitaw na ako mula sa pagkakahawak niya at tumayo nang maayos pero muli na namang nanlaki ang mga mata ko ng makitang topless siya ngayon at tanging shorts lang ang saplot niya sa katawan.

Agad naman akong napapikit at napatalikod. Wala mang salamin dito ngayon pero nararamdaman kong sobra na talaga akong namumula sa hiya.

"C-Can I get the necklace now?" Nahihiya kong tanong ko sa kanya.

"U-Uhmm.. Okay." Jimin answered.

Nakita ko namang hinubad niya yung necklace mula sa peripheral view ko at dahil dun inaabot ko na rin ang kamay ko habang tinitipid ko parin siyang tignan. Inilapag na ni Jimin sa kamay ko yung wooden necklace dahilan para mag dikit ang mga palad namin, at grabe ang lambot ng kamay niya. 

*Internal screams!*

Oo kanina nahawakan niya yung kamay ko pero ngayon ko lang mas na appreciate yung texture ng kamay niya. Argh! 

Nang nasa kamay ko na nga ang necklace ay dali-dali na kong naglakad papaalis habang hindi parin nakatingin sa kanya.

Nasistress na talaga ko. Alam niyo yun? Andaming questions ang bumabagabag sautak ko at halos gumagana lahat ng brain cells ko.

 Una sa lahat, paano ako napatid eh isa nasa astral form nga ako. Ano yun, nag-astral projection din yung katangahan ko? 

At pangalawa paano namang magically natransport sa leeg ni Jimin ang reumdulhan na hawak-hawak ko lang kanina, ano ba toh pinaglalaruan ba ako ng kapalaran?

 And lastly bakit nakahubad si Park f*cking Jimin habang nasa hallway eh parang kanina halos wala namang tao dun ah!? I'm really confused!

"Huy!" Sigaw ni Jerra na ikinagulat ko dahil kanina pa ko tuliro at wala sa katinuan, nakakamalfunction nga talaga siguro ng utak ang bangtan lalong-lalo na kapag kaharap mo sila, at nakaHUBAD pa!! Ahckk..

"Oh tingnan mo, isip na naman ng isip? Ano ba yan ha?" Singhal sa akin ni Jerra nang makitang nag-iisip ako muli ng malalim matapos niya akong gulatin.

"Or ang mas magandang tanong.. Sino ba yan?" Gatong na pang-aasar ni Steph.

"Hmmm.. oo nga no? Kanina ka pa ata namumula dyan eh." Banat muli ni Jerra.

"Ah ito na pala yung necklace mo, Jerra." Pag-iiba ko sa usapan sabay abot ng reumdulhan kay Jerra.

"Ehem.. Ms.Permithivo? Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Sino ba yan?" Pagbabalik muli ni Jerra sa topic.

Shet. Di na nga talaga ko makakaiwas sa bruhang ito. Sa aming tatlo siya ang mahirap pag-taguan ng sikreto kahit gaano mo pa ikubli sa kanya hindi talaga siya mapapakali hangga't hindi niya nalalaman yung tinatago mo.

"Huy!! Ano ba, tell us na kase!" Pangungulit ni Jerra muli.

"Kaya nga." Dagdag pa ni Steph.

"S-Si Jimin." Pabulong kong paglalahad.

"aaandd?" Sabi ni Jerra na naghihintay pa ng mga susunod na lalabas sa bibig ko.

"I saw him.. he's topless." Sambit ko nang hindi nakatingin sa kanila.

"Pfft.. Yun lang ba? So what's the big deal with that?" Tanong pang muli ni Jerra na ngayon ay nagtataka.

"Kaya nga, we've seen them doing things na mas grabe pa dun. And you know what I mean." Sambit ni Steph habang may ngiti ng kalandian.

Ang pokpok. Di ko alam kung bakit ko pa shinare sa kanya yung bias ko. But on second thought, pokpok din naman ako kaya nga kami nagkasundo eh, pero atleast ako dalagang pilipina yung tipong hindi agad bibigay di katulad niya, marupok. Opz. Haha.

"Wag mo kong binibigyan ng tingin na ganyan, Angel. Alam kong binabash mo na ko sa isip mo ngayon." Birada ni Steph.

Nilalabas na naman niya ang telepathic powers niya. Anak ata to ni madam auring eh.

"Pero let's go back to our main topic, so ano na Angel?" Pagbabalik naman ni Jerra sa naunang pinag-uusapan namin.

"Anong-ano na? Eh diba nga alam niyo na, sinabi ko na sa inyo ah." Banat ko naman.

"Hmm.. Defensive. I like it. I wanna know more." Pang-aasar pa sa akin ni Jerra at para siyang prosecutor na nakaharap sakin ngayon at ako ang nasasakdal.

"Ano pa ba? Eh wala na nga eh. Bala kayo dyan." Tugon ko naman sa kanya.

"Siguro dinahilan mo lang na ikaw na kukuha ng necklace ko dahil inaasahan mong makita si Jimin no?" Pang-aasar muli ni Jerra sa akin.

"Wag kang mag-alala, Angel suportado ka namin sa kapokpokan mong iyan." Dagdag pa ni Steph.

"Because pokpok TOGETHER.."
-Jerra

"Stays FOREVER!" Pagtutuloy ni Steph at sabay silang humagalpak sa kakatawa dahil sa pang-aasar sakin.

Ahh.. So ako pinagkakaisahan ng mga bruhang to ngayon? May araw din kayo saken. Grr!!

"Ewan ko sa inyo, eh wala naman talaga eh." Naaasar kong tugon.

"Alam mo madali kang matalo sa kaso mo kapag laging ganyan ang sagot mo, halatang guilty ka eh. Di ka pwedeng maging prosecutor niyan." Pabirong sabi ni Jerra.

"Wala akong balak mag prosecutor." Singhal ko sa kanya.

"Okay sige, sabi mo eh." Sabat naman ni Jerra.

Sinuklian ko nalang si Jerra ng isang irap pagkatapos nun pero natawa lang sila ni Steph sa akin dahil kanina pa bumibenta yung pang-aasar nila.

Well, yeah! Patok na patok sa akin. Mission accomplished kayo par.

Di kalaunan ay tumahik din ang dalawang bruha sa pagtawa at pang-aasar sakin dahil biglang narinig na namin ang mga yapak ng mga taong pababa mula sa taas.

Ang mga yapak ng bangtan.

Sunod-sunod na bumaba si Taehyung, Jungkook, Jin, Namjoon, Hoseok at si.. Jimin.

Namula ako nang makita ko siya at parang nagflashback naman yung nangyare kanina. Nakakaloka.. ahckkk!

Samantalang si Angel at Jerra naman ay kahit di ako nakatingin sa kanila alam kong nakatingin na sila saken ngayon at kating-kati na kong asarin.

Buti nalang talaga hindi kami nakikita ngayon ng bangtan dahil nga wala silang mga necklace at tanging si Taehyung lang ang nakakarinig samin kung hindi, patay ka diha talaga dai.

Sa kabilang couch napagpasyahang umupo ng bangtan na siya namang katapat namin at tabi-tabi sila ngayon.

At laking gulat ko nang nasa tapat ko ang lalaking sumalo sakin kanina..
si Jimin.

Lintik namang kapalaran to oh, bakit naman nasa harapan ko pa siya. Eh halos matunaw na nga ako sa hiya sa nangyare kanina eh advantage ko nalang siguro sa sitwasyong ito na hindi niya ko nakikita. Hayys.

"Guys? Where are you can you say something so that we'll know you're there." Taehyung said habang lumilingon-lingon sa paligid.

"Yes.. We're here." Mabagal na sambit ni Steph para maintindihan ni Taehyung.

Napansin ko namang nag-iisip si Jerra at ilang segundo lang ay bigla itong napangiti. At bigla niyang inilapit ang bibig niya sa tenga ni Steph at bumulong.

Oh nose, mukang may maitim na binabalak to ah.

Napangiti din si Steph ng maintindihan niya ang ibinubulong ni Jerra at sabay naman silang natawa sa kalokohang isasagawa na naman nila.

"Ehem.. uhm.. Okay, Taehyung?" Tawag ni Steph na medyo natatawa.

Nako po. Here it goes.

"Y-Yes?" Taehyung answered.

"Can.. you.. please.. hand.. over.. the.. necklace.. to.. Jimin.." Mabagal na sambit muli ni Steph at inisa-isa pa niya yung mga words para maintindihan agad ni Taehyung.

Nanlaki ang mga mata sa sinabing iyon ni Steph. Mukang gusto talaga akong ipahamak ng dalawang to eh. Arghh!! Bakit ko ba kayo naging kaibigan huhu.

Nakita ko namang napaisip si Taehyung at mukhang may hindi ito maintindihan na words na sinabi ni Steph kaya naman tinanong niya si Namjoon kung ano yun. At inexplain naman nito sa kanya kung anong ibigsabihin non.

"Ow. Okay, Give me the necklace." Taehyung said.

Si Jerra nanaman muli ang naghubad ng necklace niya para maibigay kay Taehyung. Lagi nalang si Jerra ang nagsasakripisyo kaya lagi siyang OP eh haha sorry cyst.

Iniabot na ni Steph ang necklace sa kamay ni Taehyung at bigla namang naging visible ito sa paningin nila. Omaygosh, eto na mukang mamatay na ko sa kahihiyan, juicecolored.

Tuluyan na ngang binigay ni Taehyung kay Jimin ang necklace at parang bawat segundo ngayon sa akin ay bumabagal at mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa kaba.. You'll pay for this, makakaganti din ako sa inyong dalawa. Grr!!

Isinuot na ni Jimin ang necklace na siya namang mas lalong nagpakaba sa akin at parang unti-unting dumadaloy ang hiya sa katawan ko.

"Ow! Hi!" Bati ni Jimin na kasama ang kanyang signature eyesmile sa aming tatlo nang maging visible na kami sa paningin niya.

Nararamdaman ko namang umaapaw na ang kilig ni Steph ngayon dahil lang sa pag-Hi sa amin ni Jimin samantalang ako naman parang sasabog na sa sobrang pamumula at kahihiyan.

"So now can we talk about our plan?" Sabi ni Steph na batid kong natatawa parin sa reaksyon ko ngayon.

"Y-Yes." Jimin answered.

Sinimulan na nga naming talakayin ang plano at kung paano nila kami matutulungan. Kay Jimin sinasabi ng ibang mga members ang mga gusto nilang sabihin sa amin. At kalaunan ay may biglang may naisip si Namjoon na pwedeng makatulong sa amin.

Kung kaya naman tumayo na kaming lahat at since si Jimin lang sa ngayon ang nakakakita sa aming tatlo ay sa kanya lang kami sumusunod. Babalik pa sana ako sa loob para kunin ang jar kung saan nakalagay ang paru-paro pero nakita kong bitbit na ito ni Taehyung kaya naman sumakay na kaming lahat sa isang itim na van na heavily tinted, pinagday-off daw nila kahapon ng mga limang araw yung driver na provided sa kanila ng bighit siguro dahil ayaw nilang maweirduhan ang driver nila sa kanila at para narin malaya kaming makakapag-usap ng kami-kami lang.

Sinimulan nang paandarin ni Jin ang kotse at si Jungkook naman ang nagbukas ng gate nila. Nakahoodie silang lahat ngayon at may mga dala-dala silang itim na facemask para iwas narin siguro na pagkaguluhan sila nang sinumang makakakilala sa kanila.

Nagmaniobra si Jin para makalabas ang van sa loob ng bahay nila at muli namang isinara ni Jungkook ang malaking gate at lumabas sa maliit na pinto sa gilid at nilock na niya ito sabay sakay sa kotse.

Umusad na nga ang van nang makasakay si Jungkook at nagsimula na kaming lumabas sa gate ng village. Nasa highway na kami ngayon at habang nasa daan ay walang tigil ang pagtanaw ko sa mga nagtataasang building ng Korea.

Grabe sobrang dami nito, it's indeed a concrete jungle at parang mga higanteng puno ang mga building na nagpapaunahang magtaasan. Sobrang organize ng mga kalye nila at talagang makikita mong disiplinado ang drivers and motorists dito dahil lumulugar talaga sila sa mga tamang lane. Feel na feel mo talaga na nasa ibang bansa ka. Marami ding mga hi tech na cctvs na nasa nagkalat sa buong paligid kaya dama din siguro ng mga tao dito na safe sila.

Maya-maya pa ay unti-unti nag-iba ang mga dinadaanan namin, kung kanina ay nagtataasang mga buildings ngayon naman puro mga talahiban at mga puno, mukhang papunta kami sa isang probinsya. Pero ang nakakamangha ay abot parin ito ng mga highways nila at hindi parin nagiging lubaklubak ang mga dinadaanan namin unlike sa Pilipinas, di naman sa dinadown ko yung Philippines pero kasi yun naman talaga ang masakit na katotohanan eh na masyadong napag-iwanan na ang bansa natin. Hayss.

But anyways maya-maya ay biglang huminto na ang van sa tapat ng isang gusali. Muka na itong may katandaan at hindi modern ang istilo ng pagkakagawa, isa ata itong temple. Kung saan nakatira at nagdadasal ang mga budistang monghe. Nakaka-amaze lang dahil well preserved parin ito.

Ipinark na ni Jin sa isang open space na reserve narin siguro for parking ng mga gustong bumisita dito at siya na nga kaming bumaba mula van. Nagsimula na nga kaming maglakad patungo sa pintuan ng temple at nang makarating kami dito ay may mga naabutan pa kaming mga nakaluhod na nagdadasal habang ang iba naman ay nagmumuni-muni at dinadama ang katahimikan at ang pagiging solemn ng paligid samantalang ang iba ay nagsisindi ng insenso na ngayon ay amoy na amoy sa buong temple.

"Are you okay?" Tanong ng isang lalaking di ko namalayang kanina pa palang nasa gilid ko.

Jimin.

"H-ha? Ah! Oh! Yes I'm fine." Nahihiyang sagot ko at ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking tingin.

"A-Are you bored?" Tanong muli sa akin ni Jimin.

"Ah.. No, of course not." Sagot ko nalang sa kanya dahil nahihiya akong pahabain pa ang usapan namin.

"This is place has a lot of sad memories of mine." Jimin said with sadness in his eyes.

"B-But why?" Nakikisimpatyang sagot ko naman.

"I went to this place when my first ever girlfriend broke up with me, I'm not still a member of bangtan that time and here I released all the pain when she left me, I loved her so much." Muli nanamang sabi ni Jimin and by that time alam kong sobrang lungkot niya talaga.

So totoo palang nagkaroon siya ng iisang girlfriend bago siya pumasok sa KPOP industry at maging member ng BTS.

"Maybe it's just a way of destiny, telling you that she's not yet the one... I'm very sorry." Pakikisimpatya kong muli sa kanya.

Napayuko nalang ako ngunit nakita ko namang napangiti si Jimin at muli siyang nagsalita.

"It's okay, I understand." Jimin said.

Napangiti nalang din ako dahil sa sinabi niyang iyon, hindi naman ako magaling magcomfort pero everytime na may tao akong nakikitang nasasaktan lalo na ang mga kaibigan ko, lagi kong ginagawa ang best ko para maibigay ang comfort na pwede kong maioffer sa kanila.

"Uhm.. Lovebirds tama na muna yan? Tawag na tayo ni Namjoon." Pang-aasar na pagtawag ni Steph sa aminh dalawa na batid kong naintindihan din ni Jimin dahil sa suot niya ang reumdulhan.

Namula ako nang dahil doon at agad kong binilisan ang lakad ko para medyo makalayo kay Jimin, pero ganun din ang ginawa niya.

Nakita kong pumasok si Steph sa isang silid sa loob ng temple at habang papalapit kami ay mas lalong lumakas ang amoy ng insenso. Sinundan ko naman si Steph na pumasok doon at ganoon din si Jimin na nasa likod ko.

Pagpasok ko ay nakita kong nandun narin ang ibang members sa loob at tahimik lang sila na nasa gilid. Habang si Namjoon naman ay kausap ang isang monghe at maya-maya pa'y umalis din ang monghe kausap niya.

Nakita ko rin na may isa pang monghe ang nasa harapan namin ngayon, malaki ang agwat ng edad niya sa monghe na kausap ni Namjoon kani-kanina lang. Siguro mga nasa 90 years old na siya kalbo din siya katulad ng typical na monghe na napapanood ko noon sa mga Chinese movies at may mahaba itong balbas na kulay puti at naka-indian sit siya ngayon at nakapikit ang mga mata na siguro ay nagmemeditate. Muka siyang kung fu master ni Jackie Chan. Haha!

"Nagkakamali ka ng pagkakakilala sa akin." Sambit ng monghe na batid kong para sa akin at kasabay nito ang pagmulat ng kanyang mga mata na siyang ikinagulat ko.


Tiningnan ko rin ang reaksyon ng ibang mga members na nasa gilid ko at halatang nagulat din sila dahil nagsalita ito ng linggwaheng hindi nila maintindihan.

"I didn't know that you can speak in Filipino, Monk Yu Shin." Narinig kong sabi ni Namjoon sa kanya.

Di man naintindihan ni Namjoon kung anong ibigsabihin ng sinabi nung monghe na si Monk Yu Shin ay alam niya sigurong filipino ang wikang lumabas sa bibig nito. Naniniwala na kong mataas talaga ang IQ ni Namjoon.

"Yes.. I can speak more than 50 languages and I'd learned them all during the days when I travel in different nations to preach." He said.

Nawindang talaga ako sa sinabi niya. I mean 50 plus languages is no joke. English pa nga lang na sobrang basic hindi ko pa gaanong master eh tapos siya ganoon kadami ang linggwaheng kaya niya isalita. Nakaka-amaze.

"Salamat sa papuri mo sa akin." Monk Yu Shin said kasama ng isang ngiti habang nakatingin sa akin.

Teka nga ulit.. Ngayon nakikita niya naman ako? Grabe parang hindi na siya tao sa lagay na yan.

"Oo tama ang sinabi mo, nakikita kita ngunit isa parin naman akong tao na nabiyayaan lamang ng mga pambihirang abilidad." Tugon ni Monk Yu Shin sa mga iniisip ko.

Nakakaloka habang tumatagal ang pagkakakilala ko sa kanya mas lalo akong na-aamaze. Nakita ko naman ang mga reaksyon nila Steph at Jerra at naistatwa lang din naman sila at di makapagsalita sa kinalalagyan nila, samantalang ang ibang members ay medyo OP dahil di nila maintindihan ang sinasabi ni Monk Yu Shin.

Matapos nun ay sinabi na nga namin sa kanya ang mga problema namin. At mataimtim lang din namang nakikinig si Monk Yu Shin sa bawat sabihin namin sa kaniya. Mukang tatahimik lang talaga kaming tatlo nila Steph ngayon dahil bukod sa nakakaintindi ng Tagalog si Monk Yu Shin ay mind reader pa ito.

Double Kill!

Nang matapos na naming ilahad ang lahat-lahat sa kanya ay saka naman ibinigay ni Taehyung ang glass jar na laman ang paru-paro. Inutos naman ng matandang monghe na pakawalan ito na siyang ginawa namin. Binuksan ni Taehyung ang takip kaya naman nakalabas ito at nakakamanghang lumipad patungo sa palad ni Monk Yu Shin na siyang mas ikinabigla namin dahil hindi siya hinigop nito patungo sa kung saan.

"Seunim. May I ask, if what kind of creature is that thing?" Namjoon was curious.

"You need not to know, young man. But you can cease your worries. Besides you won't be seeing it for a while." Turan ni Monk Yu Shin.

"For it already serve its purpose. Go now, little one and return once the skies touches the earth." Dagdag pa ng monghe na may talinhaga at kasabay nito ay pinalipad niya paalis ang paru-paro na biglang naglaho na parang abo nang umalis ito sa kamay niya.

"W-Where did it go?" Tanong ulit ni Namjoon.

"To where it must be." Maikling tugon nito ngunit napakalalim.

"Now.. regarding the things that you've told me earlier. The only help that I can give you is the protection of your physical bodies against any harm." Sambit ni Monk Yu Shin at kahit sa boses niya palang ay mababatid mo na talaga ang katandaan.

Napatango nalang kaming lahat sa sinabi niya. Para sa akin malaking tulong narin sa aming tatlo na maensure naming ligtas at walang mangyayaring masama sa pisikal na katauhan namin habang naghahanap kami ng solusyon para muling makabalik dito. Ngayon parang medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil atleast nabawasan ang iniisip namin.

Tumayo na nga kaming lahat at ganun din maging si Monk Yu Shin at lumabas siya upang tawagin ang ilang mga monghe para kunin ang mga kagamitan at para maisagawa na siguro ay 'ritwal' na gagawin niya. Pumasok nang muli si Monk Yu Shin sa loob kung saan kami naroroon at umupo sa pinakagitna ng silid. Paikot kasi ang design ng silid na ito at ang sahig ay may mga design at sa pinakagitna ng sahig ay may nakaukit na bilog at ngayon ay sa gitna ng bilog na ito naroon na nakaupo si Monk Yu Shin.

Maya-maya pa ay pumasok na nga ang mga monghe din na mas bata sa kanya na kanina ay inutusan niya para kumuha ng mga kagamitan. May mga dala itong kulay pula na mahahaba at matatabang kandila at isang sako na may kung anong buhangin or something na nakalagay. Naglagay na ng limang pulang kandila sa paikot sa kinauupuan ni Monk Yu Shin.

Pagkatapos noon ay binuksan na ng mga batang monghe ang sako na dala rin nila at may sinandok ng isang batang monghe gamit ang kanyang kamay ang laman ng sako na di ko alam kung asin ba or ewan at sinimulan niya itong ilagay paikot kay Monk Yu Shin kapantay lang nito ang mga pulang kandila inilagay din nila kanina. Nang matapos na sila sa palalagay ay binuhat na muli nila ang sako at umalis na ang mga batang monghe dahilan para muling maiwan ang bangtan, kaming tatlo nila Jerra at si Monk Yu Shin na ngayon ay nakapikit na at taimtim na nirerecite ang siguro ay spell or dasal na nasa isip niya.

Ilang sandali pa ay naramdaman naming yumayanig ang buong paligid. T-Teka? Lumilindol?

Dahil doon medyo nagpanic ako at akma ng tatayo ngunit napatigil ako ng may isang lalake na humawak sa kamay ko.. si Jimin. Nasa tabi ko pala siya ngayon at hindi ko manlang namalayan dahil sobrang tense ako sa mga susunod na mangyayari. Sinenyasan niya ako na umupo at kumalma na siya namang ginawa ko. Shet. Para akong lilipad sa kilig neto.

Nang makaupo na muli ako ay nanatili paring nakahawak si Jimin sa akin at di ko man nakikita ang sarili ko ngayon ay dama kong pulang-pula na ko sa pinaghalong kilig at kaba. Mababaliw na ko cyst. Ahckk!!

Ibinalik ko nalang ulit ang atensyon ko kay Monk Yu Shin na kasalukuyan paring nakapikit ngayon. Hindi parin tumitigil ang pagyanig ng paligid at nadagdagan pa muli ang kaba na nararamdaman ko nang magsimulang dumilim sa buong kwarto. Mas humigpit ang hawak ko sa kamay ni Jimin. Isipin niyo ng maharot ako but sobra talaga ang kaba ko right now at siya lang ang tanging nakakapitan ko ngayon.

Nagulat ako ng biglang sumindi ng sabay-sabay ang mga pulang kandilang nakapaikot kay Monk Yu Shin dahilan para bahagyang lumiwang ang kapaligiran. Gulat din naman ang mga ekspresyon nila Steph at Jerra maging ng ilang members.

Ilang saglit pa ay biglang humiwalay ang Astral Form ni Monk Yu Shin mula sa pisikal na katawan nito. Mas maliwanag ang Astral form niya kaysa sa aming tatlo nila Steph at Jerra. Nang mapaling ko ang tingin ko kay Jimin ay nakatingin lang din siya na may halong pagkagulat sa Astral form ni Monk Yu Shin ngunit mas ikinagulat ko na maging sina YoonGi, Hoseok, Namjoon at ang iba pang myembro ay nakatulala lang din, hindi sa pisikal na katauhan ni Monk Yu Shin kundi sa Astral Form nito.

What? Nakikita rin nila?

Tumayo naman matapos ang ilang sandali ang astral form ni Monk Yu Shin at kasabay nito ang pagdilat ng kanyang mga mata.

Ikinumpas nito ang kanyang mga kamay sa hangin at nagbanggit ng isang chant na dahilan para magbukas ang isang portal. Kung ganoon para pala ito yung chant na binanggit din ni Steph nung tangka naming bumalik muli dorm nung nakaraang araw.

"Kayong tatlo.. sumunod kayo sa akin." Usal nito na alam kong pumapatukoy sa aming tatlo nila Steph at Jerra.

Kaya naman tumayo na agad si Steph at Jerra at pumunta sa likod ni Monk Yu Shin. Akma narin akong tatayo at bibitaw na sana ako sa kamay ni Jimin nang mas higpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at saka siya nagsalita.

"Be careful." Jimin said.

Napalunok na lang ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko at tila may gera na nagaganap sa puso ko at para na itong nagwawala sa kilig. Jemen nemen eh. Hihi!

"I will." Sabi ko nalang sabay ngiti habang tinatago ang kilig.

Tuluyan na ngang bumitaw si Jimin sa mga kamay ko at dahil doon ay pumunta na ako sa likuran ni Monk Yu Shin sa loob ng mga kandilang pula na nakapaikot sa kanya. Mas nagliwanag ang mga astral form naming tatlo na siya muli naming ikinagulat at nakita ko namang nakatingin na sa aming tatlo ngayon di lang si Jimin kundi lahat sila.

Gosh!! Nakikita na siguro nila kami ngayon? Pero paano? Napakahiwaga naman nitong mga nangyayare samin.

"Tama ka Angel, tunay ngang nakikita ka nila. Ngunit masyadong mahaba ang paliwananagan kung kaya't hindi ko na masasabi sa inyo ang dahilan sapagkat tayo ay nagmamadali." Usal ni Monk Yu Shin at napatango nalang kaming tatlo sa kanya.

Pumasok na nga si Monk Yu Shin sa portal na kanyang ginawa kani-kanina lang. At sumunod na nga rin kami sa kanya. Laking gulat ko kung saan kami dinala ng portal na likha ni Monk Yu Shin.. sa dorm.

At mas lalo ko pang ikinabigla nang tumambad sa amin ang mga physical bodies naming tatlo na animo'y wala ng buhay pa. Maraming katanungang naglalaro sa isipan ko, hindi ko akalaing matatanaw ko muli ang totoong katawan ko and I can't imagine that I'm here again.

Continue Reading

You'll Also Like

44.4M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
1M 33.2K 78
"𝙾𝚑, 𝚕𝚘𝚘𝚔 𝚊𝚝 𝚝𝚑𝚎𝚖! 𝚃𝚠𝚘 𝚕𝚒𝚝𝚝𝚕𝚎 𝚗𝚞𝚖𝚋𝚎𝚛 𝚏𝚒𝚟𝚎𝚜! 𝙸𝚝'𝚜 𝚕𝚒𝚔𝚎 𝚝𝚑𝚎𝚢'𝚛𝚎...𝚍𝚘𝚙𝚙𝚎𝚕𝚐ä𝚗𝚐𝚎𝚛𝚜 𝚘𝚏 𝚎𝚊𝚌𝚑...
227M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
55.3M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...