Curse Resurrection (Complete)

By CypressinBlack

99K 4.1K 147

◈◈BOOK II of Curse Saga◈◈ At this time, I'm desperate to resurrect the curse of mine, my Cursed Guardian. Kim... More

----
Prologue
Chapter 2: Tomoki Ascandelancé
Chapter 3: The Beginning of Curse
Chapter 4: Lupus Tribe
Chapter 5: The Power of Being a Princess
Chapter 6: Under the Moonlight
Chapter 7: Second Body and The Bitter Truth
Chapter 8: Encountering the Demons
Chapter 9: Spiritual Beast
Chapter 10: Realization
Chapter 11: Real Fight
Chapter 12: Tomoki's Last Wish and Confusions
Chapter 13: Morning Shadow
Chapter 14: Chaos
Chapter 15: Memento of the Goddesses I
Chapter 16: Memento of the Goddesses II
Chapter 17: Best Choice
Chapter 18: Bloodbath
Chapter 19: Goddess of Immortal
Chapter 20: Second Sign
Chapter 21: A Hunt to Survive
Chapter 22: Flaglet
Chapter 23: Snakes' Downfall
Chapter 24: Subtle Pearl
Chapter 25: Question(s)
Chapter 26: Their Revenge
Chapter 27: The Three-Eyed Butterfly
Chapter 28: Memory
Chapter 29: King's Mate
Chapter 30: End of the Contract
Chapter 31: Facing the Giant God
Chapter 32: Gods and Goddesses' Reunion
Chapter 33: Vengeance of Light
Chapter 34: God of Illusion
Chapter 35: Dyspherein's Gift
Chapter 36: Dead's Mate
Chapter 37: Preserved Body
Chapter 38: Long Wait
Chapter 39: Move On
Chapter 40: The Conflict between the Zeurdous Siblings
Chapter 41: Hard Decision
Chapter 42: Awakening the 1000 Year Demon
Chapter 43: Saving the Vampiric Auras
Chapter 44: Goddess of the Nightmare
Chapter 45: Just the Beginning
Chapter 46: Pairs of Dagger
Chapter 47: Fight for Kim Dwight
Chapter 48: Facing Darkness
Chapter 49: Apprentice of Eternity
Chapter 50: Final Battle
(: Shout Out Is Real :)
Chapter 51: Blades of Card
Chapter 52: Turns to Skeleton
Chapter 53: Scream for Death
Chapter 54: Barrier
Chapter 55: He's Back!
Epilogue
Untold 1: Last Hope and Nightmare
Untold 2: Yin and Yang Keeper
Untold 3: Goddess of Manipulation
ANNOUNCEMENT!

Chapter 1: The Contract

3.2K 95 1
By CypressinBlack

'We're united because we're connected.'


NAKAUPO ako sa loob ng train habang malalim ang iniisip. Pakiramdam ko mas grabe pa ang problema ko ngayon kesa normal na tao na naghahanap ng pera para may ma-ipambili ng bigas.

Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang mga paligid na naglalagpasan ng train. Sa mga ganitong klaseng senaryo naaalala ko 'yung mga panahong nagpahangin ako sa may terrace ng train at nagpakita si Hiro.

Sariwang-sariwa pa rin sa aking alaala ang mga pangyayaring 'yun kahit ilang taon na ang nakalipas.

Pumikit ako habang pinakiramdaman ang paligid.

Sobrang payapa ng paligid at tanging ang pagtakbo lamang ng train ang aking naririnig. Pwede bang magpahinga muna ako kahit saglit lang?

Muli kong naramdaman ang dahan-dahang pag dausdos ng butil ng aking luha.

Maya-maya lang ay namalayan ko nalang na bumibigat na ang talukap ng aking mga mata. I remember that time when we travel. It took three days before we reached the Vasemuelle Kingdom. At sa ngayon kailangan ko munang magpahinga.

Naalimpungatan ako nang may marinig akong paglapag ng kubyertos  sa mesa kung saan nakahilig ang aking uluhan.

Dahan-dahan akong napa angat ng tingin at nakita ko ang isang may edad ng babaeng Garcae, "Maghapunan ka muna, Binibini. Alam kong pagod ka." nakangiti ito sa akin.

Dahil sa sinabi niyang maghapunan ay napatingin ako sa labas ng may bintana. Gabi na pala...

"Maraming salamat po." pagtutukoy ko sa pagkaing ibinigay niya.

"Walang anuman," tumalikod na ito at pumasok sa kabilang pintuan.

Napatingin na lamang ako sa pagkaing nasa harapan ko. I'm very hungry...

Kinuha ko na ang kutsara't tinidor at nilantakan ang adobong manok, caldereta, tinulang manok at ang fried rice.

Halos 'di na ako makahinga ng maayos pagkatapos kong kumain dahil sa sobrang busog. Hindi naman siguro ako tataba nito...





*****

Lumipas na ang dalawang araw sa pananatili ko dito sa loob ng train at ngayon ay nag aabang na lamang ako kung kailan hihinto ang train.

Nakaupo lang ako habang nilalaro ang puting apoy na lumalabas sa palad ko. Napatingin ako dito at ginawa na naman itong kristal ng yelo. Pinaangat ko ito sa ere at pinasabog ito. Naging pinong alikabok ito at naramdaman ko pa ang lamig na taglay nito nang maglanding ang mga ito sa aking braso.

Napaisip ako saglit nang pumasok sa aking isipan ang Shrine. Tiyak na masusurpresa 'yun sa walang pagpaalam kong pagdating.

Sakto naman nang unti-unti nang huminto ang train. Rinig na rinig ko pa ang pag-ingay ng gulong nito sa railings.

Hanggang sa tuluyan na itong 'di gumalaw. Napatingin na ako sa may bintana at natanaw ko ang kabuuan ng palasyo. Finally!

Dahan-dahan ang mga hakbang na ginawa ko bago ako makatapak ng tuluyan sa lupa. Nakatitig lamang ako sa kabuuan ng palasyo. Narinig ko pa ang pag-andar muli ng train at tuluyan na itong lumihis.

Sinuot ko muna ang aking balabal pagkatapos ay pumikit ako at huminga ng malalim tsaka nag-umpisa ng maglakad. Medyo malayo-layo pa ang aking lalakarin pero ayos na 'yun basta marating ko na ang palasyo.

Ilang minuto na ang nakalipas. Napapatingin rin ako sa mga bahay na nadadaanan ko. Hanggang sa marating ko ang pamilihan.

Saglit akong napahinto at inaalala ang mga nangyari sa nakalipas na pitong taon. Sa pagkakatanda ko, wasak ang lugar na ito dahil sa ginawa ng mga Cryptus, idagdag mo pa ang maraming insane nun na kasapi ni Zeraffina.

Pero kahit na ganun ang nangyari ay nakabangon muli ang Vasemuelle. Napangiti ako saglit sa naisip at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Nang bigla nalang akong may naramdamang pamilyar na presensya.

"Asan na ba ang makulit na batang 'yun?"

Lilingunin ko na sana ang may-ari ng boses na 'yun ngunit may nakabunggo sa akin.

"Ayy! Pasensya na po!" muntik na akong matumba kung 'di lang ako mabilis kumilos ay baka pinagtitinginan na ako ng ibang nandito sa pamilihan.

"Hindi ka pa rin nagbabago."

Namilog ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin, "B---binibini--?" Tallah...

Halata sa kanyang mga mata ang pagkalito at pagkagulat. Tuluyan ko nang tinanggal ang aking balabal, "Namiss mo ako noh?" 'diko maiwasang 'di mapangiti.

"Binibini---!" mahigpit na yakap ang natanggap ko sa kanya. At naramdaman ko nalang ang paghikbi niya.

"Aba! Sige pag mabasa mo itong suot ko itutulak kita," pagbibiro ko.

"K---kasi naman Binibini. Namiss ko kayo," at humagulgol siya ng iyak. Napatawa na lamang ako.

"You never changed," tsaka ko hinagod ang kanyang likuran, "Iyakin ka parin."

Alam kong namiss na niya talaga ako. Sa loob ng pitong taon ay saka lang niya ako muling nakita.

"Binibini bakit ngayon ka lang?" dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin.

Ngumiti ako, "I have something to do in here."

"Sister Tallah?" napabitaw sa pagyakap sa akin si Tallah nang may tumawag na bata sa kanya. Kahit ako ay napatingin rin sa lalaking bata na sobrang cute na hula ko ay nasa tatlong taong gulang pa lamang ito.

"Vale?" napaupo ng bahagya si Tallah para magka level sila nito, "Saan ka galing. Pinag-alala mo si sister Tallah?" hinawakan pa niya ang magkabilang balikat ng bata.

Ako naman ay unti-unting napaawang ang labi habang tinitingnan ng maayos ang hitsura ng bata. Who are the parents of this child? Bakit parang may hawig ito sa Supremo at sa---?"

"Do you know her, Vale?" tanong ni Tallah sa bata. Nakatitig lang ito ng sobrang seryoso sa akin. The way he stares---parehong-pareho ito sa titig na ibinibigay ng Supremo sa akin noon.

"No, I don't," diretsong sagot nito. Pareho talaga sila ng Supremo.

Kita ko ang pagkagulat ni Tallah sa sinabi nito. Napatingin naman siya sa akin, "Kahit magkamukhang-magkamukha kayo ni Binibining Snow nakahalata parin siya Binnibini!" Natutuwang sabi niya.

I won't be surprised, kung anak talaga ito ng Supremo.

Bahagya akong lumuhod upang pantayan ito, "Shall I call you, my nephew?"

"Why?" Napangiti naman ako sa tinuran nito, "Why I would let you call me, your nephew? And why do you have the same face with Aunt Snow?" I can sense a presence of authority from this child. My intuition never fails to amaze me.

He's a son of the Supreme and Shrine Priestess! Bakit 'di nila ako binalitaan sa bagay na ito!?

"I'm her twin sister. You can call me, aunt Elle," a bright smile suddenly appeared on his cute face.

"Yehey! I have a lot of aunts!" He yelled cheerfully and gave me a warm hug. 'Diko napigilang yakapin pabalik ang makulit na batang ito.

Mabilis naman itong bumitaw at bumungisngis sa akin, "You're Vale, right?"

"Yes, and my parents are Conrad Zachary Gordouissi and Carlisle Virgo Amore."

It's quite obvious, right?

Papasok na kami sa kastilyo habang hawak-kamay ni Tallah ang kamay ni Vale. Samantalang ito ay nagsasalitang mag-isa na tila may kinakausap. Its child stuff. I know, naranasan ko rin ang bagay na 'yan noon.

"Binibini," napalingon ako ng bahagya kay Tallah, "Ano nga po palang sadya niyo rito?"

"Its an important matter. Kailangan kong makausap ang Shrine," seryoso kung sagot.

Napansin kong malapit na kami sa may entradang pintuan na papasok sa kastilyo. Kagaya ng dati, meron paring nagbabantay na mga kawal dito.

Binuksan ng isang kawal ang pintuan nang nasa harapan na nila kami.

Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad habang si Vale naman ay kumakanta na ngayon.

"Aunt Elle?" napalingon ako sa pagtawag ni Vale na may pagtataka, "Bakit ngayon ko lang po kayo nakita?" His eyes were filled with curiosity, na tila pag 'di mo masagot ang kanyang tanong ay kukulitin ka niya.

"Because I have some business with other place that is far from your kingdom."

"How far is it?"

Ngumiti lang ako sa kanya. Sa edad niyang ito ay masyado na siyang malalim mag-isip. I wonder, kung ganito rin ba mag-isip ang Supremo at Shrine sa edad nilang ito?

"You will know it soon." 'di na ito nagtanong ulit.

Ibinaling ko nalang ang aking mga mata sa daan. Hanggang sa mapadpad na kami sa bulwagan.

Hindi nahagilap ng aking mga mata ang rebulto ng Shrine pero nakita ko ang Supremo na may kinakausap na tagapagsilbi sa palasyo.

"Father!" awtomatikong napalingon ang Supremo sa aming gawi at napangiti nang makita niya ang kanyang patakbong anak sa kanya.

"Saan ka naman naglulusot. Tiyak na nahihirapan ang sister Tallah mo sa pagbabantay sa'yo."

He very love his own son. Dahil kahit katabi lang ako ni Tallah ay 'di man lang niya ako napansin.

"But you should see my new aunt!" ang makulit na tugon naman ni Vale sa kanyang ama.

"And who is that new aunt of yours?" The Supreme challenged his son.

"Look!" Vale suddenly pointed our direction that made the Supreme's smile disappeared. "She said she's the twin sister of aunt Snow!"

Hindi ka agad nakapag react ang Supremo. I smiled at him and made a several steps towards him. "Your majesty."

Nagbigay galang ako sa kanya pero 'di parin siya naka recover.

"I didn't expect to arrive here surprised by an unexpected things."

"Kim?"

"Tell me, your highness. Why didn't you send me some invitation during your wedding with my sister?" Bumusangot ako.

"Actually, we're about to give you some---but---!"

Hindi ko maiwasang 'di mapangiti dahil sa inaakto ng Supremo. Remember, he's a Supreme that has a presence of authority but now, trying to make some excuses. Kung sa bagay, may utang na loob ito sa akin. Kung hindi dahil sa akin mananatili siya sa katawan ng isang bata.

"Its okay." Inilibot ko na lamang ang aking tingin sa paligid, "Where is she?" kahit 'di na niya tatanungin ay alam kong alam niya kung sino ang aking tinutukoy. The Shrine. "I need to talk. To all of you."

Iyon naman talaga ang ipinunta ko dito. I need some advice from them.

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. "Follow me."

Kinuha na ni Tallah si Vale at tinahak ang kabilang daan. Sumunod na rin ako sa Supremo.

*****

"Nakakapagtataka ang bagay na
ito." Nakatitig sa kawalan si Aloora habang nasa kanyang likuran ang magkabila niyang palad.

Dahil sa aking pagdating ay pinatawag lahat ng Supremo ang lahat ng kasapi ng aming alyansa.

Matapos kong isalaysay sa lahat ang bagay na nangyari ay tila wala silang masabi ukol dito. Even Aloora.

Nandito rin ang kasama kong tatlong itinakda na nagtataka rin kung bakit sa akin lang nagpakita si Lumina. Kung tutuusin ay dapat sa aming apat siya magpakita dahil kami ang itinakda.

"Sa totoo lang, makapangyarihan si Lumina. Kahit ako ay 'diko mapantayan ang kakayahan niya. There's some reasons why she showed up herself in front of you."

"She live with a contract. Kung nagpakita siya sa'yo. This only means that---she's about to have a bargain with you." napatitig ako kay Zero. Walang kupas parin ang katalinuhang taglay nito.

"Do I have to deal with it?" tanong ko sa lahat.

"I'm afraid for you, sister," may pag-alala sa mga mata ni Snow.

"Nangangamba ako kapag mangyari ang bagay na nasa isip ko," seryoso kong sabi sa lahat. Baka 'di niya tutuparin ang kasunduang gagawin namin kung magkataon.

"She's a mysterious creature. Kahit na 'diko pa siya nakikita ay ramdam kong kakaiba siya," kahit ang Shrine ay pag-aalinlangan sa gagawin kong desisyon.

"Kung makita ko lang ang hinaharap baka makapagdesisyon na ka agad ako."

"You're one of the chosen four," napalingon ako sa Supremo na nakahalukipkip sa isang tabi habang nakayakap sa paa niya si Vale, "What will be your decision?"

Tila kumabog ng malakas ang aking dibdib dahil sa tanong niya at napuno ng katanungan ang aking isipan.

Ano nga ba ang desisyong gagawin ko?

Do I have to grab this opportunity?

Or not?

Huminga ako ng malalim habang nahihirapang magsalita, "I don't know---'diko a--alam. Natatakot ako!" napakagat labi ako at may kumawala nang luha sa aking mga mata.

Nahihirapan akong magdesisyon. Una sa lahat, dahil 'di ito ang itinakdang oras para sa amin na mapunta sa mundong 'yun. Pangalawa, baka isa lamang itong pakulo at kapag nasa isang delikadong sitwasyon na ako baka dun na ako mahihirapang bumangon uli.

"Listen, Kim." I was awakened by the voice of Eleanor, "Do follow what your hearts desired." She walked towards me and gave me a warm hug. "I have a feeling that, it's not a trap. Its an opportunity for you to see what you want to see."

Ilang minuto ang aking pag-iyak. I haven't move on yet from that incident about 7 years ago. Maybe this is the reason why I am still weak. The reason why I'm still fragile by those memories, because I still can't accept the truth where he left me broken heartedly.

Malumanay akong ngumiti habang lumuluha, "Thank you." I respond to her warm embrace and when I closed my eyes where a trail of tears can still be found in there, I felt a two people who also embraced the both of us, Hermoine and Leilah.

"We believed in you, Kim. We believe that even its not the time for the four us to go on that world, you will take your time first." Hermoine whispered tightening her embrace.

"Send my regards to that wolf if ever you meet him again," I know whom Leilah pertaining with. Zeref Evan.

"Is this really my final decision?" I whispered back.

"It should be your final decision. We're giving you your own mission its not our time yet to interfere." Eleanor answered.

Maluha-luha akong napangiti sa kanilang tatlo. "Thank you for comforting me..." I smiled genuinely.

"What chosen four is for?" napatawa ako ng mahina sa sinabi ni Leilah, "We're united because we're connected."

Hanggang sa bumitaw na sila sa akin sa pagkayakap. Tila gumaan ang pakiramdam ko dahil sa yakap na aking natanggap galing sa kanila.

"Seems like you're fine now?" napatingin ako sa Shrine na makikita mo sa kanyang mga mata na nabawasan ang kanyang pag-alala sa aking sitwasyon. "I have a strong trust on you, dear. I know this is the right opportunity for you to return the favor and I know you can do it." she's pertaining to Hiro, of what he did to save our world.

"I will, sister." yumuko ako sa kanya. Since my mind is clear enough to make a decision I think this is the time to confront Lumina.

I was about to turn my back on them when Zero called my name, "Kim!" paglingon ko ay nakita ko ang nakangiti kong kakambal na nakahawak sa braso ni Zero. I'm happy for my sister and I hope she won't experience the same fate that I've gone through. Saglit lang ang ginawa kong pagtitig sa aking kakambal. Ibinaling ko na ng diretso ang aking titig kay Zero. Kita ko ang paglunok muna nito bago nagsalita, "Send my regards to that arrogant dog!" how about to Hiro?

Hindi na ako nagsasayang pa ng oras, "Copy, Thunder Luke," nagsimula na akong maglakad. Hindi pa man umabot sa limang hakbang ang aking ginawa ay napahinto ako saglit at humarap muli kena Zero, "By the way, Thunder Luke!" bahagyang nagtaka ang mukha ni Zero sa aking sinabi, "Hwag mo munang buntisin ang kakambal ko. Dahil gusto kong sa pagbalik ko sabay nating pagplanuhan ang partikular na bagay na iyon para magkasing edad lamang sila."

"Oh sh*t!" kita ko ang pagpula ng mukha niya at ganun rin ang mukha ni Snow. Humagalpak ng tawa ang mga nakarinig sa aking sinabi kaya napatawa na lamang ako.

Nagawa ko pa talagang magbiro sa pagkakataong ito.

Nang tuluyan na akong makalabas sa pintuan ay dinig na dinig ko ang pagpaalam nila sa akin.




*****

Nakatitig lang ako sa kawalan habang iniisip ang mga bagay na mga nangyari na.

Matapos ang nangyari kanina ay dumiretso na ako sa may malapit sa gubat kung saan kami noon nagrambulan. 'Yung mga oras na biglang dumating sina Eleanor at Hermoine at dahil sa payabangan ng mga lalaki ay muntik ng mahagip sa palaso ni Hermoine sina Hiro. It was just like yesterday.

Huminga ako ng malalim at napabuga ng hangin.

"Lumina...." nang ibulong ko ang kanyang pangalan ay naramdaman ko ang unti-unting paglamig ng hangin sa kapaligiran. Ang mga tuyong dahon ay nagsimula nang magsiliparan na animo'y may paparating na bagyo.

Without a second, ay bigla nalamang siyang lumitaw sa aking harapan. She's still wearing that chessboard-color-like cloak.

Kita ko ang unti-unting pagguhit ng kanyang ngiti sa labi. "I know you called me because you already have a decision on your mind."

I took a breath, "You are right."

"Can I hear it?"

"I'm willing to accept the opportunity."

"I want you to remember this, Elle. This is just a contract, when our agreements completely finished you don't have any choice but to accept where you stopped. A deal is a deal. Why I am telling this to you? Because I'm still giving you a chance for you to take your decision back or not."

Tumango ako sa kanya, "Thank you for clarifying it, but I already cleared up my mind. I'm ready for the agreement."

"Your quite, ready. I can see it," Huminga muna siya ng malalim saglit, "There's a girl who's now dying in her critical state. The reason why this things happens because everyday of her existence she's being poisoned by her father's concubine---!"

Napakunot noo ako sa mga sinasabi niya kaya 'diko maiwasang 'di magtanong, "Why are you telling this to me?"

"Let me finish first," so I gave her time for her discussions. She took a deep breath in a second time and continue, "She's just a 15 years old princess with an innocent heart seeking for a justice of her life." napakunot noo ako. "Sad to say, tonight at midnight AM she will give in her last breath."

Nakaramdam ako ng lungkot sa karanasan ng batang tinutukoy niya. "Now..." Nagtaka ako ng sumeryoso ito at kahit 'diko nakikita ang kanyang mga mata ay ramdam ko ang pagtitig niya ng halos isang minuto sa akin, "Are you willing to help her?"

'Di ako ka agad nakasagot sa kanyang tanong, "If you are her, and you experienced the same fate as hers, what will you do?"

Naguguluhan ako pero 'diko akalaing lalabas ang mga salitang 'yun sa aking bibig mismo, "Those who commits a crime must pay the price."

"Eleiah Ultear Kim Amore, at midnight AM your body and hers will be switched according to the agreement. On that time, she will become Kim Dwight to regain her strength back and you will become  Tomoki Ascandelance, the dying princess."

'Diko magawang makapagsalita sa aking narinig.

"This is the only way that I can make for you to go to that world. Dahil hindi ka makakapunta roon kung hindi sa pamamagitan nito. Walang lagusan dito na magsisilbing daan para ikaw ay mapunta sa mundong iyon."

The same thing that she done to Hiro and Zeref but in a different way.

"You can do what you want to do in her world, even you are going to start searching for him. But remember you will find justice for her life, that's your main mission as a favor of using her body."


--- CypressinBlack ---

Continue Reading

You'll Also Like

89.1K 1.7K 62
UNDER EDITING [ A not so ordinary story of demons and angels | Fallen book #1 | Tagalog ] Not all those who has white wings are good, and not all tho...
24.2K 1.2K 50
[Mystic Academy: Book I] 𝕱𝖎𝖗𝖊, 𝖂𝖆𝖙𝖊𝖗, 𝕰𝖆𝖗𝖙𝖍 𝖆𝖓𝖉 𝕬𝖎𝖗. 𝕿𝖍𝖊 𝖋𝖔𝖚𝖗 𝖒𝖆𝖎𝖓 𝖊𝖑𝖊𝖒𝖊𝖓𝖙𝖘 𝖙𝖍𝖆𝖙 𝖐𝖊𝖊𝖕 𝖙𝖍𝖊 𝖇𝖆𝖑𝖆�...
459K 13.2K 49
It's all about a little Princess who sacrifice her own life just to save her family from the Ortolon- It's a Black Wizard. Hindi alam ng Prinsesa ku...
11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...