The Girl Grim Reaper (Complet...

Par kristineeejoo

208K 3.7K 105

A Grim Reaper who fell in love with a human. Plus

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41 (Part 1) - The Hidden Past
Chapter 41 (Part 2) - The Hidden Past
Chapter 41 (Part 3) - The Hidden Past
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note 1
Author's Note 2

Chapter 38

2K 42 1
Par kristineeejoo

CHAPTER THIRTY EIGHT

Kinabukasan, maaga akong nagising para sa aking trabaho. Lumabas ako ng aking kwarto at dumiretso ng kitchen para kumain. Pero natigilan ako ng makitang nandun si Al at Sue na tahimik na kumakain.

"Good morning." Bati ko habang humihikab at bigla naman silang sabay na napatingin sakin. Okay.

"Good morning." Nagkatinginan silang dalawa ng bigla nila 'yong sabay na sinabi. Ilang saglit silang nagkatinginan pero sabay rin silang nag iwas ng tingin.

Patago akong natawa. "Ang tahimik niyo naman. Hindi ba dati lagi kayong nagbabangayan sa harap ng hapag kainan? Anong problema niyo?"

"M-Manahimik ka nalang at simulan mo na ang pagkain." Sagot ni Sue at bumuntong hininga. Napailing nalang ako at tinabihan si Al. Nagsimula na akong magsandok ng pagkain ko ng biglang nagsalita si Al.

"Hindi ka pwedeng makipag kita sa lalaking 'yon." Napakunot ang noo ko at napatingin kay Al. Akala ko ako ang kausap niya. Si Sue pala. Nakita kong napainom ng tubig si Sue at hindi matignan ng diretso si Al.

"H-Huh? S-Sinong tinutukoy mo?" Tanong ni Sue at napasulyap pa sakin.

"I said, you're not going to somewhere with someone else." Diretsong sambit ni Al. Napakunot ang noo ko sakanilang dalawa. Napansin naman 'yon ni Sue kaya mas lalo siyang nataranta. Bigla siyang tumayo at inilapag sa kaniyang pinagkakainang plato ang hawak niyang kubyertos.

"I.. I'm done eating. Aalis na 'ko." Mabilis na sabi ni Sue at pumanhik palabas ng bahay. Mabilis din namang tumayo si Al at sinundan si Sue. Napatulalang napatingin ako sa pinto ng bahay namin. How rude, Grim Reapers. Iniwanan ba naman ako sa kalagitnaan ng pagkain? Argh.

Wala akong nagawa kundi kumain ng mag isa. Alam ko naman na ang tungkol sakanila kaya hindi na ako magtataka. And I know, they're not aware that I know about what they talked yesterday. Nagkukunwari lang naman ako na hindi ko alam ang tungkol sakanila dahil alam kong mas lalong maiilang si Sue.

Pagkatapos kong kumain, niligpit ko na ang mga plato at hinugasan. Pagkatapos gawin 'yon ay sinuot ko na ang suit ko para sa trabaho ko. Nang matapos akong magbihis, tatangkain ko pa lang sanang suotin ang pulseras ko ng biglang may kumatok. Napakunot ang aking noo at lumapit sa pinto upang buksan 'yon.

At nalaglag ang aking panga ng makita si Luijin na nakatayo sa harap ng aming pinto. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba ilang araw pa ang itatagal niya sa Cebu?

Napatulala ako sakaniya. Nakangiti siya sakin ngayon habang pinagmamasdan ang suot kong suit. Oh my gosh. What the fuck. May trabaho ako ngayon! At hindi niya dapat makita na ganito ang suot ko!

"W-What are you doing here, Luijin?!" Nawala ang kaniyang ngiti dahil sa tanong ko. Nakita kong napanguso siya saglit pero ngumiti ulit.

"I missed you!" Napaatras ako ng bigla niya akong yapusin ng yakap. Napatingin ako sa labas ng bahay namin at laking gulat ko ng makitang nakatingin sa amin ang ilang kapit bahay kong Grim Reapers! Shit!

Mabilis akong humiwalay sa yakap ni Luijin at mabilis siyang hinila palabas ng aming bahay. Kanina pa nananonood sa amin ang ilang Grim Reapers na nandito sa lugar namin pero hindi ko sila pinansin. Dapat mailayo ko dito si Luijin! Hinanap ko kung saan naka-park kotse niya at ng mahanap ko kung nasaan 'yon ay mabilis ko 'yong binuksan at walang sabi-sabing pinasok si Luijin sa driver's seat. Mabilis rin akong tumakbo at pumasok sa katabing seat ni Luijin.

Nang maisara ko ang pinto ng kotse ni Luijin, malakas akong napabuntong hininga. Napatingin ako sa hawak kong pulseras at mabilis na sinuksok 'yon sa bulsa ng aking suit. Ghad! Bakit ba kasi hindi siya nagsabing uuwi na siya dito? Bakit bigla bigla nalang siyang dumadating ng hindi sinasabi sakin?!

I glared him and I was about to burst when his lips sticked to mine. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niyang paghalik. His kisses was aggressive and famished.

Napapikit ako sa kaniyang mapusok na halik at hindi ko mapigilang ipulupot ang aking braso sakaniyang leeg at gumanti sa bawat halik na kaniyang binibigay. Naramdaman ko naman ang kaniyang kamay na humahaplos sa aking bewang. Gosh, I really missed his touch! I missed him so much! Anong ginawa mo sakin, Luijin? Bakit ako nagkakaganito?

Huminto siya sa paghalik sakin at diretso akong tinignan sa mata. Magkalapit parin kaming dalawa. Nakapulupot parin ang aking braso sakaniyang leeg at nakahawak naman ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang bewang ko.

"Gusto lang kitang sorpresahin sa pag dating ko. Hindi ka ba na-sorpresa?" He asked. Nawala bigla ang pagkainis ko sakaniya. Kahit ano yatang gawin kong galit or inis basta makita ko lang siya ng malapitan nawawala na agad ang inis at galit na iyon. Hays, Luijin.

"I was surprised." Sagot ko at tinaggal ang pagkakapulupot ng aking braso sakaniyang leeg pero siya, nanatili paring nakahawak ang kaniyang dalawang kamay sa aking bewang. "Sino ba namang hindi mas-sorpresa sa ginawa mo?"

He smiled. "Don't get mad. My works in Cebu were all done. I finished it already for my early comeback."

I pout my lip. "Hindi mo sinabing uuwi ka na agad."

"Coz I want to surprise you."

I tsked. "Dapat sinabi mo parin."

"Surprise nga diba? Tss." Napapikit ako ng bigla niyang kinurot ang ilong ko. Epal talaga 'to lagi. Argh.

Tinitigan ko ang mukha niya at kita ko ang pagod sakaniyang mukha. Bigla akong nakaramdam ng guilt. Pagod siguro siya sa byahe tas sinungitan ko na agad siya pagkadating niya dito. Hays!

"You should rest. You look tired." Sabi ko habang tinitigan ang kabuuan ng mukha niya. Kulang kulang yata siya ng tulog.

He just grinned. "No. I'm not tired anymore because of what we did lately."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bastos!"

Tinawanan niya lang ako.

"Simulan mo ng mag maneho para makapagpahinga ka na sa bahay niyo." Suhestyon ko.

"Bahay nating dalawa 'yun. At tayong dalawa ang uuwi dun." Mabilis na sagot niya. Napairap nalang ako.

"I have something to do. Sorry, I'm not coming with you." Sagot ko at binuksan ang pinto ng kotse niya.

"Is that important than me?"

Natigilan ako ng bigla niya 'yong sinabi. Hinarap ko ulit siya at tinawanan.

"Of course, this is important. But, you know you're the most important." I answered.

He frowned. "I want to be with you."

I laughed. "May trabaho ako, Luijin. Kailangan ko 'yon tapusin."

"Eh paano ako?"

"Go home and take a rest." Sabi ko at tuluyan ng umalis sa pagkakaupo sa kotse niya. Hinarap ko ulit siya at nginitan. "Don't worry, I'll visit you."

Lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Really?"

Tumango ako. "Mmm."

Lumapad ang ngiti niya, "Okay!"

Natawa nalang ako at medyo lumayo na sa kaniyang sasakyan. Sinimulan na niyang paandarin ang kotse at nagmaneho na. Napabuntong hininga nalang ako habang sinusulyapan ang papalayong kotse ni Luijin.

Mabilis akong naglakad pabalik sa lugar namin at doon ko na nakita ang tingin sakin ng mga ilang mga Grim Reapers dito samin. Nagkunwari nalang ako na hindi sila nakikita. Mabilis ang lakad ko at napapikit ako ng biglang may humila ng braso ko.

Hinarap ko kung sino 'yon at nagulat ako ng makita si Cha. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha habang nakatitig sakin. Kumunot ang noo ko sakaniya.

"Sino ang lalaking 'yon?" She asked.

Kinabahan ako. "I.. I don't know who he is. N-Nagulat nga rin ako ng makita siya sa bahay."

"Oh really?" Sarkastikong reaksyon niya. Napalunok ako at umiwas ng tingin. "You can't fool me."

Hindi ako nakasagot. "B-Bitawan mo ako. Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Hindi siya sumagot at binitawan nalang ang braso ko. Nakipagtitigan pa siya sakin bago ako iniwan ng nakatulala. Tinignan ko ang ilang Grim Reapers na narito at hindi na sila nakatingin sakin. May kanya kanya na silang ginagawa at kunyari'y hindi alam ang pinag-usapan namin ni Cha.

Napabuntong hininga nalang ako at nagmadaling pumasok sa bahay. Padabog kong sinara ko 'yon at mabilis na dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig.

Kinabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari. Sigurado akong nakakahalata na silang lahat sakin. Fuck.

Kinalma ko ang aking sarili saka kinuha ang pulseras na nasa bulsa ko. Sinuot ko 'yon sa aking pulsuhan at mabilis na lumabas ng bahay. Hindi ko pinansin ang presensya ng mga kasamahan ko dito at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

Para akong nabunutan ng tinik ng makaalis ako sa lugar namin. Naglakad ako papunta sa lugar ng pagsusunduan ko. Kinuha ko sa aking bulsa ang death card at binasa kung anong cause of death ng mamatay ngayon.

Suicide.

Parang biglang nanakit ang dibdib ko sa nabasa. Hindi ko alam kung bakit kapag suicide ang cause of death ng taong susunduin ko ay bigla akong nakakaramdam ng bigat at sakit. Bigat sa aking sistema at sakit sa aking dibdib.

Mariin akong pumikit at kinalma ang aking sarili. Naglakad ako papasok sa bahay ng taong mamatay ngayon.

Naka-lock ang kaniyang bahay ngunit may kakayahan naman kaming mga Grim Reapers na makapasok kahit naka-lock ang pinto. Iyon ay 'yong tatagos lang kami at makakapasok na.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay tahimik lang ito. Hinanap ko kung nasaan ang taong susunduin ko at hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong napatingin sa kulay brown na pinto. Isa yata 'yong kwarto. Hinawakan ko ang doorknob at sinubukang buksan ang pinto. Nagulat ako ng mabuksan ko 'yon. Pumasok ako sa loob at mas lalo pa akong nagulat ng makita ang isang babaeng nakalambitin sa kisame habang may lubid na nakatarak sakaniyang leeg. Nakita ko rin ang silya na nakatumba sa bandang paanan niya. Mabilis na tumulo ang luha sa aking mata ng matuklasan ang nangyari sakaniya.

Nakadilat ang mga mata nito ngunit makikita mong wala na talaga siyang buhay. Patay na siya.

Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto at nakita ko ang kaluluwa ng babae na nakaupo sa kaniyang kama. Nakangiti ito habang nakatingin sa kaniyang katawan na nakalambitib sa kisame. Hindi ako makapaniwala! Masaya siya dahil sa wakas natapos narin ang buhay niya!

Nilapitan ko siya. Naramdaman niya ang presensya ko kaya napatingin siya sakin.

"Bhea Sanchez. 20 years old. Cause of death, suicide." Mahinang tugon ko.

Ngumiti siya sakin at tumayo. "M-Masaya ako. Masayang masaya."

Hindi ko maiwasang magtanong. "Bakit? I mean, masaya kang patay ka na?"

"Yeah. Masaya ako dahil alam kong kapag namatay ako, doon ako bibigyan ng atensyon ng pamilya ko. Kapag namatay ako, doon lang nila makikita ang halaga ko. Kapag nawala ako sa piling nila, alam kong magiging masaya na rin sila dahil wala ng pabigat sakanilang pamilya." Tuloy tuloy niyang sagot.

Hindi na ako nakasagot at napatitig lang ako sakaniyang mukha na ngayo'y nakangiti ngunit lumuluha na.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

165K 4.9K 54
Titled : Campus Queen : The Beginning Of the end Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 3 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) ** Note...
200K 1.7K 13
"Lahat ba ng nerd tahimik at harmless?" HIGHEST RANK ACHIEVED #1
71.2K 2.6K 51
[COMPLETED TOP HISTORICAL FICTION NOVEL ] "30 Days With Mr. Weirdo" reached the highest rank #14 as of November 2017 in Historical Fiction! Check thi...
2.6M 50.9K 100
Teaser Video -> https://youtu.be/4Of2pPg2lWU Paano kung biglang magkaroon kayo ng barkada mo ng instant trabaho? Trabahong bongga ang sweldo. Ang...