BLS#2: Miss Eavesdropper(COMP...

By bRezyLian62

69.6K 2K 70

BEAUTIFUL LIARS SERIES #2 MISS EAVESDROPPER >>Jhoe Ann (Jhoey) Adorable>>>>>>>>>>>>>>> Anthony x Jhoey Lovest... More

Beautiful Liars Series #2
MISS EAVESDROPPER
Chapter 1 May Naligaw Na Monster!
Chapter 2 Huling-huli
Chapter 3 Letter
Chapter 4 Eavesdrop
Chapter 5 Saan Titira?
Chapter 6 Bitter-Sweet
Chapter 7 Heartbeat
Chapter 8 Her Memories
Chapter 9 Escape
Chapter 10 Someone Eavesdrop
Chapter 11 Confuse
Chapter 12 Fact
Chapter 13 Past Love
Chapter 14 Acceptance
Chapter 15 SICk
Chapter 16 REALITY
Chapter 17 HEARTACHE
Chapter 18 Chained
Chapter 19 Conclude
Chapter 20 K-I-S-S
Chapter 21 In A Relationship Daw?
Chapter 22 Heart To Heart Talk
Chapter 23 Despondency
Chapter 24 Multo Nga Ba?
Chapter 25 Beads of Roses

Chapter 3 Elevator Incident

3K 76 2
By bRezyLian62

Chapter 3 Elevator Incident

 

***JHOEY POV***

MARAHAN kong isinara ang pinto ng silid ng kaibigan kong si Dannica Diane Dianse. She's one of my friends. Siya ang pinakamaangas, reklamador at palaaway sa lahat. Pero alam niyo kung ano ang nakakatawa sa kanya?


Takot siya sa dugo!


Para sa kaalaman ng lahat, nandito ako sa Ospital. Kabibisita ko lang sa kanya kasi nahimatay siya matapos niyang makita ang duguang bibig ng boyfriend niya kuno. Bakit duguan? Kasi sinapak niya iyon nang dahil sa sobrang inis. Kawawang lalaki.


^___^


Ang iba ko nga palang kaibigan ay nasa loob pa. Kinakausap pa siya samantalang ako ay uuwi na. Tapos na e.


Bago ko pa nga pala makalimutan, itong kaibigan ko ay hindi pumapatol sa lalaki. GALIT SIYA SA MGA LALAKI!Kung nagtataka kayo kung bakit may nubyo yun, syempre hindi naman tunay. Mahilig kasing maglaro. Inaakit nila ang mga lalaki at pagkatapos ng nakatokang araw. Hihiwalayan na sa kahit na anong paraan. Aish! Sarap makisali kaso... Ayoko... tinatamad pa ako.


Kaya heto na ako ngayon, inihahakbang na ang mga paa paalis nitong Ospital. Ang dami ko pa kasing gagawin. Nang makita ko ang kalapit na elevator ay agad ako doong pumasok.


Papasara na ang pinto ng elevator nang may kung sino ang humarang doon at pumasok. Nakihabol pa. Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino iyon basta ang natitiyak ko lang ay LALAKI siya. Halata sa pananamit.


Oy ha, hindi ko tinitingnan pero nakita ko ang damit na sinusuot. Hehe! Damit lang kasi niya ang tinitigan ko. Tamad pa akong tingnan ang mukha niya kaya naman yuko lang ako sabay siksik ng sarili ko sa gilid.


*Katahimikan, na ang katabing lalaki mismo ang sumira.


"Miss anong oras na?"


Kumunot ng husto ang noo ko. Pamilyar sa akin ang boses ng lalaking ito. Hindi na ako nag-isip kung sino. Sinagot ko na lang ng pabalang.


"Ano ang tingin mo sa akin? Relo?" Inis kong tanong sabay lingap sa katabi kaso... dibdib ang una kong nakita.


Ang hirap talaga kapag ipinanganak kang pandak tapos ang kinakausap mo naman ay mataas. Na kailangan mo pang tingalain para lang makita ang mukha. Nakakangalay sa leeg.


=__=


Unti-unti kong sinulyapan ang mukha ng lalaki. Nanlaki ng husto ang mga mata ko nang masilayan ko angface niya.


"IKAW?" Hindi makapaniwalang tanong ko with big eyes.


The boy beside me is Mhar Anthony. Ang walang modong umaway sa akin...


Si KUMAG!


Parang ano... kumulo ang dugo ko pagkakita ko sa kanya. Hindi pa kaya ako nakakarecover sa ginawa niya sa akin nang nakaraang araw? Malamang OO! Kayo kaya ang buhatin at ibagsak bigla.Ang sakit sa likod. Mabuti na lang sana kung dahan-dahan kaso hindi.>__<


"What the heck are you doing here? Are you stalking me?" Inis na pinasadaan ko siya ng tingin.


Bakit nandito ang abnormal na ito? Sinusundan ako? +__+


"Nagkataon lang ito." Ang lapad ng pagkakangiti niya. Ngiting pang-commercial ng toothpaste. "Anong oras na ba Miss Jhoe Anne?" ^__^


Tinaasan ko siya ng kilay."Tig-hirap ba ngayon kaya hindi ka makabili ng sarili mong relo?" =__=


"Paano mo nalaman?" ^__^


"Anong utak meron ka?" +__+


Sa halip na sagutin ako, ngumiti siya at tinitigan ako na para bang na-a-amuse. Nalunok ko ang laway ko. Sa paraan ng pagtitig niya... parang... nailang ako.


Ikinagitla ko ang ginawa niyang paglapit. Sinubukan kong umatras ngunit wala naman akong aatrasan dahil kanina pa ako nakasiksik sa pader na para bang wala ng space sa loob.


Sinundan ko ng tingin ang kamay niya.Itinukod niya iyon sa gilid ng ulo ko. Ang isa lang ha, samantalang ang isa naman ay ibinulsa niya.


Anong balak niyang gawin? Ang gahasain ako sa loob?


Ngali-ngaling batukan ko ang sarili. Ang excited ko naman. Syempre he won't do that thing. Dahil kaibigan siya ng kaibigan ko. Ni Krezyl Zane.


Subukan niya lang gawan ako ng masama. Makakatikim siya sa akin!>__<


"Bakit ba ang sungit mo?" ^__^


Napatitig ako sa mukha niya na sana hindi ko na lang ginawa dahil sobrang lapit nun na ilang pulgada na lang ang pagitan sa ano namin... sa labi... >__<


"E ano naman sayo!" =__=


Pilit kong pinapatatag ang sarili kahit ang totoo niyan ay sobra akong kinakabahan pati ang mga tuhod ko ay nanginginig na hindi ko mawari kung bakit.


"Sana naman ay ipinaglihi ka sa asukal para naman tumamis ka."


Ano ang tingin ng sira-ulong ito sa akin? That I'm not sweet?


"E ikaw, bakit ba hindi ka parin nililipad?" +__+


"Bakit naman ako liliparin?"


"Ang hangin mo kasi!" buong lakas ko siyang tinulak. Buti na nga lang at napaatras siya.


"Whew!" ^__^


"Kung wala kang ibang gagawin, huwag ako ang isturbuhin mo. Panira ka sa araw ng may araw." +__+


Ikinibit niya ang mga balikat. "Iniisturbo na ba kita sa ganitong kalagayan?" pa-inosente niyang tanong.


Itinaas ko ang kamao. "Kita mo to? Gusto mo ipatikim ko sa iyo?" +__+


Tinitigan niya lang ang kamay ko at ngumiti na naman. Ipinatong niya ang likod sa pader sabay pasok ng mga kamay sa loob ng kanyang bulsa. "You know what? You amuse me..."


Ano ako? Clown? +__+


Umingos ako. "So what?"


"Wala lang... Oras ba na ligawan kita... sasagutin mo ako?" Sumeryoso ang mga mata niya. Na para bang hindi na siya nagbibiro.


Napatitig ako sa kanya. Ano bang klase namang tanong yun? Syempre naman hindi pero.... bakit ganito? Hindi ko siya masagot kaagad na para bang pinag-iisipan ko pa. At para bang hindi ko magawang magsalita.


Kumunot ng husto ang noo ko nang tumawa siya na para bang baliw. Wala namang nakakatawa pero tumatawa. Does he reach his limit? Natuluyan?


SANA NGA OO!


"Huwag mo ng pag-isipan pa..." Wika niya sa pagitan ng pagtawa. "Dahil wala akong balak na ligawan ka." ^__^


Putik naman!


Parang ano... ang sakit sa dibdib! Ano ang ibig niyang sabihin? Na pangit ako para hindi maligawan ng kahit sino? Sarap batukan ng isang ito.


"Tanungin mo kaya ako kung balak kitang sagutin. You know what will be my answer? It will be a big NO as in N-O. NO!" +__+


Napalis ang ngiti niya. "Talaga lang ha!"


"Talaga! Because you're not even my type." Umingos na naman ako, sabay iwas ng tingin sa kanya. Hindi ako naiilang. Pikon na ako sa kumag na ito.


Mas mabuti pa na huwag ko na lang siyang pansinin. Baka masira pa ng husto ang maganda kong araw. Hmp, sa tingin ko ay hindi na maganda kasi sinira na ng mahanging lalaking ito ang lahat.


"You know what Jhoey..."


Hindi ko siya pinansin, hinalukay ko ang bag ko na para bang meron akong hinahanap doon ngunit ang totoo niyan ay wala naman.


"Hindi mo ako matatakasan."


*Bingi-bingihan mode parin ako.


I heard him smirk and some footsteps. Sa gilid ng aking mga mata. Kitang-kita ko ang paglapit niya papunta sa kinaroroonan ko. Hinanda ko na ang sarili.


Oras na may gawin siyang hindi maganda. Ipopukpok ko sa matigas niyang ulo ang bag ko tingnan lang natin kung di mabiyak.


Pakiramdam ko,  bumabagal ang oras kasi parang ang bagal ng kilos ng mahanging Anthony na ito. Nang tuluyan na siyang makalapit buong lakas kong hinampas sa ulo niya itong bag ko.


Sobrang nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Sinalo niya iyon gamit ang isang kamay tapos hinila niya iyon dahilan para mapalapit ako sa kanya. Hinapit niya rin ang baywang ko. Yumuko siya. Papalapit ang mukha niya sa... sa mukha ko. >__<


Hindi ko magawang kumilos. Bago pa man lumanding ang bibig niya sa ano ko.... sa bibig ko everything turns dark. As in sobrang dilim.


Hindi dahil sa nahimatay ako kundi dahil sinalakay kami ng brown-out. The elevator stops functioning. At dahil iyon ang nangyari, brown-out plus tigil mode ang elevator... hindi ko napigil ang sarili na tumili at ang mapahikbi.


Naikawit ko ang mga braso sa katawan ni Kumag. Naluha ako. Ayoko sa madilim. Ayoko talaga. Paano na lang kung may sumulpot na multo na may mahabang buhok. At bigla na lang hihilahin ang paa, kamay at sa kung saan-saan pa. Paano na lang ako?


>___<


Pahamak na SADAKO! Hindi na ako manonood!


"J-Jhoey?"


Sa halip na sagutin siya niyakap ko pa siya lalo kasabay nun ang paghikbi ko.

***END OF JHOEY POV***

 

***ANTHONY POV***

SAGLIT akong natigilan sa bigla niyang pagyakap matapos dumilim ang paligid. Ang balak ko sana kanina ay biruin siya na hahalikan ko siyang talaga. Malay ko naman na bigla na lang didilim.


"J-Joey?"


Hindi siya sumagot. Iyong mga kamay ko ay nakalutang pa sa ere. Nasa kalagitnaan pa ako ng pagka-shock.


"Ano ba ang problema?" Nang maigalaw ko na ang mga kamay. Itinoon ko iyon sa balikat niya at balak sana siyang itulak ngunit humigpit ang pagkakayakap niya.


"Please....don't push me away... I'm begging you... please."


"What's happening?" takang tanong ko.


"T-takot ako..."


"Ha?"  ?__?


"Hindi pa ba halata! T-takot ako sa dilim.">__<


Ito lang ang takot na may gana pang magtaas ng boses. Aish! Dinig ko ang hikbi niya. Hindi ko napigil ang sarili. Niyakap ko siya. Ginantihan ko siya ng yakap.


"Sssh! Tahan na... Don't cry anymore..." hinimas ko ang likod niya. Hindi ito chansing. Talaga naman kasing nag-aalala ako sa kalagayan niya.


"Pero natatakot nga ako." *hikbi


"Ano ba ang kinakatakot mo? Madilim lang ito... Kung nangangamba ka na ma-sa-stranded tayo dito... You have nothing to worry... May dadating para tulungan tayo." Masuyo kong sabi.


"Alam ko naman yun e."


"Ganun naman pala kaya naman..."


"Kaso ayoko sa madilim..."


"Aish... kukunin ko muna ang phone ko para naman magkailaw tayo dito." I'm planning to let go of her but I stop after she hissed.


"Huwag mo akong bibitawan... D-don't do that... Please naman... Huwag mo akong iiwan... Huwag mo gawin to... Please..."


Something'swrong here!


"Jhoey? What's wrong?"


Hikbi na lang niya ang narinig ko. Naguguluhan ako sa inaaasal niya.


"Ano ba talaga ang problema?"


*hikbi


"Jhoey.. magsalita ka naman."


*hikbi plus higpit ng yakap.


Hirap ng ganito. Sa halip na magsalita. Niyakap ko na lang siya uli.


"Okay, hindi na ako magtatanong pa... kaya tumahan ka na... Everything's gonna be alright... I won't leave you... I promise. So stop crying."


"Thank you..."


Saglit akong natigilan. Does she say thank you?


"Ano yun?" Kunot-noong tanong ko sa kanya, na hindi man lang niya sinagot.


*Silence.


"Jhoey..."


*Silence


"Ano ba ang kinakatakutan mo?"


*Silence.


"Bakit  ka ba natatakot?"


*Silence ulit.


Ako na itong si sira-ulo. Pakiramdam ko wala akong kasama sa loob. Hindi naman kasi ako sinasagot ng babaeng ito.


Kailan ba ito magsasalita para naman malaman koang...


"Ayoko sa multo..."


Natigil ako sa kaiisip matapos kong marinig ang boses niya. Hindi na iyon mataas. Kalmado na, na para bang sobrang lambing. Napatingin ako sa kanya. Kahit madilim, pakiramdam ko nakikita ko ang mukha niya. Na para bang ngumingiti siya.


Ipinilig ko ang aking ulo. I don't understand why I am feeling this way. I can't stop myself from doing this... Namalayan ko na lang na inangat ko ang mukha niya gamit ang daliri ko. Yumuko na ako at may gusto akong abutin...


I want to reach something... pero biglana lang nagka-ilaw.

***END OF ANTHONY POV***

 

***JHOEY POV***

Nagtaka ako nang maramdaman ko ang kamay ni Anthony sa baba ko. Napaangat ako ng tingin kahit pa hindi ko siya nakikita.


Titig na titig lang ako hanggang sa bigla na lang umilaw. My eyes widened when I saw his face. It's darn close. Bahagya pa nga siyang nakapikit tapos napadilat siya nang matiyak niya siguro na may ilaw na.


Kahit siya ay napatitig sa akin. Eye to eye contact kaming dalawa. Something's wrong here.


Is he planning to...


Natigil ako sa kaiisip nang bumukas bigla ang pinto ng elevator. At may boses ng tao ang lumitaw.


"Sorry po sa..."


We both look from where that voice came from. Nakatitig ang taong iyon sa amin ng lalaking katabi ko. Nanlalaki ang mga mata ni Manong.


"Ay naku! Naisturbo ko yata kayo.">__<


Na-isturbo?


Gulilat na napatingin ako kay Anthony. Tapos kay manong nasa labas ng elevator at kay Anthony na naman.


Inubserbahan ko ang sitwasyon namin ng lalaki. May bagay yata akong nakalimutan. Kasalukuyan kaming nagyayakapan at ang ulo nitong si Kumag ay nakayuko parin... Malapit sa mukha ko.


Kaya naman... nagmumukha kaming gumagawa ng... ng... kalaswaan!>///<


Mabilis pa sa alaskwatrong bumitaw ako sa kanya. Mukhang pero kami ng iniisip ni Kumag. Take note! Sabay talaga kaming dalawa.


"Manong nagkakamali kayo ng..." natigil ako sa pagsasalita nang may kung sino ang umakbay sa akin. Sinundan ko ng tingin ang kamay na biglang sumulpot.Ang may-ari nun ay nakangiti. Sobrang lapad ng pagkakangiti niya.


"Hayaan niyo na ho kami Manong. Nahihiya lang itong asawa ko."


Asawa? Nino? Niya?  O__O


Kinamot ni Manong ang ulo niya. "Pasensiya na kung nawalan ng ilaw Boss at kung...." Sinulyapan ako ni Manong. "Natakot ang asawa niyo.">__<


Big eyes na naman ako.


"Okay lang ho." Sagot ni Kumag.


"Naku Manong, hindi ko po siya..."


"Aalis na ho kami ni Misis para naman ano ho... makarami..." ^__^


Hindi makapaniwalang sinulyapan ko si Anthony. Anong kaabnormalan ang ikinukwento niya? Makarami daw? O__O


"Hoy! Huwag ka ngang gumawa ng..."


"Nahiya ka pa asawa ko." ^__^


"What?" O__O


Bago pa man ako makapagpalabas ng nakakatakot at brutal na salita nahila na ako ni Kumag palabas. Pilit kong nilingon si Manong na ngayon ay nakangiting nakatingin sa amin.


"Mag-ingat kayo! Sana makarami kayo." (^__^)")


Pinamulahan ako ng mukha. Sarap pag-untugin ng dalawa. Inosente pa ako tungkol sa bagay ng iyan.


"HINDI PO TOTOO ANG MGA SINASABI NIYA! HE'S NOT MY HUSBAND!" inis kong sigaw. Ewan ko kung narinig niya. Nakangiti parin kasi siya.


Hindi makapaniwalang nilingon ko si Kumag na kasalukuyan pang nakaakbay sa akin.


"Why did you do that!">__<


"Kahit naman magpaliwanag ka sa kanya. Hindi ka nun paniniwalaan... So behave... ASAWA ko... Alam mo namang MAGPAPARAMI pa tayo." May diin sa salitang asawa at magpaparami.


(Ay ang sweet nila.)


(Oo nga...)


Napatingin ako sa dalawang boses ng babae. Nakatingin sila sa amin. Mukhang narinig iyon ng nakasalubong naming mga babae.


(Sana ganyan din ka sweet si Rain.)


(Sino yun?)


(Ang lalaking nililigawan ko.)


(Ang harot mo.)


(Oo nga e!)


Natawanan ang dalawa habang ako naman ay pinamumulaha na ng mukha.


Nakakahiya!


Sobrang nakakahiya iyong ginagawa niya. Hindi ko na napigil ang sarili. Parang umusok yata ang mukha ko tapos may naglabasang usok sa ilong ko. Hindi ko ma-take ang kaabnormalan ni Kumag kaya naman sa sobrang inis ko. Siniko ko siya sa sikmurawith all my strength dahilan para mapabitaw siya sa akin.


"I hate you!"Galit kong sigaw. Pagkatapos kong sabihin yun, tinahak ko na ang labasan.


"JHOEY!" pahabol niyang tawag.


Hindi ko siya pinansin. I hate him. I really hate him. Hindi ko enexpect na ganun pala siya sa bastos. Ang bastos niya!


>////<

***END OF JHOEY POV***

Continue Reading

You'll Also Like

Selfless By Silver

General Fiction

115K 467 5
[MOTHER SERIES #1] Pia Grace Larson is a mother of two kids. She's kind, thoughtful and selfless. Things got rough when her husband pushes through hi...
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
45K 622 57
Hindi inaasahan nila Angellete at Liam ang naging bunga ng kanilang ginawa noong gabi na mas pinairal nila ang bugso ng kanilang mga damdamin. Nagpak...
142K 3.5K 15
Masaya na si Jillian sa buhay nya bilang isang school nurse sa isang international school subalit mas lalong lumigaya sya nang mapadpad sa kanilang s...