Chapter 14 Acceptance

1.9K 74 1
                                    

Chapter 14 Acceptance

***JHOEY POV***

KASALUKUYANG nasa sasakyan na kami ni Kumag, hindi sa sirang sasakyan niya kundi sa taxi na. Papunta na kami sa party. Makikihabol lang. Kapwa kami tahimik sa loob nito. Kahit si ginoong driver ay ganoon din.

Ano kaya ang nangyayari dito? Pasimple kong sinulyapan si Kumag. Nakatoon ang kanyang paningin sa labas.

I look down, mukha kasi niya ang una kong sinulyapan ngayon ay ang katawan naman.

Namula ang mukha ko. Wala parin kasi siyang damit sa itaas. Tinitigan ko ang aking kandungan. Nakapatong doon ang polo shirt niya.

=////=

Bakit ba ganito? Sobrang nahihiya ako. Ipinahiram niya sa akin ang suot niyang damit upang bahingan lang?

DUG DUG

Napahigpit ang kapit ko sa damit niya at muli na namang napangiti. Iyong ngiti na ubod ng lungkot.

Ayokong isipin na ginawa niya ito dahil may pagtingin siya sa akin. Naniniwala ako sa sinasabi ng iba. In order for us not to get hurt, we shouldn't expect too much from others. Expecting things might hurt us...

Aish! Magkakagusto na nga ako doon pa sa may mahal ng iba! Ang saklap naman ng buhay ko!

Natigil ako sa kaka-emote nang marinig kong tumunog ang phone ni Kumag. Nasisigurado ko na sa kanya iyon, imposible naman kay Manong driver.

Pasimple kong pinagmasdan ang anyo ni Kumag.

"Hello... Kelvin... napatawag ka?... Nasaan kami?... I don't know what place we are now... basta malapit na kami diyan."

Nagtaka ako nang napatitig sa akin si Kumag, may bahid ng pagkabalisa ang anyo niya. Kinabahan ako sa paraan ng kanyang pagtitig. Na para bang may masamang nangyari.

"Where are you!... Is she safe?"

May nangyari kayang hindi maganda?

"Papunta na kami diyan." He ends the call, sabay titig ng masama kay manong driver. "Kuya, sa hospital tayo ngayon!"

"Po?" takang tanong ng driver.

"SA HOSPITAL TAYO!" +__+

"Ahh.. O-opo..." inilihis ni Manong ang manibila. Mukhang natakot kay Kumag.

"Manong pakibilisan lang... Urgent kasi ito." Hindi mapakaling wika ni Kumag.

"O-opo...">__<

Kagaya ng hiniling ni Anthony, bumilis nga ang takbo nitong sinasakyan namin. Sa ilang sandali naihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha.

BLS#2: Miss Eavesdropper(COMPLETED)Where stories live. Discover now