Chapter 24 Multo Nga Ba?

2K 71 7
                                    

Chapter 24 Multo Nga Ba?

***JHOEY POV***

ANG DAMING nangyayari sa Pilipinas. Sobrang dami na hindi ko na alam kung dapat ko pa bang intindihin. Bakit? Dahil wala na ako sa mood para umintindi ng mga bagay-bagay. Kailangan ko ng mag-move on para hindi na ako masaktan.

I have to move on! I have too!

I sigh. Ang daling sabihin ng ganoong kataga ngunit ang hirap namang gawin. Dati kapag may naririnig akong nabibigo sa pag-ibig. Ang lagi kong naririnig...

Move on ka na! Marami pang lalaki diyan sa tabi-tabi! Mas gwapo! Mas mabait at mas magaling pa sa kung anu-anong bagay. Ngunit, hindi naman ganun kadali ang pag-mo-move on. Aanhin mo ang miyun-milyong lalaki sa mundong ito kung ang itinitibok naman ng iyong puso ay hindi naman siya?!

Ang manggamit? Wala namang mapapala doon. Makakasakit ka lang ng feelings ng iba. Nagagawa mo ring magpaasa...

Aish! Bakit ba ganito? Kontodo drama ako. Makapangaral wagas, ngunit itong sarili ko hindi ko mapangaralan ng maayos. Ganyan talaga siguro.

Ipinikit ko itong mga mata ko. Napagod itong utak ko sa kakaisip nang kung anu-ano...

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw...

Ang iniisip-isip ko...

Di na mahinto pintig ng puso...

Iminulat ko ang aking mga mata. Ang tunog na iyon. Tinatamaan ako.

Ikaw ang pinangarap-ngarap ko...

Simula nang matanto...

Na balang araw iibig ang puso...

Pahinamad na ako'y bumangon. I look for my phone. At pagkakita ko nun agad ko iyong sinagot. "Bakit?"

(Jhoey, where are you?) anang boses sa kabilang linya. Mukha itong natataranta.

"Bakit? May problema ba Zyle?" ?__?

ZYLE ang nickname ni Krezyl Zane!

(Jhoey... please go at the office...) >__<

"Office?"

(Oo.) >__<

"Saang opisina?" ?__?

Sarap batukan ang babaeng ito. Sa dinami-rami ng opisina, hindi pa sinabi kung saan!

(Saan ka ba nagtatrabaho?)

Nag-isip ako. Teka... saan nga ba....

(JHOEY! YOU HAVE TO DOUBLE YOUR TIME!)

Mabuti na lang nailayo ko kaagad itong phone ko. Tama ba na sigaw-sigawan niya ako? Ang sama! >__<

"Dapat ganyan ang speech mo?!" inis kong tanong.

(Sorry na... Urgent kasi e.)

"Ano ba iyan?" kunot-noong tanong ko. Kung makapagsabi ng urgent, parang may magpapatiwakal. Imposible naman na iyon ang gawin niya. Magpapakasal na kaya siya.

"Bakit ba?"

(Basta! Oras na hindi ka makapunta, e-ba-banned kita sa soon to be wedding ko!)

Nakataas ang isang kilay na sinulyapan ko ang phone ko. Dapat ganito? Bantaan to the max? Aish! Wala na akong magagawa, kaysa naman magtampo pa ang babaeng ito.

BLS#2: Miss Eavesdropper(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon