Chapter 17 HEARTACHE

1.8K 68 12
                                    

Chapter 17 HEARTACHE

***JHOEY POV***

WALA akong ibang ginawa buong maghapon kundi ang titigan ang taong ito. Maraming tubong nakakapit sa katawan niya.  Napaismid ako. Hindi ko inakala na ang taong dating nanggagamot ay kasalukuyang ginagamot ngayon. Ilang araw na ba siyang naisugod sa ospital? Isa? Dalawa? Tatlo?...

Aish! Hindi araw kundi ilang linggo na. Ilang linggo na siyang nakaratay sa kama at ito ay.... Kasalanan ko!

Napahigpit ang kapit ko sa aking braso sa naisip.

"WHAT THE HECK ARE YOU DOING HERE!"

Napaigtad ako matapos marinig ang dumadagundong na tinig na iyon. I know that it's him. Kinuntrol ko ang aking emosyon habang unti-unti siyang nililingon.

It's Mhar Anthony!

"GET OUT!" muling sigaw niya, sabay turo ng kamay sa pinto. Mababakas sa mga mata niya ang galit. Hindi na ako magtataka pa.

"I know what to do." Malamig kong sagot.

Hanggang ngayon ay hindi niya parin alam ang totoo. Hanggang ngayon ay iniisip niya na isa akong masamang babae. Pesteng lalaki. Sarap batukan or worst ihulog sa hagdan para hindi na makalakad pa.

Ipagpaumanhin ninyo ang pagiging bitter ko. Sobra kasi akong naiinis at nasasaktan sa mga pinanggagawa niya. Sa panghuhusga sa kagandahan kong ito. Bago kasi naisugod ang ama niya sa Ospital, pinaulanan niya ako ng masasakit na salita. Hindi niya ako hinayaang magpaliwanag. Inisip niya kaagad na may ginawa akong hindi maganda.

Inihakbang ko na ang aking mga paa palabas. Para saan ang pananatili ko rito kung nilalait naman ako ng walang kwenta ito sa kanyang isip. Sa susunod na lang ako babalik. Iyong hindi ko makikita ang mukha niya. Kasi... nasasaktan lang ako lalo sa tuwing maiisip ko na.... na wala akong kwenta sa paningin niya.

Dumaan ako sa mismong harap niya. Gusto kong ipakita sa kanya na okay lang ako, na kahit ang totoo niyan ay halos mamatay-matay ako sa loob.

"Jhoey..."

Natigil ako sa paghakbang dahil sa ginawa niyang paghablot sa braso ko.

"Please..." nagiging mababa na ang boses niya. "Stay away from my father."

Sa katagang binigkas niya, pumatak bigla ang pinipigil kong luha. Sa itinagal ko sa poder niya... Ni minsan... inisip ba niya na naging mabuti ako sa paningin niya? Sana naman ay oo...

"Look for someone else..."

Syete! Tama na!

"Huwag lang ang papa ko..."

I close my eyes. Pasimple kong pinahid ang aking luha.

BLS#2: Miss Eavesdropper(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon