His Millionaire

By Alisahjin

188K 3.3K 193

"Sa lugar kung saan hampas ng alon ang maririnig ko. Sa lugar na sobrang tahimik. That was my favourite place... More

Prologue
Chapter 1 : The Girl
Chapter 2 : The Old Woman
Chapter 3 : The Island
Chapter 5 : Hiding Facts
Chapter 6 : Her Story
Chapter 7 : The Necklace
Chapter 8 : Confess
Chapter 9 : Doctor
Chapter 10 : The Newspaper
Chapter 11 : The Truth
Chapter 12 : For the last Time
Chapter 13 : The Governor
Chapter 14 : His Back
Chapter 15 : Pool Party
Chapter 16 : The Last Will
Chapter 17 : Be with Her
Chapter 18 : Precious Smile
Chapter 19 : The Truth
Chapter 20 : Reincarnation
Chapter 21 : First Date
Chapter 22 : Ferries Wheel
Chapter 23 : The Dinner
Chapter 24 : Her
Chapter 25 : The Portrait
Chapter 26 : Paint of Love
Chapter 27 : Farewell
Chapter 28 : Memories
Chapter 29 : Her Wish
Chapter 30 : The Ending
Epilogue
Special Chapter
Author's Note!

Chapter 4 : The Millionaire

6.5K 113 3
By Alisahjin

•Hector's POV•

Bakit sobrang ang saya sa pakiramdam na titigan ang kaniyang mga mata. Para talagang pamilyar siya sa akin. Hindi ko maintindihan. Hindi ko rin matandaan kung nakita ko na ba siya.

Nakaupo ako sa labas ng kubo habang hawak hawak ko naman ang phone ko. Walang signal sa lugar at kailangan pang pumunta ng bayan para lang magka signal. Napadako ako sa aking gallery. Pinagmasdan ko ng maigi ang kuhang larawan ni Cristine na kanina ko lang kinuha.

Mas maganda siguro kung may mga ngiting nakaguhit sa kanyang mukha. Sobrang seryuso niya at ang lalim ng iniisip. Minsan natanong ko sa aking sarili kung ano kayang nararamdaman niya ngayon lalo na at kung totoo mang mawawala na siya. Sobrang lungkot siguro.

Hindi ko nga alam kung bakit ako sumasang-ayon sa kanyang gusto na tiisin na lang ang kirot at sakit. Ayaw niya namang magpagamot.

Hays.

Huminga ako ng malalim saka tumayo. Pumasok ako sa loob ng kubo. May kalakihan din ang espasyo ng kubo. Isang kwarto, may sala, kusina at CR. Yari sa dahon ng niyog ang ginamit na bubong at dingding ng kubo. Uso pa pala ang ganitong klase ng bahay.

Sa bagay, masarap nga yung ganito. Presko at sariwa ang hangin. Sinilip ko muna si Cristine na nagpapahinga sa silid. Mahimbing ang kanyang tulog marahil napagod ito ng sobra dahil na rin sa haba ng byinahe namin.

Muli akong lumabas. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako mapakali. Wala din kasi si Nurse Mary na nasa kabilang kubo siya.

Tumungo ako roon. Hindi rin ako magtatagal dahil may gusto lang akong itanong. Nagbabakasali na may makuha akong information.

"Nurse Mary?? " tawag ko pa. Bumukas naman agad ang pinto at iniluwa nun si Nurse Mary.

"Hector! Bakit?? " tanong niya sa akin.

"Pwede ba kitang makausap?? " lakas loob kong sabi.

Pinapasok niya ako sa loob at binigyan niya ako ng tubig na kinuha ko din naman.

"Tungkol ba saan?? "

"Tungkol kay Cristine. " tugon ko.

"Anong gusto mong malaman sa kanya?? "

"Papano mo nakilala si Cristine?? Kasama ka ba sa plano niyang pagtakas sa ospital?? " ang tanong na nagpalaki ng kanyang mga mata.

"T-teka lang. Tumakas?? Tumakas siya sa ospital!? Ang alam ko lang pupunta siya dito kaya hinire niya ako para maging private nurse niya. " paliwanag pa niya sa akin na tila naguguluhan.

"Ano pang alam mo?? "

"Hays. Kapatid ko yung nurse niya sa Manila. Nirefer ako na ganito nga pero hindi ko alam na tumakas pala siya. "

Tumango tango naman ako.

"Totoo yung sakit niya?? Hindi na ba siya magtatagal?? How long?? " ang sunod sunod kung tanong.

"Teka lang ha. Naguguluhan ako. Di ba?? Ikaw ang bodyguard niya?? Bakit hindi mo siya pinigilan!? "

"Hindi niya ako bodyguard. " deretso kong sabi.

"Ano?? "

"Ako ang tumulong sa kanya. Gusto ko siyang ibalik sa ospital kaya lang nakiusap siya na wag ng ibalik sa loob. Minabuti kong samahan siya dito para kahit paano hindi ako mag-alala. "

"Napakabuti mo naman pala. "

"Gusto ko lang malaman ang tunay niyang pagkatao. " tumingin ako sa kanya na siyang pag-iwas niya naman ng tingin sa akin.

"Pasensya na pero wala akong alam eh. " pag-iwas niya pa.

Alam ko, may alam siya sa pagkatao ni Cristine. Ayaw niya lang sigurong makisali.

"It's okay. Mag sstay ako dito hanggang sa araw na mawala siya. " determinado kong sabi.

"Pero Hector-----"

"I will. " sabi ko pa.

Gusto kong makatulong other than that ay wala na akong ibang gustong gawin.

Tinulungan ko siyang magluto kahit paano ay may alam din ako sa cuisine. Hindi nga lang halata. Madami akong natanong sa kanya at madami din kaming napag-usapan. Sinabi ko sa kanya kung sino ako.

"Mayaman ka po pala. " tugon niya ng sabihin ko na namamahala ako ng isang kumpanya.

"I'm not considered myself as mayaman. " sabi ko pa.

"Alam mo, kung iba siguro walang tutulong kay Ma'am Cristine. Buti na lang at mabait ka. " sabi pa niya habang hinahalo ang kanyang niluluto.

"Taga saan ka nga pala?? " hindi ko naiwasang tanungin siya.

"Taga Ilocos ako. Lumuwas ako at pumunta dito dahil malaki yung offer ni Ma'am sa akin kaya kahit malayo, titiisin ko. Saka naaawa din ako kay Ma'am. Ang bata niya pa para dumanas ng ganyan. "

"Parte siguro ng buhay natin yun. Lahat naman tayo doon din patungo. " tugon ko.

Kumuha ako ng pinggan at nilagyan ng pagkain ito. Ako na muna ang magpapakain kay Cristine. Wala pang ayos na kain yun simula kagabi.

"Sigurado ka bang ikaw na ang magdadala niyan?? " tanong niya pa sa akin.

"Oo naman. Kaya ko na 'to. Wala din kasi akong magawa. " sabi ko pa.

Seriously, sobrang tahimik ng lugar. Nakakabingi ang katahimikan. Walang maririnig na ingay ng mga sasakyan kundi ang hampas ng alon sa dalampasigan. Sobrang napakasarap sa pandinig. Ito na siguro ang pinakamasarap na tunog na narinig ko sa buong buhay ko.

Lumabas na ako ng kubo para dalhin ang pagkain na inihanda ko. Tirik na tirik ang araw at napaka aliwalas ng kalangitan.

Pumasok ako sa kubo kung saan siya naroon. Dere deretso akong pumasok sa loob ng kwarto na siyang kinagulat niya naman.

"Gising ka na pala. Tamang tama, mainit pa ang sabaw. " sabi ko at inilapag ito sa table malapit sa kanya.

"Nasaan si Nurse Mary?? Hindi dapat ikaw ang gumagawa niyan. "

"Ano ka ba. Kaya ko 'to. " nakangiting sabi ko.

"Please Mister stop! Hindi. Tawagin mo si Mary. Nurse!? " tawag pa niya.

"Ako na muna ang magpapakain sayo. May ginagawa pa kasi siya. " sabi ko.

Tiningnan niya ako na parang binabasa niya ang nasa utak ko.

"Ano ba talagang gusto mo?? " seryusong tanong niya habang malalim na nakatingin sa akin.

"Wala akong ibang gusto. Kundi matulungan ka. " seryusong sagot ko.

"Kahit na mawawala na ako. Mister tanggap ko na. " ang malungkot niyang tugon pero hindi ako nagpatinag.

"Hanggat humihinga ka pa, may pag-asa pang mabuhay. Lahat tayo ay kamatayan din ang hangganan. Kaya if I were you kumain ka na. " sabi ko pa sabay sandok ko ng sabaw at iniharap ang kutsara sa kanyang bibig.

Tiningnan niya lang ito bago tumingin sa akin. Isang makahulugang tingin ang ipinukol ko sa kanya na siyang naintindihan niya naman. Dahan dahan niyang hinigop ang sabaw sa kutsara. Medyo nahihiya pa nga siya at hindi ko maiwasan ang mapangiti sa aking isipan. Kakaiba ang sayang idinulot niya sa akin. Parang iba. Ang sarap niyang pagmasdan habang sinusubuan kong kumain.

Marahan niyang pinunasan ang kanyang bibig at nahihiyang tumingin sa akin.

"Mister, bakit ang bait bait mo? " tanong niya sa akin.

"Mabait?? Hindi siguro. " ibinaba ko ang pinggang hawak ko. "Siguro likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matulungin. "

"Pero sobra sobra na ang ginagawa mo. " saad niya.

Napatingin ako sa kanyang mga mata. Out of nowhere ay kinuha ko yung telang ginagamit niya sa pagpunas at marahan kong pinunasan ang ibabang parte ng kanyang labi.

Napaka attractive niyang tingnan. Damn! Sobrang lakas ng tibok ng aking puso.

"Masaya ako sa ginagawa ko. " Masaya ako kapag nakikita ka. "Kaya dapat magpagaling ka na. " sabay ngiti ko ng pilit. Gusto kong maramdaman niya na andito lang ako, na sobrang sarap mabuhay.

Ngumiti naman siya kaso yung pilit lang at hindi iyon maikakaila ang lungkot sa kanyang mga ngiti.

"Alam mo ba, ilang beses ko ng tinanong iyan sa sarili ko. Masarap ba talagang mabuhay?? O puro pasakit lang?? For my entire life never akong naging masaya. Sobrang lungkot ng buhay ko. Idagdag pa ang sakit ko. Masaya ako dahil malapit na ko sa katapusan ng aking buhay. "

Hinawakan ko ang kanyang kamay at mabilis naman niyang ikinubli ang luhang nagbabadyang bumagsak sa kanyang mga mata.

"I'm sorry. Tibayan mo ang loob mo. " pagpapalakas-loob ko sa kanya.

"Tama na nga ang drama. " pagtatapos niya ng usapan.

Tinitigan ko lang siya habang siya ay nakayuko lang.

Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit para kahit paano ay maibsan ang sakit na kanyang dinadala.

Nagpatuloy kami sa pag-uusap. Naging sentro ng aming usapan ang aking pagkatao. Kwinento ko sa kanya kung sino ako. Kung saan ako nanggaling. Na isa akong successful businessman. Natanong niya din sa akin kung anong ginagawa ko sa lugar kung saan ko siya nakita. Sabi ko, paalis na ako noon ng maagaw ang atensyon ko sa kanya.

Sobrang helpless niya noon na para bang hindi alam ang gagawin.

"Mayaman ka pala Mister. Alam mo ba, karamihan sa mga mayayamang kilala ko. Sila yung tipo ng tao sa lipunan na sobrang mapagmataas sa kapwa nila. Makapangyarihan silang lahat. Kayang magbayad ng milyon kapalit ng buhay. "

Nakinig lang ako sa kwento niya. Hindi ko naman maiwasan ang magtaka sa kanya dahil sa mga sinabi niya. Unti unti ko ng nalalaman ang pagkatao niya.

"Wala silang kinikilingan dahil sa batas ng tao sila lagi ang tama. Bakit ganoon sila?? "

"Hindi ko rin alam. Pera ang nagpapagalaw sa mga taong mayayaman. Pero hindi naman lahat. " nakatitig siya sa akin na parang binabasa niya ako. Hindi niya alam na binabasa ko din ang nasa isip niya. "May mga mayayaman pa din na hindi nakakalimot. "

"Thank you Mister. Thank you for helping me. "

"Always. Ako yata ang fairy godfather mo. " pabiro ko pa at ngumiti naman siya ng pilit.

Nakakatuwa lang dahil kahit paano ay kinakausap na niya ako. Marahil nakulitan na siya sa akin kaya she have no choice kundi kausapin ako.

"Mister! " tawag niya sa akin ng paalis na ako.

Huminto ako at tumingin sa kanya.

"May ipapakita ako sayo. " sambit niya na siyang pinagtaka ko naman. "Wag ka sanang matatakot. "

Tumango ako bilang sagot. Nakipagtitigan mo na siya sa akin. Dahan dahan niyang tinanggal ang kanyang buhok.

What??

Nagulat ako ng makita kong wala na siyang buhok. She's wearing artificial hair kaya mas lalo kong napagtanto na malubha na nga ang kanyang karamdaman dahil sa kanyang imahe. Wala siyang buhok at lumutang ang payat niyang mukha.

"Sabi ko sayo wag kang mabigla e. " sabi pa niya habang ako nakatitig pa rin sa kanya.

"Wig?? "

"Yes Mister. Hindi na ako pwedeng magpahaba ng buhok para hindi na ako mainitan. At sinusuot ko ito kapag aalis o di kaya kapag may taong di kilala. "

"And... "

"I will trust you Mister. "

Ngumiti ako bilang sang-ayon. Pinipilit niyang maging malakas kahit ang totoo sobrang hina na niya. Saan kaya siya kumukuha ng lakas para maging matatag sa mga oras na ito. She's a brave woman. Ang tapang niya.

Nagpaalam na ako sa kanya. Sinabi ko sa kanya kung kailangan niya ng kausap o gustong gawin ay tawagin lang ako. Bago pa man ako lumabas ng pinto ng kwarto niya ay di ko naiwasang sambitin ang mga katagang.

"You are beautiful. " sabi ko pa at lumabas na nga ng kwarto. Sobrang lakas ng tibok ng aking puso. Nahihiya din ako dahil sa sinabi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

86.6K 1.2K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
382K 7.6K 32
MAFIA'S SERIES #2 Yza Garcia ay isang ordinaryong babae, masayahin, madaldal, masipag sa kanyang pinapasukan na trabaho para lang kumita sa araw-araw...
133K 2.9K 66
Note: ➡️ 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝 [ 𝐉𝐮𝐥𝐲-𝟐𝟗-𝟐𝟎𝟐𝟏 ] ••• ⚖ ••• Palaban at matapang ang loob at handang ipagtanggol ang mga biktima sa ano man...
8K 357 52
Isang lalaking halimaw ang pinag experimentuhan ng isang baliw na scientist.What if this monster turned into a goodlooking person what will you do?