Just One Answer

By pilosopotasya

2.1M 55.3K 8.5K

"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?" More

Pr: The Question
Ch1: My first friend
Ch2: His unique name
Ch3: Hear my name
Ch4: Look at the mirror
Ch5: Zelle's words of wisdom
Ch6: Must be a sign
Ch7: Slow motion
Ch8: Crush life
Ch9: Almost, but not yet
Ch10: Puting uwak
Ch11: Classmates
Ch13: Sorry hangover
Ch14: Music video tuwing umu @ulaaaann
Ch15: Fifteen days
Ch16: "Mahal Kita"
Ch17: An awkward experience
Ch18: Crush Note
Ch19: Epic Fail
Ch20: My heartbeat meter
Ch21: Anyareh?
Ch22: Gulat factor
CH23: Serious mode: ON
Ch24: Heart to heart
Ch25: Na-aftershock syndrome
CH26: Biglang liko
Ch27: That feeling begins
Ch28: Blind checkered guy
Ch29: Wishes and fortunes
Ch30: Dedications and checkered polo
Ch31: Kasal, kasali, kalas
Ch32: Boom! Kapow!
Ch33: Alamat ni Manhid at Sensitive
Ch34: Five questions
Ch35: His confessions
Ch36: Her Feelings
Ch37: Arrythmia
Ch38: El ow vi ee
Ch39: Reservation of first dance
Ch40: Frustrations and birthday special
Ch41: Heart breaks fast
Ch42: Masked mumu
Ch43: Main event
Ch44: After effects
Ch45: Hypothesis and conclusion
Ep: The Answer

Ch12: At sinong hindi mababaliw sa @ulaaaann

38.2K 1.1K 175
By pilosopotasya

Kaklase ko siya? Si John, kaklase ko ngayong term?

Ohmygahd.

At talagang sa harap ko siya naupo? Biglang ganun? Hala nakakatuwa naman 'to ahihihihi. Ang pogi naman ng likod niya, ang ganda ng view ko sa kanya, front seat. Ay nako John talaga oh, ikaw talaga. Papansin ka talaga sa akin eh. Ahihihi.

Hindi ako makapag concentrate sa mga sinasabi ng teacher namin dahil hanggang ngayon, kinakabahan pa din ako. Parang naninikip 'yung dibdib ko kahit hindi naman lumalaki. Basta, parang may something wrong pero nakangiti pa din ako. Ganun.

“Enzo...” Bulong ko. Tinignan naman ako ni Enzo na nagtataka.

“Ano?”

“Ano assignment natin kahapon?” Tinignan naman niya ako with naniningkit na mata hanggang sa bigla niyang akong binatukan.

“Problema mo?!” Pabulong pero pasigaw kong tanong.

“Adik ka pala eh, di ba sabi ko sa'yo absent ako kahapon” Ay wait, nakalimutan ko 'yun. Nakita ko kasi si John eh. Ahihihi! Joke lang.

“Ah, oo nga pala”

Napansin ko naman na lumabas ng room 'yung teacher namin kaya automatic na nag ingay ang mga kaklase ko. Daldalan dito, daldalan doon. Music dito, music doon. Pansin kong lahat ng tao dito sa room maingay pero isa lang ang hindi.

Si John.

“Bakit ang tahimik niya?” Tanong ko kay Enzo na pabulong para hindi marinig ni John. Okay sorry pero, hindi ko mapigilan na hindi pansinin eh.

“Ganyan talaga 'yan, tahimik” Tumango tango na lang ako dahil dumating na rin 'yung teacher namin kaya biglang natahimik ang lahat.

May kung anu anong sinabi 'yung teacher namin hanggang sa nabanggit niya ang ‘assignment’. Sabi ko na eh, may assignment kami kahapon. Epal naman kasi ng school, pauso pa 'yung halloween costume eh.

“Hala wala tayong assignment” React ni Enzo sa sinabi ng teacher namin. Naparoll na lang ako ng eyes, stating the obvious lang Enzo? Hahahaha.

Napatingin ako kay John, tahimik lang talaga siya. Minsan nakatingin siya sa teacher, minsan nakatingin siya sa labas. Parang ang lalim ng iniisip, ganun.

Parang, ang mysterious ng effect.

Ang gwapo. Ahihihihi.

Hindi ko na namalayan at nagulat na lang ako sa nagawa ko, kinalabit ko siya. Nanlaki ang mata ko sa ginawa kong 'yun. BAKIT ZELLE, BAKIT MO SIYA KINALABIT?! ADIK KA BA?!

Unti unti siyang lumingon sa amin. Una siyang tumingin kay Enzo pero tinuro ako ni Enzo na nagulat din sa ginawa ko. Tumingin siya sa akin, nagkatinginan kami.

OMG OMG OMG ZELLE ANONG PROBLEMA MO BAKIT MO SIYA KINALABIT OMG OMG OMG.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at sobraaaaa pa sa sobra ang kaba na nararamdaman ko.

  “Ah ano...” OMG KA ZELLE, ano ba bakit mo ba kasi kinalabit 'yung tao ang adik mo talaga.

Napansin ko na nanginginig 'yung kamay ko sa sobrang kaba. Grabe huhuhu mas malala pa ata 'to nung last time na nahulog ako. Parang alam mo 'yun, ang bilis ng agos ng dugo sa buong katawan ko.

“Ano... y-yung a-an--” Sige lang Zelle, mautal ka pa. Galingan mo pangkautal mo.

“Ay pre, ano 'yung assignment kahapon?” Napatingin kaming dalawa ni John kay Enzo. Gusto ko na lang tumakbo palabas ng room at magsuicide.

Jusko po flooring, lamunin mo na ako.

KAHIHIYAN PRE, KAHIHIYAN.

Pero thank God at biglang umepal si Enzo. Thank God ginawa mong epal si Enzo. Thank you po talaga God.

“Ah...” Ngumiti si John na siyang nagpahinto ng puso ko.

Shocks, ang pogi niya.

“Hindi ko alam eh, absent ako kahapon hahaha” Hala syet, ang manly naman ng tawa niya. Pwedeng pakiulit? Ajujuju sayang hindi ko narecord nakakainis parang ang sarap irecord ng tawa niya at gawing ringing tone eh.

Pucha ayoko na parang mag hahyperventilate na ako sa kilig.

Natapos ang klase ko. May klase pa kasi si Enzo kaya ako lang uuwi mag isa ngayon pero bago pa ako makalabas ng school, napansin kong umuulan.

Syet ka ulan, bakit ngayon pa? Wala akong dalang payong eh.

Tumingin tingin ako sa paligid. Nasaan kaya si John? Baka kasi may payong siya tapos payungan niya ako. Ay, ang sweet sweet. Ahihihihi.

Pero wala eh, wala siya. So... bahala na si batman.

Lumabas ako ng school at agad naman akong nabasa dahil sa ulan. Ang lakas pa ng hangin, wow feeling ko nasa mtv ako kulang na lang music eh. Naglalakad lang ako kasi ano pang saysay kung tumakbo ako eh mababasa din naman ako.

Ramdam na ramdam ko ang bawat pagpatak ng ulan sa katawan ko—este sa damit ko na tumatagos papuntang katawan ko. Naglalakad lang ako hanggang sa may narinig ako na parang may tumatakbo sa may likod ko pero hindi ko na lang pinansin.

Napansin ko na lang na may tao talaga nung wala na akong naramdaman ulan na pumapatak. Napatingin ako sa taas at nagulat ako dahil may nagpayong na pala sa akin.

Ewan ko pero parang biglang huminto panandalian ang pagtibok ng puso ko saka bumilis ito nang bumilis.

“Bakit ka nagpapaulan?! Baka magkasakit ka!” Napatingin ako sa taong nagpayong sa akin. Hingal na hingal siya dahil siguro sa pagtakbo niya.

“Adik ka Enzo, di ba may klase ka?” Nilalayo layo ko siya para hindi niya ako payungan pero pinipilit niya akong payungan.

“Kung papipiliin ako kung klase o ikaw, alam mo na pipiliin ko...” Napatigil ako sa sinabi niya at tinignan siya. Nakatingin siya sa akin pero nilayo niya 'yung tingin niyang 'yun. Kinabahan na naman ulit ako.

“Syempre klase! Oh eto” Kinuha niya 'yung kamay ko at pinahawak sa akin 'yung payong na hawak niya. “Sige na, ingat!” Tumakbo naman siya bigla kaya hindi na ako nakapag violent reaction pa. Tumakbo siya pabalik ng school na walang payong.

Napatingin naman ako sa payong na hawak ko at napahawak ako sa may dibdib ko. Syete, bakit kinakabahan ako?

---x
Author's Note:
Patawad sa sobrang tagal na upate. Sobrang daming ginagawa at puro majors ako this term kaya halos hindi na ako makagawa ng updates. Pagpasensyahan niyo na talaga ako. 

Dedicated to ThisGirLisCrazy para sa pagsagot niya sa aking katanungan at sa patuloy na pagsuporta sa akin. Thank you. *u*

PS: Tweet me: @ulaaaann or click external link there -->
(Lakas promotion eh, hahaha) 

Continue Reading

You'll Also Like

915K 45K 29
When lethargic university lecturer, Theo Gomez, meets an enigmatic and mysterious woman one night, he never expects his life to change forever. Yet...
17.3M 764K 53
Everyone in Parsua Sartorias loves and admires Lily Esmeralda Gazellian, a vampire princess. But what happens when the almost flawless princess falls...
13.9M 234K 91
Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017]
2.5K 185 11
In this world full of "Sana All" kind of relationship, mayroong dalawang taong pilit pinapipili ng tadhana-pag-ibig o pangarap. College pa lang sila...