STACEY
Lahat nalang ba mawawala sakin? Si Criszette hanggang ngayon di namin alam kung buhay pa o pinaslang na din siya ng mga hayop na kampon ni Israel.
At si Jameson ang lalaking sobra kong minahal iniwan na din ako tulad ng magulang ko.
Paano pa ko magiging matatag?
Paano pa ko lalaban?
Paano pa ko mananatiling nakatayo.
Kung nanghihina na ang puso ko dahil sa mga nangyari.
Paano ako lalaban kung ang tanging pinapairal ko ay galit at poot?
Malamang sa malamang matatalo ako at mapapaslang.
Kasalukuyan kaming nasa bulwagan kung saan idinaraos ang pagluluksa sa namatay na Sandiwu ng Amians na si Jameson.
Naramdaman ako ang pagtapik ni Andrea sa gilid ko. Kaya lumingon ako pero bigla akong naiyak dahil di pa rin nagsisink-in sakin na wala na si Jameson.
"I'm always here for you." malambing na sambit ni Andrea sakin.
Para sa mga Sandiwu ng Normsantandia ay isang araw na pagluluksa lang at maya-maya lang ay ihahatid na siya sa huling hantungan upang maging ganap na Miles na siya.
At makapasok siya sa mapayapa at walang gulo na lugar para sa mga tulad namin at upang makasama na nila si Bathalang Cassandra.
"Alam mo naman na di kita iiwan Stacey. Kaya don't be afraid to cry because you need to show your tears and the pain na nararanasan mo ngayon." rinig kong sambit ni Andrea dahil kasalukuyan akong umiiyak sa balikat niya.
Maya-maya lang ay narinig ko na ang boses ni Serena at Coleen na papalapit samin. Kaya inalis ko ang mukha ko sa balikat ni Andrea tsaka hinarap ang dalawa.
"Alam kong di ka pa okay pero handa kami maging sandalan mo ngayon." mapait na nakangiti na sambit ni Serena.
"Nandito lang kami for you." dugtong pa ni Coleen.
Tumayo ako para yakapin sila.
"I'm so thankful dahil nakilala ko kayo." umiiyak na sambit ko.
"Teka nga wala pa ba ang mga magulang ni Jameson." biglang sulpot ni Joshua. Si Jarret kausap niya na tulad ko ay nagluluksa pa din.
Umupo na kaming tatlo at tumabi kay Andrea na agad na inalalayan ako.
Di pinansin ni Jarret si Joshua kaya ang mokong umalis na lang at pumunta sa pwesto nila Keiron.
"Nasaan nga pala si Andrei?" biglang tanong ni Serena.
"Yun di ang pinagtataka ko ilang araw na siyang wala." nakakunot na noo na sambit ni Coleen.
"Diba siya yung kakambal mo Andrea." tanong ni Serena kay Andrea.
"Ang sabi ni Prof. Mika matapos daw ng sagutan nila ni Andrei umalis daw ito ay nagtungo sa Azulan." sagot ni Andrea sakanya.
"Kaya pala edi hindi niya alam nangyari sa kaibigan niya." malungkot na sambit ni Coleen.
Agad akong nalungkot ng maalala ko ang nangyari kay Jameson.
Ang hirap pa din tanggapin.
Ang hirap-hirap.
Pero kailangan.
Dahil kailangan kong tuparin ang bilin niya sakin.
Ang bawiin ang Zaynadarks mula kay Israel.
Pangako Jameson di kita bibiguin.
Balang araw makakamtan mo di ang hustisya na nararapat para sayo.
Ang pagdusahan ito ni Drake.
He deserve to be suffer.
Maya-maya lang biglang naging maingay ang paligid kaya napalingon ako sa pinto ng bulwagan.
Nandiyan na pala ang hari at reyna ng Amians.
Pero sino yung babaeng kasama nila?
'Hala bakit kasama nila si Isay?'
'Part ba siya ng Family.'
Karamihan ay ganyan ang bulungan.
Isay?
Sino nga ba siya? Bakit parang ngayon ko lang siya nakita.
At never siyang naikwento ni Jameson sakin.
Agad na tumayo si Jarret at lumapit sa Hari at Reyna ng Amians ang kaniyang mga magulang.
Di na napigilan ni Jarret at umiyak na siya.
"Diba hindi pa patay kakambal mo? Just tell me hindi totoo na wala na kapatid mo." umiiyak na sambit ng Reyna kay Jarret.
Pero umiling lang si Jarret tsaka umiyak.
Nagulat kami ng biglang nanakbo yung tinatawag ng mga mafians na Isay sa kinalalagyan ng katawa ni Jameson.
"Kuya Mage." umiiyak na sambit niya.
Kuya?
"Bumangon ka diyan Kuya. Papagalitan mo pa ko ulit diba kayo ni Kuya Maze magtatandem ulit kayo na pagalitan ako diba. Mag-aasaran at magpipikunan pa tayo ulit diba. Kuya bumangon ka diyan wag kang magbiro ng ganyan. Alam kong joker ka Kuya pero wag naman sana yung gantong klase ng biro." hagulhol ni Isay kay Jameson.
Kuya Mage? Kuya Maze? Bakit Mage tawag niya kay Jameson.
Agad namang nilapitan ni Jarret si Isay ganun din ang Reyna at Hari.
Patuloy na umiiyak ang Reyna ang Ina ni Jameson.
Nabalot ng lungkot ang bulwagan. Maging ako ay umiyak agad naman akong inalo ng tatlong babae na katabi ko ngayon.
"Isay tama na." pagpapatahan ni Jarret kay Isay.
"Kuya Maze diba natutulog lang siya diba?" pagpupumilit ni Isay.
"Lalo mo lang sinasaktan sarili mo Isay. Wala na si Kuya wala na siya." umiiyak na sambit ni Jarret tsaka niyakap si Isay.
Napatingin naman ako sa Ama ni Jameson. Kita mo sa mata niya ang lungkot at pagluluksa pero di niya ito inilalabas dahil siguro gusto niya may matirang matatag upang alalayan ang pamilya niya na ngayon ay labis na nagluluksa.
"Isay." tawag ng Reyna sa babaeng kasama nilang dumating.
"Bakit po?" garalgal na usal ni Isay.
"Halika dito anak." umiiyak na sambit ng Reyna kay Isay.
Umiiyak na lumapit si Isay sa Reyna.
"Ina wala na si Kuya wala na siya. Ina wala na ang tagapagtanggol ko." rinig kong iyak ni Isay sa balikat ng Reyna.
"We need to accept it Isay. Kailangan natin magmove-on dahil di matutuwa ang kuya mo pag nakikita niya tayong nagluluksa." umiiyak na sambit ng Reyna tsaka niyakap ng mahigpit si Isay. Sinenyasan niyang lumapit si Jarret sa kanila na agad naman nitong ginawa. Agad itong yumakap sa Reyna.
Nagulat kami ng biglang naglakad palapit ang Hari sa nakahigang Jameson na wala ng buhay. Ang kaninang hari na nagpipigil ng luha ay tila agilang nakaalpas sa kulungan.
"Sandiwu Mage ang aking panganay sa inyong kambal. Nawa'y mahanap mo ang katahimikan kasama si bathalang Cassandra bilang miles." umiiyak na sambit ng Hari. "Pinahanga mo ko sa pagiging mapagparaya mong kakambal at kapatid at higit sa lahat ang pagiging mapagmahal at mapagkalingang tao. Kahit na minsan mo na kong sinuway. Muli ka pa ring bumalik dahil sa iyong pagbabalik natuto ka sa iyong mga pagkakamali at agad mong naitama. Ikinararangal ko at naging anak kita Mage. Mahal na Mahal kita aking anak." umiiyak na dugtong pa ng Hari.
Pagkatapos nun ay niyaya niya na ang Reyna na maupo.
Na agad namang sinang-ayunan ng Reyna.
Tumayo ako para magpakilala sakanila. Dahil alam kong deserve nilang makilala ako.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Andrea sakin.
"Sa magulang ni Jameson." nakangiting sagot ko sakanya.
Di na siya sumagot at tanging tango nalang ang kanyang ginawa bilang pagpayag.
Ng makarating ako sa harap ng magulang ni Jameson.
"Jaheyo Mahal na Reyna at Hari ng Amians." nakangiting bati ko sakanila.
"Jaheyo din binibini. Sino ka? Ano ang iyong nais sabihin samin." ani ng Hari o Ama ni Jameson.
"Ah ako po si Sandiwa Stacey ang Sandiwa ng Zaynadarks at kasintahan ni Jameson."
"Sandiwa? Ikaw ba yung anak ng dating Reyna at Hari ng Zaynadarks." tanong ng Reyna sakin.
"Ako nga po." nakangiting sagot ko sakanila.
"Kung ganun Ina at Ama mo si Haring Shawn at Reyna Shawtel." usisa ng Reyna sakin.
"Opo."
"Kung ganun nasaan ang iyong mga magulang." nakangiting tanong ng Hari sakin
Bigla ako nalungkot ng maalala ko ang nangyari sakanila.
"Sa kasamaang-palad tulad ni Jameson pinaslang din sila ng mga Zaynadarks sa pamumuno ni Israel." malungkot na sambit ko.
"Patawad sakin tanong. Di ko alam na ganyan ang sinapit ng iyong mga magulang." ani ng Reyna.
"Ayos lang po." nakangiting sagot ko sakanila.
Napatingin ako kay Jarret at Isay na kasalukuyang tulala pa din. Di ko sila masisi.
Kapatid sila e.
"Ikaw ang kasintahan nitong aking anak na si Jameson diba." biglang tanong ng Hari sakin.
"Ah opo." nahihiyang sagot ko.
"Palagi ka niyang kwinekwento sakin noon." natatawang sambit ng Hari.
Napatingin ako sa harap kung saan nakahimlay ang katawan ni Jameson.
At napangiti.
I will always miss you!