BHO CAMP #8: The Cadence

By MsButterfly

1.4M 45.5K 4.9K

All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet... More

Synopsis
Chapter 1: Beat
Chapter 2: Hand
Chapter 3: Crepuscular
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Objective
Chapter 7: Sleep
Chapter 8: Song
Chapter 9: Orange
Chapter 10: Compromise
Chapter 11: Gravity
Chapter 12: Home
Chapter 13: Hawk
Chapter 14: Chance
Chapter 15: Promise
Chapter 16: Damage
Chapter 17: Shine
Chapter 18: Charm
Chapter 19: Cuff
Chapter 20: Breathe
Chapter 21: Princess
Chapter 22: Free
Chapter 23: Fairytale
Chapter 24: Always
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Road
Chapter 27: Pretend
Chapter 28: Beautiful Disaster
Chapter 29: Cadence
Chapter 30: Epilogue
Chapter 31: Start
Chapter 32: Catfight
Chapter 33: Mind Games
Chapter 34: Distance
Chapter 35: Orbit
Chapter 36: Tradition
Chapter 37: Rock star
Chapter 38: Team Night
Chapter 39: Music
Chapter 40: Always
Epilogue
Author's Note

Chapter 6: Time

31.3K 1K 90
By MsButterfly

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

HERA'S POV  

"Ika-labing lima ng Abril sa oras na ala syete ng gabi ay lumikha ng ingay ang balita na umiikot sa panlinlang at kasakiman. Kumakailanlang ay kumalat ang balita tungkol sa pagkamatay ni Mia Montez, isang event specialist ng sikat na event organizing company, ang Pink Maze. Dahil sa kaniyang last will and testament at sa tulong ng autoridad ay nagawang hukayin ang mga nakatagong motibo at kahindik-hindik na sikreto na umiikot sa ina ng biktima na si Adeline Montez. Di umano ay nagsimula ang lahat ng magpakita sa ginang ang nawawala niyang identical twin na si Jessa Salvosa kung saan naging daan ito para isagawa ni Salvosa ang panlilinlang. Nagpanggap siya bilang ina ni Mia Montez at ng nakababata nitong kapatid na si Sean Montez para magawa niyang isakatuparan ang mga balakin niya sa pamilya. Base sa naging statement ni Salvosa ay matapos niyang maidispatsa si Adeline Montez ay bumalik siya sa pamilya para gawin ang pagpapanggap ngunit kaagad nakatunog ang asawa ng biktima na si Jaoquin Montez. Dahil dito ay nag desisyon si Salvosa na tapusin ang buhay ng lalaki. Ayon din sa kaniya ay dahil sa takot na tuluyang may makahalata ay mas pinabilis niya ang plano dahilan para si Mia Montez naman ang kaniyang balingan na ang resulta sa kamatayan ng biktima sa pamamagitan ng arsenic poisoning. Nagbalak din siyang isinod sa mga ito ang bunso ng pamilya na si Sean Montez."

Nag-alis ako ng mga mata mula sa panonood nang maramdaman ko ang paglapit sa akin ng kung sino. Nginitian ko ang isa sa mga kasamahan ko na si Chalamity nang magbaba siya ng plato sa harapan ko na may laman na burger at fries. Pagkatapos niyon ay tinanguhan niya ako habang ako naman ay muling binalik ang atensyon ko sa phone ko na hawak-hawak ko.

"Samantalang nagawa naman ng hanapin ng autoridad ang bangkay ni Adeline Montez di kalayuan sa dating pinagtatrabahuhan ni Salbosa na gasolinahan. Ayon kay Salvosa ay nagawa niya lang daw ang mga ito dahil gusto niyang maranasan ang patas na buhay na ipinagkait sa kaniya ng kaniyang kapatid. Hindi raw nararapat na tanging si Adeline lang ang makaranas ng maginhawang buhay kaya sa tulong ni Lito Felipe at Roberto Cruz ay pinlano nila ang pagkamkam sa kayamanan ng mga Montez. Sa ngayon ay inaresto na nga si Jessa Salvosa at nakakulong na dahil sa salang criminal impersonation, identity theft, kidnapping, attempted murder, at multiple homicide. Bukod sa kaniya ay papatawan din ng kaukulang parusa sina Felipe at Cruz na siyang naging katuwang ni Salvosa sa pagsagawa ng mga krimen. Ang natitirang anak ni Adeline at Jaoquin Montez na si Sean ay mananatili sa poder ng kaniyang mga tiyuhin at tiyahin hanggang sa pagsapit niya sa tamang gulang."

"That's upsetting. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong nahuhumaling pagdating sa panonood ng mga balita."

Nag-angat ako ng tingin at ang nakangiting mga mata ng taong sa unang tingin ay talagang maipagkakamali kay Comet Ferrel, ang drummer ng Royalty na namayapa na ilang taon na ang nakararaan. Except he's clearly not him. Lalo na kapag nagsasalita siya dahil parang lagi siyang nang-aakit.

Nagbaba ako ng tingin sa relos ko bago ko siya tinaasan ng kilay. "You're late."

"Kanina pa ako nandito. Kinausap lang ako ng kasamahan mo na si Dawn sa labas kanina." sabi niya at pagkatapos ay umupo sa upuan na nasa harapan ko.

"Late ka pa rin." ulit ko.

"Es tut mir leid, Schatz."

Nalukot ang ilong ko sa sinabi niya. Kung hindi lang pag-aari ng iba ang puso ko baka nagwawala na ngayon ang systema ko dahil sa boses niya at sa accent niya habang sinasabi ang mga salitang iyon. "Hindi sabi ako nagsasalita ng alien language."

"Right." he said while still chuckling. "I just said I'm sorry."

Pinaikot ko ang mga mata ko at kumuha na lang ako ng french fries sa plato ko habang siya naman ay nakangiting tinawag ang isa sa mga naka duty na agent na kaagad kinuha ang order niya. Habang kausap niya ang junior agent na si Celeste na siyang server niya ngayon at nabigyan ako ng pagkakataon na pagmasdan siya.

Hindi talaga maipagkakamali ang pagiging magkamukha nila ni Comet. Kahit na mas matanda siya sa lalaki ay parang wala lang ang maliit na age gap nila dahil mukha pa ring kaedaran ni Will si Comet kung nagkataon na buhay pa ito. Ang tanging sign lang ata ng edad niya ay ang laugh lines niya sa gilid ng mga mata niya na lumalabas kapag ngumingiti o tumatawa siya. Not that it makes him less attractive. Parang nakakadagdag pa nga iyon sa charisma niya. Bihira ko kasi siyang makita na seryoso at hindi nakangiti kapag nandito siya sa BHO CAMP. He's just so...laid back.

"What? Something on my face?"

Napakurap ako nang matagpuan kong nakatingin na rin pala siya sa akin. "Wala."

"Hmm." Kumuha siya ng fries sa plato ko at isinubo iyon. Pinaningkitan ko siya ng mga mata na lalo lang niyang ikinangiti. "Don't worry, bibigyan din kita ng fries ko mamaya."

Muli siyang kumuha sa plato ko at hindi ko na siya pinigilan dahil baka sabihin pa niya na madamot ako. Kung tutuusin nga ay napakadami ng serving dito sa Craige's. Lagi ko kasing nauuto si Ocean na damihan ang binibigay sa akin kapalit ng mga number ng kilala kong mga babae. Hindi na ako magtataka kung malulugi ang Craige's dahil sa kalandian ng isang 'yon. Kung bakit naman kasi ang daming nagpapauto sa kaniya kaya mas lalo tuloy lumalaki ang ulo no'n.

"Akala ko hindi na matutuloy 'to."

Kumuha ako ng tatlong fries at magkakasabay na isinubo ko iyon. Nakita ko ang pagkaaliw sa mga mata niya pero hindi ko iyon pinansin. "Ako ang nag-aya di ba? May isang salita ako."

"Bigya mo na lang kasi akong nilayasan ng araw na 'yon." Rinig ko ang katanungan sa sinabi niya pero hindi ako nagsalita dahilan para magpatuloy siya. "Siya ba?"

"What?" tanong ko na para bang hindi ko alam ang tinutukoy niya.

"Iyong ayaw tumanggap sa puso mo?"

Naumid ang dila ko sa sinabi niya. Sumandal ako sa kinauupuan ko at humalukipkip ako habang naghahanap ng sasabihihn. Iba pa rin pala kasi kapag nanggagaling ang mga salitang iyon sa ibang tao. Mas malakas ang sampal sa akin ng katotohanan.

"Like I've said before, he's lucky that you're always thinking of him."

"Mas swerte ako." hindi ko napigilang sabihin. Nang makita ko ang pagkabigla sa mukha niya ay nag-iwas ako ng tingin. "Swerte pa rin ako kasi alam kong akin ang puso niya kahit na ayaw niyang tanggapin ang binibigay ko."

"I don't think that's the way things should be."

I shrugged at him. "Sometimes things just don't work out like how we want them to be."

"Why would you settle for that?"

"Who said I'm settling?" I asked back. Hindi siya sumagot sa tanong ko at hinayaan niya lang akong magsalita. Nginitian ko siya bago ako nagpatuloy. "I'm happy. Minsan mahirap lang paniwalaan ng iba pero masaya talaga ako. I am hurting, yes. But I am happy. Does that make sense?"

"Not really."

Ako naman ang napatawa sa sinabi niya. Hindi ko siya masisisi. Hindi lang naman siya ang nalilito. Marami sa mga kaibigan at pamilya ko ang alam kong tinatanong din sa sarili nila kung bakit nanatili ako sa taong alam kong hindi magagawang ibigay sa akin lahat ng gusto ko. Lahat ng kailangan ko. He can't even give me a future.

"May dalawa lang akong choices. Masaktan habang kasama siya o masaktan dahil wala na siya sa akin. I chose the first because that's the pain I can live with. So I am happy, Will. It's not perfect but I'm happy just to be loved by him."

"Kung mahal ka niya bakit hindi niya magawang tanggapin ang pagmamahal na binibigay mo?" naguguluhang tanong niya.

I smiled despite the tightening in my chest. I asked that to myself so many times. Kahit na alam ko naman ang magiging sagot sa bawat pagkakataon na itinatanong ko iyon sa sarili ko. "It's not like he doesn't know. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman iyon. He just don't want me to get used of the the permanency of words once I uttered them. He don't want 'I love you' to be words that will hunt me in the future."

Alam kong masaya si Thunder kasama ako. Alam kong mahal niya ako dahil paulit-ulit niyang pinaparamdam iyon sa akin. I will forever treasure every moment that I will have with him. I will gather everything in my arms and absorb them through my skin until those memories of him are what creates all of me. So he can be a part of me as long as I live. Hanggang sa magkita kami ulit.

Kaya alam ko na lahat ng desisyon niya ay dahil sa gusto niya akong pag-ingatan. Gusto niya akong ihanda para sa pagdating ng panahon na hindi niya na ako magagawan protektahan. He love me but he's not cruel. Because he love me in a way that he's not pouring it all until he drowns me. He want me to stay afloat so that I can continue treading on water when he's not there anymore to swim with me.

Minsan nga iniisip ko sana naging selfish na lang si Thunder. Sana tanggap na lang siya ng tanggap ng kung anong kaya kong ibigay kahit na alam niyang mahihirapan ako sa huli. Pero hindi siya gano'n. Hindi siya gano'ng magmahal.

"Let's have a deal." I blinked and looked at the man in front of me. May hawak siyang dalawang piraso ng fries habang ang isa ay inaabot niya sa akin. Hindi ko kinuha iyon at nagtatakang tinignan ko lang siya. "Kapag magkasama tayo, we would only have fifteen minutes max of discussion about him. After that we're having a Lucky Guy free zone and we can just do our own thing. We can just have fun or ask each other thousands of random questions."

Hindi pa rin inaabot ang fries na tinaasan ko siya ng kilay. "Sure ka talaga na may susunod pa sa date na 'to?"

"As if you can resist me." he joked. "But seriously, Hera, we can be friends. Wala naman akong kakilala dito at ikaw ang unang taong palagay akong kausap kapag pumupunta ako sa lugar na 'to. You're fun to be with and you're great to look at. I am fun to be around and I'm great to look at. So it's a win-win situation right?"

"Hanap ang fighting spirit mo, boy."

Ngumisi lang siya at muling inumang sa akin ang fries na para bang sinasabing tanggapin ko na iyon. Ano bang masama? Kung tutuusin komportable rin akong sabihin sa kaniya ang mga hinaing ko sa buhay na hindi ko magawa sa ibang mga kaibigan. Maybe because I don't need to pretend when I'm with him. Pinaikot ko ang mga mata ko pagkaraan at kinuha ko sa kaniya ang fries. "Fine."

Idinikit niya ang sarili niyang hawak sa fries na hawak ko. "Cheers."

"Weirdo." I said to him with another roll of my eyes.

"Normal is boring." he said before throwing the piece of fries inside his mouth. May ngiti sa mga mata na ginalaw-galaw niya ang kilay niya. "So...lights off or lights on?"

"Manyak."

Napatingin sa amin ang mga taong kasama namin sa restaurant nang bigla na lang siyang mapahalakhak ng malakas. Kinuha ko ang dekorasyon na gulay sa plato ko at ibinato ko iyon sa direksyon niya pero kaagad naman niyang nasalo iyon.

"Ako ang unang magtatanong." deklara ko.

Nagkibit balika siya. "Fire away."

Bago pa ako makapagtanong ay lumapit na sa amin ang agent na may dala ng pagkain niya at ibinaba iyon sa lamesa. Nang makaalis siya ay tinaasan ko ng kilay si Will. "Handa ka na ba sa tanong ko?"

"I was born ready."

"Okay." sagot ko at nagpapabitin pa na tinitigan ko muna siya saglit bago muling nagsalita. "Lights on or lights off?"

"Wow. So Original." he said while fighting a smile. "On. The last time I was having fun with someone with the lights off, I found out that she's not alone in the room because her roommate was sleeping on the top of the bunk bed."

Napuno ng tawanan namin ang Craige's habang salit-salitan naming sinasagot ang tanong ng isa't-isa. I actually found myself having fun knowing random things about him kahit na hindi lahat ng mga lumalabas sa bibig namin ay may kwenta. I guess it's okay to let go for a moment and just stop thinking.

So for a moment I didn't think. Kaya hindi ko napansin ang isang pares ng mga mata na nakatingin sa akin habang masaya akong nakikipag-usap sa taong kasama ko.




MAGAANG pagdampi ng mga halik sa balikat ko ang gumising sa akin. I opened my eyes slowly, still blurred from sleepiness while my brain is still in a haze. Dumako ang tingin ko sa digital clock sa bed side table at nakita kong mag a-alas dose pa lang ng madaling araw.

"Sorry I woke you up." Thunder whispered right at my ear. Muli niya akong hinalikan pero sa pagkakataon na ito ay sa gilid na iyon ng leeg ko.

Umikot ako hanggang sa mapaharap na ako sa kaniya. Nakasuot na siya ng pantulog habang ang buhok naman niya ay bahagya pang basa. Baka kanina pa siya nakauwi at hindi ko lang siya napansin dahil tulog na tulog ako.

"How's the family meeting?" I asked, my voice still croaky from sleep. "May bago bang chismis?"

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago niya ako hinila para mapalapit ako sa kaniya. Inilagay niya ang isa niyang braso sa ilalim ko para makaunan ako doon habang ang isa naman ay marahang humahaplos sa buhok ko.

"We all thought that something serious is happening since si Freezale ang nag imbita pero si grandpie Poseidon pala ang promotor talaga. Nagdadrama at porke malalaki na raw kami ay hindi na kami nakukumpleto."

I closed my eyes and pressed myself closer into him. A smile curved my lips as I visualize his family's get together. Siguradong riot na naman iyon kung nando'n maging ang Original Elites agents. "Minsan lang naman."

"Yeah. Minsan lang pero sobrang gulo." sabi niya habang patuloy pa rin sa paghaplos sa buhok ko na siyang dahilan kung bakit unti-unti akong muling hinihila ng antok. "Turns out the Original Elites will have a grand cruise soon dahil gusto raw nilang irampa ang beach bod nila. Their words not mine. Si Freezale at King naman nag-away dahil binigyan ni King ng chocolate si Tia eh gabi na kaya siguradong hyper na naman ang isang 'yon. Though I think they made up since since Snow said they heard them going at it in the guest room habang nagkakape kami kanina. Not that I want to think of it because she's my sister but good for them. Oh! And Dawn's pregnant again."

Pilit na iminulat ko ang mga mata ko kahit pakiramdam ko ay sobrang bigat na niyon. "Oh no."

Natawa siya sa reaksyon ko dahil alam kong naiintindihan niya kung anong tumatakbo sa utak ko ngayon dahil sa sinabi niya. "Yan din ang reaksyon ng tatay niya kanina. Sigurado raw na magdudusa na naman ang buong BHO CAMP kapag nagsimula na naman siyang maglihi."

"Iba ang kasungitan ng isang 'yon kapag buntis. When she was pregnant with Vodka she got irritated at kuya Triton just for sneezing."

"Lalo ngang sumama ang mood niya dahil ang sabi ni grandpie Poseidon baka raw pagkakataon na 'to para mapatunayan ang lahing kambal sa linya nila. May triplets siyang mga kapatid pero hindi raw gumana sa kaniya dahil hindi naman naging kambal ang mga anak niya. Ang bunso nila ni grandmie Bree na si tita Summer isa lang ang anak. Si Dawn naman iisa lang din. So grandpie started suggesting baby names for their "future" multiple babies but looks like Triton already thought of it first. He said he like the names Cross, Ram, and Belaya."

"Siguradong nangigil sa kanila si Dawn. Hirap na hirap na nga ang isang 'yon na ipanganak si Vodka noon. Pa'no kung tatlo na sabay-sabay? Baka matagpuan na lang natin si Triton na ginagawang target practice ni Dawn."

He chuckled under his breath and I felt him planted a kiss on my forehead. I closed my eyes again, enjoying the warmth he's giving me. He continued on gently brushing my hair with his fingers while his gentle kisses rains on me from time to time.

Mas lalong bumigat ang mga talukap ko nang marinig ko siyang mahinang kumakanta. Hindi ko na alam kung anong kanta ba iyon dahil kasalukuyan na akong tinatangay papunta sa kung saan ng antok na para bang hinehele ako ng boses at mga haplos niya. That's why I don't know if I heard him right or if I was just dreaming but after a felt warmth touch my lips I heard a soft whisper being carried by the wind until it reached my ears.

"I want to keep it beating for you as long as you want me to but I don't know if I have that much time left, Princess."

______________End of Chapter 6.

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 89.9K 35
Ako si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend Phoenix Martins. Dahil doon ay lagi kam...
359K 7K 66
"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours."...
10.2K 1.1K 40
World Trip Series 6 Previously working as a personal assistant, Raijine was called back to work to this popular Korean superstar after being enlisted...
782K 21.4K 5
Rainbow is not just in the sky, sometimes it is in the eyes...