Jade POV:
Dahil linggo ngayun wala akong gagawin kundi mag review nung nakaraang lesson at mag gawa narin ng assignments
Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko
"Ate jade pwede ba akong pumasok"
tanong ni Mycka
Oo naman sagot ko
Kaya naman pumasok na sya sa loob
"Ate jade pwede mo ba akong samahan ngayon kasi may project kami tapos gusto nung adviser namin creative yung pag-kagawa, paano ko naman gagawin yun puro print ang mga project ko"
"Teka mycka kalma kalang kasi alam mo marami akong ginagawa ngayon
hindi va pwedeng sa iba ka nalang mag-pasama"
"Ate Jade please samahan mo na ako
please please"
At nagpa-cute sya sa akin grabe hindi ko ito mahihindian sa itsura nya naku
"Sige, tatapusin ko lang ito kunti nalang naman itong assignments na ito, intayin mo nalang ako sa baba"
"Ate Jade aalis muna ako ah, maliligo narin"
naka ngiting sabi nya sa akin
Nag patuloy na ako sa pag gawa ng assignments ko
Pagkatapos na pagkatapos ko pumunta agad ako sa cr para maligo
Pagkatapos kung maligo naghanap agad ako ng pwedeng isuot at nakita ko yung jeans na favorite ko high wasted naman, tsaka ko pinart-neran ng crop top na Bts ang nakatatak
Bakit ba?
kahit ganito ako fan ako ng Bts
Skl naman is it bawal charot
Mema lang
Bumaba na ako at nakita ko na ready na din si Mycka kaya naman nagmadali ako na mag lakad pababa ng hagdan
Napapikit ako ng maramdaman na dumulas ang sapatos ko
Nagulat ako dahil hindi ako nahulog kundi lumutang ako
Luh? patay na ba ako?
Nagulat ako ng magsalita yung may dala sa akin
"Hoy babae wala ka bang balak na bumaba nangangalay na ako dito mabigat karin eh no" nanlaki naman ang mata ko dahil sa narinig
Dahan- dahan naman akong bumaba
"salamat"
wika ko sa kanya at tuluyan ng dumeretso sa pag baba ng hagdan
Awkward - , -
"You're so maganda talaga ate Jade lalo ka pang gumaganda day by day"
"Nako nambola pa si micka"
"It's not bola it's totoo naman"
Sana all conyo
"Teka saan ba kayo papunta? At bihis na bihis kayo pareho"
tanong ni Jake at tumingin sa aming dalawa ni mycka
"Kuya pupunta kami ng mall kasi we will buy ng gamit because I have a project kasi" tugon naman ni mycka
"Sasamahan ko na kayo"
"kuya kaya na namin yun at
tyaka lalaki ka iba kami dahil babae kami"
"Oo nga naman jake anak babae ang kapatid mo kaya wag ka ng sumama sa kanya kasama naman nya si Jade" wika naman ni Mrs Kim
"Ate jade can we go now?"
Tumango lang ako at naglakad na kami palabas ako naman ang nag drive ng sasakyan papuntang mall
"Ate jade dun tayo sa national bookstore"
Aya sa akin ni mycka awtomatikong sumunod naman ako, ang ingay kasi nito kapag hindi napagbibigyan
Pag-galing namin dun inaya naman nya akong pumunta sa Boutique
Sabi pa nya nandito naman na din daw kami mag shopping narin kami
Na sabi ko nalang sa utak ko
"SANA ALL MAY PERA"
Pagkarating namin agad syang pumunta dun sa may mga magagandang dress
Habang nakatingin ako kay Mycka kung ano-ano na ang sumagi sa isip ko
Gaya ng mga nakamamanghang bagay na kayang gawin o solusyonan
gamit ang pera ng tao.
Pero sa palagay ko hindi rin dapat makuntento ang tao sa pera dahil hindi lahat kayang bayaran ng pera.
Hindi lahat, lalong-lalo na ang kasiyahan hinding-hindi ito kayang bayaran ni kahit magkanong salapi.
Kaso sa panahon ngayon kaligayahan narin ang pera masaya na ang tao kung may pera sila.
Kaya nga andaming nangingibang-bansa at tinitiis mapalayo sa pamilya mabigyan lang ng magandang buhay ang kanilang pamilya.
Isa rin yan sa mga rason kung kaya't walang say-say ang aking kabataan.
Ni hindi ko naranasan na mag-laro sa kalye, pag-hawak lamang ng sandata ang ginawa ko buhat ng mapunta ako sa secret agent company (SAC)
Mula noon itinuring ko ng tahanan at pamilya lahat ng members ng SAC (secret agent company)
Nabalik ako sa katinuan ng sinigawan ako ni Mycka.
Sinabi nya na pumili raw ako ng gusto kung damit, pumili nalang din ako kasi ayaw kung mag-salita sya ng mag-salita.
Nakakabingi kasi sya
"Ate Jade nagugutom na ako kumain naman tayo please"
Hindi narin naman ako tumanggi dahil miski ako ay nakakaramdam narin ng gutom.
Agad kaming pumunta sa McDonald's
at nag order ng gusto naming kainin.
Matapos naming kumain ay nagsabi si Mycka na naiihi na sya kaya naman sinabi ko na umihi na sya baka sumabog pa pantog nya kapag pinigilan charot.
Mga mahigit 30 minutes na akong naghihintay pero hindi parin sya nakakabalik. Kaya nagtanong na ako iba na kasi ang pakiramdam ko. Huwag naman sana.
"Kuya, kuya may nakita po ba kayong babaeng naka t-shirt na pink fitted then may sling bag na pink din po."
"Doon ko sya nakita papasok sa may cubicle ng comfort room." sabay turo nya doon sa daan palikod.
Nag-pasalamat naman ako sa kanya at patakbong pumunta doon sa cubicle na sina-sabi nya sakin. Pagkarating ko agad akong nagtaka marami kasing nagsisi- takbohan na tao.
"Miss ano bang meron bakit maraming nagsisi-alisan doon." sabay turo ko sa may gilid ng cubicle.
"Meron kasing babaeng na hostage ng isang lalaki roon. Nakakatakot nga may tutok kasing baril yong babae."
"Pwede ko bang makita o malaman man lang kung anong itsura nong babae."
"Heto ito sya."
Agad ko namang tiningnan at hindi na ako nag-aksaya ng oras ng makitang si Mycka nga yon. Subukan nya lang saktan si Mycka makikita nya ang hinahanap nya.
PADAAIN NYO AKO!
malakas kong sigaw dahil puro mga nag vi-video ang naroon.
Andon narin ang mga pulis pero parang walang nangyayari.
Ang bagal talaga nilang kumilos baka mamaya tuluyan nyang lalaking yan si Mycka.
"Miss bawal pong pumasok."
Harang sakin nong lalaki, pinakita ko naman sa kanya yong ID ko at nakita ko na medyo nagulat pa sya. Gulat ka no? may bisa yata ito ng sampung kamay. Mema lang
Akala ko ay hindi ko dala ang baril ko pero laking pasalamat ko ng makita ko ito. Nakasuksok lang pala sa likod ng pantalon ko.
Marami pang mga bulongan akong narinig.
*Wait what! Hindi ba sya yung classmate natin!?*
*Omayghadddd she really an amazing girl*
*Dude ang astig nya ligawan ko kaya*
*Ako na nauna sa kanya back off!*
Napailing nalang ako, mga bwesit ampaplastik nyo. Nagbulungan pa narinig ko rin naman.
Hindi ko nalang sila inintindi at dahil iniisip ko kung anong paraan ang pwede kung magamit. Bawal akong magpadalos-dalos dahil pwedeng mapahamak si Mycka.
Sa maraming paraan ang sumilid sa isip ko isa lang ang napili ko kung saan hindi mapapahamak si Mycka.
Humarap ako sa kanila at hindi ko na narinig ang masyadong bulungan nong sumigaw si Mycka ng malakas.
Tinawag nya ako habang umiiyak. Kitang-kita ko ang bakas ng takot sa mga mata nya. Kaya hindi ko na pinatagal agad kong binaril ang binti ng lalaki. Kasabay non ang mabilis kong paglapit at pina-ulanan sya ng sipa at suntok.
Nakaalis naman na si Mycka kaya wala na akong aalalahanin.
Hamag kang lalaki ka! Sa dami ng pwede mong i-hostage si Mycka pa talaga. Nakakabadtrip lang!
Agad naman akong nagulat ng bigla nang naitusok parin nya sa binti ko ang maliit na kutsilyong hawak nya. Tssk agad ko namang binunot iyon at itinusok rin sa daliri nya sa paa napahiyaw naman sya gaya kanina.
Tuluyan na syang hindi nakatayo. Tsk hibulin kasi kainis! sinugatan pa talaga ako hindi nga ako pinag-pawisan sa laban namin.
Pinaubaya ko na sila sa mga police. At agad kong hinanap si Mycka. Nanlaki ang mata ko ng makitang masinsinang kinakausap ni Jake si Mycka.
Paktay na paano nalaman ito ni Mr. Asim? piste naman oh. Bakit ba kasi hindi ko inisip na marami nga palang nagvi-video sakin kanina.
Napa-buntong hininga nalang ako close minded pa naman ito. Siguradong hindi agad sya maniniwala sakin.
"Sa'kin sasabay ang kapatid ko ikaw nalang mag-drive ng kotse nya." inis na sabi sakin ni Mr. Asim
Tumango nalang ako, medyo makirot rin kasi yong sugat ko ayaw ko ng masyadong mag-paliwanag.
Tinatamad ako hindi ko ugaling mag-explain lalo na't hindi naman tinatanong.
Jake POV:
Nakita ko na kasunod lang namin si Jade. Hanggang ngayon ay inis na inis parin ako. Paano kung may nangyari sa kanilang masama.
May pa girls girls hangout pa. Hindi naman alam ang gagawin.
Pag-kababa namin agad sinalubong ni mommy at daddy si Mycka. Akala daw nila may nangyari ng masama kay Mycka. Paano naman kasi itong si Mycka masyadong matigas ang ulo.
Kung hinayaan lang nila akong sumama edi sana hindi nangyari yon.
Badtrip naman kasi eh.
Agad namang nag park si Jade ng sasakyan at sumunod sa amin sa loob.
Nakita ko na walang karea-reaksyon ang muka nya. Hindi mo matutukoy kung galit ba sya o masaya. Blangkong-blangko ito.
"Thank God ligtas ka anak may masakit ba sayo? Okay kalang ba?
ano anak!"
Si mommy talaga napaka OA kitang-kita naman na maayos lang si Mycka. Tsss bakit ang tahimik ni Jade ngayon. Nakatingin lang kasi sya sa amin na parang pinag-mamasdan kaming isang pamilya.
I felt sad knowing na malayo sya sa family nya. Pero hindi parin nawawala sa isip ko yung tanong na bakit ganon sya katagal? Hindi ba sya kasabwat nong lalaki?
"Hija maupo ka hindi ka ba nangangalay kakatayo?"
utal ni mommy kay Jade pero ngumiti lang ito at mukang fake pa.
"Hija we're very very thankful to you because you save the life of our daughter"sabi naman ni Daddy.
"Yes hija! Thank you so much"
Si mommy naman ang nag-pasalamat.
"Kuya ikaw ba hindi ka ba magpapasalamat dahil nailigtas ako ni ate Jade."
"Yeah, thanks to her muntikan ka ng mamatay. Hindi nyo ba nahalata na wala sya doon ng may nangyari kay Mycka! Meaning baka kasabwat sya nong lalaki. Madali kasi kayong maniwala kung kani-kanino!"
Tiningnan naman ako ni Daddy at mommy ng masama. Ganon din si Mycka, totoo naman madali silang magtiwala kung kani-kanino.
"Sir, ma'am mauna na po ako sa taas"
Dinig kong sabi ni Jade tyaka mabilis na umakyat paitaas ng kwarto. Bakit ganon hindi ko man makita sa mismong muka nya ang reaksyong malungkot sya ay tila nararamdaman ko ito.
Fuck! kung ano-ano ng nangyayari sakin mula nong dumating yang babaeng yan. Ang weird weird ko na.
Jade POV:
"Yeah, thanks to her muntikan ka ng mamatay. Hindi nyo ba nahalata na wala sya doon ng may nangyari kay Mycka! Meaning baka kasabwat sya nong lalaki. Madali kasi kayong maniwala kung kani-kanino!"
Kung kasabwat ako roon. Hindi ko na sana tinulungan ang kapatid mo. Tang-eris na lalaki hindi nag-iisip.
Pero pilitin ko mang maging malakas ay tila may kung anong lungkot ang sumasakop sakin. Ni minsan sa buong buhay ko kahit mahirap ako hindi ko naisip na pumatay ng tao para lamang sa pera.
Hindi na ako nagpaliwanag kasi kung mag-papaliwanag pa ako hindi rin sya, sila makikinig.
Bakit ba ang hilig nilang mag conclude bakit hindi nya muna tanungin ang kapatid nya. Bakit kailangang i-blame agad ang isang tao sa bagay na hindi naman nya kasalanan!?
Natawa ako dahil sa isip ko ay may namuong sagot. Mapait nalang akong napangiti.
Sadyang may mga bagay talaga na kahit paulit-ulit mong ipaliwanag hindi nila maiintindihan dahil hindi naman nila nararanasan.
Tanging ikaw at ikaw lang ang makakaintindi sa sarili mo. Ikaw lang wala ng iba.
Tumulo nalang bigla ang luha ko. Buong pananatili ko sa mundong ito natutunan kong i-comfort mag-isa ang sarili ko. May mga kaibigan ko pero alam kong may mga problema rin sila. Ayaw ko ng dumagdag.
Kinuha ko nalang ang guitara ko at nag-start mag play ng kanta.
Little do you know
Little do you know
How I'm breaking while you fall asleep
Little do you know
I'm still haunted by the memories
Little do you know
I'm trying to pick myself up piece by piece
Little do you know
I need a little more time
Underneath it all I'm held captive by the hole inside
I've been holding back
For the fear that you might change your mind
I'm ready to forgive you, but forgetting is a harder fight
Little do you know
I need a little more time
Jake POV:
Little do you know
How I'm breaking while you fall asleep
Little do you know
I'm still haunted by the memories
Little do you know
I'm trying to pick myself up piece by piece
Little do you know
I need a little more time
Underneath it all I'm held captive by the hole inside
I've been holding back
For the fear that you might change your mind
I'm ready to forgive you, but forgetting is a harder fight
Little do you know
I need a little more time
Andito na naman ako sa tapat ng pinto nya, pinagmamasdan ko na naman syang umiyak ng dahil sa akin.
Wala na akong ginawa kundi saktan sya. Siguro nga hindi ngayon yung tamang oras para mag-sorry ako sa kanya. Alam kong galit sya at mas lalala pa yon kung ngayon ako lalapit sa kanya.
Gusto ko mang lapitan sya ay pinanghihinaan ako. Naiisip ko palang na magagalit sya nasasaktan na agad ako.
I'll wait, I'll wait
I love you like you've never felt the pain, I'll wait
I promise, you don't have to be afraid, I'll wait
Love is here, and here to stay
So lay your head on me
Little do you know
I know you're hurt while I'm sound asleep
Little do you know
All my mistakes are slowly drowning me
Little do you know
I'm trying to make it better piece by piece
Little do you know
I, I love you 'til the sun dies
I'll wait, just wait
I love you like I've never felt the pain, just wait
I love you like I've never been afraid, just wait
Our love is here, and here to stay
So lay your head on me
I'll wait (I'll wait), I'll wait (I'll wait)
I love you like you've never felt the pain, I'll wait (I'll wait)
I promise you don't have to be afraid, I'll wait
Love is here, and here to stay
So lay your head on me
Lay your head on me
So lay your head on me
'Cause little do you know
I love you 'til the sun dies
Wala na akong nagawa kundi sabayan nalang sya ng tahimik sa pag-kanta. Nagbabakasakaling mapansin nya ako pero hindi.
"Kuya anong gina-gawa mo dyan? Bakit nakasilip ka dyan! Kuya?"
Hindi ko sinagot si Mycka at muling tumingin kay Jade na patuloy parin sa pag-agos ang luha. Pumapatak ito sa guitara nya.
"Omg! Bakit umiiyak si ate Jade"
Tinakpan ko ang bibig ni Mycka ang lakas kasi ng boses baka marinig sya ni Jade.
Tsk, agad kong hinila si Mycka paalis ang ingay kasi nya. Baka marinig kami ni Jade.
Madagdagan pa ang kasalanan ko sa kanya.