Showbiz Parents (KathNiel) Ed...

By serendiven

275K 2.1K 66

You'll never except what life turns out to be - coming back with blessings like those cute little monsters wh... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Author's Note

Chapter 4

12.4K 185 2
By serendiven

Edited © 2018.


KATHRYN


Papunta na ako ngayon sa taping ng bagong teleserye namin. Kasama ko ang dalawang makukulit na bulilit. Pilit kasi sila ng pilit tapos minsan sasabihin nila na huli na nilang pagsasama yun dahil may klase na. 

Makahindi ba ako sa dalawang ito? Hay.

Nagawa pa nilang magsinungaling sakin, alam ko namang sasama pa rin sila.


"I'm hungry na mommy" reklamo ni Sky.

"Sky, kakatapos nyo lang diba magbreakast. Mamaya ka na kumain dahil kapag behave kayo, kakain tayo sa favorite nyong restaurant" sabi ko. 

Tumili naman ang dalawang bata.



"But Mommy, Tito Enrique said I am patay gutom. I really dont why I am always hungry. Fck" sabi niya at saka nag-pout.

"Saan mo naman natutunan ang salitang yan? Isa pang ganyan I'll slap your mouth" sabi ko. "Stop pouting, it can't help" dagdag ko pa.

Mas lalo naman siya sumimangot kaya kinurot ko ang pisngi niya.

"Alam kong gusto mong kumain pero baka tataba ka. Alam mo naman na baka hindi na kita mabuhat. Later na lang okay?"

"Mommy ako rin ha? Buy me many foods later. I am hungry also" sabi ni Sab sabay hila ng t-shirt ko.

Tumango naman ako


(TAPING)


Pagkarating pa lang namin doon agad kaming sinalubong ni Direk.


"Ang aga mo naman ngayon nak ah. May sasalubungin ka ba mamaya? O baka naman may hinihintay ka ng hindi ko alam" biro ni Direk

"Ikaw talaga Direk,  hindi ah. Nakasanayan ko na ho kasi sa Paris na magising ng maaga. Sa totoo lang po eh itong mga makukulit na mga bata,  sila lagi ang gumigising sa akin"sabi ko

"Pero Sab at Sky, huwag niyo rin minsan gigisingin ang mommy nyo ng maaga dahil simula nang magtrabaho ang Mommy nyo baka kukulangin ito sa tulog" sabi ni Direk sa mga bata. 

At dahil parang tinopak naman ang mga anak ko ay nagtago ito sa aking likuran. Tinawanan lang ito ni Direk.

"Pero tamang tama at dahil andito ngayon ang mga bata, pwede ko ba silang hiramin sandali? May ipapakita lang ako pero huwag kang mag-aalala babantayan ko naman syempre at hinding-hindi ko sila ipapahamak" dagdag ni Direk.


Tumango ako kay Direk.

Hindi pa sana ang kambal sasama, kaso sinabihan ko. Nakakahiya naman para kay Direk. 

Nagpaalam ako sa mga bata at sinabihan ko na huwag makulit kay Direk baka mapagalitan pa pero alam ko naman na hindi kaya ni Direk yun.

Malaki ang tiwala ko kay Direk. 

Pumasok ako sa tent at humiga sa folding bed. Mamaya pa naman mag-sisimula at wala pa ang ibang mga cast. Matutulog  na muna ako para na rin magkaroon ako ng energy mamaya baka kasi sa isang iglap mahimatay ako.




"Papatunayan kong mahal pa rin kita. Naduwag ako eh. Baka nga may nainom akong gayuma kaya iba ang nakilala kong nasa puso ko pero ngayon gagawin ko na ang tama. Para sa iyo tandaan mo"


Nagising ang aking diwa at napabangon. 

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Sino yun? Kaninong boses yun.



"Mommy! Wake up na, Direk is calling you. I thought Tito will wake you up" sabi ni Sab habang kumakain ng pagkain na dala niya "Hurry up, Mommy!"


Ang anak ko talaga hindi na talaga siya makapaghintay. Ganyan rin ugali nito kahit nasa Paris kami.

Bumangon na ako at inayos ang sarili.


"Mga anak, nakita nyo ba si Tito Gwapo nyo?" sabi ko. 


Nalaman ko na rin kasi na idagdag sa cast si Enrique.


"Tito Gwapo is with Tito Dj, Mommy. They are talking" sabi ni Sky.  



Biglang may pumasok, "Look who's here!"

si Julia.

Hindi ko na sya pinansin baka hindi naman makasalita katulad ng kahapon. Pinabayaan ko lang siya at saka lumayo sa kanya.


"Mga anak, halika na kayo baka kanina pa ako hinahanap ni Direk" sabi ko. Lumapit naman sila kaya hinawakan ko ang kanilang kamay at saka na rin umalis.


Pagkarating ko doon. Nakaayos na ang set. Pinaupo ko ang mga bata sa tabi ni Direk at sinabihan na huwag manggugulo at saka ako nag-ayos at nagpalit ng damit para sa taping


Pagkatapos ng ilang oras, "Break na muna mga anak! " sigaw ni Direk



Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Nakaheels pa kasi ako. Hindi na ako sanay na mag-heels dahil na rin sa sobrang tagal ko ng hindi gumagamit nito. 

Hindi rin kasi gusto ng mga anak ko mag-heels eh lalong-lalo na si Sky lagi niya akong sinisimangotan kagaya kanina. Hindi ako pinapansin ni Sky pero nang sabihan siya ni Quen na andyan naman ito naintindihan naman agad ng anak niya.


"Tulungan na kita"

Isang lalaki lang ang nanggaling ng boses na yan.


Hinawakan nya ang kamay ko at tinulungan. 

Wala akong choice kundi hindi tumanggi dahil baka mahulog ako kung walang tutulong sa akin.


"Ahm. Salamat Daniel" ngiti lang ang sagot niya.


Pinagtinginan kami ng mga staffs. Nakita kong parang kilig na kilig pa sila pati si Direk. 

Ito na nga ba ang sinasabi ko.


Nakita ko rin na wala ang mga bata at mukhang pumasok na sa tent. Kaya nagdesisyon rin akong pumasok doon.

Wala lang 'to Kath. Wala lang ito. Gentleman naman talga siya diba?


Pagdating namin sa tent nagpasalamat ulit ako.

Bago ako pumasok napansin kong sinamaan ako ng tingin ni Julia.

Selosa.


Pumasok ako at nakita ko naman ang mga bata na busy sa kanilang ginagawa. Nilapitan ko naman agad ang mga ito.


"Bakit sobrang pawis na pawis kayo? Saan ba kayo galing? Kanina nasa tabi lang kayo ni Direk ngayon sobrang pawisan na kayo" tanong ko. 


Dali-dali akong kumuha ng towel sa bag ko at pinahid sa likod nilang dalawa.


"Mommy, si Tito Gwapo is so makulit" sumbong ni Sab sabay tulak ng mahina kay Quen na katabi niya.

"Oh ako naman ang dinadamay nyo! Wala akong ginawa! Kapag ako natalo rito ma--Aiss--- Talo na ako! Ayshet- " 

Sarap talaga upakan to eh. Dinadamay pa ang nga bata sa kalokohan.


"Tigil tigilan mo yang kadramahan mo Quen. At yang bibig mo, alam mo naman may kasama tayong bata tapos salita ka pa ng salita ng mga masasamang salita" sabi ko. Tumawa si Quen kaya hinampas ko. Agad namang nag peace sign ang mokong.


 "Sab and Sky, gusto nyo bang kumain? Maraming foods doon sa kabila baka nagugutom kayo and also sad to say we cant go to your favorite restaurant. Sabi ni Direk malayo ito dito at baka hindi matapos ang taping"

"Okay mommy, I understand. And I already ate something a while ago. It is okay if we will just eat  here" sabi ni Sab



Nang dumating kami doon sa kabilang tent at nakita ko na andoon rin si Direk kaya pinaiwan ko muna ang dalawa doon sa kabila kay Direk. 

Bumalik naman ako sa tent, may kukunin lang sana. Nang makuha ko na ang kailangan ko, hindi ko inakalang ganito ito kabigat.


"Ako na Kath. Tulungan na kita" 


si Daniel. 

Ikalawang tulong niya na ito ngayong araw.

Pero bakit ko ba pino-problema baka naman gusto niya lang tumulong hindi ba?

Pagkarating ko sa kabila. Nagpasalamat na ulit ako.


Pinagtinginan nga kami ng mga tao. Nakakahiya.

"Sa-salamat ulit." sabi ko sabay yuko.


Pagkatapos ko sabihin iyon, ngumiti ito at pumasok na sa tent nasaan sina Direk.


Papasok  na sana ako, "Masaya ka na bang nilalandi mo na ang boyfriend, slut?" 

Lumingon ako sa nagsalita.


Masaya? 

Siya kaya yung tatanungin kong 'Masaya ba siya na nilandi niya ang ama ng mga anak ko?'


Hindi ko na sya pinansin. Ano ba mapapala ko diyan sa babaeng yan, wala naman. Naghahanap ito siguro ng away para makabawi sa sinabi ko kahapon. Nakakasayang lang ng oras pagpinatulan pa.

Tumalikod ako at pumasok pero nahila nya agad ako.


"Huwag mo akong tinatalikuran dahil kinakausap kita!" sabi nito


Humarap ako "Anong kailangan mo Julia?" kalma kong tanong. 


"Walanghiya kang babae! Isang kang mang-aagaw!"

Sasampalin na niya sana ako kaso, "Julia! Ano ba?!" rinig kong sigaw ng isang lalaki.



"Uhm. Okay ka lang ba?"

"Oo naman Daniel. Salamat " sabi ko sabay iwas ng tingin.


Hindi ko na alam ang nangyari basta tahimik lang ako habang sinasabihan ni Daniel si Julia at parang pinapagalitan.

Hindi ko alam ang nangyayari at ang pinag-uusapan nila. Pero napansin kong tumakbo si Julia habang umiiyak.

Pumasok sa isipan ko ang mga bata. Pwede bang umalis na ako dahil baka nagugutom na ang mga bata.


Hindi ko namalayan nasa harapan ko na pala siya.

Ang lapit naman masyado yung mukha niya sa mukha ko.

Awkward


"Sorry nga pala sa ginawa ni Julia.  Ito na pala ang pagkain mo, kinunan na kita. Akala ko iniwan mo na ako kaya hindi ka na pumasok " 

Sino ba sa atin ang unang nang-iwan?


"Salamat" Iyan lang ang nasabi ko.

Pumasok ako at nasa likod ko si Daniel. Napansin naman iyon ni Quen kaya ayun nagtataka ang itsura. Andito pala siya pero hindi ko na lang ito medyo pinansin at agad kong tinawag ang mga bata.


"Sky and Sab, hali na kayo at maraming andito na ang foods oh" agad naman silang pumunta sa direksiyon ko. Tinabi ko muna ang pagkaing binigay ni DJ at kumuha ng makakain ng mga bata.


Kaya ayun, pinakain ko na ang mga bata. Tumingin naman ako kay Daniel na katabi lang kanina ni Quen, na ngayon ay papunta sa akin.


"Kath okay ka na ba talaga? Gusto mo tawagin ko ang doctor? May masakit ba sa iyo? Pasensya na talaga kay Julia ha. O baka naman gusto mo ako na lang muna magpakain sa mga bata mo?"

"Ang OA mo. Huwaag kang mag-aalala, okay lang talaga ako. Baka may gagawin ka pa ha, naabala ka pa namin" sabi ko.


Syempre kapag good mood, good mood.

Bakit nung simula nung araw kanina ay napansin kong kanina pa siya concern sa akin. Mas malala pa siguro kay mama mag-aalala. 

Bakit ba ang concern niya sa akin?

Simula ng umaga tinutulungan niya ako.
Tinulungan niya ako kanina noong taping na naka-heels ako, tinulungan akong buhatin ang mga gamit, kinunan ako ng pagkain tapos kanina yung kay Julia.

Parang ang bait niya sakin?


Siguro akala niya mahuhulog ako sa mga patibong niya? 

Baka ginagawa niya lang ito para maging mabawasan ang guilt na nararamdaman niya?

Baka iba ang intensyon nya. 

Hindi Kath, kahit anong mangyari huwag kang magpapaloko. Nasaktan ka na noon huwag mong hintayin na saktan ka rin ngayon.


I can feel that

He just cared for me today.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 190 11
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
5.8K 364 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
3.2K 197 40
What are the odds that Kervy (FJS) will meet the twin stranger of someone he used to love dearly? Will the feelings be the same or will it cause con...
36.6K 1.3K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"