The Cold Princess of Ainabrid...

De paraiso_neo

520K 13.6K 338

(Completed) Book 1 of TCPAA: Most Impressive Ranking #3 Fantasy Genre As she steps into the academy, a wave o... Mais

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17 (Special Chapter)
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30 - Birthday Special 1
Kabanata 31 - Birthday Special 2
Kabanata 32 - Birthday Special 3
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43 - Christmas in Normsantandia 1
Kabanata 44 - Christmas in Normsantandia 2
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Author's Note
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
ANNOUNCEMENT 101
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79 - The Ending
Hi Fellows Readers.
OTHER UPCOMING STORIES
SURPRISE

Kabanata 54

3.7K 103 1
De paraiso_neo

GABBY

"At saan ka nanggaling?" tanong ni Drake sakin ng makita ako.

"Sa garden nagpahangin lang." pagsisinungaling ko.

"Ayoko sa lahat ng pinagsisinungalingan ako." deretsahang sambit niya tsaka iniwan ako.

Inaano ko ba yun?

"Uy bessie saan ka nanggaling?" masiglang salubong sakin ni Cheena.

"Teka magkasama ba kayo ni Drake?" nagdududang tanong ko.

Dahil ilang araw ko na silang nahuhuli na magkasama kaya nagdududa na ako. May hindi ba ako alam sa kaibigan ko?

May dapat ba akong malaman sakanila ni Drake.

"Umamin ka nga sakin Cheena may namamagitan ba sa inyo ni Drake?" di ko na di maiwasang magtanong dahil magdududa na talaga ako.

Natigilan siya at di nakaimik.

"Sabihin mong hindi Cheena pakiusap." naiiyak na pagsusumamo ko.

"Panahon na siguro para malaman mo ang totoo." nakayukong sambit.

"Anong totoo Cheena? May dapat pa  ba akong malaman." di ko maiwasang di sumigaw sa galit at inis.

"Huminahon ka Gab pakiusap." umiiyak na sabi niya."Naalala mo ba yung pinagtutulakan kitang awayin mo si Stacey." panimula niya.

Naalala ko nga siya pa nga nagsabi sakin na awayin si Stacey noon. Eh dahil nga sa kaibigan ko siya ginawa ko naman.

"Oo anong meron dun."

"Alam mo ba ang rason kung bakit gusto kong awayin mo siya." malungkot na sambit niya.

"Anong rason Cheena wag mo ng patagalin deretsahan mo nako." inis na singhal ko sakanya.

"Dahil si Stacey ay kapatid ko."

Halos manlaki ang mata ko at tila tumigil ang mundo dahil sa huling sinabi ni Cheena.

"P-paano?" utal na usal ko.

"Dahil ako yung sanggol na naiwan nila sa palasyo nung panahon na nilulusob ng mga rebeldeng Darks ang Zaynadarks. At ang alam nilang lahat ay patay na ko. Di nila alam na may taong kumuha sakin at dinala sa mundo ng mga tao." tiim-bagang sambit niya.

Diko alam kung anong sasabihin dahil sa gulat sa nalaman ko.

"At nagagalit ako sa kanila dahil kinalimutan nilang may sanggol silang naiwan sa Zaynadarks." umiiyak na sambit niya pa.

"Di ko alam Cheena kung anong sasabihin ko. Dahil hindi ko alam ang mga bagay na yan." sabi ko tsaka niyakap siya.

"Sobrang nagagalit ako kasi wala silang nagawa para iligtas ako." ramdam ko ang pait at sakit sa mga sinasabi niya.

At di ko alam ang gagawin. Dahil gustuhin ko mang magalit sa ginawa nilang paglilihim sakin ay di ko magawa dahil wala ako sa pwesto para gawin yun.

Ang pagsisinungaling ni Christian sakin.

Ang mga lihim na ngayon ay natuklasan ko mula kay Cheena.

Ang pesteng Normsantandia na to at bakit kailangang madamay ako sa gulo nila.

"At kung tinatanong mo kung ano namamagitan samin ni Drake." agad akong natigilan at humiwalay ng yakap sakanya at tiningnan siya para pakinggan ang sasabihin."Wala Gab dahil I'm just using Drake para mabawi ang kahariang inagaw nila sa pamilya namin." dugtong niya pa.

"Akala ko ba galit ka kay Stacey at sa pamilya niyo." nagtatakang tanong ko.

"Dahil kahit galit ako sakanila. Alam kong may rason kung bakit di nila ako nailigtas at matagal ko na silang pinatawad. At eto na ang pagkakataon ko para kami naman ng kapatid ko ang mamuno sa Zaynadarks. At gusto ko rin gumanti sa hayop na Israel na yun pinatay niya ang mga magulang namin." umiiyak na sambit niya.

Patay na mga magulang ni Stacey? At si Israel ang may gawa.

Ang sasama nila.

Inagawan na nga nila ng kaharian pinatay pa nila.

Agad ko siyang niyakap at bumulong.

"Hayaan mo tutulungan kita."

At pagkatapos nun ay pareha na kaming bumalik sa kwarto na inilaan samin ni Israel.

Di ko talaga alam ang totoong plano ni Israel samin.

Kaya dun ako lubos na natatakot.

Kaya gusto kong kumilos na.

At ayun nga ang tulungang tumakas si  Criszette sa kulungan.

"Lalaban tayo hanggang sa huli." rinig kong bulong ni Cheena.

Oo lalaban tayo! Duh magpapakasal pa kaya kami ni Christian.

Pagdating namin sa kwarto ay nakaabang si Drake.

"At saan kayong galing dalawa." salubong na tanong niya samin.

"Kailangan ba oras-oras irereport namin sa iyo kung saan kami pumupunta aba daig mo pa Body Guard namin nan." badtrip na sabi ko sakanya.

"Baka nakakalimutan mong prinsepe ang kausap mo." mayabang na sambit niya. "Na anumang oras ay pwede kitang paslangin ng walang pasabi dahil sa tabas ng dila mo." sarkastikong dugtong niya pa.

"Prinsepe? Prinsepeng nang-agaw ng kaharian ng iba." natatawang sambit ko.

Naramdaman ko ang pagsiko ni Cheena pero di ko siya pinansin.

Dahil pikon na pikon na ko sa Drake na to.

"Di mo alam ang sinasabi mo. Wala kang alam sa mundo namin." galit na sigaw niya sakin.

Kala mo naman natatakot ako sayo.

"Oo nga madami akong di alam sa mundo niyo pero isa lang ang alam ko. Na ikaw at ang iyong Ama at maging si Bathalang Eumee ay pawang masasama." nakangising sabi ko sakanya.

"Tama na Gab." bulong ni Cheena sakin.

Nakita ko na ang pagpupuyos ng galit na bumabalot kay Drake.

"Di kami masama." nakakuyom na kamao na singhal niya sakin.

"Hindi masama? Sa paanong paraan?" sabi ko tsaka nagpanggap na nag-iisip ng paraan. "Hindi ba masama yung nang-aagaw ng kaharian ng iba. At hindi rin ba masama ang pagpaslang sa mga taong tahimik na namumuhay sa mundong to at hindi rin ba masama ang pagbihag mo samin ng kaibigan. Siguro nga hindi kayo masama." sabi ko tsaka hinila si Cheena tsaka tumalikod. Kusa namang nagsarado ang pinto.

"Hindi mo dapat ginawa yun." sermon ni Cheena sakin.

"Pero yun yung tama Cheena." maikling tugon ko sakanya.

"Baka mapahamakan lang tayo parehas sa ginawa mo." ani niya pa sakin.

"Mapahamakan na kung mapahamakan ang mahalaga dun ay nasabi natin sakanya lahat ng dapat niyang malaman." pangangatwiran ko kay Cheena.

"Hys. wag mo na uulitin yun bes. Natatakot ako na mawala ka sakin." malungkot na sambit niya.

"Di ko naman hahayaang mangyari yun." depensa ko sakanya.

"Ayts ang drama drama na natin." natatawang sabi niya.

"Ikaw nagsimula ih." natatawang paninisi ko sakanya.

"So tara tulog na tayo." yaya niya sakin.

"Tara inaantok na din ako." sabi ko tsaka nauna ng humiga sa kama."Btw bes gusto mo bang sumama bukas dadalawin ko si Criszette." tanong ko sakanya.

"Si Criszette? Anong ginagawa ni Criszette dito." pabulong na tanong niya sakin tsaka humiga na din.

"Ikinulong siya nila Israel dun sa piitan." inaantok na sagot ko sakanya.

"Paano mo nalaman yan." ani niya pa.

"Di na mahalaga kung paano. Ang mahalaga ay alam kong nandito si Criszette at kailangan natin siyang tulungan." sabi ko tsaka pumikit na sa pagod.

Di ko na narinig ang pagsagot ni Cheena kaya tuluyan na din akong natulog.



Continue lendo

Você também vai gostar

14.6K 633 41
An innocent princess that has been vanished because of a crime that she never committed. The Princess Via Villanova they know will never be the same...
292K 9.2K 43
What will happen if you are brought to a new different world?
592K 26.8K 68
TAGLISH- A Girl who live's in a very tall tower inside of a very dangerous mystic forest,she's the shadow lady who was born to be alone and sad...
219K 17.5K 116
Magmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng...