Dear Bestfriend

By TipsyArchitect

272K 4K 127

A DerpHerp Fanfiction © 2014 More

Dear Bestfriend
Note
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
55
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

54

3K 71 2
By TipsyArchitect

Chapter 54

"Iiyak yan. Sinasabi ko sayo dude. Iiyak yan." bulong sa akin ni Kevin. Nakapwesto na kaming lahat para sa entourage nun. Araw na kasi ng kasal ni Jack dito sa Tagaytay.

"Hahaha. Panigurado yan bro. Pusta ko Php 2,500." sabi naman ni Axel.

"Ako pupusta ako. Php 5,000 hindi iiyak yan." sabi naman ni Will.

"Iiyak yan. Tamo. Php 2,500 din saken." sabi naman ni Gino. "Ikaw dude?" tanong niya saken.

"Wala. Pati ba naman sa kasal may pustahan pa din?" sabi ko.

"Ganyan na sa panahon ngayon eh. Oh ako, Php 3,500 para sa luha ni Jack. Hahahahaha." sabi naman ni Kevin. Napailing na lang ako sa kanilang apat.

"Alright. Get ready people!" sabi ng wedding coordinator nila. Umayos na kami ng tayo at sunud-sunod nang naglakad papasok ng simbahan.

Natatawa ako dito sa apat na ugok na katabi ko. Paano kasi ay nakaabang talaga sila sa pag-iyak ni Jack. Maya-maya ay narinig na namin ang muling pagbubukas ng malalaking pinto ng simbahan ng Madre de Dios at sabay-sabay kaming napatingin kay Jack.

"In 3...2...1! Boom!" sabay-sabay na sabi nina Kevin, Axel at Gino.

Sakto naman nung pumasok si Athena ay agad na napaluha si Jack. Abot tenga ang ngiti niya habang tumutulo ang luha niya. Nakuha pa niyang kuhaan ng picture si Athena habang naglalakad ito.

"Boom! Maraming salamat sa five kiyaw, pare. You can give it to us later sa reception." sabi naman ni Gino na siyang katabi ni Will. Tinapik pa niya ang balikat nito at saka sila nagtawanan na tatlo.

"Pasalamat kayo nasa simbahan tayo eh. Mamaya kayo saken." banta naman ni Will.

Nagsimula na ang ceremony at tahimik na lang kaming magkakaibigan. Natutuwa talaga ako para kay Jack. You can see from our side how much he loves Athena. Yung mga tingin niya rito na para bang Athena's the most precious gem in the world. Nahuhuli pa namin siyang bumubulong ng 'I love you' kay Athena.

"You may now say your vows." sabi ng pari. Humarap sila sa isa't isa at saka kinuha ni Jack ang kamay ni Athena.

"Babe, I know that when we first met I was never the man you imagined spending your future with. I'm not your ideal guy, your prince charming, your knight-in-shining-armor, your superhero. I am the beast in your perfect life. The monster, the intruder, the alien. But babe, I'd rather be those than the almost perfect guy in your dreams because look at us now. Here we are standing before God, united as one. I am not perfect but I am real. You are my first love and I'm very thankful that you'll also be my last. You're my true love, Athena. And I thank God for giving you to me despite of all the mistakes I've made. Thank you for all those sungitan moments. You showed me that indeed everything is worth it kapag pinaghihirapan. At sa buong buhay ko. Ikaw ang tanging ipagmamalaki ko na pinaghirapan ko. You're the reason why I am who I am now. Ikaw ang sagot sa lahat ng tanong nila. Yung mga tanong nilang, 'Bakit hindi ka na kuripot?' Or 'Kailan ka pa nagseryoso sa buhay?' Or 'Dude, okay ka lang ba? Anong nangyari sayo?' Lahat yun, ikaw ang tinuturo ng puso ko na sagot. You, Athena. Everything will always be about you. I changed for the better because I found you. I take things to a more serious way because I have you. I am a better man because you make me a better man. And I am so happy, ecstatic, elated, giddy, rhapsodic because I am finally marrying the first woman I ever loved. I love you so much, Athena. Forever may have expired a long time ago but we've leveled up babe. I will love you fiveever. I love you so much."

Naghiyawan kaming magbabarkada at nagstanding ovation pa kami. Tawa naman nang tawa ang ibang guests sa amin.

"Nyetang Jackson to. Kailan pa naging ganyan kacorny yan?!" tanong ni Kevin nang makaupo kami.

"Dude..." sabay-sabay na sabi namin nina Axel, Gino at Will. "The answer is Athena. Hahahahahahahaha!"

"Nyeta. Tanungin ko nga mamaya yan. One plus one equals..." sabi ko naman.

"Athena." sagot ni Axel. Tumawa nanaman kaming lima at nagsuntukan pa ng pabiro.

"Ito malupit gago. What is the cause of climate change?" biro ni Will.

"Athena pare." sagot naman ni Gino.

"Hindi dude. May mas malupit diyan. They said that 3 out of 10 children are malnourished. What can you say about the victims of the past typhoons?" tanong naman ni Axel.

"Elementary my friend. The answer is Athena!" sagot ko.

Naghagalpakan nanaman kaming magbabarkada at hindi na nga namin namalayan na tapos na pala ang kasal. Kung di pa namin narinig ang sinabi ni father ay hindi kami magsisitigil.

"I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride." ani father.

"Uyuyuyuy! Kunan mo! Kunan mo!" kalabit namin ni Axel kay Kevin. Siya kasi ang nasa may aisle kaya siya ang inuutusan namin.

"Teka!" sabi naman niya sabay kuha ng phone. "Bwahahaha. Scandal men! Pwede na to. Benta natin ng Php1,500 per copy sa mga past chics ni Jack!"

"Hahaha. Ang mahal naman nun dude! Gawin mong Php3,500! Limited edition yan." suggest naman ni Gino.

"Mga mukhang pera!" sabi ko naman.

Lumabas na kami sa simbahan saka na naglakad papunta sa parking lot. Pagkatapos ay nagpunta na kami sa reception. Same place lang. Sa Tagaytay Midlands. Mga 15 minutes away from the church lang.

Pagdating namin dun ay agad na sumalubong sa amin ang mga waiters na may dalang tray ng champagne. Kumuha agad kaming lima at saka naglakad patungo sa balcony.

"Ayos tong reception ha." puna ni Gino habang nililibot ang tingin. "Dito din kaya yung amin ni Maqui?"

"Ano?" napalingon kami sa likuran at nakitang nakatayo sina Maqui, Cielo, Peachy at Bonna dun. Kasama din sila sa guest list pero dahil nga di naman nila sobrang kilala si Athena ay hindi sila kasama sa entourage. Paano kasi itong si Jack ipinakilala lang samen si Athena nung engaged na sila. Ayaw ata niyang ilaglag namin siya sa fiancée niya.

"Ha?" ani Gino. "Wala yun, love. Hehe."

"Psh. Ewan ko sayo Gino." ani Maqui saka umirap. "Magaloser, tumawag sa akin si Julie. Uso daw magreply."

"Huh? Oh shit!" agad ko namang kinuha ang phone ko at saka chineck ang messages.

'22 messages from Dear ❤️'

Binasa ko iyon at napangiti naman ako sa mga messages niya.

Dear ❤️:

Hey! How's Jack's wedding? Oh yung partner mo baka landiin mo ha? I have eyes watching you there. Hahaha. Just kidding, dear! Have a great time! I love you! 😘

Summer threw my iPad again. Super bugbog na yung iPad ko sa kanya. 😭 How's it going?

Hey, I'll just go shopping with Ate Steffie ha? I'll buy my graduation dress. Ingat kayong lahat! I miss you. 😁

Okay ang funny ni Summer. She asked her mommy kung kailan daw siya magkakaron ng baby brother or sister. Hahahaha. 😂😂😂

Summer wants to ask you something! 😁

Sa ilalim ng message na yun ay may voice message. Agad kong pinakinggan at natawa ako sa tanong ni Summer.

"Ewmo! Juwee baby? Summer want cous-cous! Ewmooooooooo give Juwee baby!!!"

"Woah! Anong sabi ni Summer?!" gulat na tanong nina Will sa akin.

"Baby daw. Hahaha. Gusto na ata niya ng pinsan." sabi ko naman.

"Pakshet dude! I-three points na yan!!!" sabay-sabay na bulalas nilang apat.

"Psh. Ang layo oh! Paano?" tanong ko naman.

"Madali lang yan dude. Lipad-lipad din kasi diba?" suggest naman ni Gino.

Umiling na lang ako saka nagpatuloy sa pagbabasa ng messages.

Dear ❤️:

Grabe yung tanong ni Summer! Ang hirap mag-explain dear. Please help me? Hahaha. I love you! 😘😍

Okay. Umiyak na siya. She wants a cousin na daw. As in now na daw. Bigyan ko na lang ng doll to. Hahaha. 😂😂😂

You're still not replying. 😔 Nagkapalit na ata tayo. Ako na ata ang clingy. Huhu. 😭😂

Nagulat si Kuya Fort sa reason ng pag-iyak ni Summer. Hahaha. 😂😂😂

Oh my gosh, dear! Ate Steffie and I just saw Harry Styles and Zayn Malik dito sa Primrose Hill! I'll send you a picture. Eeeh! Umiral pagkateenager ko! 😍😍😍

Nagsend siya ng tatlong pictures sa akin. Pagbukas ko ay nagulat ako. Bakit puro nakayakap siya sa mga to?! Anak ng! Di porket sikat kayo makakayakap kayo sa girlfriend ko aba!

"Oh. Anyare sayo?" tanong ni Axel sabay abot sa akin ng isa pang champange glass. Nilagok ko iyon saka ipinakita sa kanila ang pictures. "Ay shet dude. Wala na. Singer lang pala katapat mo eh. Wala na. Adios, Julie!" asar niya sa akin.

"Gago!" sabi ko at inagaw pa ang champagne niya sa kanya. Binasa ko ulit ang message ni Julie pagkatapos uminom ng ikaapat na champagne.

Dear ❤️:

Grabe. Sobrang ang gwapo ni Zayn! Ugh! 😍😍😍

I love you dear. 😘😍 Nastarstruck lang talaga ako sa kanila. 😁

Ikaw pa din ang pinakagwapo promise! 😘😘😘

Uy. Tampo ka ba? Luh. Wag na magtampo, baby. Fangirl moment ko lang yun. 😘😘😘

Okay. Maybe you're just busy having fun. I talked to Maqui at tawa ka daw nang tawa during the ceremony. Come on, babe. Are you back to toddler years? Behave please. 😘

Call me when you're home okay? I won't interrupt you muna. Just enjoy the wedding. Basta siguraduhin mo lang na sa akin ka pa din after that night ha? I love you! 😘

I'm going out with Sofia and Mallorie for lunch. I miss you and love you, dear! Have fun! 😘❤️

I'm literally the clingiest girlfriend. Reply please? I love you!! 😘😘😘

Pagkatapos basahin ang messages niya ay nagreply naman agad ako. Ang cute talaga ng girlfriend ko. Sarap puntahan sa London para lang yakapin at halikan eh!

Me:

Yes. You are the clingiest girlfriend ever. But I love you for being one. Hahaha. Sorry if I wasn't able to reply dear. And sorry kasi di ako behaved sa church kanina. Baliw kasi tong mga ugok na kasama ko eh. Pagtripan ba naman si Jack during the saying of vows! Hahaha. Ang babaliw talaga kahit kailan. Anyway. Tell Summer that her cous-cous is coming soon. Hahahahaha. Joke lang! Sila Kuya Fort na lang muna bago tayo. 😁 Have fun with Sofia and Mallorie okay? Wag kang manlalalaki! Nagseselos ako kay Harry Styles at Zayn Malik. Ako lang dapat! 😭😤😂 Wahaha. Joke lang. Okay lang naman saken kung magkacrush ka sa kanila. Confident naman akong sa akin ang bagsak mo sa huli eh. Oh yeah! Confidence lvl 1000!! 😂😂😂 Sige na dear. Let's talk later ha? I miss you!! I love you to the moon, the stars and the sun. 😘😘😘

"Hoy, mapunit naman yang mukha mo. Tara na sa loob. Bago pa tayo ubusan ng lechon ni Gino." anyaya ni Kevin sa akin.

Tapos na ang dinner at kasalukuyan ng ongoing ang program na inihanda ng planner. Kanina ay nagpagames siya kung sino ang mas nakakakilala kanila Jack at Athena. At nakakatawang grupo namin ang nanalo sa game.

"Hoy teka. Nagkakalimutan tayo. Yung Php 5,000 William asan na?" tanong ni Kevin sabay lahad ng palad kay Will.

"Ano yun? May ganun ba?" tanong naman ni Will.

"Ayun tayo. Pag sa pustahan pakagaling magsabi ng amount. Pag bayaran na nagkakaamnesia na. Bigyan ng utak!!" sabi naman ni Gino.

"Psh. Mga mukha nga talaga kayong pera. Oh." sabi ni Will sabay lagay ng Php 5,000 sa mesa.

"Okaaaaay. Inuman na mamaya!" sabi ni Axel.

"Ayunoh! Sa bahay nila Elmo mamaya!" sabi naman ni Gino sabay palo sa likod ko.

"Ts. Bahala kayo."

"Okay. Ngayon naman, let's ask the groomsmen kung ano ang message nila sa couple. Kasi kanina pa natin sila napapansing nagkakatuwaan eh. So let's ask them. Guys, any message?" tanong ng emcee sabay lapit sa amin.

"Dude kaw na." sabi ni Kevin saka pa nila ako tinulak ni Gino.

"Ayan. Napakagwapo naman nitong groomsman natin. Name po?"

"Elmo."

"Sa Sesame Street? How's Mr. Noodles?" tanong niya sa akin. Nagtawanan naman ang guests sa kanya.

"He's still making noodles. Hahahaha." sagot ko at lalo silang tumawa.

"Joker ka ha? Oh sige. Message sa newlyweds natin?"

Kinuha ko ang mic sa kanya saka tumingin sa lahat. Tapos ay tumikhim ako at nagsimulang magsalita.

"Jack and I have been friends since highschool. Kami nina Axel, Kevin and Gino. We were all part of the highschool basketball team. Nung college, naunang grumaduate si Gino because he took up film. Eh kaming apat, architecture ang kinuha. Si Jack, siya ang pinakababaero sa amin. Sa totoo lang inaasar namin siya everytime may kasama siyang babae. Pero lately, wala kaming balita about sa pambababae niya. Ang alam lang namin is he's later than his usual late schedules during our night out. It's either pauwi na kami or nakauwi na kami. Ganun lagi. Tapos dati, siya pinakaburaot sa pagkain! Akala mo siya yung may pinakamalaking ambag eh. But the truth is ang ambag lang niya eh yung kwentong barbero niya." tumawa nanaman lahat ng guests at nakita ko pang nagtatago si Jack sa balikat ni Athena samantalang tinatawanan naman siya ng asawa niya. "When he told us that he's engaged to Athena nagulat kami. Kasi nga hindi naman siya nagkkwento. We even asked him kung seryoso ba siya. Pero when he told us kung bakit parang ang bilis? Napabilib niya ako. You see, Jack never had a serious moment in his life. Ever. Lahat dinadaan niya sa joke. Sa biruan. Sa kalokohan. Pero when he met Athena, his life changed. And I'm thankful for Athena dahil binago niya yung akala naming walang landas na buhay ni Jack. Thank you Athena kasi you made him change for the better. Kahit na inunahan niyo kami ni Gino ayos lang. Kasi alam naman naming totoo yung feelings niyo sa isa't isa. The way you look at each other? That just proves that love is timeless. Hindi masusukat ang tunay na pagmamahal sa tagal ng pinagsamahan. Basta alam niyong mahal niyo ang isa't isa at alam niyong kayo ang para sa isa't isa, then go lang diba? It's for your happiness and no one has the right to take it away from you. Kaya Jack, Athena, congrats and may you both have a wonderful life as husband and wife." sabi ko. Nagpalakpakan ang lahat at nakita ko pang naiiyak si Tita Janice sa message ko. She even uttered a 'thank you' nang magkasalubong kami ng tingin.

"That's the nicest message coming from a friend. So before we end the main program may we ask the newlyweds for a short message?"

Kinuha ni Jack ang mic sa kanya at nagsalita na.

"Thank you for joining us tonight. You guys made us feel more loved with your presence. To my parents and to Athena's parents, salamat po for supporting us every step of the way. And to everyone for giving your time to us." sabi niya. Bigla naman siyang tumingin sa table namin. "Elmo, dude. Thank you. Di mo ko nilaglag sa asawa ko. Hahahaha! Pero seryoso pare. Gusto ko, sunod na event natin yung iyo naman. My lovestory is nothing compared to yours. And I know that all of our friends will agree. Kumbaga. Yung amin ng asawa ko? Prologue pa lang kami ng kwento niyo ni Julie."

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 111 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
205K 8.6K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
5.7K 229 23
Mula sa magulong pamilya nabuo ang pangarap ni Jewel. Gusto niyang magkaroon ng buo, malaya at masayang pamilya pero nang dumating ang sunod sunod na...
12.1K 457 26
This is the first book in THE CLAUS BROTHERS SERIES. Dasher is the Eldest among the 9 brothers composed of different nationalities. The brothers are...