15

4.5K 68 3
                                    

Chapter 15

"Anyare dun?" pagtataka ni Peachy. Kibit-balikat lang naman ako saka na lang umupo sa tabi nila ni Maqui.

"Oh. San Juanico bridge nanaman yang nguso mo. Problema mo?" tanong naman ni Maqui sa akin.

"Warla ata sila ni Elmo eh." sagot ni Peachy.

"Ay ang taray! Lakas niyo makajowa ah. Hahaha."

"Tss. Ano ba." iritang sabi ko. Kitang badtrip na nga mga nang-aasar pa.

"Haha. Eh kasi naman Julie, bakit kasi pinapunta mo pa yang Miguel na yan dito. Alam mo namang mainit dugo ni Elmo diyan eh."

"Ts. Eh nagvolunteer sila eh. Anong magagawa ko diba? Alangan sabihin ko na wag na kasi di siya okay kay Elmo. Ayoko naman ng ganun."

"Pero pwede mo namang sabihin na ibang araw na lang sila magvolunteer eh."

"Bahala si Elmo dyan. Wala akong ginagawang masama no. Isa pa, bestfriend ko lang siya. Kaibigan ko rin si Miggy. Bakit kailangan niya magalit ng ganyan?"

"Oo nga andun na tayo. Bestfriend mo siya. Eh ikaw ba? Bestfriend lang ba talaga tingin niya sayo?" sabi ni Maqui.

"Oo naman! Kaya lang naman galit kay Miguel yan dahil nalaman niyang may gusto si Cielo kay Miggy eh. Pati ako dinadamay niya." sabi ko.

"Ewan ko sa inyo. Lakas niyong maka secret lovers!" kamot-ulong sambit ni Peachy.

Dahil nga umalis na si Elmo sa orphanage ay kay Maqui na lang ako sumabay pauwi. Buti na lang mabait siya at hinatid niya ko hanggang sa bahay. Bwiset na Elmo yan. Di man lang inisip na di ko dala yung kotse ko. Wala talagang paki minsan saken yan eh. Leche.

"Manang, kapag nagpunta si Elmo dito sabihin mo wala ako ha? Ayokong makausap yun ngayon." bilin ko kay manang bago ako umakyat sa kwarto.

"Sige. Ako na bahala." sabi niya.

Umakyat na ako at saka na pumasok ng kwarto. Nagulat ako nang may makitang nakahiga sa kama at masarap ang tulog.

"The hell?"

Nilapitan ko ito saka unti-unting inalis ang comforter na nakatalukbong sa kanya. Kumulo ang dugo ko nang makita kung sino ito. Pesteng to. Nagawa pang matulog dito sa kwarto ko.

"Hoy Elmo, gumising ka nga!" sabi ko.

"Mmm..." nagpalit siya ng pwesto pero di siya gumising. Bwiset na to. Lakas mang-away tapos ngayon makikitulog sa kwarto ko?!

"Elmo ano ba! Gising!"

Hindi pa rin siya natinag at mas lalo pang nagtalukbong ng kumot at bumaluktot pa. Kapal ng mukha!

Dahil nga hindi siya magising sa pagsigaw ko, sinubukan ko siyang hilain sa paa.

"Elmooooooo!" sambit ko habang hinihila ko siya.

"Ano ba?" angal niya saka nagmulat ng mata. "Tutulog yung tao eh. Epal oh."

"Epal ka rin! Kama ko to eh!" sigaw ko. "Bakit ka ba andito ha? Lakas mo mang-away tapos makikitulog ka dito. At talagang nag-aircon ka pa ha?! Tindi mo din eno?"

"Ts. Di kita inaway bru. Assuming ka. Sabi ko lang kanina bahala ka. Di ako nang-away okay?"

"Wow ha. Hindi daw pero nang-iwan. The hell with you!"

"Tss. I don't want to fight, Julie Anne. Especially now na bagong gising ako." aniya habang nagkukuskos ng mata. "If you want to hang out with that guy, edi go. As if naman may magagawa ako."

"Bakit ba galit na galit ka dun? Okay fine, Cielo likes him. And so? Bakit sa akin mo binubuhos yang pagkairita mo ha?"

"I've told you last night. Ayoko na ulitin." sabi niya at saka na tumayo.

Dear BestfriendWhere stories live. Discover now