Dear Bestfriend

By TipsyArchitect

272K 4K 127

A DerpHerp Fanfiction © 2014 More

Dear Bestfriend
Note
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
53
54
55
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

52

3K 70 0
By TipsyArchitect

Chapter 52

Ilang araw na ang makalipas nang mapag-usapan namin ni Julie ang tungkol sa baby. Sa totoo lang nasermunan nanaman ako nun. Napakaexcited ko nanaman daw eh hindi pa naman daw kami kasal at hindi pa siya nakakagraduate. Tinatawanan ko lang naman siya. Syempre kahit naman excited akong magkaron kami ng baby eh gusto ko din naman na masolo ko muna siya ng kahit ilang years muna pagkatapos namin ikasal. Aba! 3 taon ko na siyang di nakakasama ng matagal ha? The last time we were together ay isang linggo lang ako sa London. Bitin na bitin kaya yung bakasyon ko nun.

"Bro, tumawag si Axel." ani Will.

Andito kami sa office ngayon at may tinatapos akong design proposal para kay Tito Wilfred. May bago kasing project ang company and he wants to see my design kaya minamadali ko na.

"Bakit daw?" tanong ko.

"Nagyayaya daw si Jack na magkita-kita ngayon. Ano? G?"

"What time? Baka mag-OT ako eh."

"Wag ka na mag-OT. Hindi pa naman kailangan ni dad yan eh." sabi niya saka pa tinuro ang computer ko.

"Ts. Dude, nagsabi si tito saken kahapon. He wants to see this design by 4pm." sabi ko naman at nagbalik na ng tingin sa computer.

"Basta tapusin mo na yan. Nagsabi na ko kay Axel na sasama tayo. May sasabihin daw si Jack eh." sabi niya. "Sige dude. Punta muna ako sa site. Balik ako maya." paalam niya saka na sila umalis ni Charlie.

Dahil naiwan akong mag-isa sa office at ang tanging kasama na lang ay ang secretary ni tito at ang ibang cadd operators at interns ay nakagawa ako ng maayos. Tahimik naman kasi dahil lahat ay busy so hindi ako nadistract ng kahit ng ano.

"Sir, lunch na po. May ipapabili po ba kayo?" napapitlag ako nang may nagbukas sa pinto ng office ko. Si Benj lang pala, one of our interns. Tumingin ako sa wristwatch ko at nakitang 12:30 na ng tanghali. Lunch na nga.

"Ha? Lalabas ba kayo?" tumango naman siya saka lumingon sa mga kasamahan. "Ah osige. Pakibili na lang ako ng gatorade sa baba. Yung 1 liter ha? Tapos kayo na bahala sa pagkain. Tas yung sukli inyo na." sabi ko saka nag-abot ng pera sa kanya.

"Sige po." sabi niya. "Alis po muna kami."

Tumango na ako saka nagbalik sa trabaho. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa ko. Agad kong sinilip yun at nakitang galing ito kay Julie. Napangiti naman ako nang mabasa ang message niya.

Dear ❤️:

Good morning, dear! Summer slept in my room last night and nagising ako dahil binagsak niya yung iPad ko. Hahahaha. Buti na lang the floor is carpeted. She got bored ata sa Baby Hazel na app. 😂 Anyway, it's lunch time baby. Eat ka na ha? I'm going to back to sleep muna. Wish me luck mamaya, dear! Thesis day eh! 🙏 I love you, dear. I wanna see you na. 😘😘😘

Agad naman akong nagtype ng message para sa kanya.

Me:

Hey there, beautiful! Hahahaha. I guess Apple needs to upgrade their gadgets. I mean, dapat may detector sila na pag ayaw mo na ng game kusa na magpapalit. Hahaha. Joke lang. 😂 Anyway, good luck on your thesis dear. I know naman na kaya mo yan. Ikaw pa ba? Julie ko ata yan! 🎉 Sige na dear. Go back to sleep. I love you, dear. I'm just waiting for Benj to bring my lunch. May tinatapos pa kong design eh. I love you! Paulit-ulit? Pero I love you talaga! Hahaha. 😘

Muli na akong nagbalik ng tingin sa computer at tinuloy ang pagrender. Maya-maya ay nagvibrate nanaman ang phone ko at lumitaw ang pangalan ni Julie at may tatlong messages pa siya. Yung isa voice message.

Dear ❤️:

Sirang plaka lang, Arch. Magalona? Hahaha. Finish your design na and when your food arrives kain ka agad ha? Baka pumayat ka sayang abs. Ay meron ba? Hahaha. Joke lang, dear! Di na ko makatulog. Summer wants to play with me. I love you. I love you. I love you. 😍😘

Summer has something to tell you pala. Rinig pa sa background ang boses ni Julie.

"Okay Summer. Say hi to Uncle Elmo."

"Ewmo! I wuv you! Mmmmmwwwaaaah!" pagkatapos ay narinig ko ang tawanan nila Julie at ni Ate Steffie.

"Sweetie, let's go to mommy and daddy's room muna. Let Ninang Julie sleep again." rinig ko pang sabi ni Ate Steffie.

"Ewmooooo! Mwah mwah mwah!"

Natawa ako sa kakulitan ni Summer kaya naisipan kong magvoice message din sa kanya.

"Hi, Summer! Ninong misses you na. I love you, potato! Let ninang sleep first okay?"

"Ah sir?" nagulat ako dahil biglang nagsalita si Benj. Kanina pa ba siya dito?

"Uy. Kanina ka pa?" tanong ko.

"Hindi po." sagot naman niya. "Sir ito na po pala yung pinabili niyo. Blue Bolt po yung Gatorade. Tapos bumili po kami ng bagel sandwich. Okay na po ba yan or gusto niyo po ng rice?"

"Okay na to. Di naman ako masyadong gutom eh. Thank you, Benj. Keep the change." sabi ko.

"Thank you din sir. Ah sir, anak niyo yung kanina? Hehe. Nacurious lang po." kamot-ulong sambit niya.

"Hindi. Inaanak ko. Actually inaanak ng girlfriend ko." sagot ko.

"Ah. Akala ko sir ikakasal ka na eh."

"Nako. Hindi pa. Nasa London pa yung girlfriend ko eh. Nag-aaral pa dun." tumango naman siya saka na nagpaalam.

"Sige po sir. Thank you po uli sa service charge! Hahahaha!" natatawang sambit niya bago lumabas ng office ko.

Tumawa na lang ako saka pa napailing. Baliw din tong mga bata namin ni Will eh.

Habang nagrerender ako ay nagsimula na rin akong kumain. Buti naisip nilang sandwich na lang ang ibili sa akin. Kapag kasi ganitong may hinahapit ako ay nawawalan ako ng ganang kumain. Parang naghahapit din yung sikmura ko.

"Ano? Di ka pa tapos?" pag-angat ko ng tingin ay nakatayo na si Will sa may pinto. Nasa kaliwang kamay niya ang hard hat niya at sa kanan naman ay pinaiikot-ikot ang keyring ng susi ng kotse niya.

"Huh?"

"Alas kwatro na dude. Ano na?" tanong niya.

"Alas kwatro na?!" gulat na tanong ko. Sumilip ako sa computer at nakitang dimensions na lang pala ang wala. "Teka. Dimensions na lang then issend ko na kay tito to." sabi ko at agad na tinapos iyon.

"Bagal." angal niya. Tumayo na ako saka na ini-off ang computer ko.

"Tara na." sabi ko saka na naunang lumabas sa kanya.

"Tamo to. Loko ka ah!" sigaw niya saka ako hinabol.

Sumakay na kami sa elevator at pagkadating sa parking lot ay sumakay na sa kotse namin.

"Uwi muna ako. Magpapalit ako." sabi ko sa kanya. "San ba magmmeet?"

"Hops daw dude." sagot niya. Tumango na ako at saka na umalis ng building.

Pagdating sa condo ay agad kong chineck ang messages ko. Anong oras na ba sa London? Wala naman siyang bagong message. Teka. Anong oras na ba dun? Tumingin ako sa clock ng phone ko at chineck ang world clock. 10am pa lang dun. Nakatulog kaya uli si Julie kanina? Naisipan kong imessage siya para malaman kung nakapasok na ba siya.

Me:

Hey, it's 10am there. How are you? Nasa school ka na ba? I'm going out with the boys. Jack has something to say daw. Hahaha. Baka aamin na siyang bakla siya. 😂😂😂 Anyway, message me back if you're not busy. I love you, dear! 😘

Hindi nagreply si Julie kaya naisip ko na baka busy siya sa school. Siguro ay start na ng thesis niya. Nagshower ako saglit saka na nagbihis at umalis na sa condo.

"Elmo my man!" bati ni Gino sa akin. Agad akong lumapit sa kanya saka pa nagkunwaring batang umiiyak.

"Ginoboooooy!!!! Damn you shit! Bakit ngayon ka lang nagpakita?! I miss you, man!" at humalik-halik pa ko kunyari sa pisngi niya.

"Tangina dude. Wag naman ganyan!" sabi naman niya habang tinutulak ang mukha ko palayo.

"Hahaha. Sabi sayo bro eh. Ikaw naman kasi, parang kabute. Susulpot lang kung kailan maisipan." sabi sa kanya ni Kevin.

"Eh busy nga kasi eh. Nag-iipon." sabi naman niya.

"Sus. Nag-iipon ng ano? Lakas ng loob? Hahahahaha." asar ko.

Paano kasi, since college ay sila na ni Maqui pero hanggang ngayon hindi pa siya nagppropose kay Maqui. They're already celebrating their 8th year as a couple already pero mga wala pang plano magpakasal!

"Dude, gusto ko kasi ibibigay ko yung dream wedding ni Maqui. Alam mo namang reyna ng mundo ko yun and I only want what's fit for my queen." agad naman namin siyang inasar lahat. Sinusuntok-suntok pa siya ni Will habang nagtatawanan kami.

"Teka. Asan na ba si Jack? Siya tong nagsabi na magkikita tas siya tong wala?" pagtataka ni Axel maya-maya.

Lumingon kami sa paligid ng Hops at saktong nakita ko si Jack na kapapasok pa lang ng bar. Malapad ang ngiti niya nang makita kami at nagmadali siyang maglakad palapit.

"Ayun! Late nanaman pala! Ano dude?" sabi ni Kevin sabay akbay sa kanya.

"Tss. Sakto ako timang. Excited lang kayo." sabi naman niya habang nakikipag-apir sa aming lahat.

"Teka. Bakit biglaan ata? At himala ha? Ikaw ang nagyaya. Usually it's either sina Axel at Kevs lang nagyayaya eh. Hahaha." sabi naman ni Will.

"Basta. Pwede mamaya na? Inom muna tayo. Teka. Kumain na ba kayo?"

"Ay teka. Mukhang nakajackpot tayo dude ah. Ano? Nakuha mo ba yung sa bidding? Yung 40-storey condo na sinasabi mo?" tanong ko naman.

"Hindi lang yun dude. Basta. Ano nga? Kumain na ba kayo?"

"Bakit? Manlilibre ka?" tanong naman ni Kevin. "Shet, Xel! Papamisa na talaga ako. Manlilibre si Jack!!" madramang sambit pa niya sabay yakap kay Axel.

"Taena. Ayaw niyo ata eh. Ge wag na lang." asar naman ni Jack.

"Hoy ako tahimik lang ha? Ako na lang libre mo dude. Namiss kita eh." sabi naman ni Gino sabay akbay kay Jack at biniro pa ito dahil hinalikan niya ito sa pisngi.

"Tangna! Gino!" sabi ni Jack sabay batok sa kay Gino. Nagtawanan naman kaming lahat habang patuloy si Jack sa pagpapahid ng pisngi niya. "Sumbong kita kay Maqui eh. Sabihin ko bakla ka."

"Gago wag! Baka hiwalayan ako. Hahahaha."

Nag-asaran pa kami at umorder naman ng pagkain si Jack. Nagulat pa kami dahil ang dami talaga ng inorder niya at sinabi pa niyang siya ang bahala sa lahat. Usually kasi kapag lumalabas kaming magkakaibigan ay nagrereklamo siya kapag ambagan na. Kahit pa siya ang may pinakamaraming order.

"Ako talaga nagdududa na ko dito sa ugok na to eh. Ano ba talagang meron?" tanong ni Will. Tapos na kaming kumain nun at nag-iinuman na lang.

Natawa naman si Jack saka pa nagkamot ng ulo.

"Bawal na ba kong manlibre?" tanong niya sa amin.

"Bawal." sabay-sabay na sabi naming magbabarkada.

"Anak ng. Bakit?!"

"Dude, una sa lahat hindi ka nanlilibre. Pangalawa, hindi ka nanlilibre. Pangatlo, hindi ka nanlilibre!" sagot naman ni Kevin sabay dagok kay Jack.

"Bwahahahahaha. Grabe hindi ah." sabi niya. "Aray!!!"

Hinampas niya ang kamay ni Gino saka pa ito pabirong sinuntok sa tyan.

"Problema mo? Nanghihila ka ng mukha diyan?"

"Eh kasi baka alien ka. Seryoso. Ano ba talagang meron? Problemado ka ba dude? Sabi naman namin sayo use protection eh. Binigyan kita ng isang box diba?" asar ni Gino sa kanya. Humagalpak naman kaming lahat sa tawa samantalang kumunot naman ang noo ni Jack.

"Seriously. Anong meron?" tanong ko.

Uminom siya ng beer at nagkibit-balikat. Pagkatapos ay may kinuha siya sa inner pocket ng jacket niya saka ito isa-isang inabot sa amin.

"Ano to?" pagtataka naming lahat.

"Uso buksan." sarcastic na sagot naman niya.

Binuksan namin ang papel at sabay-sabay na nanlaki ang mga mata namin.

"Pu-- Joke to no?!" di makapaniwalang sambit ni Axel.

"Gago. Mukha ba kong nagjojoke?" tanong naman ni Jack.

"De. Mukha ka lang talagang joke." sabi naman ni Will.

"Hahaha. Gago ka William!" biro niya dito sabay bato ng chips.

"Seryoso nga?" tanong ko naman.

"Sensya na dude. Uunahan na kita ha? Di ko na kaya maghintay eh." natatawang sambit niya.

"Shet. Binata ka na bro!!" sabi naman ni Kevin saka siya inakbayan. "Teka! Tuli ka na ba? Hahahahaha."

"Gago!" sabi naman ni Jack. "Silipin mo pa?"

"Hahahaha. Di na dude. Makakabuo ka pa din naman kahit hindi. Hahahaha. Pero shet. Binata ka na nga talaga!"

Tumingin naman kaming lahat kay Gino na nanahimik bigla.

"Hoy. Natahimik ka?" tanong ni Axel sa kanya.

"Di ako makapaniwala eh." sabi ni Gino.

"Bakit?" pagtataka naman naming lahat.

Tinitigan niya saglit si Jack sabay tingin sa hawak niyang papel.

"Tangina. May girlfriend ka pala?!"

Naghagalpakan kaming lahat habang tinatapik-tapik naman ni Will ang likod ni Gino. Si Jack naman ay paulit-ulit siyang sinusuntok ng pabiro sa braso.

"Anong akala mo saken ha? Madami akong babae dati no! Ulol mo!"

"Hahaha. Yun nga eh! Madami kang babae pero wala ni isa ang sineryoso mo. Sa dami ng naka-one night stand mo, ni isa dun di na umabot ng two night stand. Kaya paano ako maniniwala dito? Hahahaha." asar ni Gino sa kanya.

Tumigil naman si Jack sa pambubugbog kay Gino saka siya uminom uli ng beer at ngumiti.

"Wala eh. Dadating at dadating ka talaga sa point na gusto mo na din magsettle down. It just so happened that Athena is the one." seryosong sabi niya. "And believe it or not, sa dami ng babaeng napikot ko noon, si Athena lang ang hindi nahulog sa charms ko. She actually hates me dahil ang tingin niya sa akin ay playboy, babaero, sex lang ang habol at kung anu-ano pang negative na bagay. And that's how I fell for her. Sa totoo lang ang sarap pala sa feeling na in love no? Hahaha."

"Ang corny mo pare. Di bagay." asar sa kanya ni Will.

"Malalaman mo din yung feeling na yun pag nainlove ka dude." sabi niya. Tumango naman kaming dalawa ni Gino sa kanya. "Oh ano? Wag na wag kayong mawawala ha? Taena niyo. Kayo groomsmen ko."

"Hahaha. Oo dude. Kahit inunahan mo kami ni Elmo, masaya kami para sayo. Congrats bro. Finally!" sabi ni Gino and he gave him a man-hug.

"Oo nga. Kahit nauna ka, okay lang. Congrats ha?" sabi ko naman.

"Akala ko talaga hindi ka magseseryoso sa buhay eh. Congrats, bro. We're happy for you." sabi naman ni Axel sa kanya.

"Tss. Kayong tatlo kailan niyo balak magseryoso?" tanong naman ni Jack kanila Axel, Kevin at Will.

"Tsaka na kami dude! Hahaha." sagot naman nila.

"Hoy! Basta ha? Sa kasal ko!"

"Oo na! Tututol kaming lima. Hahahahaha."

Continue Reading

You'll Also Like

52.2K 1.7K 15
A RomCom/Fantasy collaboration series with 7 LIB Writers. Pitong anghel na nagmula sa magkaibang mundo ang napadpad sa Caelum Akademia-isang unibersi...
371K 9.6K 35
Si Ailene ay isang sosyalerang walang pera. Lahat halos ng damit at sapatos niya ay branded pero galing lang ang mga iyon sa ukay-ukay. Ang mga signa...
52.4K 1.6K 20
"You can hurt me, you can make a fool of me, and you can unlove me if doing so will lessen your pain. I don't care if I have to break myself just to...
251K 6.7K 21
My name is Thorne Alonso. Bukod sa rivalry ko sa cousin ko, I can say that I have a perfect life. Guwapo ako. Matalino. Mayaman. I always get what I...