Dear Bestfriend

By TipsyArchitect

272K 4K 127

A DerpHerp Fanfiction © 2014 More

Dear Bestfriend
Note
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
51
52
53
54
55
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

50

3.2K 74 0
By TipsyArchitect

Chapter 50

"Cross your heart. Hope to be my wife." sabi ko.

Matagal siyang natahimik kaya naman kinabahan ako. Ano ba kasing pumasok sa kukote ko at sinabi ko yun? Pero kasi, the only future that I imagine is a future with Julie. Growing old together, having kids and grandkids and great grandkids.

"Eh. Niloloko mo naman ako eh." sabi niya. I woke up from trance saka pa kunyaring natawa sa kanya.

"Hindi kaya! Seryoso kasi tayo dito babe eh." sabi ko naman.

"Dear..." aniya. "Don't you think we're too young to get married?"

No. Age is just a number, Julie. If I fell in love with you when we were 5, I would marry you that instant.

"Moe? Are you still there?" sabi niya sa kabilang linya. Kinurot ko ang sarili ko bago nagsalita.

"Hahaha. Kaya nga hope pa lang baby. Umaasa pa lang ako. Atsaka diba nga plano natin magpapakasal tayo if we both have stable jobs already? Hindi kita mamadaliin no. I want you to be a famous architect and receive the Pritzker Prize and have your designed buildings in New York, Paris and London syempre. Kaya matatagalan pa talaga tayo bago ikasal." biro ko sa kanya.

Actually, I don't care if it'll take us forever before we get married Julie. As long as I know that in the end, you'll be the one walking down the aisle then I'm willing to wait.

"Haha. Babe, ang tagal naman ata masyado nun? I mean, Pritzker Prize? Frank Lloyd Wright was recognized when he was almost 90 years old. Zaha Hadid was I think 42 when she won the Pritzker Prize. Baka naman menopause na ko nun kapag hihintayin pa natin na marecognize tayo sa world of Architecture bago magpakasal diba?" sabi niya.

"Edi ngayon na nga lang tayo magpakasal. Para makarami!" biro ko.

"Eeeeh! Elmo naman eh!" aniya.

"Hahahaha. Joke lang. Ikaw talaga di na mabiro. Pero seryoso ako, when I said that I want you to be my wife." sabi ko.

"Alam ko. And I will definitely say yes. Kasi ikaw lang naman talaga yung mahal ko." sabi niya.

"At ikaw lang din naman yung mahal ko. Bakit pa ko maghahanap ng iba kung may Julie na ako diba? May Julie na ko na bestfriend ko, may Julie akong girlfriend ko, may Julie akong mapapangasawa ko, magiging mommy ng mga anak ko, magiging lola ng mga apo ko. Lahat nasa iyo na eh." sabi ko.

"Hmp! Mamaya niyan binobola mo lang ako. Ang dami kayang Julie sa mundo! Hahahaha." asar niya sa akin. Sumimangot naman ako. "Wag kang sisimangot. Abot dito sa London yang nguso mo."

"Ikaw kasi eh." sabi ko.

"Sus. Joke lang yun." sabi niya.

"Pero seryoso ako, dear. Kahit pa isang bilyon ang Julie sa mundo, ikaw lang ang Julie sa mundo ko."

Rinig ko ang pagngiti niya sa kabilang linya at napangiti na rin ako.

"Uy. Kinilig siya sa sinabi ko." asar ko sa kanya.

"Che! Ang keso mo kasi nakakainis. Hahaha." sabi niya. "Oo nga pala. Wala pa bang result yung exams?"

"Hm. I checked earlier and wala pa. Expected date would be next week daw." sagot ko.

"Ang tagal naman. I want to see your name already."

"Hahaha. Patience baby. Oo nga pala, magpapaalam ako sayo."

"Bakit? Anong meron?"

"The stooges are inviting me to drink tomorrow. Eh ayoko nga sana kasi baka tumawag ka or something. Pero pinipilit nila ako."

"Stooges?"

"Yeah. Sina Axel, Jack, Kevin, Gino tsaka si Will." sagot ko.

"Sige lang. Sama ka na sa kanila. Ayoko namang isipin nila na wala kang time for them. Tsaka baka busy din kasi ako tomorrow. I'll be having my art session with Jal and Panda tapos tuturuan kong magguitar si Natalie. And ayoko na mapraning ka nanaman. Kaya you should definitely go with them." sabi niya.

"Are you sure? Kasi honestly, tinatamad din naman akong lumabas eh."

"Dear, sumama ka na. Tsaka sabi mo kasama si Gino? Oh. First time na lang uli free si Gino kaya sulitin niyo na." aniya.

"Sure ka? Di ka galit?" tanong ko.

"Hindi po. I'm kind of happy na magkakaron kayo ng boys night out. Masyado ka ng nakukulong sa bahay just because I'm not around."

"I like being at home." pangangatwiran ko.

"Hahaha. Baby, ayokong masakal ka sa akin okay? Kaya go out with your friends. Tapos kwentuhan mo ko ng mga gagawin niyo okay? Pero promise me na hindi ka mambababae ha? Sina Axel yan. Si Gino lang ang matino ng konti. Hahaha."

"Hahaha. Oo na po. Wala din naman akong balak mambabae."

"Mamakla ka na lang, dear. Hahahaha."

"Yuck! Grabe ka naman saken, dear." sabi ko.

"Hahahaha. Joke lang. Pero... Bwahahahaha. Di ko maimagine na may gay lover ka, dear. I mean, ikaw?! Bakla? Omg. Hahahaha." tawa lang siya nang tawa habang ako naman ay nagpipigil ng tawa. Wala lang. Gusto ko siyang asarin. "Okay I'll stop. You still there?"

Hindi ako kumibo at hinayaan lang siya.

"Dear, are you there?" tanong nanaman niya pero hindi pa rin ako kumikibo. "Baby, joke lang yun. Uy."

"Jokes are half-meant, Julie Anne." sabi ko.

"And now you're calling me Julie Anne. Kasi naman babe eh. Wag ka namang ganyan."

Hindi nanaman ako kumibo. Ang saya talaga asarin ni Julie. Kahit mula pa nung mga bata kami, lagi ko na siyang niloloko ng ganito eh.

"Fine. Di mo ko kakausapin? Sige. Matulog ka na. Alas tres na diyan. Good n--"

"Wait!! Hahahaha." humagalpak na ko sa tawa at siya naman ang di kumibo. Okay. Nagkabaliktad na kami ngayon. "Ikaw naman. Joke lang yun. Di ako galit. Niloloko lang kita para naman lambingin mo ko. Hahaha."

"Ewan ko sayo."

"Luh. Siya naman yung nagtatampo. Baby, wag na magtampo please?" sabi ko.

"Bahala ka. Sige na. Matulog ka na." sabi niya naman.

"Ayoko. Bati muna tayo."

"Oo na. Sige na."

"Julie..." narinig ko ang pagsinghap niya at ang pagpapalit niya ng pwesto.

"Let's talk tomorrow, Elmo. I'm tired."

"I love you, Julie. I love you, dear. I love you, baby. I love you, love. I love you, salt."

"Salt?" pagtataka niya.

"Oo. Salt ka, pepper ako. Mga ganun. Hahaha."

"Psh. Whatever. Sige na. Good night."

"I love you."

"I love you too, Elmo."

Alam ko na hindi pa kami sobrang bati ni Julie. Panigurado nagtatampo pa yun eh. Ang lakas din kasi minsan ng trip ko eh. Di ko rin alam kung bakit. Naisipan ko na lang na magsend ng message sa kanya dahil paniguraong di pa tulog yun.

Me:

Julie, I'm sorry if biniro kita. Nagpapalambing lang naman ako sayo. Miss na miss na kasi kita, baby ko. If only I could fly to London and just hug you until you fall asleep, I'd do it right this minute. Kaya lang, I don't believe in fairies and I'm not even Peter Pan. But don't worry, baby. I'll be there when you least expect it. I love you. Wag ka na magtampo please? Bati na tayo ha? Papakasalan pa kita. Good night, dear. I'll see you in my dreams. 😘

Hindi na online si Julie sa viber kaya naisipan ko na lang matulog. Sumisikat nanaman ang araw at kailangan ko na talagang matulog. I just hope she'll reply when she reads my message.

Kinabukasan pagkagising ko ay may 3 messages na ako sa Viber. Agad kong binuksan yun at nakitang 2 ang galing kay Julie at isa naman ang galing kay Axel. Inuna kong basahin ang kay Axel.

Axel:

Dude, mamaya ha? Sa Hops tayo, 8pm. 😁

Hindi ako nagreply sa kanya saka na lang binuksan ang message ni Julie.

Dear ❤️:

I'd be lying if I told you na hindi ako nagtampo sayo kagabi. And you know me so well kaya alam mo kung ano talaga ang nararamdaman ko. It's okay, Moe. Okay na tayo. Wag mo na lang uulitin yung ganun okay? It's hard enough na we're far from each other tapos lolokohin mo pa kong nagagalit ka or nagtatampo. I wanted so much to fly back to the Philippines kasi miss na miss na kita but I also want to finish what I've started here. I'm sorry if I got mad last night. Pareho lang siguro tayong pagod kaya di tayo nagkaintindihan. Anyway, I'll be going to the hospital already. I miss you, baby. I love you kahit pasaway ka. Good morning! 😘😘

Babe, Axel messaged me about your night out mamaya. I told him that I allowed you to go kaya please sumama ka okay? Enjoy yourselves. I love you! I'll call you after my session with Natalie. 😘

Napangiti ako sa message na. Mabuti na lang hindi siya nagtatanim ng sama ng loob. Nagreply agad ako sa kanya.

Me:

I know that you were mad. And it's fine with me. Lesson learned nanaman saken yun. Anyway, sige sasama na ko sa mga ungas na yun at pati ikaw inaabala nila. You enjoy too, okay? Say hi to your students for me! I love you, dear. 😘

Bumaba na ako pagkatapos kong maghilamos at naabutan si PeeWee na nakaupo sa couch.

"Wala kang pasok?" pagtataka ko. It's Wednesday at ang alam ko eh regular siya sa school and whole day pa.

"Free cut from 11 to 5. May seminar professors eh." simpleng sagot niya.

"Ah okay." sabi ko.

"Where are you going?" tanong niya.

"Hm. Wala. Though aalis ako mamayang gabi."

"Where? Sama ako." aniya.

"No girls allowed, PeeWee. Besides, minor ka pa."

"Ts. If I know mambababae ka lang eh. Siguro pagpapalit mo na si Ate Julie no?!" bintang niya.

"No way! I'm just gonna hangout with my friends. Alam ni Julie to no." sabi ko naman.

"Psh. Kayo pa? Eh gawain ng boys yan."

"Uy may hugot." biro ko. "You're too young for that Patricia Wileen. Mag-aral ka muna."

"Psh. You don't have to remind me about that kuya. I have priorities no." sabi niya naman.

"Sinasabi ko lang naman. Anyway, I'm bored. You wanna go eat some ice cream?" anyaya ko. Agad na nagliwanag ang mukha niya saka mabilis na tumayo at lumabas ng bahay. "Tamo yun."

Pagdating sa Sebastian's ay agad siyang umorder ng iba't ibang flavor ng ice cream. Hindi ko alam yung iba pero yung iba naman ay natikman na namin ni Julie. Especially her favorite Sapin-sapin flavor.

"Ano yan?" tanong ko sa kanya sabay turo sa ice cream na kinakain niya. It's green with brownish topping.

"Green mango with bagoong."

"Yuck!" sabi ko. Umirap naman siya at saka nagpatuloy sa pagkain.

"Masarap kaya. Favorite din ni Ate Julie to no. Especially during those days." sabi niya.

"What do you mean by those days?" pagtataka ko.

Ang alam ko ayaw na ayaw ni Julie ng kumakain ng maasim kapag time of the month niya dahil nagkakaron siya ng dysmenorrhea kapag ganun. Pero ano yung sinasabi ni PeeWee?

"Ugh. Why did I even say it? This is awkward." sabi niya sa sarili.

"Ano ba kasi yun?"

"It's when she's PMS-ing."

"Pre-marital sex?!" gulat na sabi ko. Nagtinginan ang ibang customers sa amin at napafacepalm na lang si PeeWee. Lumapit ako sa kanya at saka muling nagsalita. "Pre-marital sex?!" bulong ko.

"Are you really an Architecture graduate? Kasi diba para sa matatalino lang yun?"

"Hey. That's insulting. Anong akala mo saken, bobo?!"

"Ikaw nagsabi niyan." kibit-balikat niya saka kumuha sa isa pang ice cream. "PMS means premenstrual syndrome. It's those days na nagccrave kami ng kahit anong pagkain. Basta! Di mo naman maiintindihan since you don't experience it." sabi niya.

"Ah so parang buntis?" tanong ko.

"Parang ganun." walang anu-anong sagot niya. "Anyway, can we change the topic? Kadiri kasi eh. I mean, lalaki ka and kuya ko pa tas yan yung pinag-uusapan natin." sabi niya.

"You're right. And we're in a public place." dagdag ko naman. "So anyway, how was your first month as a college student?"

"Same-same." sagot niya. "I mean, general education pa lang naman sa school eh. So di ko pa ramdam yung stress. And also, di naman kagaya ng course ko yung course niyo. Journalism is way too far from Architecture." sabi niya.

Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain.

"How's Ate Julie?" tanong niya maya-maya.

"She's doing good. She's gonna study again."

"Masteral?"

"No. London doesn't allow foreign examiners in their ARE. You have to be a graduate in any Architecture school in London before you can take the exam so let's just say na balik siya sa college years. Parehas kayong freshies."

"Aww. Sux. Dapat kasi she just took the exam here eh."

"Wala eh. Things happen." sabi ko. Natigil ang kwentuhan namin ni PeeWee nang may pumasok sa Sebastian's na tatlong lalaki. Isa sa kanila ay pamilyar sa akin.

"Bwahahahaha. Oo tapos diba sabi pa nga ni Garr-- Elmo." sabi nung lalaki.

"Miguel."

"Uhm. PeeWee, wait lang ha." sabi ko sa kapatid ko. Tumango lang naman siya kaya lumapit ako kay Miguel. "Can we talk?"

Nandito na kami sa may labas ng shop at parehas lang na nakapamulsa habang nakatingin sa magkabilang direction.

"So I guess... Uhm... Kayo na ni Julie diba?" aniya.

"Yes."

"I'm happy for you guys. Pasensya na pala kung naging panggulo pa ko sa inyo ha?" sabi niya. Lumingon ako sa kanya at nakitang nakatulala siya. "Sa totoo lang masakit para sa akin na magpaubaya. Since highschool, may crush na ko kay Julie. Palagi akong dumadaan sa school nila to fetch my cousin pero ang totoo niyan, dumadaan ako dun because I want to see her. Ilang taon kong tinago yun and the only time I got the courage to talk to her was when she organized the party of my cousin. She was just my dream and she will stay in my dreams kasi nung akala kong pwede na maging kami tsaka naman siya naconfuse sa feelings niya para sayo. Sa totoo lang, Elmo gusto kong magalit sayo nun. But I can't because Julie loves you so much and though she doesn't want to admit it, nahalata ko naman yun sa mga mata niya. She doesn't look at me the way she looks at you. Yung sa akin kasi tingin pang magkaibigan lang eh. Pero yung sayo? It's different. Kaya that day sa orphanage when the incident happened, I decided to just let her go. Kasi naisip ko, bakit isisiksik ko ang sarili ko kung paulit-ulit naman nang sinasampal sa akin yung katotohanan that Julie is in love with you and not me diba? Kaya dude, sorry talaga ha?"

"Alam mo, kalimutan na natin yun. Past is past. Pero salamat ha? Kasi kung di ka dumating sa buhay namin ni Julie, I won't be able to realize how much I love her. Kung hindi ka umeksena sa amin, baka hanggang ngayon hindi pa rin namin inaamin sa mga sarili namin that we are in love with each other. Kaya thank you, bro." sabi ko saka nilahad ang kamay ko.

"Ts. Wala yun. I'm glad I was somehow your cupid. Kahit pa naging panggulo rin ako." aniya. Natawa ako at tumawa na rin siya. "So ano? Friends?"

"Friends."

Continue Reading

You'll Also Like

287K 7K 39
"Susuko ka din pala, bakit pinatagal mo pa?" He lost himself until he met a girl who is also lost and very consistent to break the ice in him. Nagkak...
155K 4.1K 26
'Young Dumb and Broke' sabi nga sa kanta. Sabi nila ang Relasyon, It takes risk. Angel entered into a relationship at a very young age. She was just...
1.6M 36.4K 34
[PG-18] She met him when she was vulnerable and curious about things that only him can give. She wanted him like a hot chocolate on rainy days. And s...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...