Fretzie's POV
12:50 na!^__^ Nandito na ako sa mall kasama sila Lexi and Ash. Si Monique na lang hinihintay.Okay lang 1 pm naman ang usapan eh. After mga 10 minutes nandyan na siya. Saktong sakto ah! XD
"My dear Queens!" Sabi ni Monique at nagbeso beso kami
"Saktong sakto ah!" Ashley
"Sabi sayo ehhh! ^___^" Monique
"Nga pala! Paano ka nakapunta dito ng walang B.G.?" Tanong ni Lexi
"Secreet! ^__^"
"Ang importante nakahanap ng paraan si Monique para makasama tayo" Sabi ko
"Ofcourse naman! So saan na tayo ngayon?"
"Sa Moa -___-a" Ashley
"Alam ko! XD I mean saan na tayo pupunta?"
"Shopping muna tayo ^___^v" Sabi ko
"Sige sige! Wew! First time kong pumunta ng moa ng walang B.G.!" Excited niyang sabi
"Kaya sulitin na natin! Muahahaha! ^0^" Ashley
Naglakad lakad muna kami. Infairness di naman kami masyadong tinutunaw ng tingin ng mga tao. Sus! Sanayan lang yan... MAGAGANDA EH! Tapos kada may makikitang magandang Botique pinapasok namin. Nakaka apat na paper bag ako. ^.^ Suddenly may natanaw akong apat na lalaki na makakasalubong namin ng daan. Psh! Kala mo kung maglakad ang yayabang! Kaasar!
"Nakakairita! Ang yayabang!" Sabi ni Lexi
"Oo nga! Nakakainis!" Ashley
"Nakikita ko nanaman yung pagmumukha niya! Bwiset!" Sabi ko
"Sino kaaway? Oh! Sila kuya pala!" Nasa tapat na pala namin sila
Lexi's POV
"Hi Lexi!" Sabi nung isang mokong saken. FC ah!
"Tabi!" Nakaharang kasi sya sa daanan ko eh
"Sungit ah! Penge na nga lang number mo"
"Sapak gusto mo?"
"Ow Chill! Pumapanget ka!"
"Paki mo?"
"Tss! Sayang type pa naman kita..." O___O A-Ano daw?
"Leche! Wala kong pake! Alis jan!" Para tuloy kaming nagpapatintero. Pag kasi pupunta ako sa kanan haharangan niya ako pag sa kaliwa ganun din! EPAL!
"Bat ba ang sungit mo sakin?"
"Eh sino ka bang G*go ka? FC ah!"
"Scott is my name and flirting is my game. *wink*" Kaya pala... MALANDI!
"Ano ba kasing kailangan mo? Pucha! Maiiwanan na ko ng mga kasama ko oh!"
"Number mo nga!"
"Ayaw!"
"Pwes! Hindi kita papadaanin"
"Sasapakin kita!"
"Tomboy ka ba?!" O____O
"Leche! Hindi ah!"
"Tomboy ka ehh! I see..." Sabi nya at tumango tango. ASAR!
"NYETA! Hindi nga sabi ehh! Akin na phone mo!"
"Mahal to! Wag mong ibato! Hindi na! Ayaw ko din naman sa TOMBOY eh" Pagkadiin nya sa tomboy!
"AKIN NA PHONE MO!" Sigaw ko
"H-HA? oh eto na! Ingatan mo ah!" Natataranta niyang sabi
"Oh!" Sinauli ko agad pagkatapos kong itype yung number ko.
"Ano to?!" Tanong niya
"NUMBER KO! Alis na! Chupi!" Ngumiti siya at tumabi sa daanan ko. Baliw...
Ashley's POV
Bigla na lang may bumangga na lalaki sakin. Ouch ha!
"GRABE HA! DI USO MAG EXCUSE?!" Sigaw ko
"Tss" yun lang ang sagot niya tapos naglakad na palayo.
"HOY! KINAKAUSAP PA KITA! WAG KANG BASTOS!"
"What? Di naman ako naghuhubad ah" Sabi niya emotionless
"HEH! DI PORKET HINDI KA NAKAHUBAD HINDI KA NA BASTOS AT HINDI LAHAT NG NAKAHUBAD AY BASTOS!" Eh? Ano daw sabi ko? AISH!
"Sabi mo eh..." Sabi niya at aakmang tatalikod na.
"DI KA MAN LANG MAGSOSORRY?!" Nilapitan ko siya
"Bakit?" takang taka niyang sabi.
"EH KASI PO BINANGGA MO PO AKO!"
"Wag kang sumigaw, Masakit sa tenga" Sabi niya.
"PAKI MO?! EH SA GUSTO KONG SUMIGAW EHH!" Mas nilakasan ko yung boses ko.
"Sh*t! Nakakahiya" bulong niya pero narinig ko naman
"OH! MARUNONG KA PALANG MAHIYA EH! EH BAT SAKIN HINDE?!"
"Ang daldal mo naman masyado" Ako?! Madaldal? Hindi naman diba? >__<
"BWISET! MAGSORRY KA NA LANG PWEDE?!"
"Ayaw ko nga"
"MAGSORRY KA SABE EH!!"
"Ano ka ba nakakahiya na!" Now naiinis na din siya. Quits na kami! >:D
"SORRY LANG DI MO PA MASABI!"
"Tss"
"Aba'y! Hoy! San ka pupunta?" Naglakad na siya palayo at inilagay ang kamay sa bulsa ng pantalon.
"Ayaw ko sa maingay" Sabi niya at tuluyang sumama sa mga kaibigan niya. Nakakainis!
Monique's POV
"Bryan!" Habol ko sa kanya
"Ow?" Humarap siya sakin na parang nagaalangan
"Galit ka ba sakin?"
"Hindi ah. Bat naman ako magagalit sayo?"
"Eh bat parang umiiwas ka sakin?"
"H-Ha? Iniiwasan ba kita? Hindi naman ah."
"Iniiwasan mo ako eh, May problema ba?"
"Monique, kase..."
"Kase?" napatingin siya sa sahig. Bakit kaya?
"May girlfriend na ko monique..." </3 TT____TT
"Wow ha!" Pilit akong tumawa " At kanino naman?" Tanong ko
"kay Lucy..." WHAT?! Bakit si Lucy pa?! Bakit yung karibal ko pa?! At member pa ng Queens of Hartford. >:(((
"Well, Good luck nalang sa inyong dalawa ^___^" Pinilit kong ngumiti pero deep inside nasasaktan ako.
"T-Thanks" Sabi niya
Last year niligawan ako ni Bryan. That time di pa ko ready para pumasok sa relationship pero I admit, mahal ko talaga siya. Nagsisi akong kung bakit binusted ko siya. Nagantay ako na ligawan niya ulit ako at sasagutin ko na sana siya. Akala ko kasi ako pa rin ang mahal niya. Pero huli na pala ang lahat. May iba na siyang mahal... </3 Ang sakit pala...
"Sige Bryan inaantay na ako nila Fretzie" paalam ko
"Moniq--"
"Bye" Bigla kong sinabi at naglakad ng palayo sakanya bago pa ako tuluyang umiyak
Fretzie's POV
"Excuse me nga! Paharang harang eh!" Sabi sakin nung kuya ni Monique na nasa tapat ko.
"Huh?! Ang laki laki ng daanan ehh! Pwede namang dun kayo dumaan sa....ano.. Sa k-kabila di-diba?" Nauutal ako! Shet! Pano ba naman bigla siyang tumitig sa mata ko...Trip neto?
"Eh bakit ba? Dito na namin gusto dumaan eh. " Sabi niya sabay nguya sa bubble gum niya
"Paki ko? Akala mo kung sino."
"Di mo ba ako kilala? ha?"
"Kilala kita! Ikaw yung pangit at payatot na unggoy na ngumunguya ng bubble gum. Diba? Diba?"
"Anong sabi mo?!"Kulang na lang umusok yung ilong niya sa pikon
"Ang payat mo!!!!" Pangaasar ko.
"Ang taba mo ah!" Abay! Loko to ah!
"I know right! >:D"
"Kapal mo din noh? Umalis ka nga sa dinadaanan ko!" Napaka ungentleman!
"Ayaw!"
"Isa! Pag di ka umalis diyan...."
"Ano?"
"Hahalikan kita..." O///O (>__<)
*silence
"Pffft! BWAHAHAHAHA! You should've seen your face! HAHAHA!" Halos mamatay na siya kakatawa. BWISET!!!
"LECHE! Kadiri ka!"
"As if namang hahalikan talaga kita! Eww ha" Aba'y naasar na ako ha!
"Asa ka namang gusto din kitang halikan! Kadiri ka!" Tapos nag walk out na ako.
"Walk out Girl! Tss" Narinig kong sabi niya