Chapter 44: The official suitor?

400K 6.1K 475
                                    

Dedicated kay brokenHEARThuntress for making a review sa CCR. Naks! Level up na tayo clashers! May ganito na! Haha. First time! Thank you for making that, I really appreciate it. Dahil diyan! Uhmpak! *huuuuug* ^w^ Haha! :* 

Chapter 44: The official suitor?

Mabilis na kumalat sa Walden High ang balitang may OFFICIAL SUITOR na ang isa sa kanilang Queens na si Fretzie. Marami ang nagulat, nagtaka, nagalit, natuwa, nainggit at marami pang iba. Kasabay nito ay ang pagsikat ni Brent sa campus nila sakabila hindi man ito mag-aaral sa kanilang eskwelahan. Ano bang itsura niya? Sino  nga ba siya? Anong meron sakanya? Ilang mga katanungang naging dahilan upang pag-aksayahan ng oras ng karamihan ang pagsasaliksik para lang makilala nila ito. Ganun kagusto ng mga students ng Walden na makilala kung sino ang kauna-unahang lalaki ang pinayagan ni Fretzie na manligaw sakanya.

Miko’s POV

 

 

“Yow bro, have you heard the news?” Sabi ni Ryan habang nilalapag yung gamit niya. Magkatabi kasi kami ng upuan netong bwiset na lalaking to. Actually maaga pa, ako tsaka siya pa lang yung nasa room. Mga early BIRDS eh. Haha.

“Ano? May bago ka nanaman?”

“HAHA! Kilala mo talaga ako eh noh? Pero pare di yun yung sasabihin ko eh”

“Eh ano nga?! Di mo na lang sabihin. Dami pang satsat” Naiirita kasi ako eh. Daming pabitin.

“Baka kasi magulat ka chong!”

“Gulat gulat. TSS. Ako magugulat? Sa mukha mo pwede pa”

“May nanliligaw na sa pinsan mo.”

“Sinong pinsan ko? May kilala ka pa bang iba bukod kay Fretzie?”

“Tange. Si Fretzie nga!” Maka-tange naman to! Kay Fretzie lang pal---Haa?

“Sh*t”

“Ows? Don’t tell me hindi mo pa alam?”

“GANITO BA MAGIGING REAKSYON KO KUNG ALAM KO?!” I don’t know, pero kasi naasar ako. Dati kasi lagi niyang sinasabi sakin everytime na may manliligaw sakanya tapos kailangan munang dumaan sakin, for the record wala pang nakakalusot sakin… PERO ANO TONG NABALITAAN KO?! Tumanggap siya ng manliligaw without telling me?!

“Chill pare. Akala mo naman sinagot na, ligaw pa lang naman. OA nito.”

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon