Chapter 58: YAN tayo eh. :">

410K 7.4K 2.4K
                                    

Chapter 58: YAN tayo eh. :">

Ashley’s POV

Isang linggo na ang nakakalipas mula nang nakauwi kami dito sa Manila. Isang linggo na ring hindi nagpaparamdam sakin si Gian. Ang lakas lakas ng loob manligaw tapos ni text o tawag, wala. Nakakainis. Hindi na nga masyadong nagsasalita, kulang pa sa gawa. Minsan talaga ang sarap manumpa ng mga taong masusungit. >____<

Isang linggo na rin pala akong nakatambay sa bahay, Christmas vacation na namin last week pa, kaya nakapunta kami sa Boracay. Ang boring boring dito, gusto kong gumala wala naman akong kasama since may mga date daw yung tatlong babae. SILA NA! Sila na talaga may lovelife! Arghhh….

Paidlip na sana ako nung may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Napaka wrong timing naman nito!

“Ma’am Ashley??” Narinig kong tawag nung maid namin mula sa labas.

“SAGLIT LANG” Hindi ako galit, malakas lang talaga yung boses ko kaya parang sinisigawan ko si yaya.

“Good morning ma’am, may bisita po kayo sa baba.”

Natigilan ako. Di kaya si… O_____O

“M-Manang! Pasabi ho saglit lang!!!” Agad kong sinara yung pinto. Nanginginig ako. Para akong naeexcite na kinakabahan na natatae na ewan! >____<

H-HINDI KAYA SI GIAN YUNG BISITA KO? AISHHHH!!! BAT BA HINDI KO TINANONG SI MANANG KANINA? NAKAKAASAR!!!

Agad akong pumunta sa banyo at nag-ayos. Hindi ko naman inexpect na pupunta si Gian ngayon. Ni hindi man lang nagtext! Bwisit na sungit!!!

Naglagay lang ako ng BB Cream, siyempre galing Etude house! Tapos nagapply lang ako ng pink lipstick lang then lumabas na ko ng room with my hands shaking. Bakit ba ako yung kinakabahan? Diba dapat si Gian? Siya ang manliligaw eh! Tsaka dapat galit ako sakanya kasi isang linggo siyang di nagpaparamdam diyan. Nako! Papahirapan talaga kita!

Naka-chin up pa akong bumaba sa hagdan, feel na feel ko maging mataray ngayon lalo pa’t nasa baba si Gian. Anong tingin niya, siya lang may karapatang magsungit?

“Anong pagmamaldita yan Ashley, pakiexplain. Love you!”

O_____O!!!

Halos madulas ako sa hagdan sa sobrang pagkagulat.

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon