BHO CAMP #8: The Cadence

By MsButterfly

1.4M 45.3K 4.8K

All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet... More

Synopsis
Chapter 1: Beat
Chapter 2: Hand
Chapter 3: Crepuscular
Chapter 5: Objective
Chapter 6: Time
Chapter 7: Sleep
Chapter 8: Song
Chapter 9: Orange
Chapter 10: Compromise
Chapter 11: Gravity
Chapter 12: Home
Chapter 13: Hawk
Chapter 14: Chance
Chapter 15: Promise
Chapter 16: Damage
Chapter 17: Shine
Chapter 18: Charm
Chapter 19: Cuff
Chapter 20: Breathe
Chapter 21: Princess
Chapter 22: Free
Chapter 23: Fairytale
Chapter 24: Always
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Road
Chapter 27: Pretend
Chapter 28: Beautiful Disaster
Chapter 29: Cadence
Chapter 30: Epilogue
Chapter 31: Start
Chapter 32: Catfight
Chapter 33: Mind Games
Chapter 34: Distance
Chapter 35: Orbit
Chapter 36: Tradition
Chapter 37: Rock star
Chapter 38: Team Night
Chapter 39: Music
Chapter 40: Always
Epilogue
Author's Note

Chapter 4: Mission

35.2K 1.1K 60
By MsButterfly

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

A/N: Dapat ay noong Tuesday pa ako mag a-update pero I've been sick for days. I'm slightly better now so I can write again. Please be patient. Thanks!

Question: Sino sa tingin niyo ang perpetrator sa mission na ito? 

HERA'S POV

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nang magawa naming makapasok. Isang tingin pa lang doon ay sumisigaw na kaagad ng karangyaan. Hindi lang nakikita iyon sa mga furniture na mukhang mamahalin o sa mga pigurin na matatagpuan sa iba't-ibang bahagi ng sala kundi maging sa mismong straktura no'n. And with that grand staircase, no one would miss the luxurious ambiance of this place.

Napapitlag ako nang muntik pa akong bumangga sa likod ni Thunder na biglang huminto sa paglalakad. Sumilip ako mula sa likod niya at nakita ko ang mga taong sumalubong sa amin at ngayon ay nakatayo sa gitna ng sala. Two couple in their late 50's are standing in the middle of the living room, faced set in a hard expression. Sa tabi nila ay may lalaking marahil ay anak nila. According to the files, ang mag-asawa ay sina Federico at Cora Montez habang ang lalaki ay ang anak nila na si Rico Montez. Their names were mentioned in the last will.

Si Federico Montez ay ang nakakatandang kapatid ng ama ni Mia Montez na namayapa isang taon pa lang ang nakakaraan dahil sa pagkitil nito ng sariling buhay. Kahit na mas matanda si Federico sa ama ni Mia na si Jaoquin ay pantay lang ang naging hatian ng kayamanan ng pamilya. Much to Federico's dismay and the reason why he contested their father's last will and testament. Pero walang nangyari at nauwi pa rin sa pantay na hatian ang lahat. On the other hand, his wife Cora Montez is one of the most notorious socialite and she was also a well known model when she was young. Ang anak naman nila na si Rico ay kababalik lang mula sa pag-aaral sa ibang bansa. Kahit na saglit pa lang siyang nananatili sa Pilipinas ay nakagawa na kaagad siya ng ingay dahil sa madalas niyang pag-iiko sa mga bar at paggawa ng gulo.

On the far end of their line is a woman that looks like as if she rather be anywhere else than there. Nakahawak siya sa balikat ng isang batang lalaki na nakatingin lang sa suot niyang sapatos. Adeline Montez and Sean Montez. Mia's mother and brother.

Adeline Montez married Jaoquin when she was eighteen. Hindi katulad ng mga kaanak at naging asawa ng mga Montez ay hindi siya nanggaling sa mayamang pamilya. She was an orphan and she met Jaoquin nang minsang mag volunteer siya sa isang charity event para sa mga bata. Nagkataon na major sponsor no'n si Jaoquin. They fell in love, got married, and have their children.

"Good afternoon, I'm Detective Anthony Lopez." Thunder said as he walked straight towards the woman who looks so much like Mia Lopez. Inabot niya ang kamay niya sa babae na kiming inabot iyon at pagkatapos ay mabilis ding bumitaw. "I'm here with my partner, Detective Julia Cabrera."

"What too you so long? Kanina pa kami naghihintay dito sa bahay na 'to."

Pinigilan ko na mag react sa lumabas sa bibig ni Federico Montez at pilit na ngumiti. "Pasensya na ho kayo, Mr. Montez. Galing pa kasi kami sa isa pang kaso and we made it clear that our schedule will be in the afternoon of today's date."

Pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa ng lalaki. "Meron pa bang mas importante bukod sa mahanap na natin ang pera? Give it to Mia to be a troublemaker until her death."

Mariing pinagdikit ko ang mga labi ko lalo na nang makita ko ang reaksyon sa batang lalaki na biglang kumuyom ang mga kamay. Hinapit siya ng nanay niya palapit sa katawan nito bago nagsalita. "Kuya, 'wag naman sa harap ng bata."

"Tumigil ka Adeline. 'Wag kang magpanggap diyan na hindi ka interesado sa pera dahil alam natin ang totoo."

"Wala na si Federico at ngayon wala na si Mia. K-Kailangan ang pera na iyon para sa therapy at pag-aaral ni Sean. Bukod pa do'n natatakot ako na baka may sakit din si Sean ng katulad kay Mia. Lagi siyang lumalapit sa ate niya-" halos hindi marinig na sabi ng ginang.

"Pwede ba? Hindi nakakahawa ang sakit ni Mia. Kung ano-ano lang ang pumapasok sa kukote mo." asik ng lalaki. "Ang sabihin mo ay gusto mo lang talagang makuha ang pera."

Hindi nakaimik ang babae na yumuko na lang. Huminga ako ng malalim at pinanatili ko ang pormal na ngiti sa mga labi ko bago ko pa maisipan na basta na lang barilin ang lalaking kaharap ko. Kung ako lang ang papipiliin ay wala na sana sila dito. Ang kailangan lang naming gawin ay tulungan sila sa paghahanap ng mga pera ni Mia. Hindi sila kailangan dito lalo na at hindi naman sila nakakatulong.

Nagbaba ng tingin sa akin ni Thunder at bahagya akong napakurap sa mukha niya. Kahit ilang beses na naming ginagawa ito ay naninibago pa rin ako kapag gumagamit ng Fake Face. He looks good but there's not an inch of his real self can be seen on his face.

Naramdaman ko ang pasimpleng pagpisil niya sa kamay ko bago siya lumapit sa pamilya at iginaya ang mag-asawa kasama ang anak ng mga iyon papunta sa ibang bahagi ng bahay habang ako ay naiwan sa presensiya ng ina at kapatid ni Mia Montez.

"You can sit down, Mrs. Montez while I ask you some questions." I said gently to the woman.

Nag-angat siya ng tingin sa akin bago kiming tumango bago naglakad papunta sa sofa at umupo ro'n. Marahan niyang hinila ang batang lalaki na tahimik lang na umupo sa tabi niya. Nananatiling nakayuko ang bata.

"Hello." I said, greeting the kid. Pero sa halip na sumagot ay nanatili siyang nakayuko at hindi umiimik.

"Mula ng mamatay ang ama niya ay naging ganiyan na si Sean. Kahit anong gawin namin ni Mia ay hindi siya nagsasalita." hinaplos ng babae ang ulo ng bata. "He already lost his father. Now this happened to Mia."

"I'm sorry for your loss, Mrs. Montez." Tumango ang babae at pilit na ngumiti. Sa kabila ng bumabakas na pagod sa mukha niya ay nanatiling batang tignan ang makinis niyang kutis na para bang hindi man lang nahawakan ng katandaan. "Sinabi ba sa inyo ni Mia ang tungkol sa sakit niya?"

Umiling ang babae. "Hindi siya nagsasabi. Masyadong naging independent si Mia lalo na ng mawala ang ama niya. S-Siya lang ang inaasahan namin. Pero ang mga symptomas niya nagsimula lang lumabas apat na buwan na ata ang nakakaraan. Lagi siyang nagsusuka at nahihilo. Sinabihan ko siyang magpadoktor pero ang sabi niya ay stress lang daw ang dahilan. Lalo pa...lalo pa..."

"Mrs. Montez?"

Tumingin ang ginang sa gawi nila Thunder bago niya muling binalik sa akin ang atensyon niya. "Nang dumating sila dito ay mas lalong namoblema si Mia. Hindi siya close sa uncle at auntie niya. Kada na lang kasi dadating sila dito ay laging binabanggit ng mag-asawa kung ano ang dapat ay sa kanila. Hindi kasi sapat para sa kanila ang nakuha nila nang mamatay si Jaoquin."

I gritted my teeth in frustration with what I'm hearing. Nawalan ng anak ang ginang. Bukod pa doon ay nawalan siya ng asawa na nagpatiwakal sa hindi malamang kadahilanan. She's suffering so much and yet she's being bombarded by those two who's just after for the money.

"I-Iyong pera ni Mia, alam kong wala akong karapatan doon. May natanggap na ako mula kay Jaoquin at sobra-sobra na iyon para sa akin. Pero...pero may anak pa ako. Gusto ko siyang bigyan ng magandang buhay. Mahal ni Mia ang kapatid niya kaya alam kong hindi niya pababayaan si Sean. Sa totoo lang kahit hindi naman namin gawin ito ay natitiyak kong mababanggit si Sean sa pangalawang letra. Pwede naman naming hintayin ang tatlong buwan na palugit. Pero gusto ni Federico at Cora na mahanap na agad ang pera."

Of course they wouldn't want the time limit to end. Dahil kapag nangyari iyon ay maaaring mawalan na sila ng karapatan sa mana. Dahil ayon sa last will ni Mia ay kapag hindi nila nahanap ang pera sa loob ng tatlong buwan ay bubuksan ang pangalawang hinanda niyang letra na naglalaman ng mga pangalan ng pagbibigyan niya ng mana niya.

"Sino ho ang gumawa ng paraan para magawa kaming makontak?" tanong ko.

"Nakalagay sa last will ni Mia kung paano kayo mahahanap."

Bahagyang napakunot noo ako. Paano magkakaron ang event specialist ng kontak sa isang sikretong organisasyon na katulad sa amin? When Dawn decided to upgrade everything, ang tanging paraan na lang para magawang maabot ang BHO CAMP ng mga taong nakaalam sa organisasyon ay ang email address na na hindi magagawang i-track ng kahit na sino. Once an email has been sent, the copy from the sender will be automatically deleted. Kapag sumagot ang BHO CAMP bilang confirmation ay hindi makikita ang email address na pinagpadalahan dahil iba't-ibang email-ad ang lalabas na sumagot na sa huli ay walang patutunguhang lead ang hahantungan.

No client have ever known BHO CAMP as the name of the organization. All they know is what we can do. Ang tanging mga nakakaalam lang kung paano kami makokontak ay mga dati na ring naging kliyente ng BHO CAMP na maaaring ipinasa ang impormasyon sa pinagkakatiwalaang mga tao. They know the rules. Dawit ang pangalan nila kapag hindi sa mabuting pamamaraan ginamit ng pinagpasahan nila ng information. Alam nila kung anong trabaho lang ang tinatanggap namin. It will severe the ties we have for them and we won't help the one who will ask for the service once they messed up.

Bukod doon ay nanggagaling din ang misyon namin sa Key. Ang investigation agency na pinamumunuan na ngayon ni Detective Dalton, ang minsang naging parte ng misyon ng isa sa amin para labanan ang kriminalidad.

Kaya paanong nalaman ni Mia ang tungkol sa kung paano kontakin ang BHO CAMP?

"Detective...kung hindi niyo magagawang mahanap ang pera ni Mia ay maiintindihan ko. Siguro mas okay na iyon kesa mapunta pa ang iba kaila Federico. Hindi pababayaan ni Mia si Sean kaya kahit anong mangyari alam kong sa huli ay ibibigay niya ang mana niya sa bata."

"Pero paano ka? May karapatan ka rin sa pera." sabi ko.

"Bilang ina niya ay maaari naman niya akong pangalanan sa pangalawa niyang sulat. Pero kung hindi man ay maiintindihan ko. Kesa naman mapunta sa kanila." bulong ng babae na muling tumingin sa gawi ng mag-asawang Federico at Cora. Napabuntong-hininga ang babae nang biglang tumayo si Sean at tumakbo paalis. Kita ang pag-aalala kay Adeling na sinundan niya ng tingin ang bata. "I wish I can protect him from this."

Tumingin ako sa kinaroroonan nila Thunder at nakita kong tapos na silang mag-usap. Tinanguhan niya ako dahilan para tumayo na ako mula sa pagkakaupo.

Bumaling ako kay Adeline Montez at nagsalita. "We will start the investigation. Kung ano man ang makita namin ay ipagbibigay alam namin agad sa inyo. If you can show us Mia's room we can begin now."

Tumayo siya pero sa pagkagulat ko ay hinarangan siya ni Cora at umismid pa bago tumingin sa akin. "Si Federico na ang magtuturo sa inyo."

"I think it's best kung ang ina na ng namayapa-"

"Si Fiderico na." sabi ng babae sa pinal na tono bago matalim ang tingin na binalingan si Adeline. "Para naman mapakanibangan ang isang ito sa kusina."

"C-Cora nakaluto na ang mga kasambahay-"

"Ikaw ang ina ni Sean di ba? Magtataka ka pa kung bakit nagkakasakit ang isang 'yan kung sarili niyang ina ay hindi man lang siya magawang ipaghana ng makakain. Mula ng tumapak kami dito hindi ka na namin nakita sa kusina."

I can't believe what I'm hearing. Talaga bang gawain lang ng isang may bahay ang magluto? Iyon lang ba ang role ng babae sa bahay? Wala iyon sa kasarian. Kung marunong ka eh di marunong ka. Kung hindi eh di hindi.

"Detective Julia."

Nag-iigting ang mga panga ko na naglakad palapit sa kinaroroonan ni Thunder. Taas noong nauna na sa paglalakad si Federico habang kami ay tahimik lang na sumunod sa kaniya. Ilang sandali lang ay huminto kami sa isang pasilyo na may tatlong pintuan.

Tinuro ni Federico ang pintuan sa harapan ng kinatatayuan namin. "Kwarto iyan ni Mia. Sa dulo ng hallway ang kwarto ni Adeline at Jaoquin. At itong katapat ng kay Mia ay ang kay Sean."

"You can leave us now, Mr. Montez. Kami na ang bahala dito." malamig ang boses na sabi ko.

Imbis na gawin ang siyang sinabi ko ay nanatili siya sa kinatatayuan niya. Bumuka ang bibig ko para magsalita pero naunahan niya ako. "Hindi si Jaoquin ang klase ng tao na iiwan ang mga anak at asawa niya."

"Mr. Montez, if you please. Hindi si Jaoquin Montez ang ipinunta namin dito kundi si Mia." I said to him.

Inaasahan ko ang magiging pagsagot niya pero hindi na siya nagsalita ulit at tumalikod na lang para maglakad paalis. Malakas na bumuntong-hininga ako bago ko binuksan ang pintuan at pumasok.

Kinuha ko ang mask sa bulsa ko at kaagad na sinuot ko iyon nang umabot sa akin ang amoy ng kwarto. Mukhang hindi iyon binuksan mula ng mamatay ang babae. Nilingon ko si Thunder at namataan ko siyang naglalagay din ng mask at pagkatapos ay isinarado ang pintuan.

"That family is weird." he said.

"Sinabi mo pa. That Federico and Cora is getting in my nerves."

Sinuot namin ang mga gwantes namin at pagkatapos ay nagsimula na kaming magtingin-tingin sa kwarto. Lumapit si Thunder sa mga kabinet ng babae habang ako ay nilapitan ang desk niya. Maayos na nakasalansan doon ang mga gamit niya. May mga libro, papel, iba't-ibang kulay ng ballpen, mga brush, at ilang painting materials.

Umangat ang kamay ko at pinadaan ko iyon sa table na may nakadikit na printed copy ng mga kulay at ang mga pangalan no'n. Looks like she's highly creative and artistic.

Kita sa kwarto ang sari-saring mga kulay na mga dekorasyon. Sa ibabaw ng kama niya ay may nakaframe pa na swatch ng mga kulay na marahil ay paborito niya. Habang sa ibang panig naman ng kwarto niya ay may nakatayong digital piano na may music sheet pa sa rack.

Inabot ko ang nakapatong na album sa desk niya at binuksan ko iyon. Bahagya akong napangiti nang makita ko ang larawan ni Mia kasama ang buong pamilya niya. Kahit ang kapatid niya na si Sean ay nakangiti roon.

"I don't know where to start to be honest." Thunder said as he keep on rummaging the cabinets.

Kahit ako rin naman ay ganoon din ang nararamdaman. Mia Montez outdone herself. "Freez-"

"Wait." Napatigil ako sa pagsasalita nang magsalita si Freezale para putulin ang sasabihin ko. She's our eyes for this mission. "I can detect a listening device in the room."

Napamulagat ako sa narinig at napatingin kay Thunder na ngayon ay nagmamadali na sa paghahanap. Pero sa pagkakataon ay hindi ang clue kundi ang device ang hinahanap niya. Who would put one here?

"Hayaan niyo lang ang listening device pero mag-ingat kayo sa pagsasalita. Fortunately walang camera sa kinaroroonan niyo." sabi ni Freezale ulit.

Tinanguhan ko si Thunder na ngayon ay may hawak na maliit na aparato. Muli niyang ibinalik iyon sa maliit na butas sa ibabaw ng cabinet bago muling nagpatuloy sa ginagawa kanina habang ako naman ay lumapit sa piano.

Sinuri ko iyon at nang walang makita roon ay akmang tatalikod na sana ako pero nabangga ko ang rack no'n na may nakapatong na music sheet. Yumuko ako at kaagad na pinulot ko iyon. Habang sinasalansan iyon ay napansin ko ang mga titulo ng musika na nandoon. Maliban sa isa na may maikling musical notes lang at walang pangalan. Mukhang hindi rin tapos ang musika na mukhang si Mia ang gumawa.

Ibinalik ko ang mga iyon sa rack bago ko tinignan ang likod no'n dahil baka may makita pa akong iba. Bahagya kong tinuntong ang kamay ko sa piano habang tinitignan iyon pero wala naman akong nakita sa likod no'n. Iaalis ko na sana ang kamay ko nang may mapansin ako.

Nanlalaki ang mga mata na lumingon ako kay Thunder na ngayon naman ay naghahanap sa tokador. Nang makita niya ang ekspresyon sa mukha ko ay kaagad na lumapit siya sa akin.

Siniguro ko munang hindi nakasasak ang piano bago ko itinuro ang music sheet na walang title at pagkatapos ay itinuro ko ang piano.

"Play." I mouthed at him.

Kinuha ko ang maliit na notebook sa bulsa ko at ang ballpen at umuklo ako para makita ang ginagawa ng lalaki. Bawat piano key na pindutin niya ay may nakasulat na numero sa gilid. Mabilis na sinulat ko ang mga iyon at napapaawang ang labi na nagkatinginan kami ni Thunder.

Iniharap ko sa kaniya ang notebook na sinulatan ko.

"Shit." he whispered.

1 4 4 9 2 4 6

2 2 2 2 2 5 3

8 7 6 1 5 5 5

5 1 4 2 9 7 3

Nagbaba ako ng tingin sa notebook at tinitigan ko iyon hanggang sa marinig ko ang kumpirmasyon ni Freezale na nakuha na niya ang kopya no'n. Naririnig ko ang mahinang pakikipag-usap niya sa ibang gma agent na nasa control room.

"Try the odd ones and convert it into letters kung wala namang paggagamitan diyan ng numerical coding." Freezale said. "Iyong mga repetitive. 4, 4, 2, 2, 2, 2, 2, 5, 5, 5, 5."

Lumapit ako sa laptop ni Mia na nakapatong sa bed side table at binuksan ko iyon. Sinubukan ko munang ilagay ang lahat ng mga letra na nakuha mula sa piano pero hindi bumukas iyon. Pagkatapos no'n ay inilagay ko ang mga numero na repetitive para makasigurado pero hindi rin iyon bumakas gamit iyon.

I converted the numbers into letters but when I tried it, it didn't opened. Nagsalita ako sa buton na nakakabit sa damit ko. "Negative."

"Add it." Freezale said.

Inadd ko ang dalawang 4, limang 2, at apat na 5. H, J, T? It does not point to anything. "Negative."

Kinuha sa akin ni Thunder ang notebook at nagsulat doon. Bahagyang napaawang ang labi ko nang makita ko na ibang paraan ang ginawa niya. Imbis na i-add iyon gamit ang mismong numero no'n ay binilang niya ang numero bilang isa. Dalawang beses ang numerong 4 na ginamit, lima ang 2, at apat na beses na ginamit ang 5. Ginuhitan niya ang naging equivalent no'n na letra.

2, 5, 4. B E D.

"Got it." Thunder whispered low.

Lumapit kami sa kama at naghalughog doon. Dumapa si Thunder sa sahig para makita ang ilalim no'n habang ako ay nagtungo sa headboard para maghanap kung may nakasiksik doon. Inilusot ko ang kamay ko sa pagitan ng cushion at headboard at kinapa ko iyon pero wala akong nakuha na kahit na ano.

Huhugutin ko na sana ang kamay ko palabas nang tumama ang kamay ko sa kahoy na headboard at may maramdaman ako. Kunot-noong hinila ko ang cushion at napatutop ako sa bibig ko nang makita ko kung ano ang nakapa ko. May nakaukit sa headboard na arrow na nakaturo pataas. Okay. Now I know kung bakit adik na adik sa puzzle ang mga experiment department agent.

Sinundan ko ang tinuturo no'n at nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang frame na nakasabit sa ibabaw ng kama.

Kaagad na kinuha ko iyon at ibinaba sa kama. Binuksan ko ang likod ng frame at inangat ko ang nakapatong doon pero wala akong nakita.

"There's nothing here." I said.

Naramdaman kong hinawakan ako ni Thunder sa balikat. Nilingon ko siya at nakita kong tinuturo niya ang pinagkuhanan ko ng frame. May maliit na arrow doon na nakaturo sa bedside table.

"The laptop?" I asked in a quiet voice.

"Possible."

Mukhang code ng laptop ang kinakailangan naming hanapin. Ibig sabihin lang no'n ay may koneksyon ang frame sa code no'n. Pero wala naman iyong kahit na ano maliban sa kulay.

Namataan ko si Thunder na muling nagsusulat sa notebook. Kinukuha niya ang equivalent ng bawat letra sa kulay na meron doon. Yellow, White, Green, at Orange. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at nagpalakad-lakad. "It can't be that easy."

She's using colors now. Kanina ay gumamit siya ng musical sheet, pagkatapos ay may numero na hindi maaaring i-add o i-convert pero nakuha ang equivalent no'n sa simpleng paraan, at ngayon ay kulay naman na simple lang ang maaaring makuha pero nararamdaman kong hindi gano'n kadali ang pagkuha sa katumbas no'n. "It can't be that easy."

Colors. She's using colors.

"Colors." I whispered.

Lumapit ako sa desk ni Mia Montez at tinignan ko ang nakadikit doon na color palette. Mabilis na kinuha ko ang frame at muli akong lumapit sa desk at itinabi ko iyon doon. It's not yellow, white, green, and orange. It's yellow, white, lime, and orange.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at kaagad kong ni-research iyon. Ang alam ko ay may coding ang bawat kulay. I just don't know yet what it's called.

"We're a perfect pair aren't we?"

Nginitian ko si Thunder na lumapit sa akin at nakisilip sa ginagawa ko. Nang lumabas ang search result ko ay napalitan ng ngisi ang ngiti ko.

"HTML code." I breathed.

Kaagad na kinuha ko ang mga equivalent ng mga kulay na HTML code at nakuha ko ang #FFFF00 for yellow, #FFFFFF white, #00FF00 lime, at #FFA500 para sa orange. Isinulat ko iyon sa notebook at pinakita ko ang naiisip ko kay Thunder sa paraan sa kung paano namin nakuha ang coding sa piano.

"What about the A?"

"Walang equivalent. Repetitives as numbers and zeroes as it is." bulong ko.

#FFFF00 = 4, 0, 0

#FFFFFF = 6

#00FF00= 0, 0, 2, 0, 0

#FFA500=2, 5, 0, 0

4, 0, 0, 6, 0, 0, 2, 0, 0, 2, 5, 0, 0

I beamed at Thunder when he pulled me towards him to kiss me on top of my head. Ibinigay ko sa kaniya ang notebook at kaagad siyang lumapit sa laptop para ilagay doon ang mga numero. Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang nagsimula ng bumukas iyon.

Umupo ako sa gilid ng kama at tinignan ko ang ginagawa ng lalaki. Nang bumukas ang laptop ay tanging iisang document file lang ang meron sa desktop niyon. Binuksan iyon ni Thunder at nagkatinginan kami ng isang sulat ang lumabas doon.

If you're reading this then you're probably used to solving cases like this. Sigurado ako na ang tanging makakabasa nito ay ang mga taong ipapadala na magmumula sa contact na iiwan ko sa last will and testament ko. Contact na nagmula sa ama ko. Or maybe you're a person hired by her. Then if that's the case what more do I have to lose? Kahit anong gawin ko ay alam kong gagawa ka ng paraan para makuha mo ang gusto mo. Mahanap mo man ito o hayaan mo na lang na matapos ang palugit at ibigay ang pera ko kay Sean at sa iba pang mga tao na papangalanan doon ay makukuha mo pa rin ang gusto mo.

If the second letter will be read and Sean will get the money, you will hurt him like you did to me. Katulad ng nangyari kay papa. On the other hand if you follow the address that I will write here then you can get what you want. Sana lang ay kuntento ka na ro'n at lubayan mo na ang pamilya ko. But I think I'm hoping for something that would never happen right? Dahil kahit na anong mangyari ay gagawa ka ng paraan na ikakapahamak ng lahat.

There's nothing I could do but this. Ramdam na ramdam mo na sigurong panalo ka? Dahil sa huli ay alam mong makukuha mo pa rin ang gusto mo.

If in case that the person reading this is the people sent by the contact my father passed down to me, then please don't tell anyone about this and go to the address. You will know what to do once you got there. The money should be given to my family only. Sila lang.

Mabilis na binura ni Thunder ang document pagkatapos niyang makuha ang address at pagkatapos ay sinarado na niya ang laptop habang ako naman ay itinago na ang notebook at pagkatapos ay binalik ang frame sa pagkakaayos no'n.

Kumuha ako ng papel sa desk ni Mia at pagkatapos ay nagsulat ako ng sari-saring mga numero ro'n at nilukot ko iyon. Pagkatapos no'n ay inilagay ko iyon sa ilalim ng kama at ipinahid do'n at nang matiyak ko ng madumi na iyon ay kinuha ko na iyong muli.

Inayos namin ni Thunder ang mga nagulong mga gamit at pagkatapos ay lumabas na kami ng kwarto. Muntik pa naming makabanggaan si Cora na palapit na sana sa pintuan na kinaroroonan namin. Lihim na tinapunan ako ng tingin ni Thunder bago pasimpleng tumango.

"T-Tapos na ba kayo?"

"Katatapos lang namin sa kwarto ni Mia. Ipapakita ito sa inyo ng kasamahan ko." sagot ko at itinaas ang papel. "If you'll excuse me, is there a restroom here?"

Nakatitig siya sa papel na ngayon ay ipinasa ko na kay Thunder at wala sa sariling nagsalita siya. "Nasa dulo ng hallway. Malapit sa kwarto nila Adeline."

Tinanguhan ko siya na hindi naman niya nakita at pagkatapos ay naglakad ako papunta sa tinuro niya. Nang makarating doon ay pumasok ako sa loob ng restroom pero hindi ko masyadong sinarado ang pintuan. Sumilip ako doon at nakita kong pababa na ng hagdanan si Thunder kasama ng babae. Mabilis na lumabas ako ng restroom. Konting oras lang ang meron ako.

I run towards Sean's room and opened the door. Binaba ko ang mask ko at suminghot ako sa paligid. The same smell in Mia's room. It's faint but I can smell a garlic odor. And if I'm right then Sean shouldn't stay here. Naabutan ko ang bata na nakahiga patagilid sa kama habang nakabaluktot. Nilabas ko ang papel at ballpen ko at tumakbo ako palapit sa kaniya. Hinila ko siya paupo at inangat ko ang mukha niya para pwersahin siyang tumingin sa akin.

Itinuro ko ang notebook na hawak ko at may isinulat ako ro'n. Itinapat ko iyon sa mukha niya at nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Umuklo ako sa kaniya hanggang malapit na ang labi ko sa tapat ng tenga niya. "Can you find a way?"

Lumayo ako sa kaniya at sunod-sunod siyang tumango bilang sagot. May inabot ako sa kaniya na susi bago ako muling sumulat sa notebook at nilakihan ko ang mga letrang isinulat ko at ginuhitan ko pa iyon bilang emphasis. NOW!

Nagmamadaling lumabas ako ng kwarto niya at dumiretso ako pabalik sa restroom. Sandaling nanatili ako roon at pagkatapos ay pinindot ko na ang flush. Nang lumabas ako ay nakita ko ang ina ni Sean na paakyat ng hagdanan kasama si Cora.

"Detective?" tawag sa akin ni Cora.

"Hindi mo na ako kailangan sunduin, Mrs. Montez." sabi ko pero kay Cora nakatingin. "Pababa na rin ako."

Kita ko ang pamumula sa mukha ng babae pero tumalikod na siya at muling bumaba. Ang ina naman ni Sean ay marahang tumango sa akin bago binuksan ang pintuan ng bata. Nakita ko roon si Sean na bumalik sa pagkakahiga niya.

"Sean, kakain na tayo maya-maya lang."

Hindi kumilos ang bata at nanatili lang nakahiga. Bumuntong-hininga ang ginang at lumapit na lang siya sa isang bahagi ng kwarto kung saan nandoon ang aircondition ng kwarto. Binuksan niya ang aircon at pagkatapos ay muli ng lumabas ng kwarto. Marahan niyang sinarado ang pintuan bago siya tumingin sa akin.

"Everything would be okay, Mrs. Montez." I assured her.

Yumuko siya dahilan para mahulog sa isang side ang buhok niya. Sandaling natigilan ako ng mapatingin ako sa tenga niya pero kaagad akong nag-iwas do'n ng tingin nang muli siyang tumingin sa akin. "Sana nga, Detective."

Magkasabay na bumaba kami ng hagdanan pero napatigil ako ng may mamataan na painting. Tumigil din ang babae at tumingin sa tinitignan ko. Malungkot siyang ngumiti. "Mia bought it for me. Binigay niya iyan sa akin noong birthday ko."

"It's beautiful for an abstract painting."

Umangat ang kamay ng babae at marahang hinawakan iyon. "Noong una hindi ko maintindihan ang ibig sabihin nito pero ipinaliwanag niya sa akin ang ibig sabihin nito na ayon sa binilan niya. Mia's always been fascinated by angels. Kaya siguro nagustuhan niya ang painting na ito kung saan yakap ng anghel ang isang tao. Now she's of the angels embracing us."

I nodded my head and smiled at her. Tuluyan na kaming bumaba kung saan naabutan namin si Thunder na kasalukuyang kausap si Federico at Cora sa gilid ng bahagi ng bahay na malayo sa hagdanan. Nang makalapit kami sa kanila ay kita ko ang inis sa mukha ni Federico.

"Anong magagawa ng mga numerong iyan kung hindi niyo naman alam ang ibig sabihin?"

"Mr. Montez, we will do everything we can. Mahahanap din namin ang ibig sabihin nito pero hindi agad-agad." sagot ni Thunder. Lumingon sa amin ang binata at nang makita niya kami ay inabot niya ang papel sa ginang. "Nakuha namin iyan sa likod ng picture frame sa headboard ng kama ni Mia. We still don't know what it means but we already took a picture of it. Kapag nagawa naming makita ang ibig sabihin ng code ay kaagad namin kayong kokontakin."

Kinuha ng babae ang papel at naluluhang tumango. Habang ang mag-asawang Federico at Cora naman ay masama ang pagkakatingin sa kaniya.

"Mauna na ho kami." sabi ko pagkaraan.

Nanatili sa kinatatayuan nila ang mag-asawa at tanging si Adeline Montez lang ang sinamahan kami hanggang sa makarating kami sa pintuan ng bahay. Nauna na si Thunder sa akin at susunod na sana ako sa kaniya nang maramdaman kong hinawakan niya ako sa kamay.

"Salamat, Detective."

I just nod my head and turn my back at her. Naglakad ako papunta sa sasakyan habang ang mga mata ay gumagala sa paligid. Nakita ko pa di kalayuan ang isang hardinero na titig na titig sa akin pero kaagad siyang nag-iwas ng tingin na para bang natatakot.

I jogged towards the car and I immediately entered the vehicle when I reached it. Hindi nagtagal ay pinaandar na 'yon ni Thunder palayo sa malaking bahay.

"Status?" he asked.

"I didn't have the time to find the source but I can clearly smell a hint of arsenic in Mia and Sean's room. May posibilidad na bukod sa pag ingest nila no'n ay babad din sila sa pag inhale no'n."

Tumango ang lalaki at pagkatapos ay muling nagsalita pero sa pagkakataon na ito ay ang control room ang kausap niya. "Someone ready for pick up? Didiretso na kami sa address na ibinigay ni Mia Montez pagkatapos."

"Nyx and Chalamity are on their way." Freezale answered.

Napasandal ako sa kinauupuan ko at napagkawala ng hininga. Ang kailangan na lang namin ngayong gawin ay hanapin ang tinuturo ni Mia na lugar kung saan niya inilagay ang bagay na hinahanap ng suspect. Pero nararamdaman ko na hindi lang iyon ang matatagpuan namin doon.

Lumingon ako sa backseat at nagbaba ako ng tingin sa sahig ng sasakyan. "You can sit down now, Sean."

__________________End of Chapter 4.

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 612 5
Five years ago, Serenity Gonzales married the French man, Etienne Cartier, in Paris, France. They weren't even friends. They met at a party and after...
2.3M 48.1K 44
| COMPLETED | 22 August 2016 - 5 October 2016 | Stonehearts Series #2 | Due to her bitter past and her dad's unfortunate marriage, Amorr Amethyst Bue...
20.4M 704K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
4.8M 110K 40
Agatha Joan Montgomery is what you can call 'The Extraordinary'. She is not the typical rich girl with branded bags and clothes. She is the girl with...