Unfamiliar Feeling Called, Lo...

By psylentioustatic

46.5K 677 213

Zaxisha Lurrhaine Amatong a. k. a. Kisha, the conyoest slash maldita slash egoistic school idol in town, her... More

Copyright and Disclaimer
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45: FINAL
Epilogue

Chapter 04

978 17 1
By psylentioustatic

THIRD PERSON'S PoV

     "We are now on the final round of the 97th Provincialwide Media Quiz for elementary category," sabi ng host sa harap ng camera.

     The said contest is the biggest annual contest in the province and is broadcasted throughout Negros Oriental, kaya todo tutok sa TV screens ang mamamayan ng N. O.

     Nagsalita pa ang host, "The final two contestants are Zaxisha Lurrhaine Amatong from Dumaguete Elementary School..."

     "Whoooooo!!!" pagchi-cheer up naman ng mga batang kaklase ni Kisha sa room nila habang nanonood ng TV with Kisha's face on the screen.

     "Go Kisha, best friend ko yan!!!!" cheer pa ng isa sa mga bata.

     "... and Xian Jhared Xu from Siaton Elementary School."

     "Whooooh! Go Jhared!!!" pagcheer naman ng mga kaklase ni Jhared habang nanonood sa TV with Jhared's face on it.

     Lahat ng rooms sa school ng bawat parties ay nanonood ng TV to witness the battle of minds between the two TOP STUDENTS of their schools.

***

     Samantala...

     Ngiting confident naman ang makikita sa labi ni Kisha habang nakaharap sa live audiences ng naturang contest. Kompyansa siyang matatalo niya ang rival na si Jhared.

     Simula nung araw pa ay di na niya ito nagustuhan, anak ito ng kaibigan ng mama n'ya at kagaya niya ay top student rin ito. At sa pagiging matalino nito, kahit pa nakikipagkaibigan ito sa kanya ay hindi niya ito matanggap.

      'Dapat ako lang ang matalino, dapat ako ang number 1!' ito palagi ang nasa utak ni Kisha.

     Naiinis nga siya dahil di niya inakalang pati sa contest na ito ay magiging ka-kompetensya niya ang batang lalaki.

     Nahuli ng batang si Kisha na nakangiti si Jhared sa kanya at exposed ang nakabraces nitong ngipin. Sa halip na ngitian niya ito ay ginantihan niya lang ito ng irap, malditang bata talaga.

***

     Nang nagsimula na ang final round ay nagpalitan ng sagot ang dalawang bata.

     Manghang-mangha naman sa pagtutok hindi lang ang mga live audiences kundi pati na rin ang nanonood sa T. V lalo na ang mga schoolmates at guro ng dalawang studyante.

     Imagine, kahit pang-high school level ang mga tanong ay nagawa pa nila iyong sagutin sa murang edad pa lang?

     "Whooooooh!" pag-chi-cheer ng mga tao sa bawat palitan ng sagot.

     Sa di inaakala ay pareho ang puntos ng dalawang bata bago pa ang last question sa nasabing round. Ibig sabihin, kung sino ang makakapagsabi ng tamang sagot sa magiging tanong ay siyang mananalo, kaya naman ay inis na inirapan ni Kisha si Jhared dahil sa nangyari. Ang mga supporters naman ng dalawa ay kinakabahan na sa loob ng classrooms nila while nakaabang sa susunod na mangyayari sa TV.

     Ang batang si Kisha ay namataan ang ama na tumayo at nagmadaling lumabas habang may katawag sa cellphone, marahil ay may urgent business call na naman ito.

     Ito lang naman ang kasama niya ngayon dahil may business trip ang mama niya.

     Palagi nalang ganito, palagi nalang wala ang dalawa sa kanya...

     Timing ay tinanong na ng host ang panghuling question, pero 'di niya iyon napansin dahil nakapukos ang atensyon niya sa pag-alis ng ama.

     "Daddy..." Naiiyak na siya.

     Nawala ang confidence niyang magpatuloy sa contest.

     "And now we have a winner!" natauhan siya nang inanunsyo iyon ng host.

     Namalayan niyang naghiyawan at nagsi-palakpakan na pala ang madla dahil nakuha na pala ng batang si Jhared ang tamang sagot.

     Naisabit na sa leeg ni Jhared ang napanalunang medallion, he looked at Kisha with worries dahil parang naguguluhan ito.

     Kahit pa alam naman niyang ayaw nito sa kanya ay gusto pa rin niyang makipagkaibigan rito.

     Nilapitan niya ang batang babae na nakaupo lang sa pwesto nito at wala pa rin sa sarili.

      He offered his hand para makipag-shake, this time ay napansin na siya ni Kisha. Sa halip na makipag-shake hands ang batang babae ay sinungitan siya nito at sinabing "I wish I'll not see you ulit!" tsaka ito pamaktol na pumunta sa back stage.

     Napahawak si Jhared sa napanalunang medallion at malungkot na ngumiti. Ibibigay n'ya sana ito sa batang babae bilang remembrance bago pa sila tuluyang aalis.

***

     Wala sa mood at nakahalukipkip na pumasok si Kisha sa room nila. Until now her day was ruined by the transfer of her childhood rival Jhared.

     When she stepped inside their classroom door ay napasimangot siya nang nakita si Jhared na tahimik lang na nakacellphone habang may suot na earphones.

     Sandali siyang napatitig sa binata at napaismid, "Mukhang sira na naman ang day ko nito."

     Afterwards ay napatingin na rin si Jhared sa kanya at agad rin bumaling sa cellphone.

     Ang kaklase naman nilang si Shami ay nakatingin lang sa kanilang dalawa, thinking like there's something going on between the two tsaka ito nagbasa na ng libro.

     Ilang saglit lang ay nag-ring na ang bell at nagsimula na ang klase.

***

     Kanina pa tapos ang klase. Lunchtime na't nakahalukipkip lang si Kisha habang nakasandal sa upuan niya.

     Kanina kasi sa quiz nila ay tatlo silang nakakuha ng perfect score, siya, si Shami at Jhared. She's bothered na baka next time ay mas mataas pa ang kuha ng dalawa. Ayan tuloy nawalan siya ng mood.

     "Tsk. Mga bwesit," inis niyang sabi.

     "Hey, wuzzup?" wala sa mood niyang tinignan ang kaklase niyang si Harvey na feeling close tumabi sa kanya.

     Harvey's good-looking, isa ring campus crush ng school nila, kasama rin sa top 20 overall, at isa sa mga nagkakandarapang suitors niya -noon. Pero 'di niya ito bet. First of all, study first siya. Now, Harvey and her remained close good friends.

     She just glared at him. Makulit kasi ito kaya medyo nakakairita.

     "Whoaah, may period ka ata," back off nito.

     "Psh. Tumigil ka nga diyan, tapos na period ko noh." inis niyang sabi at inirapan.

     Kung ba't pa ba kasi may lakad pa 'tong si Hannah, eh 'di sana kahit papaaano ay may matino siyang kakwentuhan. Hindi rin sana siya mag-iisa ngayon sa room.

     "Kantahan kaya kita, gusto mo?" alok ng binata and flashed his cute bunny smile.

     "No need, ampangit ng voice mo," simangot ni Kisha, she just lied dahil ang totoo ay maganda naman talaga ang boses nitong si Harvey, lagi rin kaya nila itong pambato sa mga singing at music contest, kaya naman di na nakakapagtataka ang laging pagsusuot nito ng earphones.

     "Arat, kain nalang tayo. Treat ko," aya bigla nitong binata.

     "Psh. No need, may money ako. Mag-solo ka," isnab ni Kisha sa binata.

     Bigla ay hinila siya nito at pinatayo. Makulit talaga.

     "Bitawan mo nga ako," inis niyang sabi sa binata at sinubukang kumawala, pero 'di niya kinaya ang lakas nito.

     "Sus libre ko na, 'wag kang magskip ng meals papangit ka niyan," makulit at pangiti namang pamimilit ni Harvey.

     Wala namang magawa si Kisha dahil may point naman ang binata.

     "Sige na nga. Basta treat mo ha," napangiti nalang si Kisha sabay ismid.

     Kahit naman kasi makulit 'tong si Harvey ay mabuti at masaya naman itong kasama. Mabuti nalang na okay lang nitong manatiling hanggang kaibigan lang sila at hindi naman nagbago ang pakikitungo nito sa kanya.

     Nang nakapunta na sila sa canteen ay agad siyang pinapili ni Harvey ng makakain.

     Isang serve ng rice, beefsteak, double cheeseburger at iced tea lang ang sinabi niya sa kaibigan.

     "Sige Kisha maupo kana doon. Ako na bahala dito," sabi ni Harvey sa kanya at ngiti lang ang sinagot niya rito.

     With crossed arms, umupo na si Kisha sa nakitang bakanteng upuan.

     Habang naghihintay, Kisha gazed her eyes all over the place nang natigilan siya nang namataan si Jhared sa unahang upuan na kumakain rin.

     Ewan ba niya pero biglang bumalik sa isip niya yung moment na naghalikan silang dalawa.

     "Psh. Bwesit," tuloy ay nainis siya.

     Napatitig siya sa mukha nito. Mula noo, kilay, mata, ilong hanggang labi. Ang gwapo na talaga nito. Pero kung anumang pinagbago sa mukha nito ay ganun din sa ugali. Ngayon kasi ay may pagkasuplado ito at tahimik lang. Ang laki na talaga ng pinagbago, malayong-malayo sa dating nakabraces at pangit na Jhared.

     Para tuloy siyang nanonood ng isang prinsepeng tahimik na kumakain.

     Naaalala niya ang first encounter nila sa bus after years, parang hindi siya nito kilala dahil 'di man lang siya nito in-approach. Napasimangot siya.

     "Did he really not kilala me? Or he's just playing unfamiliar?" tuloy ay nainis pa siya.

     Bigla ay tumigil sa pagsubo ang binata at tumingin sa kanya. Siya naman ay naalerto at parang isang kawatang nahuli dahil agad niyang sinubsob ang mukha sa mesa. Magnanakaw na nga siya ngayon, magnanakaw ng tingin.

     "Shemas na-caught ba niya ako?!" muntanga lang, ba't siya biglang nahiya?

     It's been days na palang lagi nalang siyang ganito. Sa mga araw na lumipas ay hindi man lang niya nakakausap si Jhared at wala naman siyang balak kausapin ito.

     "Wuy."

     "Ahhh!" Napabalikwas siya ng tayo nang may biglang tumapik sa kanya.

     Agad naman siyang natauhan sa ginawang katangahan when she realized na si Harvey lang pala yun na ngayon ay takang nakatitig sa kanya.

     "Luh, anyare wuy?" taka nitong tanong sa kanya.

     Kisha looked around at namalayang pinagtitinginan na pala siya ng mga tao, siguro napalakas siya ng sigaw. Kakahiya!

     "Ba't mo ba kasi ako ginulat?" inis niyang paninisi sa kaibigan.

     "Luh. 'Di ah. Anyway kain na tayo," depensa ng binata at pangiti siyang inaya since nasa table na ang mga binili nila.

     Bago pa uupo ulit si Kisha ay bumalik sa isip niya si Jhared at naisipang tignan ito ulit. Tahimik lang naman itong kumakain at walang pakialam sa nangyari sa paligid.

     'Psh, he's really nakakapagpabagabag,' she thought before digging in.

***

     "Class solve this," sabi ng guro nila sa Statistics and Probability pagkatapos nitong may sinulat na problem sa board.

      Ang buong klase ay napaasim ang mukha dahil hindi pa introduced sa kanila ang topic. Nagrereklamo ang iba, si Kisha naman ay sinimulan na ang pagkuha ng sagot sa binigay na problem. Inaamin niyang nahihirapan siya.

     Samantalang si Jhared naman ay kalmado lang na nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang nakasulat sa white board.

     "Sir, you still haven't introduced that topic to us," reklamo ni Harvey na halatang naiinis sa guro nila.

     "Kaya nga pinapasolve ko para maintroduce ko sa inyo. It's our new topic for today," ganti naman ng guro nila.

     "But sir, wala pa ho kaming background how to get the answer para niyan."

     "Oo nga."

     "Tama," ngayon ay nagsalita na rin ang iba.

     Napakamot nalang sa ulo ang guro, gusto lang naman kasi nitong hasain pa sila.

     "Sige ganito nalang, I need someone to solve it para makausad na tayo," sabi ng guro.

     "Ms. Amatong answer it on the board," dagdag pa ng guro mentioning Kisha's last name na siyang ikinagulat ng dalaga. Hindi pa nga niya nakukuha ang tamang sagot eh.

     Wala naman siyang choice kundi ang subukang sumagot. Kinabahan tuloy siyang baka 'di makuha ang tamang sagot at mapapahiya siya.

     Nag-aabang naman ang mga kaklase niya sa likod.

     It took so long at ang haba na ng solutions niya sa board. She applied all the possible useful formulas na alam niya.

     Then it came to the point na nalito siya sa susunod na step.

     'Hays... I need to answer this. Nakakahiya naman kapag sumuko ako.' She bit her lip.

     The teacher noticed her na huminto sa pagsagot.

      "Ms. Amatong can you still continue?"

      "Yes sir, of course," agad namang sagot ng dalaga at tsaka nagpatuloy.

     Until...

     Tinapos na niya ang solution as she put the white board marker down. May nakuha siyang sagot.

     She faced the teacher, crossed her arms and said "Sir, the sagot is 216."

     Tumahimik ang buong silid, nagkatinginan ang mga kaklase nila waiting what will be their teacher's response, not until biglang pamalakpak ang guro nila na sinundan rin ng mga kaklase niya.

     "Teka nakuha ba ni Kisha yung tamang sagot?"

     "Ewan ko."

     "I think so, pumalakpak si Sir eh."

     "Ang talino talaga."

     Bulong-bulungan naman ng mga kaklase niya habang pumapalakpak. Nagsalita na ang guro nila matapos ang palakpalakan.

     "Very good Ms. Amatong you got the correct answer. Take a seat."

     "Whoooaaah..." mangha namang reaksyon ng buong klase.

      Kisha smirked as she was walking back to her seat.

      'I know 'di ba?' Lumalaki na naman ulo niya.

      "However..." sabi ng guro nila na siyang pinagtataka ng buong klase.

     "What ho yun, sir?" Kisha asked.

     "There is a much simpler way to get this answer. Does anyone from the class know how?" the teacher said at tumahimik ang mga kaklase niya. Malamang hindi alam ng mga ito kung paano.

     Para silang mga maaamong tuta at nag-aantay kung sino naman sa kanila ang magtataas ng kamay.

     Bigla ay nagtaas ng kamay si Jhared. Napatingin naman ang mga kaklase nila sa binata nang tumayo na rin ito.

     Si Kisha naman ay inis na napatingin sa binata, 'Alam niya?'

     Nanggigil tuloy siya dahil mukhang masasapawan siya nito.

     "Yes, Mr. Xu. Can you show us how?" panghahamon ng guro.

     Tango lang ang sinagot ni Jhared bago ito nagpunta sa harap at sinimulan na ang pagsosolve.

     Si Kisha naman ay naiinis habang nakatingin sa ginagawa ng binata.

     May ginamit itong formula na hindi niya alam. Mas advance pa pala ito kesa sa kanya! Ilang sandali lang ay natapos na rin ang binata sa pagsosolve sa board and faced their teacher.

     "Sir, we can use Slovin's formula in getting the marginal error being asked by the problem. This just one of the basics when it comes to statistics specially in doing researches," short explanation ni Jhared na siyang ikinamangha ng guro nila.

     Napatingin si Jhared kay Kisha na ngayon ay grabe na kung makatitig sa kanya, para na siya nitong kakainin at babalatan nang buhay.

     Muli ay umalingawngaw na naman ang palakpakan sa loob ng silid nila. Si Kisha lang ang hindi pumalakpak, she's just crossing her arms habang masama ang ekpresyon ng mukha. Pinuri si Jhared ng guro nila at sinabing iyon ang appropriate formula na gamitin sa given problem. Si Kisha ay bwesit na bwesit na.

     Ang mga babaeng kaklase nila ay lalo pang humanga sa binata at pinagpapantasyahan pa ng mga ito. Pati ang best friend ni Kisha na si Hannah na ngayon ay parang ewan na nagdi-day dream.

     "Hay hindi lang gwapo, matalino pa..."
     "Ang gwapo talaga ni Jhared."

     Jusko! Lalo tuloy'ng nai-istress ang bangs ni Kisha.

     "You may take your seat Mr. Xu," utos ng guro nila as the girls were tracking their eyes on him as he stepped through.

     Before he sat down ay napatingin siya kay Kisha na ngayon ay may nagkasalubong nang kilay. Direkta lang itong nakasimangot sa board.

      As soon as Jhared got his seat, makikitang nanatiling nakasimangot ang malditang dalaga. Both were unaware na may pares ng mga mata na pasimpleng nakamasid lang sa kanila, mga mata ni Shami.

Continue Reading

You'll Also Like

19.9K 634 22
Si Maerian Garduce ay isa lamang sa mga babaeng naniniwala sa forever, noon. Naniwala siya at hinanap ang ka-forever gamit ang susi na simbolo ng isa...
1.6M 24K 53
All rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny...
41.3M 687K 61
Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng buong school yung status mo. Wait, nasabi...
635K 39.7K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...