The Cold Princess of Ainabrid...

Από paraiso_neo

520K 13.6K 338

(Completed) Book 1 of TCPAA: Most Impressive Ranking #3 Fantasy Genre As she steps into the academy, a wave o... Περισσότερα

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17 (Special Chapter)
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30 - Birthday Special 1
Kabanata 31 - Birthday Special 2
Kabanata 32 - Birthday Special 3
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43 - Christmas in Normsantandia 1
Kabanata 44 - Christmas in Normsantandia 2
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Author's Note
Kabanata 48
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
ANNOUNCEMENT 101
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79 - The Ending
Hi Fellows Readers.
OTHER UPCOMING STORIES
SURPRISE

Kabanata 49

4.1K 133 2
Από paraiso_neo

CRISZETTE

*Bell Ring*

"Okay class dismissed by next week malalaman niyo na ang result ng exam niyo it's either magmomove kayo sa Epic II or hindi." nakangiting sabi niya tsaka lumabas na ng classroom.

Tsk bat next week pa. Pwede namang this Friday diba. Dami alam.

"So let's go Criszette." yaya ni Stacey sakin.

"De mauna ka na may titingnan lang ako sa library." sabi ko sakanya. Agad sumimangot ang gaga sakin.

"At sino naman titingnan mo sa library." mala-investigator na tanong niya.

"Malay mo ikaw diba. Takte wag mo nang alamin baka pagsisihan mo pa." nakangising sabi ko sakanya.

May napapansin kasi akong kakaiba kaya nagkaroon ako ng kutob kung anong ginagawa niya sa library?

"Uy Stacey sabay na tayo madadaan din naman papuntang Dorm niyo yung Guest Dorm." biglang sulpot ni Andrea.

"Tsk sige na nga iintayin kita Zette bago magdinner kailangan mong matikman ang specialty ko na Menudo." nakangising sabi niya habang nagtataas ng kilay.

Galing diba siya lang nakakagawa nan. Only Stacey HAHAHA.

"Oo na! Oo na! Andrea iuwi mo na yan." walang-ganang sagot ko sakanya.

"Teka nasaan ba kasi boyfriend mo at si Zette ang ginugulo mo." nakakunot noong tanong ni Andrea.

"Malay ko dun. Bahala siya sa buhay niya." inis na sabi ni Stacey tsaka nagwalkout at iniwan kaming naguguluhan ni Andrea.

Kaya napailing nalang kami parehas.

"Sige na Criszette susundan ko na ang bruha baka magkalat pa ng kabaliwan sa daan." natatawang sabi ni Andrea.

Napatango nalang ako bilang sagot. Tsaka umalis na siya. At ng ako nalang mag-isa nagsimula na kong maglakad papuntang Library.

Ano nga bang ginagawa mo sa Library?

At bakit halos araw-araw nasa library ka?

Sino yung lagi mong kausap?

At napakasaya niyo pa parehas.

Dahil sa dami ng iniisip di ko namalayang nasa tapat na pala ako ng library.

"Oh Criszette anong ginagawa mo dito." biglang sulpot ni Keiron.

Takte. Mukhang papalpak ang plano ko ngayong mahuli at malaman ang dahilan kung bakit laging nasa library yun.

"Paki mo. Umalis ka nga diyan may iimbestigahan ako dito." badtrip na singhal ko sakanya.

"At bakit ako aalis aber." nang-aasar na inilapit pa ang mukha sakin.

"Kasi sinabi ko. Kung ayaw mong maging yelo ng wala sa oras." nakangising sagot ko sakanya.

Nililingon-lingon ko ang target nandun parin naman siya at mukhang di kami napapansin ni Keiron na nagbabangayan dito.

"Ang hambog mo." iritadong singhal niya sakin.

"Matagal na. Nothing's new with that." nakangising sagot ko sakanya.

"Hambog." mukhang nauubusan na siya ng sasabihin.

"Pwede ba Keiron kung wala ka ng ibang sasabihin. Pwede ka ng umalis maluwag ang daan kasyang-kasya ka." nakangisi at nakacross-arm na pang-aasar ko sakanya.

"A-Y-O-K-O." sabi niya tsaka inirapan ako.

"Edi wag basta wag mong guguluhin ang diskarte ko kundi magiging yelo ka talaga." sabi ko tsaka iniwan na siya at pasimpleng nagtago sa ilalim ng lamesa kung saan tanaw ang target ko.

Sino ba kasi yung babaeng yun?

"Sino ba kasi iniimbestigahan mo dito." biglang sulpot ni Keiron.Kaya nilingon ko siya at inirapan.

"Wag ka ngang maingay diyan baka matodas tayo nito." mahinang bulong ko sakanya.

"Tigilan mo nga ko sa mga lenggwaheng kalye mo." pabulong na singhal niya sakin.

"OO NA KAYA PWEDE BA MANAHIMIK KA NALANG MUNA DIYAN." galit na bulong ko sakanya.

Kaya natahimik naman siya. At mukhang natauhan. Muli kong sinilip ang target ko.

Kasalukuyan silang nagkwekwentuhan ang nagpapacute? Yak kadiri. Wala ba silang ibang gagawin kundi magpacute sa isa't isa.

Ang pangit ng taste ha. Library pa talaga nila naisipang maglandian.

Sinilip ko ang librarian na mukhang walang pakialam.

Ganito ba talaga sa mundong to.

"Sino ba kasi yan. Patingin nga." pangungulit ni Keiron.

"Manahimik ka diyan." galit na bulong na sagot ko sakanya.

Di ko na ulit siya narinig nagsalita. Kaya pinagpatuloy ko ang pagtingin sa dalawang taong iniimbestigahan ko.

Di ko marinig pinag-uusapan nila dahil napakalayo nila sakin. Pareha silang nakangiti habang nag-uusap.

Susuko na sana ako ng maalala ko ang mafi ko na kayang makadinig ng nag-uusap na malayo sakin.

Natuklasan ko ito noong nasa mundo ako ng mga tao pero dahil nga di ko alam ang mga tungkol sa ganun. Di ko yun pinansin noon.

At mukhang magagamit ko siya ngayon.

"Wag kang maingay diyan gagamit ako ng mafi at kumplikado to kaya wag kang gagawa ng kahit anong ingay diyan." banta ko kay Keiron.

Di ko inantay na sumagot siya at mariin na kong pumikit ang nagfocus para marinig ko kung ano mang pinag-uusapan nila.

Maya-maya pa malinaw ko ng naririnig ang pinag-uusapan nila.

"Mage bakit kailangan patago tayo lagi magkita." rinig kong tanong ng babae sakanya.

"Isay ilang beses ko bang ipapaliwanag sayo na di tayo pwedeng makitang magkasama ng mga kaibigan ko." rinig kong sagot nitong gunggong na masasapak ko talaga pagnapatunayan kong nagloloko siya.

"Pero Mage sawang-sawa na ko sa ganto."

"Kung nagsasawa ka na mas lalo na ko Isay. Pero kasi."

Nasa ganun silang sitwasyon ng parehas silang matahimik at narinig ko ang palapit na paa.

Kaya napamulat ako.

Anong ginagawa nito dito?

"Isay hanggang kailan mo ba kukulitin si Kuya." iritadong sambit niya kay Isay. Nakatingin na ko sakanila at nakamulat na ang mata at buti naman kahit di ako nakapikit ay naririnig ko pinag-uusapan nila.

May alam din siya?

"Hanggat di niyo sinasabi sa lahat ang namamagitan sating tatlo." ani Isay.

"Pero Isay madaming kinahaharap ang Academy ayokong sumabay pa tayo."

"Oo nga naman Isay. Kaya hanggat maaari kailangan mo munang magtiis sa ganitong sitwasyon at magfocus ka sa pag-aaral mo may tamang panahon para sa lahat." rinig kong sambit nung tinawag na Kuya nung dumating.

Ano ba talaga tinatago nilang tatlo?

Anong namamagitan?

Magkakaano-ano ba sila?

At bakit kailangan sa gantong lugar pa sila magkita-kita.

At kailan ang tamang panahon.

Eh para pala silang Jenica eh. Panay sabi ng tamang panahon pero kailan nga? Ano bang mangyayari pag nalaman ng iba ang sekreto nila.

Eh dahil nga sa magaling ako eto at minamanmanan ko sila.

Nung isang araw kolang nakita to. Napansin ko kasi na tuwing uwian di ko na siya nakikita. At sa kaswertehan nga namn nakita ko siyang papuntang library kaya sinundan ko.

At simula nun minamanmanan ko na siya. Pero sa loob ng ilang araw na yun ngayon kolang nakita ang pagdating ng isa.

Sino ba talaga ang babaeng yan?

Nasa ganun akong pag-iisip ng biglang..

"Anong ginagawa ng kambal dito? At sino yang kasama nila." gulat akong napalingon kay Keiron na nanlalaki ang mata.

So wala din siyang alam.

"Di mo kilala yung babae?" tanong ko sakanya.

"Hindi eh ngayon ko lang siya nakita." umiiling na sagot niya habang titig na titig sa tatlong ngayon ay nag-uusap pa din. At patuloy ko pa din naririnig ang pinag-uusapan nila.

Binalik ko ang tingin sa kanila ng bigla na silang tumayo.

"Isay bumalik kana sa dorm mo baka may makakita pa satin dito ayoko ng gulo." nag-aalalang sabi ni Jarret habang lumilingon-lingon pa sa paligid.

"Ginagawa niyo naman akong bata nan. Mage at Maze naman eh tsk pag-ako nainip pagsisihan niyo at di niyo pa sinabi sa lahat." banta ni Isay sakanila.

"Isay wag kang mainip dahil darating din tayo diyan." nakataas kilay na sambit ni Jameson sakanya.

Oo tama nabasa niyo.

Ang kambal na si Jameson at Jarret.

"Mage naman ih." pagmamatigas ni Isay sakanila.

"Sumunod kanalang Isay." utos ni Jarret sakanya.

Pero bakit Mage at Maze ang tawag niya sa kambal?

"Keiron pangalan ba talaga nila Jameson at Jarret ang Mage at Maze." pabulong na tanong ko kay Keiron.

"Sa pagkakaalam ko yun ang pangalan nila sa pag nasa kaharian nila sila. Sa Amians ang alam kong tawag sa kanila dun ay Sandiwu Mage at Sandiwu Maze. Kunbaga ang Jameson at Jarret ay ginagamit lang nila dito sa paaralan." pabulong na paliwanag ni Keiron sakin.

Ng di sinasadya natabig ni Keiron yung upuan na nagsisilbing harang samin kaya napatingin yung tatlo.

At dahil pareha kaming nagpanic ay nahuli kami ng tatlo.

"Keiron." gulat na sambit ni Jarret.

"C-criszette." nauutal na may halong kaba na sambit ni Jameson.

"Sino sila?" tanong nung Isay.

Okay mission not accomplished.

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

416K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
92.7K 8.6K 140
Read Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock s...
275K 8.2K 80
Warriors. Yan ang tawag nila sa amin. Kilala ako bilang isang estudyanteng mahina at walang taglay na kapangyarihan na nag-aaral sa paaralan ng mga...
Ponferreda Academy Από Lon

Φαντασίας

297K 6.5K 59
Isang babaeng misteryo ang tunay na katauhan. Malalaman na kaya niya ang gusto niyang malaman? Makakamtan na kaya niya ang gusto niyang makamtan? Paa...