Dare or Consequence

By Dieeeena

234K 5.7K 543

This is a girl to girl story. If you're not comfortable, kindly find another story. Let's find out if Deanna... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
11
12
13
14.5
14.5
15
16
17
18
19
20
21
A/N
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
Not an update
35
36
37
38
40
Epilogue
Book Two

39

4.7K 140 15
By Dieeeena

Jema's POV

"Bakit ka nga pala napapunta dito kagabi?" Tanong ko kay Deanna habang nagsasalamin ako. Naging maayos naman ang simula ng araw ko. Matapos namin mag usap ay lumabas na rin kami para kumain kanina. Naabutan namin sila Mama na nakapaghain na kaya sabay sabay na kami nag almusal. Ngayon nandito kami ni Deanna sa kwarto ko dahil nag aayos na ko papasok sa work habang siya ay uuwi naman daw.





"Sila Papa kasi. Hindi ko nga alam bakit nila ako pinupush na pumunta sayo kagabi. Nakakapanibago nga e. Noon nung umamin ako sakanila halos hindi nila ako kinakausap nun, mailap sila sakin. Pero ngayong tanggap na nila ang kung sino talaga ako, naging open sila sakin, sa atin. Hindi ko alam kung pano nangyari pero sobrang thankful ko dahil doon." Sabi niya habang nakaupo sa kama na nakatingin sakin.




"Jema, may tanong nga pala ako." Sabi niya habang palapit sakin. Nang makalapit siya ay niyakap niya ko sa likuran habang nakaharap pa rin ako sa salamin, backhug. Pinatong niya sa kanang balikat ko ang mukha niya habang nakatingin sa reflection ko sa salamin.





"Ano yun?" Tanong ko ng hawakan ko ang kamay niya na nakayakap sakin.





"Ano na pala ta--" Naputol ang sasabihin niya ng sabay kaming napabaling sa pintuan ng kumakatok si Mama habang tinatawag ako.




"Jema! Nandito si Joseph. Sabay daw kayong papasok sa work." Pagkatapos sabihin ni Mama yun ay narinig naming umalis na siya. Napabaling naman ako kay Deanna ng kinalas niya ang yakap sakin. Nagtwo step backward siya sakin ng mapagmasdan ko siya sa salamin.




"Sino siya?" Tanong ni Deanna. Wala akong mababakas na ngiti sa kanya ngayon. Seryosong nakatingin lang siya sakin. Hinarap ko siya.




"Officemate ko siya. Kapag dumadalaw siya sa lola niya sinasabay na talaga niya ko sa pagpasok. Dyan lang sa kabilang bahay nakatira ang lola niya." Sabi ko. Kinuha ko ang phone ko na nasa table ng tumunog iyon.





'Jema, tara na baka malate pa tayo. Mahirap maabutan ng traffic.' Text galing kay Joseph. Matapos kong mabasa yun ay bumaling na ko kay Deanna para magpaalam. Nakasalubong ko naman ang tingin niya sakin. Pinagmamasdan niya ko. Nilapitan ko siya pero umatras na naman siya. Sa bawat hakbang ko palapit ay umaatras siya.





"Deanna." Pagsuko ko sa paglapit sakanya. Tiningnan ko ang oras sa phone ko. Nauubos ang oras ko baka malate pa ko. Nagulat ako ng mag angat ako ng tingin sakanya ay umiiyak na siya.



Kusang kumilos ang katawan ko at mabilis siyang nilapitan. Hinawakan ko ang balikat niya.




"Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ko sakanya. Malalate na talaga kami.





"Jema! Papasok ka ba? Malalate na kayo ni Joseph." Katok ulit ni Mama pero ang atensyon ko ay na kay Deanna pa rin. Pinupunasan na niya ngayon ang mga luha niya at umiiwas ng tingin sakin.




"Wag mo kong iiwan." Nasusumamong nakatingin sakin si Deanna. Naiiyak na rin ako habang pinagmamasdan siya pero pinipigilan ko.





"Ano ba yang pinagsasasabi mo? Baby, kailangan kong pumasok sa work." Naguguluhang tugon ko sakanya.




"Hindi yun ang ibig kong sabihin! Nagseselos ako dun sa Joseph! Bakit kailangan sabay pa kayong papasok? Sorry Jema. Sorry nagseselos ako." Niyakap ko siya ng umiyak na naman siya.



"Ikaw ang mahal ko. Bakit kailangan magselos dun? Kailangan ko ng pumasok. Puntahan kita sainyo pag out ko. Magtetext ka kapag nakauwi ka na ha." Sabi ko sakanya habang yakap ko pa rin siya. Kumalas na ko sa yakap at pinagmasdan siya.




"Mag iingat ka okay? Mahal na mahal kita." Hinalikan ko siya sa labi niya bago ako lumabas ng kwarto. Nasa labas na daw naghihintay si Joseph sabi ni Mama kaya daredaretso na ko sa labas hanggang sa makita ko si Joseph.





"Antagal mo ha. Late na tayo for sure." Sabi ni Joseph pagpasok ko sa passenger seat niya.




"Last na to ha." Sabi ko habang kinakabit ang seatbelt ko.




"Last na talaga tong malalate tayo!" Sabi niya ng iistart niya ang kotse niya. Bumaling ako sakanya pagkasa ko ng seatbelt ko.





"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Ibig kong sabihin last na tong magsasabay tayo ng pasok at hihintayin mo pa talaga ako. Wag na."





"Bakit? Noon ko pa naman to ginagawa di ba? Tapos napag usapan na natin to before di ba? Na kapag dadalaw ako kila lola ay isasabay na kita?" Sabi niya habang nakatingin pa rin sa kalsada.




"Noon yun. Iba na ngayon. Bawal na. Wag na. Ayokong masimulan to ng away namin ng girlfriend ko." Nakita kong nagulat siya pagkasabi ko nun.





"Wait! Nabingi ata ako. Ano? Girlfriend?" Sabi niya ng itigil niya sa gilid ng kalsada ang kotse niya. Wala ng pag asa! Malalate na talaga kami.






"Bakit mo tinigil pa? Maabutan na talaga tayo ng rush hour." Sabi ko sakanya habang nakatingin sa kalsada.





"Wait lang kasi. Akala ko single ka? Anong girlfriend?" Nababadtrip na ko.





"Taken na ko. May girlfriend ako. Pwede ba paandarin mo na to o di kaya bababa nalang ako dito at magjejeep nalang ako." Sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt ko.





"Akala ko may pag asa ako sayo?" Nakatulalang sabi niya sakin ng mapaangat ang tingin ko sakanya. Pag asa? What? Magkaibigan lang kami, ano pinagsasasabi niya?





"Joseph sorry pero dito nalang ako. Magjejeep nalang ako. Isa pa, kaibigan lang tingin ko sayo hindi ko alam na iba pala iniisip mo."










- - -

"Nak." Itetext ko sana si Deanna ng Napaangat ang tingin ko sa harapan ko ng makita ko si Tito. Napansin kong may hawak siyang bag ng basura.




"Nako wag muna. Madumi ang mga kamay ko." Napatigil ako sa paglapit sakanya para magmano ng sabihin niya yun kasabay ng pagtaas niya sa basurang hawak niya.




"Nasa loob si Deanna. Pumasok ka na." Sabi niya habang inaayos ang mga pagkakalagay ng bag ng basura sa harapan nila. Pumasok na ko sa loob ng bahay nila ng maabutan ko si Tita na nanonood ng tv.






"Nak." Nakangiting bungad sakin ni tita ng mapalingon siya sa gawi ko. Agad naman akong lumapit at nagmano.





"Good Evening tita. Si Deanna po?" Nakangiting tinuro naman niya ng kwarto ni Deanna.




"Nagkukulong nga dyan sa kwarto pag uwi niya kanina. May nangyari bang di maganda? Wait lang. Kumain ka na ba nak?" Sumulyap muna ako sa kwarto ni Deanna bago bumaling kay Tita.




"Hindi pa po. Pero tita puntahan ko muna po si Deanna. Nagselos po kasi kanina kaya siguro ganyan." Nakangiting sagot ko kay tita. Napailing naman si tita sakin.





"Kaya naman pala. O sige puntahan mo na. Pasensyahan mo na siguro natatakot lang yun na mawala ka ulit."





"Naiintindihan ko naman po Tita. Sige po." Paalam ko bago dumaretso sa kwarto ni Deanna.





"Deanna." Tawag ko habang kumakatok sa kwarto niya. Pagbukas ng pintuan niya ay hinila niya agad ako papasok.

- - -

Deanna's POV

Nang nalaman kong may taong nagsasabay kay Jema sa pagpasok knowing na lalaki pa talaga ay hindi ko naiwasang makaramdam ng takot at the same time ng selos.


Ang tagal naming di nagkita pano kung napalapit na pala ang loob niya dun sa guy na yun?



Ganito pala yung pakiramdam na takot kang mawala siya ulit. Maiiyak ka nalang sa thought na baka marealize niya biglang wala na pala, hindi ka na pala niya mahal. Ayoko. Ayokong mawala ulit siya. Natatakot ako. Natatakot ako ngayong hindi ko pa alam kung ano ba talaga kami. Kami na ba?




Ginawa na namin yun. Nagkiss na kami. Nag i love you na rin. Kami na di ba? Kailangan naming mapag usapan to.


Ang kay Deanna ay kay Deanna. Walang Joseph o kahit sino man ang pwedeng kumuha.


Si Deanna ay para kay Jema.
Si Jema ay para kay Deanna.
Bawal epal!


Nakakasira ng araw yung Joseph na yun!









Jema's POV

Yakap niya ang sumalubong sakin. Bakit ang sweet mo wong?







"Namiss kita." Matagal na kong hulog sa taong to pero mas lalo ata akong nahuhulog sakanya ngayon.





"Bakit ang clingy wong?" Natatawang sabi ko sakanya pagkalas namin sa yakap.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 45.1K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
227K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
1.2K 275 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
18.8K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...