Territorial Men 4: Dwaye Mend...

By missgrainne

10.7M 278K 146K

Stuck in the past and the mystery behind it, Dwaye Mendez try to live his life again as normal as he used bef... More

Synopsis
Prologue
1 ~ Secrets
2 ~ Voice
3 ~ Phone call
4 ~ Trouble
5 ~ DNA
6 ~ Baby
7 ~ Stay
8 ~ Contented
9 ~ Hate
10 ~ Drugged
11 ~ SPG 1/2
12 ~ Baby (SPG 2/2)
13 ~ Possessive + Territorial
14 ~ Lips
15 ~ Hurt
16 ~ Feelings (SPG)
17 ~ Tears
18 ~ Yes
19 ~ Eyes
20 ~ Surprise (SPG 1/2)
21 ~ Wine (SPG 2/2)
22 ~ Pregnant
23 ~ Heart (SPG)
24 ~ Past 1/3
25 ~ Past 2/3
26 ~ Past 3/3
27 ~ Love
28 ~ Married (SPG)
29 ~ His Life
30 ~ You & Me

Epilogue

452K 12K 6.6K
By missgrainne

Muli, lubos po ang aking pasasalamat sa inyong lahat na patuloy na sumusuporta sa Territorial Men Series.

Masaya ko rin pong ipinapaalam sa inyo na lalabas na sa NBS ang Series 1 & 2 under LIB Bare. Abangan niyo na lang po ang ilan pang announcement tungkol sa book version ng Series na ito.

Thanks to ate Jessielyn 'Jess' Tibos for letting me use your name as my heroin here. 😚

Territorial Men Series 5: Zyron Fuentes
Posted na po dito sa Wattpad. See you there. 😉

This is the final/last update for this story. Mamimiss ko si Jess, Dwaye and especially our baby Atasha Daye. Cute cute ng bata na 'to. Ang sarap i-uwi.

EPILOGUE

NAPAPANGUSO nalang si Jess habang pinapanood si Dwaye na panay ang kuha ng litrato sa kanya.

Anim na buwan na ang tiyan niya at malaki na rin 'yon kaya naman mas nararamdaman niyang natutupad na ang pangarap at pantasya ni Dwaye na makita siyang malaki ang tiyan.

"You're so beautiful. God." He lovingly said.

Sa teresa ng beach house nila ay tanaw ang hindi kalayuan na malawak karagatan. It's really a perfect view and a perfect place to settle down with the person you love.

Sa tabi niya ay naupo ang asawa. Ang puting mahabang rattan na inuupuan ay napapalibutan ng kulay asul na mga throw pillow. Sa sahig na nalalatagan ng kulay asul na carpet ay si Atasha na kuntentong naglalaro mag isa.

"Talaga? Hindi ba ako mukhang haggard?"

Sa paningin niya ay ang pangit niya, pero hindi sa paningin ng asawa. Araw-araw siya nitong pinupuri. Gandang-ganda sa kanya.

"Hindi. Lalo ka ngang gumanda ngayon." Anito sabay haplos sa ibabaw ng malaki niyang tiyan.

Binaba niya ang tingin sa kamay ni Dwaye. Nadepina ang ugat sa ibabaw niyon dahil sa pagkakapatong ng palad nito sa puting bestidang suot niya. The ring on his finger is showing proudly.

"Hindi mo ako ipagpapalit sa maliliit na tiyan?" Tudyo niya na ikinatawa nito.

"Never. I will stick with my wife. Hindi ko kailangan ng maliit na tiyan, kung hindi mo naman tiyan 'yon. Dito nalang ako sa tiyan na malaki..." hinimas-himas nito ang ibabaw. "...anak ko naman ang laman nito. Hindi ko 'to ipagpapalit." Sabay halik do'n.

Jess heart melted. She can feel the contentment being with Dwaye and Atasha. Ito na yata ang buhay na wala na siyang hihilingin pa, ang klase ng buhay na nababasa lang noon sa mga librong tungkol sa pag-ibig, nangyayari na sa kanya ngayon.

Umihip ang panghapon na hangin kasabay ng paghuni ng mga ibon sa paligid. Nasasanay na ang tenga niya sa mga tunog na 'yon, sabayan pa ng mararahan na hampas ng alon di kalayuan.

"Mama, baby pa ako? Atasha Daye?" Biglang tanong ng anak kaya napababa siya ng tingin dito.

Napapalibutan din ito ng asul na throw pillow at pareho silang nakaputing summer dress.

"Oo naman, anak. Baby ka pa."

"Ate, Atasha Daye, sabi daddy." Lito sila nitong tinitignan.

"Magiging ate ka rin kapag lumabas na si baby." Paliwanag niya. "Come here."

Inilahad niya ang kamay kay Daye na kaagad namang inabot at tumayo, kay Dwaye nga lang kumandong dahil malaki ang tiyan niya.

"Your baby brother will call you 'Ate Daye' what do you prefer?" Si Dwaye.

"Ate baby, po."

Lumabas ang masayang tawa sa kanya pati na rin kay Dwaye. She pinched the tip of her daughter's nose lightly.

"Ang cute cute talaga ng baby na 'yan."

"Kapag ate, hindi na baby?" Patuloy sa kyuryosong tanong ang anak.

Nagkatinginan sila ni Dwaye. Sometimes they feel like Atasha is not yet ready to be an ate or to have a sibling. Sinigurado naman nila ni Dwaye na hindi sila nagkukulang sa pagmamahal at pag aalaga sa panganay na anak. Pero sadya yatang matanong lang si Atasha.

"Baby parin." Si Dwaye. "Ikaw at ang kapatid mo ang Baby namin ni Mama. Okay?"

"Baby pa rin Atasha Daye? Kahit may ibang baby?"

"Yes." Sabay silang sumagot ng asawa.

Parehong tila nararamdaman ang gustong mangyari ng panganay nila. Na gusto nito ay baby parin nila ito kahit may mas baby pa.

"Magmimilk pa rin ako kahit... kahit may baby na? Pwede?"

Jess smile warmly at her Atasha and caress her hair. Ang agam-agam sa mata ng anak ay hindi maitago.

"Oo anak ko, magmimilk ka pa rin kahit hanggang kailan mo gusto. Baby ka pa kaya kailangan magmimilk ka palagi."

Agresibo itong tumango-tango. Baka iniisip ay ihihinto nila ang pagdede nito, hindi naman.

"Hindi na mi-milk Kuya Blake, Mama. School na siya."

"Yes, hindi na sa bottled milk si Kuya Blake. Sa baso na siya umiinom ng gatas."

"Pag school na Atasha Daye..." lumikot ang mga mata nito, may pag usli pa ng labi.

"Hmm?"

"Gusto Atasha Daye milk... kahit school na, Mama."

"Pwede naman anak. Magdadala tayo ng milk mo sa school. Bottled milk."

Daye's eyes spark in excitement. Naudlot ang pag-aaral nito sa Maynila kaya dito nalang ipagpapatuloy, sa eskwelahan na pinapasukan ng pinsan nitong si Blake.

"Pero sa Lunes, si Daddy muna ang maghahatid sayo sa school, ha?"

"Opo." Mabait itong tumango tapos tiningala si Dwaye na malamlam ang mga matang pinapanood silang mag ina. "Wait fo-y me, daddy, okay?"

"Gusto mo do'n lang ako?"

"Opo, e."

Dwaye lips protruded a bit. Nang lumingon sa kanya ay napakibit balikat.

"Okay, daddy will wait for you until you finish."

"Ayos lang 'yan. Dalawang oras lang naman." Aniya sa asawa.

"Yeah, I will stay there. And you stay here, okay? Ayokong nagpapagod ka." Umatake na naman ang pagiging over protective sa kanya.

"Hindi naman. Dito lang kami ni baby sa bahay o kaya kina Alexza, habang naghihintay sa inyo ni Daye."

"Yes, that's much better."

Malambing na inihilig niya ang ulo sa balikat ng asawa. Naramdaman niya ang paghalik nito sa ibabaw ng ulo niya. Dwaye and his sweet gesture, hulug na hulog na talaga siya dito. Mabuti nalang ay palagi lang din itong nandyan para saluhin siya.

"MAGPAKASAL ulit tayo pag lumabas na si baby."

Ilang beses na siyang inaya ni Dwaye na maikasal ulit sila. At heto ay nag aaya na naman. Linggo ng umaga sa tabing dagat.

"Hindi naman ako humihiling ng bonggang kasal, ha. Okay na sakin ang kasal natin sa Bayan."

Sa likod niya ito nakapwesto, kapwa nakaupo sa buhanginan na sinapinan lang nila. Pinapanood nila si Atasha na magsawa kakalaro sa buhanginan, sa dalampasigan. May iilan din na turista do'n.

Dwaye wrap his hands more around her. Simula ng malaman nilang buntis siya ay naging favorite place na ng kamay nito ang tiyan niya.

"You deserve more than that kind of wedding. A wedding beach, how's that?"

Kung siya talaga ang tatanungin ay ayos na sa kanya na kasal sila ni Dwaye, pero mapilit talaga ito, minsan ay nahihirapan din siyang tanggihan lalo at tempting ang mga offer nitong klase ng kasal.

A beach wedding is one of the women's dream wedding. Hindi niya na dapat tinatanggihan pa 'yon.

"Gastos lang kasi." Nasabi niya rin sa wakas.

"Yan lang ba ang pumipigil sayo?"

Ngumuso lang siya.

"I am financially stable. I can easily provide a best wedding for my wife. Ang oo mo lang naman ang hinihintay ko para masimulan na ang pagpaplano ng kasal na gusto mo, na pangarap mo."

Sumandal siya sa dibdib ng asawa. She could almost feel his heart beat behind. He's kissing and sniffing her hair while caressing her stomach.

"Sige, magpakasal uli tayo. Pag nakapanganak na ako."

"Yes!" His happy tone made her chuckle. "Atasha, baby, halika." Tawag nito sa anak nila na kaagad naman silang nilingon, hinahangin hangin ang magulong buhok. "Daddy has something to tell you."

Gustong umikot ng mga mata ni Jess nang makita ang excitement sa mukha ng anak at mabilis na lumapit sa kanila.

"Suy-pays ulit, daddy?" Si Atasha, ngiting-ngiti.

Hindi nito mahawi ang buhok dahil may mga buhangin ang kamay, kaya siya ang naghawi niyon at inipit sa tenga nito.

"Hmm, Mama and I will get married again. And you will be our flower girl."

Tumalon-talon si Atasha sa tuwa habang pumapalakpak pa. Natatawa siya sa reaksyon ng anak. Nakalimutan niyang gustung-gusto pala nitong maging flower girl sa kasal nila.

"Gusto ko po daddy! Gusto Atasha Daye flowe-y ge-yl!"

"Yup! You will, anak."

"Yes! Yes!" Patuloy sa selebrasyon ang anak nila sa harap nila.

"Thank you for letting me to marry you again." Dwaye whispered. "Hindi rin naman ako magsasawang pakasalan ka ng paulit-ulit at angkinin nang angkinin bilang akin."

Bahagya niya itong nilingon.

"Hindi rin ako magsasawang magpaankin sayo, Dwaye, kahit paulit-ulit pa." Pinatakan niya ito ng halik sa labi sabay ngisi.

"Ganon ba. Hmm, baka pwedeng paisa mamaya."

Uminit ang pisngi niya sabay tampal sa braso nito. Napaka agresibo talaga sa sex. Nahahawa na nga siya lalo at buntis pa siya.

"Pag tulog na si Daye mamaya." She said while laughing softly. "P-Pwede."

"Aasahan ko 'yan. Miss na kita."

Mga salita talaga. Akala naman ay hindi sila palaging nagtatalik, samantalang katatapos lang nila kaninang madaling araw.

DWAYE WAS staring at his wife while sleeping. Bihis na ito, napagod kaagad sa dalawang round nila kaya nakatulog.

His eyes went down to Jess' big stomach. His lips form a genuine smile. He was fantasizing this view ever since and now it's happening. Jess fulfilled his fantasy seeing her big stomach by giving another baby to him and it really matter to him.

"I love you." He whispered and kiss her forehead.

Kinabukasan ay nauna siyang nagising para maipagluto ng almusal ang mag ina niya.

"Mo-y-ning daddy ko!" Atasha greeted him.

He looks at his little girl and saw her wearing a maroon cute school uniform. Sa likod ay nakasunod si Jess na dala ang bag ng anak.

"Good morning, anak." Hinalikan niya ito sa ulo. "Morning, wife." Bati niya kay Jess sabay halik sa labi nito.

"Sarap niyan ha." Sinilip pa nito ang niluluto niya.

"For you." Kinindatan niya ang asawa bago ipinagpatuloy ang paghahain sa Reyna at Prinsesa ng buhay niya.

"Pwede ba mag may boy-fend Atasha Daye?"

Mabilis na nilingon niya ang anak na prente ng nakaupo. Wala pa man ay magkasalubong na ang kilay niya at napansin 'yon ni Jess.

"Bata pa ang anak natin, Dwaye. Iba 'yang iniisip mo."

"No, you can only play with Blake. Hindi sa ibang kaklase mong lalaki. No boyfriend, Daye." Aniya kaya napansighap ang asawa, iiling-iling.

"Peyo gusto Atasha Daye boy-fend, daddy." Inosente naman ang pagkakasabi ng anak pero hindi niya pa rin gusto ang sinasabi nito.

"We should transfer you to all girls school." He said.

"Dwaye." Protesta ni Jess.

"I want boys!" Atasha's cute lips is in grim line.

Napahilot si Dwaye sa sintido. Ngayon palang ay nakikita niya na ang sarili kapag nagdalaga na ang Atasha Daye niya tapos ay liligawan ng mga lalaki! Hindi siya makakapayag!

"You can play with your classmates, anak. Boys or girls, it's okay." Jess encourage their daughter who was obviously not in the mood. Magkasalubong ang mg kilay. "Basta, wag lang makikipag-away. Okay?"

"Opo, Mama." Mabait na sagot nito, "Peyo, magpiplay kami ng my boy-fend ko, okay?"

"Okay lang din. Kung sino man 'yang bago mong boyfriend."

"Pipili pa Atasha Daye ng boy-fend ko, Mama, mamaya sa school."

"Haha. Sige anak ko. Pakilala mo ako, ha."

Hindi na maipinta ang mukha niya sa pinag-uusapan ng dalawa at halata naman na tuwang-tuwa ang asawa sa itsura niya.

"Opo, Mama."

Pagkatapos nilang mag almusal ay ipinamaneho niya na ang anak papunta sa eskwelahan. Tahimik lang ito at siya ay gano'n din.

"Daddy, hindi mo ako bati?" Basag ni Daye sa katahimikan nilang mag ama.

Sinulyapan niya ito sa rear view mirror. She's comfortably seating at the back seat.

"Why did you say that?"

"Hindi mo kasi papansin at kakausap Atasha Daye, po."

Muli niya itong sinulyapan at napansin niya ang pagsimangot at pagkibot ng cute na labi. Sa itsura palang ng anak, kaagad siyang nahabag. Napabuntong hininga si Dwaye.

"Bati ka ni Daddy. Huwag kang iiyak, hindi naman ako galit."

Atasha was struggling to not to cry. Mas lalo siyang nahihirapan tuloy.

"Ikaw lang ang my boy-fend ko, daddy." Tuluyan na itong humikbi. Nayari na!

"Alam ko, anak."

Napilitan siyang igilid sa kalsada ang sasakyan para maharap ito ng maayos. Kinalas niya ang seatbelt niya at kinuha ito papunta sa front passenger seat. He gently wipe his daughter's tears using his thumb.

"I'm sorry. It's my fault, not yours." Alo niya, na totoo naman din. Sobra siya maka react sa boyfriend boyfriend na sinasabi ng anak. "Alam ko, hindi mo pa ako maiintindihan talaga. Pero hayaan mo, hindi na kita pipigilan na makipagkaibigan sa mga boys."

Inosente itong kumurap-kurap, kung nagpapaawa sa kanya o ano ay hindi niya alam. Madali lang talaga siyang mapaamo ng anak. Kurap palang ng mga mata ni Atasha ay tupi na siya.

"May hihilingin lang ako sayo."

"Ano po?"

"You will tell to daddy everything, no secrets. Okay?"

"Opo." Mabait at masunurin itong tumango. "Pwede na mag boy-fend Atasha Daye, daddy?"

Napanguso siya tapos ay tumango.

"Gusto ko ganitong my boy-fend, po." Tapos ay hirap na itinaas ang apat na daliri. "Pipili Atasha Daye, dito." Sabay turu-turo sa daliring apat.

"Okay if that's my baby's want." He shrug his shoulder.

"But, my daddy will always be the best boy-fend." Sabay yakap sa leeg niya. "I love you. I love you. I love you."

"Ah-ah." Natawa siya sa paglalambing na 'yon. "I love you, too, anak."

ANG MAHIGPIT na kapit ni Jess sa mga kamay niya at ang tagaktak na pawis sa noo nito ay para bang parusa kay Dwaye, isabay pa ang bawat pag-iri nito at paghihirap sa magandang mukha para lang mailabas ang pangalawang anghel nila.

"Aahh!" Isang pag-iri pa ginawa ng asawa bago ito tuluyang nanghina, napapikit ngunit gumuhit ang ngiti sa labi nang marinig ang iyak ng sanggol na hawak na ng nurse.

"Congrats, Mrs. and Mr. Mendez, it's a healthy baby boy." The doctor said with a smile.

Pagtingin kay Jess ay nakapikit na ito at mahina na rin ang kapit sa kamay niya. Kaagad siyang nag-alala.

"That's normal Mr. Mendez. Pagpahingahin mo lang si misis. Babalik din ang lakas niya."

"Salamat, dok."

Ilang sandali pa ay ibinigay na sa kanya ang baby at dinala na si Jess sa private room nito pagkatapos matahi.

Naupo siya sa tabi ng asawa habang karga ang anak. Sa sobrang lambot ay nakakatuwang isipin na swak na swak ang baby boy niya sa matigas niyang dibdib at braso.

Nakita niya ang paghihirap ni Jess habang inilalabas ang anak at para bang ayaw niya ng maranasan ulit 'yon ng asawa.

"Hi," ang mahinang boses ang pumukaw sa kanya sa paninitig sa anak. "How's our baby?"

Dinampian niya ng halik sa noo si Jess, she looks still weak.

"He's okay. Kumusta ka? Kumain ka na muna para may lakas ka."

Maingat na inilapag niya ang anak sa tabi ni Jess. She automatically moved her weak arm to caress their baby's face gently.

Inayos niya ang pagkain sa mini kitchen bago bumalik sa kama. Inalalayan niya itong makaupo para makakakain na.

"Damihan mo ang kain." Aniya tapos ay sinubuan ito. "Para mabilis ang recovery mo. Tutulungan kita sa pag aalaga kay baby. I'm sorry if I wasn't with you when you gave birth to Atasha."

Hindi niya napapansin ang patuloy na pagsasalita. Pumasok ang lahat ng mga pangyayari sa utak niya kanina lang, mga pangyayari at pagsubok na pinagdaan ni Jess noon at wala siya. Nakaramdam siya ng pagsisisi sa dibdib.

"Kalimutan mo na 'yon." Marahan na sabi nito. "Alam ko naman din na kung maayos tayo noon, hindi mo ako hahayaan mag isa habang ipinagbubuntis ang panganay natin."

He sighed. Oo nga't hindi na maibabalik ang nakaraan, ngayon ay babawi siya... patuloy na babawi sa lahat ng pagkukulang.

"Yes, kakalimutan ko na." Nginitian niya ito. "Salamat sa muling pagbubuwis ng buhay para sa anak natin, para sa kasiyahan ko. You made me happy for giving me another child."

"Your happiness is my happiness, Dwaye."

His heart skip a beat while listening to his wife and at the same time staring at her beautiful face.

"Asahan mo na mas magiging mabuti at responsable pa akong asawa sayo at ama sa mga anak natin, Jess. Mahal kita."

Isang dampi ng halik sa labi ng asawa ay alam niya nang wala na nga talaga siyang kawala. Tuluyan na nga talaga siyang nabihag ni Jessielyn.

"Mahal din kita, Dwaye, at patuloy na mamahalin pa."

Lumamlam ang kanyang mga mata. Hindi niya lubos maisip na totoo pala talagang may mahika ang tunay na pagmamahal.

There's a magic in every love story and his, is the magic that he would not want to miss.

"Mama! Daddy! Daddy ko!" Si Atasha na patakbong pumunta sa kama.

Maagap niya itong dinala sa kandungan niya. Lalo itong naging agresibo nang maka face to face ang kapatid.

"Hi baby brother! Ako si Ate Baby, okay?" Itinuro pa nito ang sarili. "Ako, Atasha Daye. School na ako, po."

Sabay silang natawa ni Jess sa pagpapakilala ni Daye na may 'po' pa talagang kasama palagi.

"Love you, Atasha ko." Malambing na sabi ni Jess sabay abot sa pisngi ng anak.

"I love you very much! Mama!" At nag flying kiss sa kaharap na si Jess.

"Paano si daddy?" Kunyari ay nagtatampo siya.

Nag angat ng tingin ang anak sa kanya na nasa kandungan niya.

"Love ka Atasha Daye, daddy. Di ba?"

A smile crept his lips. "Yes and Daddy loves you too."

Dwaye glanced at his wife and mouthed.

"I love you with all of me."

It made her blushed. He laugh softly at her reaction.

"I love you with all my heart." She mouthed back, then giggled. She stared lovingly at her. "Uh, nakakapanghina 'yang mga titig mo, ha." Naisatinig nito, may kasama pang kaunting irap.

"Ikaw lang ang nag iisang babae na ganito titigan ng mga mata ko. Deal with it, wife." Pilyo niya itong kinindatan. "My love for you is enough to make me go crazy if I won't get the chance to stare at you every time I want. Kaya, pasensya ka na sa mga titig ko. Mahal na mahal talaga kita na titigan lang kita ay sapat na sa akin para manatili sa tabi mo... habang buhay."

He moved a little bit closer until their lips are just inches away. Their eyes met, he caress her soft cheek lovingly.

"Staring at you is like staring at my future." He whispered and claim his wife's lips to seal his future with her.


A/N: Feel free to leave a short comment/feedback about this story. Thank you. ❤️

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 156K 44
When secret agent McLaren Lane starts dreaming about a little girl, buried memories from his past resurface--a past shockingly intertwined with Celin...
3.6M 92.3K 22
Amber's life was close to perfection that everybody was dreaming of. When she met the young businessman Clarkson and fell in love with him, she felt...
5.4M 112K 21
With her alluring beauty and a sultry body, men could easily fall for Mandy. The only man that seemed uninterested with her was the Honorable Senator...
6.6M 166K 40
WARNING: SPG | R-18 | Mature Content | TEASER: One word to describe the famous actress Saleen Stewart- Goddess. One smile from her then you'd find yo...