Dare or Consequence

By Dieeeena

234K 5.7K 543

This is a girl to girl story. If you're not comfortable, kindly find another story. Let's find out if Deanna... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
11
12
13
14.5
14.5
15
16
17
18
19
20
21
A/N
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
Not an update
35
36
38
39
40
Epilogue
Book Two

37

4.5K 142 21
By Dieeeena

Jema's POV

"Ginabi ka na naman nak." Bungad sakin ni Mama pagpasok ko ng bahay.



"Daming work Ma. Mas lalong dumami ngayon." Sabi ko pagkaupo ko sa sofa. Binaba ko sa gilid ko ang mga gamit ko. Sumandal ako sa sofa at pumikit. Nakakapagod.






"Ganyan talaga kapag promoted. Dumadami rin ang work load." Naramdaman kong tumabi sakin si Mama. Promoted. Last Month ng napromote ako ulit sa work. Last Year ng unang beses akong napromote siguro dahil dun ko binuhos lahat ng atensyon ko. Every weekend nalang ako nakakahinga dahil laging loaded sa work. Minsan kahit sabado ay bumabalik pa ko sa office para matapos ang mga naiiwan kong paper work.




"Kahit nakakapagod Ma. Kinakaya ko naman." Sabi ko pagbaling ko sakanya. Kinakaya ko dahil alam kong andyan sila nakasupport sakin. Even Deanna's parents nakasupport sakin. My relationship with her parents is perfectly fine.


Noong umamin sakanila si Deanna ay pumunta sila dito sa bahay na ikinagulat ko. Inamin nila na nahihirapan silang maintindihan si Deanna. Na hindi sila okay. Tinanong nila ako about sa naging relation namin ni Deanna. Inamin ko sakanila. Marami silang tanong. Habang nag uusap kami ay nasa tabi ko ang parents ko. Tinanong nila ako kung bakit kami nagbreak. Inamin ko na napagod na naman ako at nasaktan sa set up namin na lagi akong tinatago at laging may space samin tuwing magkasama sa labas. Nawalan rin kami ng oras sa isa't isa. May iba kaming priority at para mas makapagfocus kami dun was better kung magbreak kami. Kahit sa parents ko ay may mga tanong sila na pano daw nila nahandle o natanggap ang relation namin ni Deanna noon. Sobrang tumatak sakin ang sagot ni papa. 'Kung saan ko nakikitang masaya ang anak ko, dun ako. Jema's happiness is my priority and it was Deanna. And I guess it is still Deanna.'


After ng pag uusap na yun ay madalas silang pumunta dito. Nabanggit nila na wala daw alam dun si Deanna. Madalas kong nakakausap si Tita Judith, mama ni Deanna. Madalas niyang kinukwento sakin si Deanna kaya kahit hindi kami nagkikita ay may alam ako sa nangyayari sakanya. Minsan naman ay nasilip silip ako sa labas ng bahay nila para makita siya na ginawa ko na noong may Samuel pa sa buhay niya. Minsan ay nahuhuli ako ng magulang niya kaya kapag natutulog na si Deanna ay pinapapasok nila ako at dun mismo sa kwarto ako ni Deanna nag iistay. Sinabi ko sakanila na kapag handa na ulit si Deanna harapin ako dun palang ulit ako magpapakita sakanya. Ayoko ulit siya biglain at pilitin.





"Wag kang masyadong magpabugbog sa work mo ha. Pumunta ka na sa kwarto mo at mag ayos. Paghahanda na kita ng hapunan mo." Sabi ni mama bago nagtungo sa kusina. Nagtungo na rin ako sa kwarto ko. Pagkatapos kong mag ayos ay dumaretso na ko sa dining table nandun si Mama nakaupo na.




"Ma kumain na ba kayo ni Papa?" Tanong ko pagkaupo ko dahil ako lang ang may plato na nakahanda.



"Kumain na kami. Nagpapahinga na ang Papa mo. Kumain ka na ng makapagpahinga ka na rin." Nagsimula na kong kumain pero hindi ko maiwasang mailang sa tingin na binubukol sakin ni Mama habang nakain ako.




"Ma matulog ka na po. Ako na mag aayos dito pagtapos ko." Baling ko sakanya pagkatapos kong lumunok. Pero nakatingin lang si Mama sakin. Hindi siya tumayo.


"Ma, may problema ba?" Itinigil ko muna ang pagkain ko at tinuon ang atensyon kay Mama.



"Namimiss ka na namin ng Papa mo. Puro work ang nasa schedule mo. Lagi ka nalang stress. Malimit ka na naming makitang nakangiti o tumawa. Lagi ka nalang late umuuwi. Nihindi namin alam kung naaalagaan mo pa ba ang sarili mo." Nilapitan ko si Mama at niyakap. Kita ko at ramdam ko ang pag aalala niya.



"Ma, okay lang ako. Next week Christmas break namin. Magkakaroon na ko ng mas maraming time sainyo." Napabaling ang tingin namin sa labas ng may nagdoorbell. Seriously? 9pm na ata e. Dahil 8pm na ko nakauwi kanina.




"Ako na ang titingin sa labas. Ipagpatuloy mo na ang pagkain mo." Sabi ni Mama bago tumayo kaya bumalik na ko sa pagkain ko.




Pagkatapos kong kumain ay hindi pa rin bumabalik si Mama sa loob kaya pagkatapos ko mag ayos ay sumilip na rin ako sa gate.





"Ma, sino yan?" Tanong ko kay Mama ng palapit na ko. Nabaling naman ang tingin niya sakin at sumulyap ulit sa kausap niya kanina.


"Pasensya na nakalimutan ko ng papasukin ka. Tara na sa loob." Baling ni Mama sa kausap niya. Tumabi siya sa gate kaya nagkaroon ng way ang bisita para pumasok sa loob.





"Deanna" Hindi sinasadyang pagkakasabi ko. Nahihiyang ngumiti naman siya sakin sabay hi. Nauna ng pumasok si Mama sa loob habang nakasunod sakanya si Deanna. Naiwan akong mag isa dito sa gate.





"Nak, pakisaraduhan na ng pinto natin. Pakilock na at pumasok ka na rin dito." Sabi ni Mama habang nakadungaw sa sala namin. Pagkasabi niya ay umalis na siya kaya sinunod ko nalang ang utos niya. Ilock? So dito matutulog si Wong? Napapailing na nilock ko na ang pintuan.



Bakit walang sinabi sakin sila Tito about dito? Ano to biglaan? Pero mukhang hindi dahil nakabag pa talaga siya pagpunta dito malamang mga damit niya yun na hinanda. Bakit walang nagsabi sakin?





Pagpasok ko ay nagkwekwentuhan na sila nila Papa. Akala ko ba nagpapahinga na si Papa? Pinagmasdan ko sila dito sa pintuan hanggang sa mapadako sakin ang tingin ni Wong.





"Pasensya na sa istorbo Jema. Kasi ano. hmmm. ano kasi." Nakatingin lang ako sakanya habang hinihintay ay sasabihin niya habang sila papa ay nakatingin lang samin ni Wong.





"Ano e." Pinagmamasdan ko pa rin siya. Napayuko naman siya ng hindi niya masabi ang sasabihin niya sakin.




"Kasi ano?" Sabi ko ng hindi na siya nagsalita at pinaglalaruan na ang mga daliri niya.






"Dito daw ako makitulog." Mahinang sabi niya pero sapat lang para marinig ko. At sigurado akong kahit sila Papa ay narinig rin yun. Pero mukha namang may alam dito ang parents ko. Nice.





"Ano? Hindi ko naintindihan. Tsaka pwede ba sakin ka humarap." Nandito pa rin ako sa bungad ng pintuan namin sa loob ng bahay. Nakaharap naman siya sakin sadyang nakayuko lang.







"Hmm ano, uuwi na ko sabi ko." Sabi niya pag angat niya ng tingin sakin pero agad ring umiwas. Natatawa namang pinagmamasdan kami nila Papa.





"Maiwan na namin kayo dito ha. Inaantok pa kasi ako. At ang asawa ko naman ay pagod na rin at antok. Kids, pakipatay nalang ang mga ilaw at pakilock ang mga pintuan. Goodnight." Napabaling ang tingin namin kay Papa ng sabihin niya yun. Agad naman silang umalis ni Mama at dumaretso na sa kwarto nila. Now, kami nalang ni wong ang nandito sa sala. Nako Wong. Dalawa lang ang kwarto dito sa amin. Isa kila Mama at Papa, at ang isa ay sakin.



"Ako naman uuwi na." Nakatayong sabi ni Wong. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Agad naman napatingin si Wong sa labas.





"Uuwi na ko." Ulit pa niya habang palapit sa pwesto ko dahil nakaharang ako sa pintuan namin.




"Sinong may sabing uuwi ka?" Tanong ko sakanya habang kaharap ko na siya.




"Ako? Jema uuwi na ko. Pagod ako." Sabi niya habang nakatingin sakin pero agad ring yumuko at nilalaro na naman niya ang mga daliri niya.




"Wong." Agad naman napaangat ang tingin niya sakin.



"Dun ka pumunta. Ilapag mo nalang yung gamit mo sa sofa dun. Mag ayos ka na rin at pagod rin ako." Tinuro ko ang kwarto ko sakanya as if namang di niya alam. Tumalikod na ko sakanya at nilock na ang pintuan ng bahay. Pagharap ko sakanya ay nakatayo pa rin siya sa harapan ko at nakatingin lang sakin.




Nagtungo ako sa pintuan ng kwarto ko. Nakita kong nakatingin pa rin siya sakin.



"Pasok." Utos ko sakanya pagbukas ko ng pintuan ko. Nag aalangan na humakbang naman siya patungo sakin. Nang masigurado kong pumasok na siya ay pumunta na ko sa dining area para patayin ang ilaw tsaka sa sala rin.





Pagpasok ko sa kwarto ko ay nakaupo si wong sa sofa habang nasa gilid niya ang bag niya.




"San ako matutulog?" Nakatingin na tanong sakin ni wong. Umupo ako sa kama ko.




"San mo ba gusto?" Harap ko sakanya. Yumuko naman siya.



"Sa bahay namin." Sabi niya.



"E bakit ka pumunta dito ng ganitong ka-late kung sa inyo mo pala gustong matulog?" Nakakunoo't noong tanong ko sakanya pero hindi siya tumingin sakin. Nakayuko pa rin siya.





"Gusto kitang makita." Mahinang bulong niya halatang nasa isip niya lang yun pero di niya namalayang nasabi niya na saktong narinig ko naman habang pinaglalaruan na naman ang mga daliri niya at pansin kong pinapalobo na rin niya ng slight ang mga pisngi niya. Cute side of Deanna Wong.



Sa wakas humarap na rin siya sakin.



"Uuwi na ko." Sabi niya ng tumayo siya habang nakatingin sakin. Tumayo rin ako at lumapit sakanya. Naramdaman kong ikinabigla niya ang pagyakap ko sakanya.






"Nakauwi ka na." Mahinang sabi ko sakanya sapat lang para marinig niya.




"Inaantok na ko." Sabi ni Deanna pagkalas namin sa yakap. Kinukusot na niya ang mga mata niya. Deanna, bakit ang cute mo?



"Higa na tayo. May pasok pa ko bukas." Hila ko sakanya sa kama. Wala naman akong naramdamang pagtutol sakanya. Siguro dala na talaga ng antok at pagod kaya wala na siyang energy makipagtalo pa.




Pinagmasdan ko siyang humiga dahil mas nauna pa siyang humilata sakin. Nakapikit na siya agad. Sumampa na rin ako sa kama. Nakatingin ako ngayon sa ceiling nakikiramdam ako kay Deanna pero pakiramdam ko tulog na talaga siya. Humarap ako sa side niya. Wawa naman ang wong ko, mukhang pagod na pagod talaga.



Lumapit ako sakanya. Hinalikan ko ang noo niya. Ang pisngi niya na nasa side ko, kaliwang pisngi niya. Ang tungkil ng ilong niya. Tinitigan ko siya. Hindi ko maiwasang mapadako ang tingin ko sa labi niya. Nakaawang ng konti ang labi niya. Parang ang sarap halikan habang natutulog siya. Jema anuba! Self control! Tulog yan Jema! Humiga na ulit ako ng ayos habang winawaksi ko sa isip ko ang labi ni wong.





Manipis.

Mapula pula.

Parang may pagkadry.

Nakaawang.

Napasulyap ulit ako sa natutulog na wong sa tabi ko. Hanggang sa mapatitig ulit ako. Shit! Nang aakit talaga ang labi niya. Binasa ko ang labi ko gamit ang dila ko. Isa lang oh. Hindi naman siguro siya magigising. Smack lang naman e. Nakamasid pa rin ako sa kanya, specifically sa labi niya. Nakakaraming lunok na ko ha. Self, hindi naman siguro magigising yan, pagod yan e.

Continue Reading

You'll Also Like

32K 1.2K 61
I love you for a lifetime Ara galang and Mika Reyes
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
18.5K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
43K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"