fuck buddies • soonhoon

By Daegul

286K 8.2K 7.1K

Where in Soonyoung and Jihoon are fuck buddies. More

fuck buddies
one.
two.
three.
four.
five.
six.
seven.
eight.
nine.
ten.
eleven.
twelve.
thirteen.
fourteen.
fifteen.
sexteen.
seventeen.
eighteen.
nineteen.
two teen.
twenty one.
twenty two.
twenty three.
twenty four.
twenty five.
twenty six.
twenty seven.
twenty eight.
twenty nine.
thirty.
thirty one.
thirty two.
thirty three.
thirty four.
thirty five.
thirty six.
thirty seven.
thirty eight.
thirty nine.
forty.
epilogue | prologue
forty one.
forty two.
forty three.
forty four.
forty five.
forty six.
forty eight.
forty nine.
fifty.
fifty one.
fifty two.
fifty three.
fifty four.
fifty five.
fifty six.
fifty seven.
fifty seven (pt. 2)
fifty eight.
fifty nine.
sexty (part 2)
sexty.
epilogue | prologue
sixty one.
sixty two.
sixty three.
sixty four.
sixty five.
sixty six.
sixty seven.
sixty eight.
sixty nine :>
seventy
seventy one.
seventy two.
seventy three.
seventy four.
seventy five.
seventy six.
seventy seven.

forty seven

1.6K 82 42
By Daegul

"PAPA! MAMA!" sigaw ni Seungcheol mula sa pinto ng bahay nila. Walang narinig na sagot si Seungcheol kaya kinuha na nya ang kanyan duplicate key mula sa kanyang bulsa.










May duplicate naman kasi eh nako Seungcheol ginagawamu? HAHAHAHAHA.










"Hyung. Nakakahiya. Wag na kasi, meron naman ak-" di na naituloy ni Jihoon ang sasabihin nya ng mabuksan na ni Seungcheol ang pinto at hinila na sya papasok. Hindi na talaga mapipigilan si Seungcheol. Alam naman ni Jihoon na para sa ikabubuti lang nila ng anak nya ang iniisip ni Seungcheol pero syempre hindi parin nya maiwasan na makaramdam ng hiya. Masyado ng maraming naitulong sakanya si Seungcheol. Hindi na nga nya alam kung masusuklian pa ba nya ito. Pero pangako nya sa sarili nyang balang araw ay susuklian nya rin lahat ito.









Sana lahat may Seungcheol. Di yung pakikiligin lang tayo sa una tapos kapag nahulog na tayo iiwan tayo mag isa, tapos ngayon babalik pakikiligin ulit tayo, pero syempre dahil marup0k ako reply agad diba! pero okay lang masaya naman kami ngayon eh hihiㅡ dejoke lang.









"Oh Son! Ikaw pala! Bakit hindi ka man lang kumatok?" tanong ng isang lalaking may katandaan na ang mukha. May icing din sya sa pisngi at may kasama syang isang babaeng di nalalayo sa kanyang edad na may icing naman sa noo.










Lumapit si Seungcheol sakanila at hinalikan sila sa pisngi. "Mama, Papa, tumawag po ako kanina wala pong sumagot. Kaya po pumasok na ko tutal may duplicate naman po ako. Hmm mukhang gumagawa nanaman po kayo ng cake ah?"










"Oo anak. Pano mo nalaman? Ang bango no?"










"Pano kong di malalaman Papa eh meron kayong icing dalawa sa mukha nyo hahaha" nagtinginan naman ang Mama at Papa ni Seungcheol at nagtawanan. Nakitawa naman si Seungcheol sakanila.










Sa kabilang banda, hindi maiwasang mapangiti ni Jihoon sa magandang samahan ng pamilya ni Seungcheol. Ganyan din sana kami kung di lang maagang namatay nila Mama at Papa.











"Oh sino nga pala 'tong kasama mo?" tanong ng Papa ni Seungcheol. Napatingin naman si Seungcheol kay Jihoon inakbayan nya ito at proud na proud na ngumiti. Sa sobramg pag ka proud nya pati gilagid nya nag mamalaki narin.











"Ma, Pa. Eto po pala si Jihoon." tila lumiwanag ang mukha ng mga magulang nya ng sabihin nya ang pangalan mg kasama nya.











"Hala! Ang cute naman pala nya! Yan yung lagi mong kinekwento samin? Yung crusㅡ" naputol naman sa pagsasalita ang Mama nya ng magsalita biglang si Seungcheol.










"Okay Ma. Tama na yun. Okay na."










"Bakit? Kinakahiya mo ba si Jihoon? Diba totoo namang gusto mo sya." namula na ng todo si Seungcheol sa mga sinasabi ng kanyang Mama, minatahan naman sya ng Papa nya kung kailangan nya ba ng tulong. Pasimpleng tumango si Seungcheol kaya naman binulungan ni Mr. Choi si Mrs. Choi.










Hindi naman alam ni Jihoon ang irereact nya kaya napapangiti nalang sya ngunit halata namang awkward ito kung ngumiti.










"Ahh. Nga pala hmm?" tumingin naman ang Papa ni Seungcheol sakanya, kailangan nya ng explanation kung bakit nasa pamamahay nila si Jihoon. Hindi naman sa ayaw nya, gusto nya lang malaman kung ano ang dahilan.









"Ah. Ma, Pa. Dito po muna makikitira si Jihoon ng ilang araㅡ"









"Hindi pwede." natahimik si Seungcheol sa inusal ng kanyang ina. Saglit na nabalot ng katahimikan ang pamamahay ng magsalita ulit ang kanyang ina. "Hindi pwede kasi gusto ko dito na talaga sya tumira." natawa naman si Mrs. Choi. Si Seungcheol naman ay di mapigilan ang ngiti.










"Ah Ehㅡ i-ilang a-araw lang po n-nakakahiㅡ" naputol naman ang sasabihin ni Jihoon ng magsalita si Mr. Choi.










"Ano? Pumapayag ka? Nako! Sobrang saya namin na dito ka na titira. Umakyat ka na sa taas, Seungcheol alalayan mo si Jihoon ha? Ikaw Jihoon magpahinga ka muna at nagbe-bake kami para sa meryenda natin."







May pimagmanahan naman pala. Wala ng nagawa si Jihoon kaya sumunod nalang sya. Umakyat na silang dalawa ni Seungcheol upang ayusin ang gamit nya sa magiging kwarto nya.








Hindi mapigilang mapatalon ng puso nya sa tuwa dahil sa mainit na pagtanggap sakanya ng pamilya ni Seungcheol. Muli nyang naramdaman ang pagmamahal ng isang Nanay at Tatay.









"Ah Jihoon. Pasensya na kay Mama at Papa ha? Makulit lang talaga sila. Pero mabait naman yung mga yun." sabi ni Seungcheol habang inilalagay nya sa cabinet ang mga damit ni Jihoon.










"Haha! Ano ka ba hyung. Ayos lang. Sa katunayan natutuwa ako sakanila."











Nabalot na ng katahimikan ang buong kwarto, tanging ang pag aayos nalang ng gamit ang naririnig dito. Napaupo naman si Jihoon sa kama ng matapos na sya.











"Hyung. Alam mo, salamat talaga ah." sambit ni Jihoon na puno ng sinseridad (tama ba lol)











"Wala yun, Ji. Okay lang naman sakin. Atsaka ikaw kaya bestfriend ko. . . pero sana higit pa dun." pabulong ng sinambit ni Seungcheol ang mga huling salita kaya di na ito narinig ni Jihoon.










"Son? Jihoon?" napatingin silang parehas sa pinto na nagbukas. "Ay sorry, nakalimutan kong kumatok. Tara na sa baba, tapos na ba kayong mag ayos dyan?"












"Ah opo, Mrs. Choi."












"Nako iho. Wag mo na akong tawagings Mrs. Choi, masyado ka namang formal. Mama nalang." yun oh! di kasala pero nakiki Mama na. Hanep ka talaga Jihoon.











Lakas ng amats sayo ni Papi Cheol at Parents nya boto na agad saü. Sana ol#











"M-ma, a-ano nga ulit sabi mo?" sabat na tanong ni Seungcheol. Syempre nahihiya parin naman si Seungcheol kay Jihoon kahit na gusto naman nya.










Utuuuuut :> pabebe pa si papi us2ng us2 naman nako. Huli pero di kulong :>










"Tara na sa baba at mag meryenda. Halika Jihoon." lumapit naman si Jihoon at nauna na sila ni Mr. Choi sa baba. Sumunod naman si Seungcheol. Sa sala sila kumain habang nakabukas ang tv.










Habang ang pwesto naman nila ay pinagigitnaan ng magasawang Choi si Jihoon habang si Seungcheol naman ay nasa kabilang sofa. Habang kumakain ay kinekwento ni Mrs. Choi ang kalokohan ng kanyang unico iho. Kaya naman itong si Seungcheol ay hiyang hiya na, si Jihoon naman ay tawang tawa.











Biruin mo akala ni Seungcheol pitsel yung arinola kaya nilagyan nya ng tubig at nilagay sa ref.











"Tapos Jihoon, alam mo ba yang si Seungcheol umuwi ng nakapalda nung grade 7 sya?" hindi makapaniwalang tumingin si Jihoon kay Seungcheol habang natatawa.











"Mama naman ehhhhhh! Wag mo na ikwento yan! Andami mo ng nakwento ehhhhhh!" mangiyak ngiyak na pagmamakaawa ni Seungcheol.











"Tapos po, ano pong nangyari? Bakit umuwi syang naka palda?"











"Eh paano kasi, nag lalaro daw sila noon ng luksong baka, siguro sa sobrang pagbuka nya napirat yung pants nya sa gitna, eh yung babaeng kaklase nya lang may extra non, kaya palda nalang pinasuot sakanya. Wala kasi kami nun may binisita kami kaya di namin sya nahatiran ng pants." tawa naman ng tawa si Jihoon sa mga kwento ni Mrs. Choi. Masyado palang madaming kalokohan at kahihiyan sa buhay ni Seungcheol.









Pero kahit ganon di parin maiwasang mamangha ni Jihoon sa taglay na kabaitan nito. Kung titignan mo si Seungcheol ay matatakot ka sa aura nya, lalo na kapag seryoso ang mukha nya. Ang laki pa man din ng tindig ng katawan nya. Pero kabaliktaran ng first impression mo yung totoong sya. Talagang may pinagmanahan ito.










Habang nag huhugas ng plato si Seungcheol ay nakabantay lang si Jihoon sa lamesa. Di naman maiwasan ni Jihoon na mapatitig sa likuran ni Seungcheol. Nang matapos ito ay pinuntahan nya agad si Jihoon na nakatitig parin sakanya.










"Anong tinitingin tingin mo? Naiinlove ka na sakin no?" mapang asar na tanong ni Seungcheol. Nanatili lang nakatitig si Jihoon sakanya sabay ngiti. Napangiti naman si Seungcheol.











Hindi nya man lang alam na si Soonyoung pala ang tumatakbo sa isipan ng nakakabata. Iniimagine nitong si Soonyoung ang nasa harap nya.











Kung ganyan lang sana si Soonyoung siguro masaya na kami ngayon, siguro after 9 months masayang pamilya na kami. 




ㅡㅡㅡㅡㅡ

hello para nga po pala dun sa nanghihingi ng side ni soonyoung hehe sorry po. wala po akong ibang sasabihin pero im very very sorry po : )

Continue Reading

You'll Also Like

49.7K 2.4K 39
Obsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to...
77.1K 180 15
SPG
Lilac Mist By ‎

Short Story

701K 23.3K 80
an epistolary
97.6K 158 55
Enjoy