The Virgin's First Night 8: H...

By BonitaBabyy

1.5M 25.3K 2.1K

"A 24-year-old nurse was allegedly kidnapped and raped by a strange man. She did everything possible in order... More

The Virgin's First Night 8: Had No Mercy
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Last Chapter
Epilogue

Chapter 10

47.4K 870 125
By BonitaBabyy

Chapter 10

Hindi pa rin ako makapaniwalang doktor ang lalaking 'to! Tahimik lang akong nanonood sa may tabi habang pinapanood siyang magiliw na nakikipag-usap sa mga pasyente. Totoo nga pala ang iyong sinabi noong bata kanina dahil may dala siyang ilang supply nang gamot na nilikom daw niya sa mga kaibigan din niyang doktor na ngayon ay may mga sarili nang mga hospital.

Base sa pananamit ni Miguel ay makikitang angat din ito sa buhay ngunit hindi ko maintindihan kung bakit nagtitiyaga siya sa isang barangay na ito. Maganda nga ang turismo rito ngunit napapabayaan naman ang mga tao. 

Hindi ko akalain na totoo nga pala iyong mga tao na gusto lang makatulong sa kapwa kasi honestly para sa akin ay isang malaking kaplastikan kung nasa medical field ka at hindi ka naghangad na mapunta sa abroad. Halos lahat naman ata ng Pilipino ay iyon ang pangarap. Well, except me! Mayaman na ako at kahit hindi ako kumilos ay mabubuhay ako dahil sa shares ko kompanya namin, ganyan ako katalino. Haha.

"Ano latest BP nito Yvette?" nawala lang ako sa pag-iisip nang masungit na nagtanong si Miguel.

"140/80." saad ko. Bago pa lang ako pumasok dito ay alam ko na ang latest BP nila. Hula hula nalang kapag may time kasi naman nakakatamad kuhanan sila nang BP kaya naman pinepeke ko na lang.

"140/80? Hindi naman tumataas BP nito ah?" pasimple akong umirap at ngumisi nalang. Kayang kaya ko 'tong lusutan.

"Siyempre naman galing sa trabaho si Manong diba tapos biglang magpapa BP edi mataas talaga result 'non. Doc naman." ayokong maging sarkastiko ngunit iyon ang naging tono. Nakakainis naman kasi ipapahiya pa niya ako sa pasyente.

"Baka po dahil sa matinding init nang araw ay kaya kayo nahilo, damihan na lang natin 'tay ang inom ng tubig at kung tumindi pa ay pwede niyo naman ako ipasundo sa bahay." matamis akong ngumiti sa huling pasyente at iginiya siya palabas ng center.

Maraming pasyente rito sa health center at karamihan ay mga buntis at mga kababaihan. Sus! Baka naman umaarte lang sila dahil sa gwapo ang doktor. Naku! Mga mapasamantala! Professional sa trabaho si Miguel iyon nga lang siya ang tipo ng doktor na hindi ko makakasundo. Madalas ay marami akong nakakagalit na doktor kaya naman hindi rin ako nakakatagal sa isang hospital. 

Porke't doktor sila at kailangan ng tao ay mahilig silang magpa-importante. Pagagalitan ka pa kung minsan at sasabihang tanga. Sila nga dumadaan lang sa kwarto ng pasyente, magsasalita ng kaunti, magrereseta ng kung ano at may bayad na agad. Sila kaya ang magbantay sa pasyente bente kwatro oras. Hindi naman sila iyong hands on ngunit kung makapag-utos ay akala mo kung sinong Diyos na ibinaba sa langit para makapagligtas ng mga tao.

Pareho lang naman kaming propesyonal at may alam sa medisina, kung nagtuloy lang ako sa med ay baka magka-level na kami. Minsan ay sobrang taas nang tingin nila sa sarili nila, nagkakamali din naman sila. Palibhasa ay mas malaki ang tiwala sa kanila ng mga tao.

"Doc, ano pala specialization mo?" tanong ko sa kanya habang nagliligpit sa center. Ilang oras nalang ay matatapos na ang duty naming dalawa. Baka magka-inlovan kami kung pati sa bahay ay magkasama kami. Mahirap pa namang i-resist 'tong kagandahan ko.

"OB" nalaglag ang panga ko sa huli niyang sinabi. OB siya?! As in yung doktor sa mga buntis?! What the fuck! Bihira ako makakilala ng lalaking OB Gyne!

"Ba't ganyan ka makatingin?" taas kilay niyang tanong sa akin kaya naman itinikom ko na ang aking bibig. Langyang mga babaeng 'yon! Ang swerte nila kung si Miguel ang OB nila! Tuwang tuwa siguro sila tuwing Internal Examination! Shit lang talaga.

"Wala!" singhal ko sa kanya.

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon! Isang buntis pa ang dumating. Kakainis! Agad ko siyang dinaluhan at kinuha ang vital signs pati na rin ang last menstrual periood niya, aniya'y malapit na daw ang due date niya at pinapabalik siya ni Doc para sa check-up. Pinahiga ko siya sa kama at nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo ni Miguel at kumuha ito ng sterile glove. Omg! Mag IE siya! Palihim kong inirapan itong pasyente ko na mapupungay ang mga matang nakamasid kay Miguel.

Hoy babae! May asawa ka na at buntis ka pa ngayon kaya pwede huwag kang tumingin ng ganyan kay Miguel! Bwiset ha? Nang makalapit na si Miguel ay agad nang bumukaka ang pasyente at mas lalong nanliit ang mga mata ko ng bigla nalang umungol si Ate nang pumasok na ang kamay ni Miguel sa kanya. What the hell? Muli ay umungol siya kaya naman agad kong tinapik siya sa balikat.

"Hoy Ate! Anong kalandian yan? Umuungol kapag ina-IE? Sarap na sarap lang? Yung iba dumadaing tapos ikaw humahalinhing?" inis kong saad sa kanya at nakita ko ang pagkamangha sa mukha ni Miguel. Wala akong pakialam kung maaliw ka man sa nakikita mo ngayon pero naiinis talaga ako. Pulang pula ang mukha ng pasyente at hiyang hiya. Mabuti naman at marunong kang mahiya.

"2cm pa lang Misis. Balik ka nalang kapag humihilab na ang tiyan mo." kagat labi akong tinignan ni Miguel kaya naman nag-iwas nalang ako ng tingin. Anong ginawa ko? Gosh! Nakakahiya ka Yvette! Kakainggit naman kasi si Ate! Literal na na-finger ni Miguel! Magpa check-up din kaya ako? Ugh! Ano ba 'tong mga kahibangan ko.

"May sakit ka ba Yvette? Namumula ka." mas lalong nag-init ang mukha ko dahil huling huli na may kakaiba akong naiisip. Ugh! Sige ipahiya mo pa ang sarili mo Yvette.

Hindi na ako sumagot pa at naisip na lumabas na lamang ng center para  makasagap ng sariwang hangin. Likas naman na green minded ako ngunit ngayon lang ako nagkaroon ng malisya sa isang lalaki. Pakiramdam ko ay pinupukaw niya ang kakaibang kiliti sa may puson ko, paano ko naman iyon mapupunan kung takot na akong mahawakan ng kahit na sinong lalaki. Para akong napapaso sa tuwing nagdadantay kahit balat lang namin.

Dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon ay parang bumaligtad ang sikmura ko at tuluyan akong nagsuka. Nagdidilim ang paningin ko at pinagpapawisan ako ng malamig habang isinusuka ang acid sa katawan ko. Damn! Hindi pa man ako kumain ng tanghalian dahil nasa diet ako. Para akong nauupos na kandila na napaupo sa may buhangin nang may isang realisasyon na pumasok sa utak ko. No! It can't be! Hindi maaaring magbunga ang gabing 'yon! Hindi ako pwedeng mabuntis.

Takip-silim na nang makarating ako sa bahay at tumambad sa akin ang batang nakasalubong ko sa mall noong nakaraang linggo. Si Bubuy iyong anak ni Miguel. Hindi niya kamukha ang bata in fact hindi nga sila mapagkakamalang mag-ama. So ini-uwi na pala siya rito ng Papa niya. Hindi ako mahilig sa mga bata ngunit masasabi kong mas magaan na ang pakiramdam ko kapag nakikita siya dahil alam kong si Miguel ang ama niya. 

"Bubuy, siya si Tita Yvette mo makakasama natin siya dito kaya magpaka-bait ka 'nak ha? Susundin mo siya palagi." kahit labag sa loob ko ay nagmano sa akin ang musmos na si Bubuy na ngayon ay kumakain ng mumurahing chocolate. Agad kong binuksan ang bag ko at inabot sa kanya iyong imported chocolates ko na ibinigay pa sa akin ni Ivan noong huli kaming magkita.

"Thank you po Tita." mas magaan naman ang loob ko sa batang 'to kaysa anak ni Janine. Haha. Tumango lang ako at wala sa mood na umakyat sa kwarto ko.

Inilabas ko ang pregnancy test kit na patago kong kinuha kanina sa center at pinagmasdan iyon. Natatakot ako sa magiging resulta. Nanginginig ang mga kamay kong inabot iyon mula sa kama at nagtungo sa banyo. Tama ba itong gagawin ko? Ayokong malaman ang resulta dahil natatakot ako sa maaari kong gawin. Kung buntis man ako, itutuloy ko ba o ipapalaglag ko? Naisip ko naman na dati ang posibilidad na ito ngunit hindi ako sigurado kung kaya ko bang gawin ang krimen na 'yon. Nagliligtas ako ng buhay at hindi isang mamamatay tao ngunit maaatim ko ba na araw-araw makita ang bunga ng kahayupan na nangyari sa akin?

Pigil ang aking hininga habang hinihintay ang resulta ng pregancy test. Sa loob ng limang minuto ay marami ng sumagi sa isip ko. Paano ko 'to sasabihin sa parents ko? Maniniwala ba sila kapag sinabi kong ako ang reincarnation ni Mama Mary at nilimliman ako ng Holy Spirit? Surely baka sa mental hospital pa ang bagsak ko kapag iyon ang sinabi ko. Ano pa kaya ang sasabihin ko? Ginahasa ako sa panaginip ng isang maligno? Damn! Paano ko naman ipapaliwanag kung hanggang ngayon isang malaking bangungot para sa akin ang nangyari?

"Shit." parang bumaligtad muli ang sikmura ko nang makita ang dalawang guhit ng linya. Fuck! Marerape ka na nga binuntis ka pa! Tuluyan nang lumabas ang galit at takot sa aking mga mata sa pamamagitan nang walang katapusang luha.

"Anong gagawin ko!!!" sigaw ko habang umiiyak. Narinig ko ang marahang pagkatok ni Miguel sa pintuan ko ngunit hindi ko 'yon binuksan. Nalilito ako at balisa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko? Paano 'to tatanggapin  ng parents ko? Kaya ko bang palakihin ang halimaw sa tiyan ko? Damn! I'm so confused!

"Yvette! Open the door! What's going on?" bakas sa boses ni Miguel ang pag-aalala ngunit nanlalambot ang mga tuhod ko. Isiniksik ko na lang ang ulo ko sa tuhod ko at umiyak ng umiyak. Putangina naman! Anong gagawin ko!

Hindi ko alam kung paano nabuksan ni Miguel ang pinto basta ang alam ko lang naramdaman ko ang mainit niyang mga bisig na nakayakap sa akin. Nasasamyo ko ang bango niya na nanunuot sa sistema ko. Kumalma ang pakiramdam ko and minsan sa buhay ko naramdaman ko yung safety sa paraan ng pagyakap niya. Mas lalong nanindig ang mga balahibo ko ng halikan niya ang buhok ko.

Gusto ko ang pakiramdam niyon ngunit inuunahan na naman ako ng takot. May phobia na ata ako sa sex or kahit sa anong intimate actions from opposite sex. He made me this way.

"Ang pangit ko kapag umiiyak." untag ko habang hinahawi ni Miguel ang buhok ko. Marahan siyang natawa at hinalikan ako sa noo.

"Ang arte mo talaga. Haha. Why? What happened?" bago pa ako makasagot ay nakita ko na ang pagdilim ng kanyang mukha dahil napulot niya ang pregnancy test kit na nahulog ko kanina sa sahig.

"You are pregnant?" hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata kaya naman umiwas ako. Damn! Major turn off na. Sinong lalaki ba naman ang magkakagusto sa isang disgrasyada na ay rape victim pa pala. Nagbuntong hininga at mas lalong napaiyak.

"I'm so sorry." naaawa ba siya sa akin kaya siya humihingi ng sorry?

"Hindi mo naman kasalanan kung bakit ako nabuntis. Naging pabaya ako sa sarili ko." sabi ko at umupo na sa may kama. Hindi pa rin siya umaalis sa pagkakaluhod niya sa sahig at marahas ang bawat hiningang pinapakawalan niya.

"I'm so sorry Yvette. Patawarin mo ako." mas lalo akong naguluhan nang makita ang guilt sa mukha niya. Siyempre nga naman kabaro niya ang may gawa sa akin nito. Umiling ako at matamlay na ngumiti. Wala siyang kasalanan kaya dapat ay hindi siya mag-sorry at imposibleng siya ang may gawa nito sa akin.

Nakakapagtakang hindi man lang niya itinanong kung sino ang ama nang dinadala ko basta malungkot lang niya akong iniwan sa loob ng silid. Dahil sa labis na pagod ay nakatulog ako ng payapa kahit na puno ng takot at kalituhan ang isip ko.

to be continued...

Comments are highle appreciated.

Continue Reading

You'll Also Like

525K 19.3K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.4M 45.9K 37
If you have read The Savage Casanova, you would meet Pavlo Vera-Perez, and this is his side story. Annoyed at his grandmother’s medieval scheme to cl...
934K 98.1K 63
Look at me. Admire me. Lust me. And that is all for you should not touch me. Touch me not Richard Carl Gomez. Ranking. #2 oct 3, 2017 #3 sept 29,2017...
149K 6.2K 35
She was dressed to kill. Walang kinakatakutan kahit anong bala. Naging kaalyado siya ng isang organisasyon kung saan ang mga katulad niya, ginagawang...