BHO CAMP #8: The Cadence

By MsButterfly

1.4M 45.5K 4.9K

All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet... More

Synopsis
Chapter 1: Beat
Chapter 3: Crepuscular
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Objective
Chapter 6: Time
Chapter 7: Sleep
Chapter 8: Song
Chapter 9: Orange
Chapter 10: Compromise
Chapter 11: Gravity
Chapter 12: Home
Chapter 13: Hawk
Chapter 14: Chance
Chapter 15: Promise
Chapter 16: Damage
Chapter 17: Shine
Chapter 18: Charm
Chapter 19: Cuff
Chapter 20: Breathe
Chapter 21: Princess
Chapter 22: Free
Chapter 23: Fairytale
Chapter 24: Always
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Road
Chapter 27: Pretend
Chapter 28: Beautiful Disaster
Chapter 29: Cadence
Chapter 30: Epilogue
Chapter 31: Start
Chapter 32: Catfight
Chapter 33: Mind Games
Chapter 34: Distance
Chapter 35: Orbit
Chapter 36: Tradition
Chapter 37: Rock star
Chapter 38: Team Night
Chapter 39: Music
Chapter 40: Always
Epilogue
Author's Note

Chapter 2: Hand

47.4K 1.2K 97
By MsButterfly

#BHOCAMP8TC #HeDer #BHOCAMP

A/N: Salamat sa mga nag suggest ng couple name! Keep on tweeting!

HERA'S POV

Nakahalukipkip na pinagmamasdan ko ang mga kaganapan sa harapan ko habang nakaupo sa likod ng counter sa Craige's. Natoka ako ngayong araw bilang cashier kaya wala akong kailangan gawin kundi magbilang ng kayamanan na hindi naman ako ang makikinabang. Mayaman naman ako kaya, push.

Sanay naman ako na magtrabaho sa Craige's dahil kapag naiinip ako ay gawain ko na talagang tumambay dito. Sa lahat ata ng mga agent ako 'yung hindi umaatras sa pagpasok para magtrabaho sa mga establishimentong nagsisilbing "front" lang ng BHO CAMP para maikubli ang totoong identidad ng organisasyon.

Mas madalas akong tumambay sa Paige's, ang bar ng BHO CAMP. Bukod kasi sa nakakalibre ako ng inumin ay gusto ko ang party ambiance ng lugar. Pakiramdam ko kasi sa lakas ng musika ro'n ay tumatalsik sa ibang dimensyon ang katauhan ko kaya nagagawa kong ma-enjoy ang pansamantalang distraction.

Pag-tanghali naman dito ako sa Craige's kasi nililibre ako ng kapatid ko na isa sa mga head chef ng tanghalian ko. In short gusto ko lang talaga ng libre kaya ako masipag makielam sa mga business ng BHO CAMP.

Hindi kasi katulad ng iba ay wala naman akong ibang ganap sa buhay kundi ang trabaho ko bilang agent ng organisasyon kaya marami akong oras para gawin kung anong gusto ko. Wala namang problema sa akin dahil nalilibang ako maliban na lang sa mga ganitong oras na nagiging tambayan ng mga lasing ang Craige's.

To be exact...mga lasing sa pag-ibig.

"Ate Hera, bayad sa table number 5."

Lahat ata ng mga mag-aasawa sa mga katrabaho ko ay nandito at ngayon ay nakapuwesto sa iba't-ibang bahagi ng restaurant. Ang tanging hindi ko lang nakikita ay ang mag-asawang head ng BHO CAMP na malamang ay busy sa headquarters at si Freezale na siyang laging tambay sa control room kung saan kita niya ang bawat sulok ng lugar.

Sa pinakadulo ng Craige's ay natatanaw ko ang mag-asawang Phoenix at Snow na nagsusubuan pa ng pagkain nila habang karga ng lalaki ang anak nila na si Daiquiri o Riri kung tawagin ng lahat. Si Den naman na asawa ng isa sa mga kabanda ni Thunder na si Rushmore ay nasa isa sa mga couch at magkatabi. Nakataas pa ang mga paa ng babae at nakapatong sa hita ng asawa na nakatutok ang mga mata sa sinusulatang papel sa harapan niya. Sa harapan naman ay kitang-kita ko ang bestfriend ko na si Athena na kanina pa hinaharot ang asawa niya na si Fiere.

Sigurado ako na maging ang asawa ng kapatid ko ay nandito rin dahil nakita ko siya kaninang pumasok ng kusina kung saan nandoon si kuya.

"Mga mahaharot! Mga walang pakiramdam!" bubulong-bulong na asik ko.

"Hello? Ate?"

"Bilin ko kaya ang lugar na 'to tapos hindi ko kayo papasuking lahat? Parang kailan lang mga nag-iiwasan pa kayo tapos ngayon hindi man lang maging sensitive sa mga taong nangangailan ng support support ngayon? Huwew!"

"Ate! Isama mo ako sa mga pangarap mo!"

Magkasalubong ang mga kilay na nilingon ko ang istorbo sa mga sentimyento ko sa buhay at nakita ko si Chalamity na kasalukuyang lukot na rin ang mukha sa pagkayamot. Nagdadabog na hinablot niya ang nilagay niya na check presenters sa counter na may naka-clip na pera na.

"Ewan ko sa inyong mga na-injured ni kupido! Ang sasakit niyo sa ulo!" impit na tili niya habang naglalakad palayo.

"Hoy akin na 'yang bayad!" tawag ko sa kaniya.

Imbis na sumagot ay tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at lumapit sa isa mga lamesa. Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang ginagawa niya dahil kaagad naagaw ang atensyon ko ng mga bagong pasok sa Craige's.

Nagtama ang mga mata namin ni Thunder na kasunod ang drummer ng banda na si Harmony. Bahagya siyang tumango sa akin at nag-iwas ng tingin nang hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya.

Katulad ng nangyayari kapag nakikita ko siya ay pakiramdam ko ay nawawala lahat ng buto sa katawan ko dahilan para manlambot ako. Lumaki ako sa BHO CAMP at bata pa lang ako ay nakakasama ko na siya pero talaga sigurong nag-iiba ang lahat kapag hindi lang ang mga mata mo ang nakabukas kundi maging ang puso mo.

Sa totoo lang hindi ko naman siya gusto dati. Sa pagkakatanda ko ang ultimate crush ko noon ay si Blaze eh. Minsan ko na nga siyang naka-date sa isang gathering dahil sapilitan ko siyang pinasama sa akin sa tulong na rin ng kapatid ko na kaibigan niya. Blaze was cool with it and we had fun. Pero kahit crush na crush ko siya, hindi niya nagawang gisingin ang puso katulad ng nagawa ni Thunder.

I don't know exactly when. Hindi ko alam kung paano. Basta isang araw natagpuan ko na lang ang sarili ko na tuluyan ng nahulog sa kaniya.

"Kukunin ko na ang order for table 7."

Inalis ko ang mga mata ko sa pagkakatingin sa kinaroroonan nila Thunder at nilingon ko si Enyo na siyang nagsalita. Akmang maglalakad na siya palayo pero kaagad ko siyang pinigilan sa braso at pagkatapos ay hinablot ko ang hawak niya na clipboard.

Nagtatakang nilingon niya ako. "Bakit?"

"Ako na-"

Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko nang mula sa kung saan ay may humila sa buhok ko dahilan para bahagya akong mapaatras. Napapasinghap na nilingon ko ang gumawa no'n at naningkit ang mga mata ko nang malingunan ko ang kapatid ko.

"Kuya!"

"Lunch na. Kumain ka na sa loob." nakahalukipkip na sabi niya.

"Mamaya na. Nagtatrabaho pa ako eh."

Kinuha sa akin ng kapatid ko ang hawak ko na clipboard at binigay iyon kay Enyo. "Kaya na 'yan ni Enyo. Duty niya na ngayon kaya pwede ka ng mag break."

"Ayoko nga-"

Muling naputol lang ang sasabihin ko dahil sapilitan na niya akong itinayo at hinila papasok ng kusina. Kahit naman hindi ako kasing liit ng ibang mga Pilipinang babae ay hindi ibig sabihin kaya ko ng labanan ang kapatid ko na higante. Dahi kumpara sa mga lalake sa BHO CAMP na mukhang lumaklak ng growth potion ay nagmumukha talaga akong maliit kapag natatabi sa kanila. Pero kung sa mga babae naman ay average lang ang height ko. Hindi kasing liit ni Athena at hindi naman kasing tangkad nila Enyo at ng kakambal niya.

"Kuya!" angal ko.

Imbis na bitawan ako ay siya na mismo ang nag-upo sa akin sa isang corner ng kusina na nahahati sa pader na partition kung saan may mga upuan. May nakahanda na ro'n na mga pagkain na niluluto talaga nila para sa mga naka duty sa Craige's.

"Hindi na ako bata kuya." nakahalukipkip na sabi ko. "Kakain ako kung kailan ko gusto. Hindi mo na ako kailangang pilitin."

"Hindi ka na bata pero nung isang linggo lang nanghihingi ka sa'kin ng "baon" kahit hindi ka naman na pumapasok sa school."

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Baon para sa gala namin ni Athena. Kailangan pag may baon sa school lang pupunta? Hindi pwedeng pocket money lang sa gala?"

Siya naman ang naningkit ang mga mata sa pagkapilosopo ko. Napasimangot ako nang umangat ang kamay niya at itinulak niya ang noo ko gamit ng hintuturo niya. Kadalasan niyang ginagawa 'yon noong mga bata kami. Kung hindi iyon ay pinipitik niya ako dahil landingan daw ng eroplano ang noo ko. Excuse moi! Talagang may noo lang ako ng mga matatalino.

"Kumain ka na riyan. Hindi 'yung puro love life ang inaatupag mo hindi ka naman mabubusog do'n."

"Sinong may sabi sa'yo na hindi nakakabusog 'yon?"

Natutop ko ang bibig ko sa sinabi ko nang basta na lang dumulas ang mga salitang iyon mula sa akin. Hindi naman ipinanganak ang kapatid ko kahapon lang at idagdag pa na lalaki siya kaya kita ko kung saan kaagad dumapo ang utak niya sa sinabi kong iyon.

"Hera Scott." he said with a warning.

"I-I mean...siyempre busog ang puso mo sa pagmamahal. Yah know?"

Mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Nitong mga nakaraan, alam ko namang hindi lingid sa kaalaman ng mga agent ang aktibades ko sa buhay. Wala man akong balak aminin ay hindi ibig sabihin no'n ay tinatago ko...o namin. Dahil sa totoo lang ano bang sasabihin namin sa magtatanong eh kahit kami hindi namin maintindihan ang meron sa amin?

Mahal namin ang isa't-isa pero siya lang ang pwedeng umamin no'n. Mahal namin ang isa't-isa pero hindi namin pwedeng pangalanan ang kung anong meron kami. Walang kasiguraduhan kung anong meron sa pagitan namin dahil ang tanging bagay lang na nasisiguro namin ay ang katotohanan na dadating ang araw na kailangan matapos kung ano ang meron kami.

Minsan pag pakiramdam ko sasabog na ako hindi na ako nangingimi na ilabas ang frustration katulad noon kay Aiere na siyang lagi kong nakakausap maliban kay Athena na natatanging nakakaalam ng lahat-lahat. But as much as possible we don't do things that will create a reason for everyone to focus on us. Dahil alam namin pareho na hindi namin kailangan ang pressure na iyon sa sitwasyon namin ngayon na sabay naming tinitimbang.

Mahirap, oo. Pero iyon ang gusto niya. Kasi gusto niya akong protektahan sa pagdating ng panahon na tuluyan ng gumuho ang balanseng kinokontrol namin.

"Malaki ka na. Alam mo na kung anong ginagawa mo." sabi ng kapatid ko pagkaraan.

"M-Masyado kang serious, Kuya. Sign of aging ba 'yan? Chill ka lang."

"Siguraduhin mo lang na hindi ka iiyak. Kasi kapag nasaktan ka hindi ko alam kung anong magagawa ko sa taong 'yon."

Bumuka ang bibig ko para tapatan ng kalokohan ang sinabi niya pero walang salitang lumabas mula sa bibig ko. Hindi ko na nagawang makapagsalita hanggang sa tumalikod na siya at binalikan ang responsibilidad niya bilang chef ng Craige's. Gano'n pa man ay nanatili akong nakatingin sa kaniya na para bang naririnig ko pa rin ang mga salita niya.

He's my brother. Hindi man sa dugo pero kapatid ko siya. Bata pa lang ako ay alam ko na ang katotohanan sa ginawang pag ampon sa kaniya ng mga magulang ko. Pero kahit gano'n ay hindi nabago ang tingin ko sa kaniya dahil para sa akin kahit iba man ang totoong mga magulang namin ay hindi mababago no'n ang pagiging magkapatid namin.

Lagi niya akong pinoprotektahan, lagi niya akong sinusuportahan sa lahat ng gusto ko, at alam ko na kahit hindi ako magsalita...lagi niyang nararamdaman kung may pinagdadaanan ako.

Pero tama siya. Malaki na ako. Kaya kailangan kayanin kong mag-isa. Hanggang kaya pa ng puso ko.

Tahimik na hinarap ko na lang ang pagkain ko at kaagad na tinapos iyon. Nang magawa kong iimis ang pinagkainan ko ay muli akong lumabas ng kusina para tumuloy sa counter. Naabutan ko ro'n si Enyo na nang makita ako ay walang salitang kumuha na ng clipboard para lumapit sa mga guest.

Inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng mga gamit na nandoon at nang matapos ko iyon ay sinimulan ko namang punasan ang malinis naman na counter. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa ginagawa ko dahil nagpatuloy lang ako sa pagpunas habang lumilipad sa kung saan ang utak ko.

Tila nakalutang ako sa alapaap habang kusang gumagalaw ang kamay ko na tuloy-tuloy lang sa paglinis nang bigla akong makarinig ng pagtikhim. Napaangat ang tingin ko sa pinanggalingan ng tunog at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng isang lalaki.

"Hallo. Guten Morgen, Schatz."

Isa lang naman ang kilala kong gumagamit ng "alien" language ngayon sa BHO CAMP at iyon ay si Wilhelm Karl Scholz. "Will, ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na kailangan salitang tao ang ipangkakausap mo sa akin?"

"I'm offended. Anong akala mo sa mga German? Hindi tao?"

"Lahat ng hindi kayang maarok ng utak ko alien para sa akin, kuha mo?"

"I just said good morning."

"Eh ano 'yung Schatz?"

He shrugged. "An endearment. Not a big deal."

"Bakit close tayo?"

He chuckled and shook his head as if he's finding me hilarious. Kapag tumatawa siya ay doon nawawala ang nakakakilabot na pagkakapareha niya sa taong kilalang kilala naming lahat sa BHO CAMP. He's the spitting image of Comet Ferrel, the late drummer of Royalty.

It's been years since he died. Gano'n pa man ay nakamarka na ang pagkawala niya sa buong BHO CAMP dahil nangyari ang lahat dahil sa isang misyon na may kinalaman sa isa sa mga agent na si Freezale sa ngayon ay asawa niya na na si King. Sa kabila ng mga taon na lumipas ay nanatili sa puso ng mga taong naging malapit sa kaniya ang sakit ng pagkawala niya. Kaya nang natagpuan ng BHO CAMP si Wilhelm dahil sa isang misyon kung saan tinulungan niya ang isa sa mga agent na akala niya noon ay inaatake ng isang lasing na lalaki sa club ay talagang nayanig ang buong organisasyon.

Lahat kami ay may duda na sa kung anong kaugnayan niya kay Comet dahil na rin sa mga impormasyon na nakalap namin. Parehas kasi silang galing ni Comet sa ampunan. Will was adopted from an orphanage in Baguio habang si Comet ay sa USA na naampon. Bukod pa do'n parehas din silang nawalan ng magulang dahil pinaslang ang biological mother nila.

Wilhelm's biological father killed his own wife. On the other hand, Comet mother went back to the Philippines to take his two years old son but she got murdered. Hindi naman mahirap ipagtagni-tagni ang mga impormasyon para masabi ang koneksyon nilang dalawa. But of course we all want to be sure. Naghihintay lang kaming lahat sa pagpayag ng pamilya ni Comet para maisagawa ang proseso na makakatulong para makuha ang katotohanan.

"You're looking at me in a weird way again." he said with a sigh. "You're remembering your friend again."

"Hindi naman kasi madaling hindi isipin si Comet kapag nakikita ka. Maliban na lang pag ngumingiti ka, halos wala kasi kayong pinagkaiba."

"I know." he said with a small smile that immediately popped out his dimple. Lumingon siya sa kinaroronan nina Thunder at Harmony na parehong nakatingin na sa amin. I can't read anything from Thunder but I can see pain from Harmony's eyes. "Sana lang hindi na sila nasasaktan kapag nakikita ako. I know I should stay away since it's the right thing for everyone...but there's something about this place that I just can't stay away from. My adoptive parents gave me everything but I guess there's still something missing, that for some reason I found here."

Siguro ang bagay na iyon ay ang katotohanan na minsan ay naging bahagi si Comet ng lugar na ito. At kahit na ano pang mangyari ay hindi na siya mawawala sa mga buhay ng mga taong naging saksi ng kabutihan niya.

"Hindi ka rin naman pwedeng lumayo." sabi ko pagkaraan. "Hindi pa tapos ang paghahanap ng sagot nila Dawn para sa sitwasyon mo."

"Yeah."

"So anong kailangan mo sa akin?" nakataas ang kilay na tanong ko para pagaanin ang atmospera.

Mahinang tumawa siya ulit at pagkatapos ay iniangat ang pera na hawak niya. "Binalik sa akin nung isang kasamahan niyo. Her name is Chalamity, I think. Ako na raw ang magbigay sa'yo dahil mahirap ka daw kausap."

Pinaikot ko ang mga mata ko at kinuha ko mula sa kaniya ang binibigay niya. Iyon pala ang pinagsisimyento kanina sa akin ng babae nang hindi ko kaagad siya pinansin. Malamang kanina pa naghihintay si Wilhelm.

"Hindi ako mahirap kausap. May iniisip lang kasi ako kanina."

"Ang swerte naman ng taong iniisip mo."

Tinaasan ko siya ng kilay at inabot ko sa kaniya ang sukli niya. "May iniisip lang kailangan tao agad? Malay mo ba kung solusyon sa global warming ang iniisip ko, paraan kung paano pupuksain ang mga taong toxic sa social media, o kung ano ang antidote para sa mga zombie?"

"Mukhang mahirap ka ngang kausap." natatawang sabi niya.

Humalukipkip ako at binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Lumayas-layas ka na nga at umiinit ang ulo ko."

Imbis na ma-offend ay sumaludo lang siya at tumalikod na. Hindi naman kasi ako nangingiming kausapin siya ng gano'n dahil ilang beses na rin kaming nagkausap. Naka-date ko pa nga siya dahil sa kagustuhan ng magaling na Hari ng mga Kulog. Well actually kahit na sinasabi ko na siya ang nagsabi na makipag date ako ay hindi naman gano'n talaga ang eksaktong nangyari.

Nakita kita na kausap siya. You look...happy. Kung gusto mo na makilala pa siya hindi kita pipigilan. Nandito lang ako kahit na anong mangyari.

Tandang-tanda ko pa ng sabihin niya sa akin iyon. Pinagseselos ko lang naman siya kaya tinuloy ko ang pagkausap ko kay Will noong una lalo na at nakita ko si Thunder na nasa malapit. Pero imbis na ang inaasahan kong reaksyon ang gawin niya ay ang mga salitang iyon ang sinabi niya. Kaya sa inis ko nakipagdate nga ako sa lalaki kahit na hindi ko naman gustong gawin iyon.

Mabuti na lang at dito lang sa Craige's naganap iyon kaya nagawa ko pang ikubli ang intensyon ko at sinabi ko na lang kay Will na utos iyon ni Dawn dahil gusto naming malaman pa ang mga impormasyon tungkol sa kaniya. Pero sa totoo lang kahit hindi ko naman intensyon ay nag enjoy naman ako sa naging pag-uusap namin.

And speaking of that...naalala ko bigla ang pustahan na ginawa ko sa kasal ni Aiere kung saan naglaro kami ng baccarat at natalo ako.

"Will!"

"Ja?" he asked, turning around to look at me.

Akmang magsasalita ako pero napatingin ako sa kinaroroonan ni Thunder. Wala na sa amin ang atensyon ni Harmony at siya na lang ang nakatingin sa gawi namin. The hidden emotions in his eyes are now visible to me. I can see the raw pain I know he's trying to hide. But like always...he forced himself to smile and he just nodded at me.

"Hera?"

I blinked the tears away that were just starting to form and I looked at the man standing in front of me. Kita ang pagtataka sa mukha niya sa pagbabago sa akin pero pilit na pinanatili ko ang kontrol para mapigilan iyon mula sa pagbitaw sa natitirang pagkakakapit no'n.

"Busy ka ba? Gusto mong lumabas?"

His forehead knotted in confusion. "Like a date?"

"Yes."

"Akala ko ba taken ka na?"

I did say that to him before.

Muli akong tumingin kay Thunder pero nakatingin na lang siya sa lamesa kahit pakiramdam ko ay tumatagos naman doon ang atensyon niya. "Ayaw niya pang tanggapin ang puso ko eh."

I know I shouldn't have said that. Kasi sino bang tao ang gustong lumabas kasama ng babaeng kita naman na sa iba nakatingin? Why would he go out with a woman who obviously want to reach for someone that is not him?

"Kailan ba?"

Napakurap ako at tumingin sa lalaki na ngayon ay may maliit na ngiti sa labi na inalis ang atensyon niya mula sa direksyon na kanina ay tinitignan ko. "Okay lang sa'yo?"

Nagkibit-balikat siya. "Marami akong oras. Might as well spend it with a beautiful woman."

Muling naagaw ang atensyon ko nang mamataan ko si Thunder na tumayo mula sa kinatatayuan niya at walang lingon-lingon na naglakad palabas ng Craige. Pero hindi pa siya nakakalayo nang mapatigil siya kasabay nang pag flash ng imahe sa suot ko na contact lenses.

I stared in front of me with my eyes unfocused as I read the content of the message from the control room. It's a mission. Usually ay ang pinadadalanan lang no'n ay ang mga agent na binibigyan ng misyon. Sinabi ko kay Dawn no'n na bakasyon muna ako dahil ang dami kong mission na tinapos noong isang buwan kaya alam kong hindi ako kasama sa binibigyan ngayon. Isa lang naman ang rason kung bakit pati ako ay pinadalan ng mensahe. Because I asked to be notified when he's getting his own mission.

Napadiretso ang likod ko nang isa-isang pinakita ang mga pangalan ng agent na siyang hahawak na misyon nang makita ko ro'n ang pangalan ni Thunder.

"I need to go." I whispered.

Mabilis na hinubad ko ang apron ko at pagkatapos ay patakbong lumabas ako ng Craige's. Hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa mamataan ko na malapit na ako kay Thunder na ngayon ay nagsimula na rin na maglakad palayo.

Kaagad na lumapit ako sa kaniya at hinablot ko ang dulo ng suot niya na jacket. Napalingon siya sa akin at pagkatapos ay nagbaba siya ng tingin sa kamay ko.

It's so frustrating. So damn frustrating that I can't even hold his hand.

Nagpatuloy na siya sa paglalakad habang ako ay nanatiling nakahawak sa dulo ng damit niya. Hindi siya tumigil hanggang sa tuluyan na kaming kinubli ng mga puno na siyang madadaanan namin papunta sa headquarters.

We continued walking until there's no one to see us except the trees that are dancing and the flowers that are falling gently as if they are being carried by the wind. Naramdaman kong kumilos ang kamay niya at inikot niya 'yon dahilan para maalis ang kamay kong nakahawak sa damit niya...at para lang magawa niyang sakupin iyon sa palad niya.

The pain in my heart whenever I feel that there's a distance between us immediately eased the moment he intertwined his hand with mine. Because with him like this with me...it feels right.

The pain is still there. I can still feel its presence. But for now I am okay.

We're okay.




_________________End of Chapter 2.

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 114K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...
2.4M 74K 45
Levi is a notorious playboy; women around him would beg for his attention, that's until he finds himself kissing a woman who happens to be a nun. For...
56.8M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
101K 5.4K 45
COMPLETED ✔️ ⭐️ A RomancePH official "Kilig All Year 'Round" read. ⭐️ Valentine's Day 2021 Special ❤ At the age of 27, no boyfriend since birth B o...