Dare or Consequence

By Dieeeena

234K 5.7K 543

This is a girl to girl story. If you're not comfortable, kindly find another story. Let's find out if Deanna... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
11
12
13
14.5
14.5
15
16
17
18
19
20
21
A/N
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
34
Not an update
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Book Two

33

4.1K 113 1
By Dieeeena

Jema's POV

"Kung hindi mo na kaya, Jema sumuko ka na." Sabi ni Cassy. Kanina ko pa sila kasama. Pag uwi ko ay saktong nagkasalubong kami. Nandito kami ngayon nila Mark sa kwarto ko. Nagpapahinga na kasi sila mama para hindi maingay dito kami nag usap usap. Lalo na't hindi ko pa nasasabi sakanila ang about samin ni Deanna.



May balak naman akong sabihin dahil kilala ko ang parents ko, alam kong matatanggap nila ako. Hinihintay ko lang ang signal ni Deanna na umamin kami. Si Deanna pa rin ang top priority ko dito sa relasyon namin.




Sila Cassy ang nagiging sandalan ko ngayon. Sakanila ko iniyak yung pain na dala dala ko kanina pa nung umalis kami biglaan nila Deanna sa bar. Inatake na naman ng takot at kaduwagan ang bb ko.


"Bakit kasi hindi mo sakanya sabihin na nasasaktan ka na?" Sabi ni Mark. Kasalukuyan akong nakaupo sa kama ko habang sila ni Cassy ay nakaupo sa sofa bali katapat ko sila.





"Hindi ka ba nakikinig sakin? Ayoko nga kasi baka iwan niya ko. Alam niyo naman kung gaano ko kamahal si Deanna di ba? To the point na kaya kong ibaba ang sarili ko sakanya para magstay lang siya. Kaya kong masak--"






"Hanggang kailan jema?" Napatigil ako ng putulin ni Cassy ang sinasabi ko. Itinigil ko na ang pagpupunas sa mga luha ko dahil useless naman, tuloy tuloy pa rin ang patak ng mga luha ko. Parang ayaw nilang maubos.





"Jema naaawa na ko sayo. Hanggang kailan mo ba kayang ihandle yang pain na yan? Noon pa yan ha. Bakit pakiramdam ko lalong lumala yang pain na yan ng naging kayo na?" Yumuko lang ako at patuloy na naiyak ng marinig ko yung sinabi ni Cassy.






"Given na si Deanna yung nagpapasaya sayo. Pero pakiramdam namin siya din yung reason ng pain mo. Yung tipong mas lamang yung pain kesa sa happiness. Nasan na yung jemang laging nakangiti tuwing kasama namin? Yung jemang laging masungit sakin. Kasi pansin namin everytime na magkasama tayo laging yung pain na pinagdadaanan mo kay deanna yung pinag uusapan natin. Lagi ka nalang umiiyak." Sabi ni Mark. Napatakip ko na ang mga palad ko sa mukha ko. Pinipigilan kong makagawa ng ingay dahil sa pag iyak ko.






"Guys, anong gusto niyong palabasin? Ibreak ko siya? Isang linggo palang nga kami e." Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.







"Yun na nga e. Kabago bago niyo palang ulit ganyan ka na masaktan. What more pa kapag nagtagal na kayo?" Sabi ni Mark sakin. Seryosong nakamasid lang sakin si mark habang si cassy ay mababakas ko ang pag aaalala sa mga mata niya.







"Mahal ko siya. Mahal niya ko. Mahal namin yung isa't isa. Alam kong kapag nagtagal na kami mawawala na rin tong pain na to. Kaya ko pa naman tiisin e. Titiisin ko muna hanggang sa maging matapang yung bb ko." Nakatingin ako sakanila ng sabihin ko yun.



May tiwala ako kay Deanna na balang araw kaya niya ring maging matapang. Balang araw maipagmamalaki rin ako ni Deanna. Balang araw wala na siyang magiging pakialam sa mga matang nakamasid samin na pilit kaming huhusgahan. Balang araw matatanggap rin kami. Balang araw magiging malaya rin kami.







Deanna's POV

Lumipas ang Christmas at bagong taon na hindi kami nagkita ni Jema pero yung communication namin ay tuloy tuloy pa rin. Nakasama ko ang mga relatives ko nung christmas. May mga tita ako na nagtatanong sakin kung may boyfriend ba daw ako. At everytime na tinatanong nila yun ay nagkakatinginan kami ni Leny. Si leny ang kasakasama ko nung Christmas. Nalaman ko na 2 years na palang may girlfriend si Leny. Aabot kaya kami ng ganong katagal ni Jema?
















"Saan punta mo?" Tanong ni Mama pagkababa ko. Naabutan ko silang nanonood ni Papa.





"Kila jema po." Napatigil ako sa kinalalagyan ko dahil hinihintay ko na payagan nila akong umalis. Nakabihis na ko e. Approval nalang nila ang kulang dahil ready na kong umalis.





"Deanna maupo ka nga muna dito." Tawag sakin ni Papa. Agad naman akong naupo sa single sofa na tinuro ni Papa. Nilapag ko muna sa gilid ng sofa ang dala kong paper bag.







"Bestfriend mo yang si Jema di ba?" Tumungo naman ako sa pagsang ayon.





"Alam niyo naman siguro ang tama't mali? Wala naman siguro kayong ginagawang kalokohan? Normal lang ang magsabi ng I love you sa bestfriend. Naiintindihan namin yun. Inintindi namin yun dahil lagi ka naming naririnig na may kausap sa phone. Si jema ang kausap mo di ba? Siya ang sinasabihan mo ng i love you. Pero Deanna siguraduhin mo lang na bestfriend mo lang talaga si Jema. Don't disappoint us." Na kay Papa lang ang tingin ko hanggang sa matapos siya sa sinasabi niya. Wala akong masabi. Paano umamin kung ganito ang eksena? Paano maging matapang para kay Jema kung pamilya ko ang kahinaan ko?







"Sige na umalis ka na. Wag magpapagabi ha." Basag ni Mama sa katahimikan sa huling sinabi ni Papa. Agad naman akong nagpaalam at umalis na.







Ramdam kong nagdududa na sila. Malamang anak nila ako. Nasa isang bubong lang kami nakatira. Alam kong may alam na sila. Siguro nandun sila sa denial stage as a parent hindi nila matanggap na maaaring may something samin ni Jema. Gaano ba kahirap tanggapin na bisexual ang anak mo?








Nang makarating ako kila jema ay nagdoorbell na ko. Ilang sandali lang ay bumukas na ang gate nila.





"Deanna ikaw pala. Tara pasok." Bungad ni Tita sakin. Agad naman akong nagmano sakanya. Sumunod ako sakanya papasok.



"Buti ay napadalaw ka dito. Antagal na nung huling kita ko sayo." Sabi ni tita ng makapasok na kami sakanila.






"Pasensya na po naging busy po kasi." Sinenyasan naman niya kong umupo kaya sumunod ako.





"Kumusta na pag aaral mo? Ano ngang course ang kinukuha mo?" Tanong ni Tita habang nakatingin sakin. Nasakin talaga ang atensyon niya dahil hindi naman buhay ang tv nila.





"Hi Deanna!" Napasulyap naman ako sa nasa likuran ni Tita. Kakalabas lang ng kusina.





"Hello po Tito. Magandang umaga po." Sabi ko sabay mano ng makalapit samin si Tito.






"Okay lang naman po yung pag aaral ko. Education po kinukuha kong course." Baling ko kay tita. Nakaupo na sa tabi ni tita si tito.





"Para kanino yang dala mong paper bag? Para ba yan sa anak namin?" Tumungo naman ako kay tito.







"Jema, lumabas ka dyan sa kwarto mo may manliligaw ka dito." Gulat na gulat akong nakatingin kay Tito.





"Ano ka ba naman Pa! Kung ano ano yang sinasabi mo. Hintayin nating umamin ang anak natin at si Deanna." Saway sakanya ni Tita.






"Pa! Anong manliligaw pinagsasasabi niyo? Ayokong magpa--" Naputol ni Jema ang sasabihin niya ng mapalingon ako sakanya. Agad na nagtama ang mga mata namin. Halatang bagong gising palang siya. Pagtingin ko sa wall clock nila. 8:30 na ha.







"Hi Deanna. Bakit di ka nagsabi na pupunta ka?" Sabi ni Jema ng makalapit na siya. Umupo siya sa kanan na side ng sofang kinauupuan ko. Take note single sofa lang po ang kinauupuan ko. Bali nakaupo si jema ngayon sa parang lagayan ng kamay. So mas mataas ang kinuupuan ni Jema kesa sakin kasi hindi naman talaga upuan yun. Nakatingala tuloy ako sakanya. Habang siya ay medyong nakayukong nakatingin sakin.







"Nak, wag mong masyadong titigan si Deanna. Sige ka wala akong magiging manugang." Gulat na napatingin agad ako kay tito. Narinig ko namang natawa lang si Jema kaya sinulyapan ko siya na nagtataka. Nginitian lang ako ni Jema sabay akbay sakin. Bumaling siya sa mga magulang niya. Kaya napatingin din ako sa magulang niya na kasalukuyang nakangiting nakatingin samin ni Jema.










"Pa, Ma, Bagay kami no? Ganda ng girlfriend ko no?" Napabaling ulit ang tingin ko kay jema hindi ko maiwasang maluha ng napatingin ako sakanya pero agad ko namang pinunasan. Sa parents pa rin niya siya nakatingin na nakangiti. Bakit hindi ko mahanap na mainis o magalit sa sinabi niya? Dapat di ba sikreto muna to dahil takot pa kong umamin. Pero bakit ngayon naiiyak ako sa tuwa, ang saya sa pakiramdam na proud siyang sabihin yung sa parents niya.




"Bb, bat ka naiiyak?" Natatawang sabi niya na mapasulyap siya sakin.






"Ma, Pa, naspeechless na girlfriend ko. Sa kwarto muna kami." Sabi niya. Tumayo na siya habang nakatingin siya sakin. Hinihintay niya kong tumayo kaya tumayo na rin ako sabay kuha ng paper bag na dala ko. Agad naman niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko dahil nasa kanan ang paper bag.










"Deanna." Pareho kaming napalingon ni Jema kila tito at tita.







"Deanna wag mong sasaktan yung anak namin ha. Wag mong papaiyakin yan." Nakangiting sabi ni Tito. Nakangiting nakamasid din samin si Tita. Sana ganito rin ang parents ko.







"Tita, Tito, iiwasan ko pong masaktan at mapaiyak ang anak niyo." Naramdaman kong pinisil ni Jema ang kamay kong hawak niya.





"Mahalin mo yan ha. Kahit matigas ang ulo niyan. Alam naming mahal na mahal ka niyan." Napabaling ang tingin ko kay Jema na nakatingin rin pala sakin. Nginitian ko siya.






"Mahal na mahal ko din po si Jema." Sagot ko kay tito habang nakatingin ako sa mga mata ni jema.

Continue Reading

You'll Also Like

179K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
523K 16.6K 124
I saw you happy with another girl Am I late? Then reality hits me I deserved it I left you hanging but what can I do? I can't force myself to unlove...
43.4K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"