UNRIVALED!

By PeachyyyPie

286K 16.6K 4.3K

So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then... More

PROLOGUE
* CHAPTER 1~ Blue Haven wall was wrecked!
* CHAPTER 2 ~ I am not interested.
* CHAPTER 3 ~ Don't bother me..
* CHAPTER 4 ~ Will you be our friend?
* CHAPTER 6 "War on!"
• CHAPTER 7 "Protect your base."
• CHAPTER 8 "Protect your base"
• CHAPTER 9 "The Giant Bird"
• CHAPTER 10 "The Lost Shoe"
• CHAPTER 11 "Pendant"
• CHAPTER 12 "Relic"
• CHAPTER 13 "Proxy"
• CHAPTER 14 "Captor"
• CHAPTER 15 "The Annual Tournament"
• CHAPTER 16 "Contenders Profile"
• CHAPTER 17 "Battle for cause"
• CHAPTER 18 "Eugi vs Suzzane"
• CHAPTER 19 "Eugi vs Alistair"
• CHAPTER 20 "Serendipity"
SPECIAL CHAPTER
• CHAPTER 21 "Trap"
• CHAPTER 22 "Default"
• CHAPTER 23 "Instinct"
• CHAPTER 24 "Payback!"
• CHAPTER 25 "Visit"
• CHAPTER 26 "Call away"
• CHAPTER 27 "Hierarchy "
• CHAPTER 28 "Barricade"
• CHAPTER 29 "Rogue!"
• CHAPTER 30 "Violators"
• CHAPTER 31 "Monitor"
• CHAPTER 32 "Missing"
• CHAPTER 33 "Justice"
• CHAPTER 34 "Help"
• CHAPTER 35 "Player's ready!"
• CHAPTER 36 "Hide and Seek"
• CHAPTER 37 "The Plan"
• CHAPTER 38 "Abduct"
• CHAPTER 39 "Eye for an Eye"
• CHAPTER 40 "Stolen"
• CHAPTER 41 "Paintings"
• CHAPTER 42 "Ambush"
• CHAPTER 43 "Operation"
CHAPTER 44 "The Plan"
CHAPTER 45 "The Royale Heir"

* CHAPTER 5 ~ Tick tock! Timebomb!

6.5K 403 42
By PeachyyyPie


~•~•*•~•~
CHAPTER 5
Tick, tock! Timebob!

"Charm is a similar term for magic back in late ninety's." ani ng isang professor sa kaniyang mga estudyante. History ang unang subject ng section 4-A01. May katarayan ang tindig ng kanilang lecturer, malaki ang bilugan nitong salamin at naka-pusod ang blonde nitong buhok. Sa kaliwang kamay, tinatapik-tapik nito ang hawak na stick saka pabalik-balik na naglalakad sa pagitan ng mga silya at nakikinig na estudyante. "Now let's see. In 1678, Amber Dewlett popularized what?"

Nagsimula ng kabahan ang mga estudyante nang magtanong ito. Ito ang pinaka-ayaw nilang atmospera tuwing graded recitation. Bukod kasi sa itsura nito, pinapatunayan 'din ng kanilang lecturer ang pagiging matapobre. Malakas ang kumpiyansa nitong mag pahiya ng estudyanteng hindi makaka-pagbigay ng tamang sagot sa mga tanong niya.

"Anyone in the class?"

Walang sinomang nag taas ng kamay. Parang walang tao dahil sa katahimikan ng loob sa silid. Nangingibabaw ang tunog mula sa aircon at ang pag kumpas ng clock hand mula sa wall clock. Halos lahat ng estudyante ay naka-iwas ang tingin sa kaniya. Mahirap ng makipag titigan at baka matawag sila. Gumala ang mata ng kanilang lecturer sa paligid, hudyat para makaramdam ng matinding pressure ang mga estudyante.

'Please, 'wag ako..'

'H'wag ka dito tumingin, ma'am..'

"You. Stand up."

Nangangatog ang mga tuhod na tumayo ang lalaking itinuro ng lecturer. "Y-Yes po m-ma'am?" hindi ito makatingin ng diretso dulot ng matinding kaba.

"Answer my question."

"S-Sorry m-miss.. I don't know the answer.."

Pasimpleng nag mura ang lecturer saka naging matalim ang tingin nito sa lalaki. "I won't accept that kind of answer."

"H-Hindi ko po talaga alam ang sagot.." nakatungong sambit ng lalaki habang nilalaro-laro ang daliri dahil sa tindi ng kaniyang kaba. Grabe ang kahihiyang nararamdaman niya, paniguradong nakatingin ang lahat ng kaklase niya. Bakit ba naman kasi hindi niya binasa ang huling lesson dito, kung alam niya lang na siya ang unang tatawagin ay nakapag handa pa sana siya.

"Class, you have three days to read our previous lesson. So, don't give me lame excuses, kesyo 'di ko alam ang sagot!' o kaya 'nalimutan ko!'.. Gusto niyo bang 'yan din ang ilagay ko sa grades niyo!?" tumaas ang tono sa boses ng lecturer saka isa-isang pinukulan ng matalim na tingin ang mga estudyante, at muling tumingin 'don sa lalaki. "You will be deducted five points for today's recitation."

"S-Sorry po, miss.."

"Mane usque!" malakas na bigkas ng guro sa isang latin chant habang ang hawak nitong stick ay nakatapat ang direksiyon sa nakatayong estudyante. Nagliwanag ang kabuuan ng lalaki sa enerhiyang bumabalot sa kaniyang katawan. Enerhiyang nagagawang paralisahin ang sinomang madapuan nito. "You can't move 'till the end of the discussion."

Nagulat ang mga estudyante sa ginawa nito. 'Shit!'

"Havenburst.." walang lingon na tawag nito kay Ceref. Napunta sa kaniya ang tingin ng mga kaklase. "Same question.."

Napabuntong hininga siya at walang ganang tumayo sa kaniyang upuan. Wala sana siyang balak um-attend sa klase nito, kun 'di nga lang sa isyu kaninang umaga ay umuwi na siya. "Amber Dewlett was prominent for utilizing teleportation spell. She popularized Ramellon spell, a chant that engages to produce portals."

"Guinevere Adolce?"

"She's a vampire who can perform astral projection and psychometric at a constant energy. Her aura is known to be mystical, hence it was still a theoretical approach that she was supposed to be qualified as a school's pillar." walang ganang sagot ni Ceref, sinalubong niya ang matalim na tingin ng kaniyang history lecturer. Hindi siya mag papatinag sa tindig nito, marahil ay sanay na siya sa ganong uri ng tingin.

Hindi naiwasang humanga ng patago ang kaniyang mga kaklase. Iba ang pinapakita niyang talino sa pag sagot. Hindi siya makikitaan ng kaba o kaya takot. Natural ang tinig ng malalim niyang boses. Mas lalo tuloy nape-pressure ang kaniyang mga kaklase dahil mahirap ng sundan ang kaniyang sinabi.

"Well said Mr. Havenburst." nakangiting usal ng babae saka naglakad papuntang unahan para harapin ang mga estudyante. "Mahirap ba ang tanong ko, class?"

Walang sumagot.

"Again, I won't tolerate shitheads in my class." bumalik ang tingin nito sa lalaking hindi nagawang sagutin ang tanong niya. "Graduating students kayo, tandaan niyo 'yan. Blue Haven students are known for having high quality education, yet can't answer a simple question!? People who contributed huge sentiments at the history didn't risk their asses to be forgotten. If you can't remember their names, atleast remember what they did!" Sandali itong huminto sa pagsasalita at pinagmasdan ang mga estudyante. "Ano nalang ang sasabihin ng iba? That Blue Haven lecturers aren't providing sufficient knowledge? You know why I'm strict right now, I want you to create success, not failure."

Wala pa ring nangangahas na magsalita sa klase. "One day, you will be facing the reality. You will compete with billions of people. Different races, various abilities. Having grand title isn't enough to win a battle. You are here, because you were called elites of the elites! History maker, creme of the crop, hindi bokya! You are the next generation of absolute power, so act like one!"

Matapos ang mahabang litanya ng lecturer ay sumulyap ito sa suot na orasan. Limang minuto nalang bago niya i-dissmiss ang klase. Itinutok niya ang hawak na stick 'don sa estudyante para tanggalin ang inilagay niyang mahika sa katawan nito. Mabilis na naglaho ang pagka-paralisa ng lalaki, bumalik sa normal ang kondisyon nito. "Uunahan ko na kayo, do not enter my subject with empty head." saka ito diretsong naglakad palabas ng classroom.

Nasira ang tensyon at katahimikan sa buong silid nang makalabas ang kanilang lecturer. Napaluwag na ang kanilang paghinga, pero nan'don pa rin ang takot at pangangamba sa mukha nila.

"Grabe, nakakatakot si ma'am."

"Imagine she's our terror instructor 'till the end of semester!"

"Magbabasa na nga ako ng mga lessons, natatakot ako ih."

"Oo nga! Kala ko ako na 'yung tatawagin eh."

"Gerard, okay ka lang?"

"Oo nga, kamusta 'yang katawan mo?"

"O-Okay na ko. Salamat, nangalay lang ng kaunti.."

"Grabehan naman kasi si ma'am, 'di lang nakasagot paparalisahin na.."

"That's inhumane, 'di ba? What did she expect from us? Nag aral buong summer? Duh, I don't even bother remembering people that I don't care about."

"True! Sana pwede nating sabihin, no?"

"Mabuti nalang at naka-sagot si Alpha.."

"Oo nga. As expected from the highest leader of vampire unit."

"Kaya idol ko 'yan si Ceref. Magaling sa lahat ng field!"

Kaliwa't kanan ang papuri ng kaniyang mga kaklase na hindi man lang niya binigyan ng pansin. Sa tuwing ngumingiti at napapatingin ang kaklase sa kaniyang direksiyon ay iniismiran niya lang ito na parang isang nandidiring estranghero. Nahagip ng kaniyang mata ang pagdaan ng isang babae mula sa salaming bintana. Sinundan niya ng tingin ang pagdaan ni Eugi hanggang sa makalagpas ito ng kanilang classroom. Nakabusangot ang mukha nito at walang emosyong nakatitig sa daan.

Wala sa sarili siyang napatayo sa kaniyang upuan saka nilingon ang isa sa kaniyang mga kaklase. "Anong susunod na klase?"

"Psych orientation. Two hours pa ang vacant."

Tumango lang siya saka diretsong lumabas ng silid. Nagmamadali namang sumunod ang kaibigan niyang si Vix, kahit na wala itong kaide-ideya sa binabalak niya.

~•~•*•~•~

ISINARADO ni Eugi ang pinto nang makalabas mula sa District office. Naka-upong nag-aabang si Neo sa paglabas niya na kalauna'y tumayo nang makita siya. Matapos ang insidente kanina sa canteen ay ipinatawag silang dalawa ni Zed para ipaliwanag ang nangyari. Mabuti nalang at nakarating ang ilang senior students para pigilan ang pag-atake ni Zed sa kaniya kanina. Mukha pa naman itong sisiga-siga at walang pinipiling patulan.

"Anong sabi sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Neo.

"Wala naman.. Pinag sabihan lang ako.."

"Hindi ka ba nila tinakot?"

"Anong ipananakot nila, maliban sa mukha nila?"

"Expulsion. Pwede kang ma-expelled dahil sa involvement mo sa gulo. Sana hindi mo nalang pinatulan si Zed."

"Mahirap labhan ang damit ko kapag namantsahan, nag iisa lang ang uniform ko.. Matuwa na siyang hindi tray ang ibinato ko sa kaniya.. kun 'di.."

"Kun 'di?"

"Mamamantsahan ng dugo ang paligid, mahirap na.. Mas malansa.."

"Anong ibig sabihin mo?"

"Wala.."

Napansin ni Neo na nawala ang isang star sa emblem ni Eugi. Ang tatlong stars na nakalagay sa kanilang emblem ay simbolismo ng pagiging matinong estudyante. Kapag may nilabag na patakaran ang estudyante ay tinatanggal ang isang star dito, tanda ng 'warning'o notice mula sa head council. Kapag naubos ang stars o umabot sa tatlong violation ang estudyante, maari na siyang ma-expelled at tumanggap ng mabigat na kaparusahan.

"Na-demerit 'yung isa mong star!" bulalas ni Neo. "Bakit parang ikaw pa 'yung nabawasan? Hindi mo naman kasalanan, ah? Siya nga 'tong nagbato sa 'yo ng pagkain eh."

"Sa tingin mo ba papanigan ako ng council?"

"Hindi ba nila—"

"Makinig pa nga lang sa sasabihin ko, hirap na nilang paniwalaan.. Ang panigan pa kaya ako.."

"Eh anong silbi ng pag punta mo sa loob?"

"Para masabing na-ireport ang gulo.." nakakapag takang walang bahid ng emosyon ang tono nito. "Tama man o mali ang ginawa ko, ako pa rin ang made-demerit.. Walang patutunguhan ang pagdepensa ko.."

"Tama ka.. Pero, hindi kaya masira ang pangalan mo niya'n? Hindi magiging maganda ang first impression nila sa "yo.."

"Noon, mas mahalaga sa 'kin ang pangalan at reputasyon ko, pero ngayon mas mahalaga na ang katahimikan ko.. Bahala sila kung anong gusto nilang isipin.."

"Pero, hindi pa rin makatarungan 'yun!"

"Kailan ba sila naging makatarungan?"

Hindi nakapag salita si Neo. Pinag masdan niya ang tila walang reaksiyon na mukha ni Eugi. Hindi niya maintindihan kung bakit parang wala lang dito ang nangyari kanina. Bakit hindi niya ito nakikitaan ng pangamba? Ganito ba talaga ka-absent minded si Eugi? Kung siya siguro ang na-demerit ay baka kanina pa siya umiyak dahil magiging malaki ang epekto nito sa pag-aaral niya.

"Violator kana tuloy. Unang araw palang hindi na maganda ang bungad ng mga estudyante sa 'yo."

"Hindi lang ngayon.. Araw-araw hindi magiging maganda ang bungad sa 'kin ng mga estudyante.."

"Bakit naman?"

"Mortal ako.."

"Hayaan mo na sila. Kapag nakasalubong mo si Zed, Ikaw nalang ang umiwas sa kaniya, dahil hindi rin 'yun mag papatalo. Takaw gulo ang isang 'yon, pati na rin 'yung mga liga niya. Sabay-sabay silang gumagawa ng kalokohan, pero pag nagka-sisihan na, hahanap ng matuturo para depensahan 'yung mga sarili nila.." pahayag ni Neo habang napapa-iling. Napansin niya bigla ang  dumi sa kamay ni Eugi, batid niyang mantsa o sauce 'yon sa ibinatong pagkain ni Zed kanina. "Ang dumi nang kamay mo, tara sa washroom? Hugasan mo 'yang kamay mo."

"Mm.." at nagsimula na silang mag lakad.

"Alam mo ba, kanina may nakasalubong akong group ng students pagdaan ko sa library. Nag-aantay silang lima 'dun sa labas ng men's washroom. Para silang may ina-abangan na kung sino. Maya-maya 'non may lumabas doon na lalaking naka-round glasses! Ta's nang makita nila 'yon, bigla silang bumuwelta t'saka siya binatuhan ng itlog! Talagang pinaghandaan nila 'yon! Sabay takbo ang mga sira-ulo!" tumaas ang boses ni Neo habang nagsasalita, hudyat upang mapa-lingon sa kaniya ang ilang nala-lagpas'ang estudyante. Mababasa ang pandidiri sa kaniyang ekspresyon habang nagku-kuwento. "Sana talaga mahuli na 'yung mga hinayupak na 'yon, para mapanagutan 'yung ginawa nila 'don sa kakawang lalaki."

"Wala bang mga magulang 'yon?"

"Ewan ko ba sa kanila. Hindi mo rin ma-asahan mga magulang nila. Kinukunsinti rin kasi masyado." kunot ang noong ngumuso si Neo habang nakatingin sa daan. "Basta ang iniisip ko nalang na dahilan kung bakit sila ga'non ay baka hindi sila naturukan ng tamang bakuna o kaya naman maluwag na 'yong turnilyo sa utak nila. 'Yung mga ga'nong bagay.."

Sandaling lumingon si Eugi sa kaniya at napa-buntong hininga. Unang araw palang niya sa Academy, at malakas na ang pakiramdam niyang hindi magiging maganda ang pakikitungo ng mga estudyante sa kaniya. Sa classroom palang ay hindi na kagandahan ang tingin ng mga kaklase niya, kung makatingin kasi ang mga 'to ay para bang may nagawa siyang malaking kasalanan.

"May matitino namang estudyante. 'Yung tipong nandito talaga para mag-aral.." nakangiwing patuloy ni Neo habang pinapanood ang mga estudyanteng naglalakad. "Kaso alam mo 'yon?" problemado siyang lumingon kay Eugi. "Mas lamang pa rin talaga 'yong loko-loko at sira-ulo! Akala mo kung sinong matataas, ang yayabang! Biruin mo, abangan ka sa labas para lang batuhin ng itlog! Kun'di ba naman may saltik ang pag-iisip ng mga 'yon! 'Diba Eugi?"

"Mm.." 'Ang daldal niya.. Ang OA pa mag kuwento..'

"Nangyari na kasi sa 'kin 'yon dati. Binato naman ako ng bato! Hindi itlog ah, kun 'di bato! Bato talaga, as in! Walang halong biro, promise!"

"Sa susunod na batuhin ka nila ng bato," humina ang boses ni Eugi. "Batuhin mo sila ng mas malaking bato.. Para hindi ka na nila magawang batuhin pa.."

Hindi nakuha ni Neo ang ibig sabihin niya pero tumawa ito. "Seryoso ka ba 'dun? Alam mo, natatakot na 'ko diyan sa mga sinasabi mo. Ang brutal mo mag-isip. Kung puwede lang talaga gawin 'yang sinabi mo, matagal ko nang ginawa, kaso mukhang mas lalo akong pagti-trip'an ng mga 'yun eh.."

"Kaya mo," tinatamad pa rin ang tono nito. "Hindi mo lang sinusubukan.."

"'Yun na nga eh, kapag sinubukan ko pa, baka sa libingan na 'ko pulutin."

"Wala nang pupulot sa 'yo kasi patay ka na.."

"Sabagay," natatawang usisa ni Neo bago sumimangot at muling sumulyap kay Eugi. "Hanggang kailan mo itatago?"

"Ang alin?"

"'Yang kakayahan mo.."

"Anong kakayahan?"

"Psh, alam mo 'yung tinutukoy ko.."

"Wala kong tinatago, at wala kong kakayahan.."

"Eh, ano 'yung kanina? 'Yung ginawa mo kanina sa canteen? Nagawa mong patayin 'yung troll gamit lang 'yung bote ng iniinom mo. Hindi mo magagawa 'yun kung mortal ka lang. Isa ka sigurong Guardian o Vampire, no?"

"Alam mo naman siguro ang hierarchy test.."

"Oo.. Pero.." nahinto si Neo sa pagsasalita nang mapagtanto ang sinabi nito. Hierarchy test, dito muna dumadaan ang mga estudyante bago ibigay sa kanila ang emblem na kinabibilangan. Nagagawa nitong kumpirmahin ang tunay nilang lahi kaya hindi makakalusot ang mga mapag panggap na estudyante. Gold result ang lumabas sa hierarchy test ni Neo, ibig sabihin Gold emblem ang kaniyang makukuha, indikasyon na siya'y tunay na Sorcerer. 'Pero, bakit kay Eugi ay..?'

"'San na 'yung palaging kasama mo?"

"Si Sheiko?" tanong ni Neo. "Mauuna na daw siya, dadaan pa kasi siya sa Potion chamber. Kailangan niya pang humanap ng specimen para sa potion na ipo-produce niya." nang lingunin niya si Eugi ay napansin niya ang pagiging tulala nito. Bahagya pang naningkit ang mga mata ni Neo habang nakatingin sa kaniya saka niya ito marahang kinalabit. "Oy, tulala ka na naman."

Hindi siya tulala, sadyang may pumukaw lang ng kaniyang atensyon. Si Ceref at ang abubot nito. I-isang daan lang ang nilalakaran nila, at paniguradong magkakasalubong sila. Malapit na nilang malampasan ang isa't-isa nang mag-angat ng tingin si Ceref sa kaniya bago nagtama ang kanilang mga paningin. Binigyan niya nang nakakalokong ngisi si Eugi na animo'y may balak gawin, pero ibinalik niya lang rito ang walang emosyong titig.

Ngunit ga'non na lamang ang gulat ni Eugi nang tapikin ni Ceref ang ibabaw ng kaniyang buhok nang magsalubong ang landas nila. Hindi 'yon napansin ni Neo. Nahinto naman bigla sa paglalakad si Eugi, kakaiba ang naging epekto 'non sa kaniya. Kunot ang noo niyang lumingon sa nakatalikod nang pigura ni Ceref. "Baliw ba 'yon?" bulong niya sa sarili.

Nahinto na rin si Neo saka nilingon rin ang tinitingnan ni Eugi. "Sus! Si Ceref ang tinitingnan mo, no?" Nanunukso niyang sabi dahilan para kunot ang noong mapalingon si Eugi sa kaniya. "Si Ceref lang naman ang posibleng magustuhan mo sa dalawang 'yan e. H'wag ka mag-alala naging crush ko din 'yan, pero ngayon wala na. Alam mo kung bakit? Nakaka-turn off ang ugali! Hindi marunong mag pakumbaba, wala palagi sa mood saka.. mayabang!"

'So, Ceref pala ang pangalan ng ungas na 'yun..'

Pamilyar na siya sa mukha ni Ceref, dahil ito lang naman ang lalaking nagkaroon ng maraming atraso sa kaniya sa loob ng isang araw. Hindi niya malaman ang dahilan ng hinanakit nito sa kaniya para gawin ang mga bagay na 'yon. Pero naiintindihan niya ang rason kung bakit 'yon nagagawa ni Ceref sa kaniya, Isa siyang baliw na hindi nabigyan ng tamang bakuna 'nong bata pa lamang siya.

"Hindi ko 'yon kilala.." muli siyang nag pokus sa daan.

"Seryoso ka ba di'yan?" nanlalaki ang mata ni Neo dahil hindi ito makapaniwala. "Kilala kaya siya ng lahat dito."

"Hindi lahat, kun 'di halos lahat." pagtatama niya.

"Parang ga'non na rin kasi siya ang Alpha ng Vampire unit. Matunog ang pangalan ng seven Alpha's dito. Sila rin ang pinaka-nirerespetong mga officials sunod kay Headmistress. Mga elite class kung tawagin, sila ang mas nagbebenefit ng mga rules dito. Alam mo 'yon kung nagbabasa ka ng handbook."

"Hindi ako nag babasa, at hindi ako mag babasa.."

"Eh, kaya naman pala! Hindi mo ba alam na required 'yong basahin lalo na sa mga freshie?"

"Hindi.."

"Kailangan mong basahin 'yon para 'di ka mag mukhang ignorante, at para makilala mo na rin ang mga estudyanteng may posisyon dito."

"Ayokong masayang oras kong kilalanin ang mga taong hindi naman ako kilala.."

"Kaya wala kang ideya kung 'pano tumatakbo ang sistema dito, e."

"Hm.. Sabihin mo nalang sa 'kin.."

"O'sige na nga. Mamaya sa loob ng washroom."

Pag pasok nila sa washroom, bumungad sa kanila ang estudyanteng nahihirapang mag tanggal ng bubble gum na nakadikit sa buhok nito. Napasulyap ang babae sa kanila saka muling bumalik sa  ginagawa. Naka-ramdam ng awa si Neo sa babae, lalo na nang makita niya ang copper emblem sa uniform nito. Naghugas muna ng kamay ang babae matapos matanggal ang bubble gum saka diretsong naglakad palabas.

"Kita mo 'yon?" tukoy ni Neo sa kakalabas palang na estudyante. "Example lang 'yan kung 'gano kababa ang tingin nila sa mga mortal. Mas masahol pa sa hayop 'yung sinasapit nila dito. Napag ti-trip'an, nabu-bully, saka naki-kick out ng walang dahilan. Tapos kapag nanlaban na, sila pa ang masama! O'diba? Welcome to Blue Haven!"

Hindi nagsalita si Eugi, napatingin lang siya sa kaharap na salamin. Sa katunayan, alam niya sa simula't palang na hindi na magiging maganda ang pag trato sa kaniya ng mga estudyante rito. Pero hindi rin naman niya inaasahang mas masahol pa ang sasapitin niya sa loob ng Academy na 'to. Laking pasalamat na rin niyang iba ang pag trato sa kaniya ni Neo 'saka Sheiko.

"Kung mapapansin mo, iba talaga ang sistema sa Blue Haven kumpara sa ibang Academy. Naka-apply dito 'yung Blue-abyss system, na pinatupad ni president Azure para ma-preserve ang mga pure blood. Kaya meron tayong seven Alpha's mula sa iba't-ibang unit. Sila ang in-charge at may dominance sa unit na hawak nila. Nakita mo ba 'yung mga nag lalakihang building sa labas?"

"Hindi.."

"'Yung mga building na 'yon ay housing ng seven na unit. Guardians, Vampires, Esper, Sorcerer, Alchemist, Faunus and Mythical."

"Ano 'yung faunus at Mythical?"

"Sila 'yung mga student na may taglay ng hayop. Tulad ng wolves, half bird, Nightingale. 'Yung may mga powers na link sa hayop o living creatures. As for mythicals, sila 'yung mga fairies, mermaids, dwarves, 'yung mga ga'non."

"Mm.."

"Nag halo-halo, no? Kaya 'yang emblem mo, 'yan ang nagbubukod sa 'yo kung bakit ka mina-maliit ng mga estudyante." Napatingin tuloy si Eugi sa kaniyang emblem sa pamamagitan ng kaniyang repleksiyon sa salamin. Ang kulay copper niyang emblem na may dalawang star na lamang. "Wala ring mangyayari kung mag sumbong ka Eugi, lahat dito ay nadadaan sa kapangyarihan."

"Wala naman akong balak mag sumbong.."

"Sabagay. Parang wala ka namang paki-alam sa nangyari, e." Pinihit ni Neo ang gripo saka nag hugas ng kamay, ga'non din si Eugi. Pero nahinto si Neo sa paghuhugas nang tumapat ang kaniyang tingin sa repleksiyon ni Eugi, napansin niya ang isang kakaibang bagay sa ibabaw ng buhok nito. "Bakit?" tanong ni Eugi sa kaniya nang mapansin ang pag kaka-amang niya sa buhok nito.

"Uh—Ano 'yang.. nasa buhok mo?"

Humarap si Eugi sa kaniyang repleksiyon saka tumingin sa ibabaw ng kaniyang buhok. Mula doon ay natanawan niya ang isang maliit na bagay na nakalagay dito. Hindi niya alam kung paano siya nag karoon nito. Kinapa 'yon ng kaniyang kamay, at ga'non nalang ang gulat niya nang makita ang bagay na 'yon.

'Isang timebob!?'

Nanumbalik bigla sa kaniya ang ginawa ni Ceref kani-kanina lang. Hinawakan nito ang kaniyang buhok nang maka-lagpas ito sa kanila. Labis niya pa 'yong ipinag taka pero ngayon alam na niya ang dahilan. Bakit hindi man lang niya naramdaman? Pero bakit siya nito nilagyan ng timebob sa ulo?

'Engot.. Malamang gusto ka niyang patayin, amp..'

Tinitigan niya ang natitirang 20 seconds sa maliit na screen nito.

"Ano 'yan?" kuryos na tanong ni Neo.

"Basura lang.." kalmadong sagot niya. Hindi pwedeng malaman ni Neo na isa itong timebob dahil paniguradong matataranta ito. Nag tangka pang lumapit si Neo para silipin ito, mabuti nalang at mabilis niyang inilag ang kamay bago pa man 'yon makita ni Neo. Ikinulong ni Eugi ang maliit na timebob sa kaniyang palad. Sorry, Neo..

"Hmp! Patingin!"

"Basura nga lang 'to.."

0:10

0:09

0:08

0:07

"Sure ka bang basura lang 'yan?"

"Mm.."

0:04

0:03

0:02

0:01

0:00

Walang nangyari. Hindi sumabog ang timebob, dahil napigilan 'yon ng puwersa sa loob ng kamay niya. Hinigpitan pa ni Eugi ang pagkakadiin ng nakasiklop niyang palad. Nang maramdaman niyang nadurog na ito, binuklat niya ang palad at bumungad ang durog-durog nang timebob, bago niya 'yon ibinulsa imbis na itapon sa basura. Bagamat 'di naka-iwas ang maalingasaw na amoy-usok sa paligid dulot nang nasirang bomba.

"Amoy sunog. Naamoy mo?" sumisinghot na tanong ni Neo.

"Hindi.. Tara na, may klase pa tayo.." aniya saka nauna nang maglakad palabas ng washroom, sumunod naman si Neo sa kaniya.

***
Vote. Follow. Comment.

Continue Reading

You'll Also Like

72.3K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
8M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
1.5M 58.6K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...