Her Own Soldier (Short Story)

By DanyLumina

395 18 32

She's all broken, bruised and hurt, but I know I can heal her, all those pain will be swept away. She will kn... More

Her Own Soldier - 1
Her Own Soldier - 2
Her Own Soldier - 4

Her Own Soldier - 3

44 4 21
By DanyLumina

AN: Update po. Ayun oh ↓. Hope yah like it. Enjoooooy~~! ♥

------------------

Her Own Soldier - 3

------------------

LIAM

Buong klase hindi na pumasok si Sadako noong araw na yun, makalipas ang isang linggo hindi naman sya nabu-bully, himala ata yun ahh.

Nandito ako sa classroom, boring class, boring teacher, boring, boring lahat.

Bigla akong napatingin sa likod. Sa parteng madilim at sa parteng sinasakop niya.

Mukhang nagsusulat siya ng lecture, nagte-take down ng notes. Mabuting estudyante naman pala eh. Wala akong nakikitang bagay para i-bully sa kanya, maliban siguro sa hitsura niya. Nakalugay yung buhok niya, mahaba yung bangs niya kaya napupuno simula sa noo nya hanggang ilong, nakasuot siya ng kupas na uniporme, at sapatos na mukhang gamit na niya simula pa ng 17th century.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya ng iangat nya ang ulo niya.

*tug tug tug*

Kinabahan ako dun ah, teka, bat ako kinabahan bigla? Ah, oo, dahil baka isipin niyang interesado ako sa kanya. Eh interesado ka naman talaga Liam. Oh sige baka isipin niya na may gusto ako sa kanya. Hindi nga ba? Tumahimik ka nga!

Umiling na lang ako.

"May problema ba Mr. William?," biglang tanong ng teacher namin, lahat ng mga kaklase ko napatingin sa'kin.

"Nothing ma'am," sagot ko.

"You seemed preoccupied since we start our topic a few moments ago," sabi habang matalas na nakatingin sa'kin.

"I am not ma'am," chill Liam.

"Well, if you are not, then  what is the difference between homogeneous and heterogeneous mixture?," nakataas ang kilay na tanong niya sa'kin.

Umayos ako ng upo, inayos ko rin yung vest ng uniform ko.

"The difference between homogeneous and heterogeneous mixture, is that homogeneous mixture is a chemical system having the same appearance and properties, taken for example, salt and water. When you add salt into the water, it'll dissolve. While heterogeneous mixture has non-uniform appearance and different phases can be recognized, example, water and corn grains or water and oil," diretsong sagot ko habang nakatingin sa mata ng teacher na di ko kilala pala.

Mas tinaas niya ang kilay niya, sa tingin ba niya di ko masasagot ang tanong niya? Well, she's dead wrong.

"Looks like you really are not preoccupied Mr. William, I guess I have to give you report tomorrow about kinds of mixture, would that be okay?," Hell no!

I blinked before I spoke, "Okay ma'am," labas sa ilong 'kong sagot.

××××

Pagminamalas ka nga naman! Nasagot mo na ang tanong niya, detalyadong detalyo pa tapos bibigyan ka ng report?! Letse naman.

"Oy pre, umuusok yang ilong mo," biglang singit ni Elmo habang naglalakad kami sa pathway.

"Badtrip," bulong ko.

"Pagpasensyahan mo na si Ma'am Dionisio, matandang dalaga plus man hater kaya ayun, ayaw nya sa tulad nating gwapo," sabi niya.

Nag-tsk na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Pagdating namin sa caf, diretsong counter si Elmo, sya na daw bibili ng pagkain baka daw mabasag ko pa daw mga gamit dahil sa pagkabadtrip ko.

Umupo ako sa usual table na inuupuan namin ni Elmo, pero pansin ko na walang Sadako sa sulok, kahit hibla lang ng buhaghag nyang buhok, wala eh.

Nang dumating si Elmo, kaagad kong nilantakan yung pagkain ko, minadali ko na ring ubusin dahil pupunta akong library.

"Dude, library muna ako," pagpapaalam ko at tumayo na.

"Geh pre, see you sa next class," sagot naman niya habang kumakain.

I nod and walked away.

Pagkarating ko sa lib, agad kong tinungo yung section ng Pure Science.

Naghanap ako ng book about mixture, nakakita ako ng tatlo.

Babalik na sana ako sa upuan ko nang mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na uniporme, kupas, at sapatos, luma.

Pero parang hindi naman si Sadako ito eh, nakatali ang buhok niya habang naghahanap ng libro sa kabilang shelf, nasa counterpart ako ng shelf kung saan sya naghahanap kaya kitang-kita ko sya.

Nakaponytail ang buhok niya at naiwan naman ang bangs niya na naka-tuck sa likod ng tenga niya.

Doon ko napansin ang kabuuan ng mukha niya, mahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong, manipis at mapula ang labi. One word; maganda.

*tug tug tug*

Napahawak ako sa dibdib ko, ramdam ko ang lakas ng tibok nito, kulang na lang kumawala na ito sa kinalalagyan.

May sakit ba ako sa puso? Sa pagkakaalam ko, wala namang may case ng heart disease ang family namin.

Umiling na lang ako at naglakad papalapit sa table ko.

Nang makaupo na ako, hindi mapigilan ang mapatingin kay Bella na nandoon pa rin aa pwesto niya.

May kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag eh, kumplikado.

Bago pa ako malunod sa kakaisip sa kanya, binaling ko na ang atensyon ko sa libro at doon nagpakalunod.

××××

"Solution, Colloid and Suspension, these are the types of mixture," panimula ko sa report ko kuno. Tsk.

"A solution is a single phase, homogeneous mixture whose components are uniformly distributed throughout. Example, sugar solution or salt solution. On the other hand, we have colloid, this is homogeneous with the naked eye but appears heterogeneous when rays of light are passed through it, whose components remain indefinitely suspended in a medium, example, cooked starch, blood and paint. And lastly, suspension, is a heterogeneous mixture where particles are about 10 -⁴ centimeter in a diameter and the components are not evenly distributed throughout, example starch and water," dagdag ko.

Marami pa akong sinabi sa buong report ko, mabuti na lang at nakikinig sila sa'kin. At sa buong report ko, masamang tingin lang ang ibinigay sa akin ng teacher namin.

"So Mr. William, I guess you are well prepared for this day, but I have a question," damn, question na naman!

"What is it ma'am?," tanong ko.

"You didn't tell us the kind of mixture where medicine preparations have, do you know it?," tanong niya.

Shet, nabasa ko yan pero bakit hindi ko maproseso sa utak ko yung sagot. Ugh, I have to answer the right one, kapag hindi, I just gave this goddamn teacher enough reason to make me look like a fool for the entire school year. And it sucks.

Inisip ko pa rin ang sagot.

"Well, anyone from the class who can save Mr. William?," tanong niya sa mga kaklase ko.

Tinignan ko naman sila, bakas sa mukha nila na wala silang masasagot, pati rin si Elmo, tinignan ko sya pero he mouthed, "di ko alam bro", Ugh, I'm doomed.

Magsasalita na sana ang teacher namin nang may nagtaas mula sa ka-sulok-sulokan ng room.

Si Sadako.

"Yes Ms. Bella?," tugon ng teacher namin.

Tumayo naman siya pero nakayuko pa rin.

"Ma'am, many medicine preparations are suspensions that is they have to be shaken before use," sagot niya.

Natahimik naman ng ilang segundo ang teacher namin.

I crossed my fingers behind me, please sana tama sya, ayoko ko nang matanong pa ng bwisit na teacher na 'to. Bulong ko.

Ilang segundo..

..

..

"Well, you're right Ms. Bella, that's all for today, class dismissed," and with thaat lumabas na sa classroom ang teacher na yon.

I sighed in relief.

I won over that teacher. Whoa.

Naglakad naman papunta sa'kin si Elmo.

"You nailed it bro!," at tinapik ang braso ko.

I smiled at him.

Sinabi nya sa'kin na hihintayin nya daw ako sa labas kaya lumapit na ako sa desk ko at kinuha ang bag ko. Pero may kulang...

Nilingon ko ang pwesto ni Bella, inaayos nya ang gamit nya at akmang aalis na nang tinawag ko sya.

"Bella," tawag ko sa kanya.

Tumigil naman sya sa paglakad.

"Salamat sa pagsalo," saad ko sa kanya. Kaahit hindi ko makita ng mukha niya ramdam ko na nakangiti siya.

"Wala yun Liam," at naglakad na sya palabas.

Maglalakad na sana ako palabas ng room ng may nakita akong bagay sa ilalim ng desk ni Bella.

Nilapitan ko ito.

Inabot ko ito..

"Yung notebook ni Bella," bulong ko kasabay ng pagtingin sa labas.

Yung notebook na madalas niyang sulatan. Ano kayang laman ne'to?

------------

AN: Happy Saturday. Ingat po lahat! God bless ♥ Thanks for reading.

Vote? Comment? Fan? Thaaanks! ♥

~Ellaaa. ♥

Continue Reading

You'll Also Like

1M 18.7K 9
" Noon pa man, dapat alam mo na iyon. Hindi ko man sabihin sa 'yo, dapat alam mo na. Hindi kita uuwian gabi gabi kung hindi kita mahal." - Keith Fran...
1.4M 32.5K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
153K 226 21
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
1.8M 89.4K 18
a chasing hurricane and stay awake agatha side-story.