The Elven Round (COMPLETED)

Par Aeronicles

198K 6.4K 207

Euclid Astral Gemini led her life stealing. Why? Dahil wala s'yang pamilya, wala s'yang identidad, and all th... Plus

Author's Note:
**PAALALA**
Prologue
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
Chapter 14:
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 20:
Epilogue
Fun Facts
Names
Covers:
Plug: The Death of Athyeia
Special Chapter #1:
Special Chapter#2

Chapter 19:

5.6K 226 5
Par Aeronicles

3rd Person's PoV

Mula sa lugar ng kanyang tinatayuan ay paikot na tumambling pababa si Euclid upang makalapit sa mga kalaban. Napansin n'ya ang lalong pagdami ng mga ito kaya naman ininguso n'ya ang pana at palaso sa langit. Sa pagtagal ng pagtutok n'ya dito ay ang paglaki din ng isang bilog na unti-unting lumalabas sa kawalan. Inasinta n'ya ang bilog sa pinaka-gitna.

Lumabas naman doon ang 'san daang mga pana na umulan sa mga kalaban. May susugod na tatlong vines sa kanyang harapan. Walang mintis n'ya itong pinatamaan.

Muli s'yang humigit sa tali ng pana ng makita ang likod ng tatlong golem na nilalabanan ni Loki. Pinatamaan n'ya agad ang mga ito sa dyamanteng nagbibigay buhay sa likod.

Napansin naman s'ya ni Loki na agad na nagpalipad tungo sa kanya ng espada. Tila bumagal ang lahat ng bagay ng muntik na itong dumikit sa kanyang pisngi ngunit naiwasan n'ya iyon ng lumingon sa likuran. Sumaksak ang espada ni Loki sa isang malaking insekto. Madami ang galamay at muntik na s'yang atakihin.

Bigla namang lumabas ang siloweta ni Loki sa likod nito at hinati ang katawan sa isang hagupit ng espada nito. Napansin ni Euclid ang isang kaluluwa sa likod ni Loki. Agad naman s'yang pumuweto sa likod ng binata at pinatamaan ang espirito, hinigit n'ya naman ang kamay nito ng makita ang isang gumagapang na nakakalasong baging sa paanan.

Nagtaka naman sila ng palibutan pa sila ng madaming baging. Ng wala nang mapuwestuhan, hinawakan ni Loki ang kanyang bewang kasabay ng pagikot nila habang pinapadaanan nito ng espada ang mga baging. Nahati naman agad ang mga iyon, binaba nito si Euclid kaya't nagka-pantayan sila ng likod. Nakikiramdam sa maaaring mangyari.

Biglang may lumabas na babae sa harapan ni Euclid. Iniamba n'ya dito ang pana, ngunit ng dahil sa sobrang lapit ay tumalon s'ya palikod. Umikot naman si Loki at sa isang wasiwas ay hinati ang katawan ng bangkay. Si Euclid naman ay pinatamaan ang mga palapit na maliliit at masasamang dwende.

Napansin ni Loki ang isang grupo ng golem na patungo kay Euclid mula sa gilid. Kinapa n'ya muli ang kamay ng babae at iniikot ito. Ang buhok naman ni Euclid na pilak ay sumabay sa hangin, wumagayway ito sa hangin na tila isang hampas ng dagat. Nakalampas ang golem at bumalik na si Euclid sa dating puwesto. Muli ay pinatamaan n'ya ito ng mga pana sa dyamante na nasa kanilang likod.

Napatalon palayo naman ang dalawa ng may isang malaking kapre ang gumitna sa kanila. Nagkatinginan sila ni Loki.

Humarap kay Euclid ang kapre at hahampasin na sana s'ya nito ng hawak na puno. Ngunit nasaksak ni Loki ang isang paa nito dahilan ng isang malakas na ungol at pagdaing. Nawala ang atensyon sakanya ng golem at nabaling ito sa lalake. Pinatamaan naman n'ya ng pana ang kamay nitong may hawak na armas upang maihulog n'ya iyon.

Nawala na ang atensyon ng higante at nagpapadyak dahilan ng marahang paglindol. Kasabay noon ang pagtalsik ng dugo mula dito. Napatalon sa gilid ang dalawa upang makaiwas sa nakakadiring bagay.

Tiningnan at hinanap nila kung saan nanggaling ang dugo, doon ay unti-unting nahulog sa lupa ang ulo ng higante. Kasabay din noon ang paglapag ng ama ni Euclid at Loki sa may lupa.

Nangmagkatinginan si Euclid at ang kanyang ama ay nagngitian sila at nagkatanguan. Napabaling silang dalawa kay Loki at sa ama nitong si Ytrio. Hindi mapigilang mapangiti ng dalawa ng magngitian ang dalawa at nagsaluduhan. May tumalong mga golem patungo sa kanila, ngunit agad din ang mga itong naglaho ng may isang guhit ng apoy ang humati sa dadaanan nito.

Nang makita ang dulo ay napagtantong si Leo pala iyon. Nagsaluduhan silang lahat at nagpatuloy sa pakikipaglaban.

"Tangina! Putangina!!!" Inis at galit na galit na mura ng dyosang Hera. Namumula ang natitira nitong mata at nanunuyot na ang kanyang natitirang kanay ng dahil sa paggamit ng sobra at labis na masamang kapangyarihan. "Hindi pa s'ya namatay!" Sigaw nito habang pinapanood ang apat na taong nagngingitian.

Pinalabas ni Hera mula sa taas ng dome ang isang bangkay na sinubukan n'yang kontrolin bilang s'ya. Kung hindi n'ya kayang patayin ang babae sa paraan ng ibang hayop at mga halimaw, s'ya mismo ang lalaban sa mga ito.

Pinalaban n'ya ang manikang bangkay na kan'yang kontrol-kontrol sa lugar kung nasaan ang dalagita kanina, inis na napakunot ang babae ng mapansing wala na doon ang Elra ng Gemini. Napamura s'ya ng mapagtantong muli itong nakatakas sa kanyang mga kamay.

"Hindi mo ako matatakasan Gemini, mahahanap at mahahanap padin kita." Bulong n'ya sa mababang boses. Lalo na't lahat ng hayop na ngayon ay nakikipaglaban ay konektado sa kanyang mga mata.

Umikot si Gemini at pinagmasdan ang paligid. Nasaan si Hera? Ang tanong n'ya sa sarili. Sinubukan n'yang lapitan at akyatin ang bawat puno at bato sa lupa, ngunit ni isa ay walang sumagot na kanyang tanong.

Pumikit siya ng maramdaman muli ang pagtibok ng kanyang ulo. Bumulong s'ya ng isang dasal muli upang mapaayos iyon, sumakto namang napadaan si Khan sa baba ng puno n'yang kinatatayuan. Naghagis ito sa kanya ng isang kulay asul na likido. Naggawad sa kaniya si Khan ng isang tango bago muling tumungo sa iba.

Ininom n'ya ang asul na likido mula sa bote. Unti-unti namang nawala ang kaninang konting puyat na kanyang naramdaman. Naghilom din ang iba n'yang galos at naramdaman ang pagbalik ng kanyang enerhiyang nawala ng dahil sa pagod.

Ngunit ng dahil rin doon ay muling sumakit ang kanyang ulo. Napamura s'ya at tumigil muna sa pakikipaglaban upang magdasal ng isang spell upang magamot ito at mabigyan ng sandaling bisa.

Noong magamot ay pinatamaan n'ya sa ulo ang tatlong bangkay ng taong papalapit sa kanyang kumakantang ina, na pino-protektahan ng kanyang Tita Theia.

Napatingin sa kanya ang babae, medyo nagulat ngunit agad din namang tumango at ngumiti.

Gamit ang kaninang ginamit na spell, iniamba n'ya muli ang pana sa taas upang makapagpaulan ng pana. Nagtaka naman s'ya ng ang isang pana ay pumunta sa tubig.

Napansin n'ya ang bato sa gitna at ang baba nitong parte na nagbibigay ng isang kulay pulang liwanag. Napangisi s'ya.

Bumaba si Euclid mula sa puno, mabilis ang pagtakbong ginawa at ang pagatake sa lahat ng makita. Ng mapapunta sa lawa ay walang pagdadalawang isip n'ya iyong sinisid, nawala ang manipis na telang nakakapit sa kanyang buhok, pati nadin ang balahibo ng agilang nakadekora dito.

Hindi naman s'ya nagkamali ng inisip ng makita sa ilalim ng bato ang layon.

Madilim ang ilalim ng dagat, ngunit nabigyan ito ng ilaw na nagmumula sa kulay rosas na bolang bilog na hawak ng Reyna Hera, napansin agad si Euclid ng alagad nito at sumigaw.

"Hera!" Sambit ng isang matangkad na lalaki kaya't napatago s'ya sa isang bato. Ito ang kasama lagi ng Reyna, hindi ganoong katandaan at tila tumigil ang oras habang nasa mundong ito.

"Ano ba Henesis!" Inis na sambit ng Reyna at hindi ito tiningnan. Lumabas si Euclid sa pinagtataguan at kahit na mahirap gumalaw ay hinigit n'ya ang tali ng palaso upang atakihin si Hera. Lumangoy naman s'ya pataas upang kumuha ng hangin at muling sumisid pababa.

"Henesis!" Sigaw ni Hera ng sumaboy sa mukha nito ang dugo ng alagad.

"Reyna... Tumakas n-na po kayo!" Halos naghihingalo nang sambit ng lalaki. Tumagos kasi ang pana na pinatama ni Euclid sa katawan nito.

"Hindi! Hindi maaari!" Tila nababaliw na sambit ng Reyna at napabitaw na sa kulay rosas na bolang kristal. Nawala ang bulang nakapalibot sa kanila. Hindi parin pinansin ng Reyna si Euclid, imbes ay binuhat nito ang lalaking nagngangalang Henesis paakyat sa gitnang bato.

"Reyna, tumakas ka na, tumalikod ka sa iyong mga gawain at mabuhay ng matiwasay," nagaalala at nananawagang sambit nito. Tila naman nadurog ang puso ng reyna sa sinabi nito, naalala n'ya ang lahat ng oras na sinamahan s'ya nito sa bawat gawain. At magsisinungaling s'ya kung sasabihing ni katiting na pagmamahal ay wala s'yang naramdaman para dito.

"Hindi!" Sigaw pa ng reyna at napayakap dito. At sa muling pagkakataon, pagkatapos ng ilang milenya, ay napaiyak siya. Tumulo ang luhang dugo mula sa kanyang mga mata.

"Magiingat ka, mahal na mahal kita. Sa'yo lang ako magiging tapat kahit kailan." Bulong pa ni Henesis habang unti-unting kinakain ng apoy ang kanyang katawan. Hinawakan nito ang mukha ng malapit nang maagnas si Hera. "Tandaan mo Reyna, para saakin ay ikaw ang pinaka-magandang dilag." Sambit nito bago tuluyang naglaho.

Mas napuno ng galit, lungkot at poot ang puso ng Reyna. Hindi dahil sa asawa ngunit sa pagkamuhi sa sarili n'ya. Dahil ng dahil sa kanyang kagahaman sa kapangyarihan, dugo at ganda ay hindi n'ya napansin ang kaisa-isang taong umibig at nagmahal ng totoo sa kanya.

Isang taong pinatay ni Gemini.

Nagdilim ang kanyang paningin, wala nang natitira sa kanya... Walang-wala. At kung mamatay man s'ya, sisiguraduhin n'yang madadamay ang lahat ng taong sumira ng kanyang buhay.

Umaplang naman noon si Gemini mula sa tubig. "Agh!!!" Sigaw n'ya ng maramdaman ang hapdi sa kanyang leeg. Hawak-hawak iyon ng nawala na sa katinuang si Hera, habang ang mga kamay nito ay nagaalab.

Hinawakan ni Gemini ang kamay ng babae, iniikot n'ya ang kanilang puwesto, ng dahil doon ay guntikan nang mahulog sa tubig si hera, napabitaw ang dyosa sa kaniya.

"Mamamatay ka!" Sambit nito kasabay ng isang malakas na paghangin kaya't dinala nito ang buhok nitong berde. Sumugod muli sa kanya ang babae gamit ang mga baging na nagmula sa iba't-ibang lugar, kumapit ang mga ito sa gitnang bato kaya naman lumawak ang lugar na maaari nilang hawakan.

Sa isang gilid naman ay tahimik na nanonood si Kris, hawak-hawak ang isang scroll ay nilaksan n'ya ang boses sa abot ng makakaya. Sakto namang dumating si Verge na gumawa ng spell ng makasiguradong maririnig ito ng lahat.

"From the twelve was one,

And from one was two,

He who completes must due,

And find the outmost true."

Napatingin ang lahat ng Elra at mga Royal na nasa loob ng dome sa dalaga. Habang unti-unting nagbagong anyo si Kris.

"Was once in the dark,

But then found,

With the help of eleven, it start a spark,

Quietly, quietly, the moon sung its calling sound..."

Banggit naman ni Yura at napatingin kay Kris, nagngitian ang dalawa. Ang mga salitang iyon ay ang mga salitang tinuturo sa kanila mula pagka-bata, ang mga pragmento ng isang mahabang kantang tula na pinamagatang: Ang Bulong ng Buwan.

"Arose under its light was a lovely lass,

Her eyes once broken like clear, clear glass,

But behind it all she found the truth,

Faced it, molded her into a strong sweet fruit."

Isa-isang lumiwanag ang hawak at aking armas ng bawat Elra, tulad ng kanina ay isa-isa nilang sinabi ang mga titulo at katayuan habang nilalabanan ang mga natitira pang mga kalaban.

"Aries," simula ng prinsipeng si Irie.

"Lady, lady, lady of the moon.

Goddess of hunt and childbirth, may you swoon.

We give you this body,

May the goddess posses it calmly..."

"Aquarius." Tapos naman ni Loki. Ngunit lahat ay kinabahan sa mga maaari pang nangyari.

Kulang sila ng isa.

Ang gemini.

Tumali ang dalawang baging sa mga binti ni Euclid, hinawakan n'ya ang isang patalim na nakatali sa bewang at hinati iyon. Tumulo naman ang masaganang dugo sa kanyang paa.

Tumalon s'ya palikod at sinubukang patamaan pa ang babae. Napamura s'ya ng mapagtantong hindi gagana ang pana sa isang malapitang laban. Pumutol s'ya ng isang mahabang tinik sa lupa at pinawala ang pana. Lumipat ito ng pwesto, sa isang iglap ay nasa likod na s'ya ni Hera, nakaramdam si Euclid ng isang enerhiyang tila gustong kumawala sa kanyang kamay.

Nagulat ang lahat ng tao ng mapansing unti-unting nagiging itim at pula ang buhok nito. Napapikit naman si Kris at Yura habang tinutula ang mga salita para sa dyosa ng buwan. Hindi maaaring ang sumapi sa kaluluwa nito ay si Hecate.

Umapoy ang dulo ng tinik. Kasabay noon ay ang pagkasaksak n'ya sa isa pang tagiliran ni Hera, napaiyak ito sa sakit.

Si Hera naman ay walang pagdadalawang isip na inilubog ang mahahabang kuko sa tagiliran din ng babae. Tumulo doon ang dugo ng higitin ito pabalik.

Agad namang kinabahan si Loki sa nakita, hinati n'ya ang huling espiritu na nakita at tumungo sa dalaga. Ngunit napaupo s'ya ng mabangga sa isang napakaliwanag ng ilaw ang nagmula sa buwan, at gumawa ng isang forcefield kung saan tanging si Hera at Euclid lamang ang nasa loob.

"The curse that was put under thy holy game,

Save us, bless us, with your holy arrow's flame.

Guide and help our vessel,

Together, may you put it into one complete puzzle."

Unti-unting naglaho ang kulay na itim at pulang kanina lamang ay namumunga sa buhok ni Euclid, muli itong naging purong puti at umaalon sa bawat galaw ng dalagita sa hangin. Lumiwag ang kamay nito ay muling lumabas ang pana at palaso. Una n'yang pinatamaan ang paa ni Hera kaya't napako ito sa lupa.

"Lady, lady, lady of the moon.

Goddess of hunt and childbirth, may you swoon....."

Nakaramdam si Euclid ng kakaibang lakas na bumalatay sa kanyang katawan. Hindi naman mapigilang mamangha ng mga tao sa lugar na iyon ng ang bestida nito kaninang pangkawal ay mas gumarbo sa loob lamang ng isang segundo, nagkaroon ito ng mahahabang manggas na pag gumagalaw ay kay ganda at kay elganteng pagmasdan.

Nagkaroon naman sa ulo ni Euclid ng isang bilog na gintong tila kawad na ipinatong, sa gilid noon ay lumabas ang isang gasuklay na buwan, kulay itim at may tuldok-tuldok ng pilak.

Sa likod naman ng babae ay may lumabas na isang bata. Nanlaki ang mata ni Loki ng makita kung sino iyon, ganoon din ang mga mata ng magulang ni Euclid.

Ito ang batang Astral, maikli ang buhok na hanggang leeg at may hawak na mansanas. Nakataas ang isang kamay at nakaharap sa likod ni Euclid ang palad.

"Gemini." Banggit ng bata.

Humigit muli si Euclid sa tali ng pana, lumabas doon ang isang palaso. Hindi tulad ng kanina na simpleng asul lamang at napapalibutan ng isang puti at itim na kulay, ang kulay ng palaso ay ginto, nagnining-ning ang dulo at napapalibutan ng isang paikot-ikot na itim na awra. Pinakawalan iyon si Euclid at walang mintis na pinatamaan ang puso ni Hera. Nang tumama iyon ay nagkaroon ng isang malawakang pagsabog, ngunit imbes na sakit ay isang napakamaaliwalas na sensasyon ang idinulot nito.

Naging bato ang puso ni Hera na natamaan. Kumalat ito paunti-unti mula sa kanyang dibdib at bato, hanggang sa kanyang paa at ulo.

Nawala ang malakas na sinag ng buwan, nawalan narin ng buhay ang mga halimaw na isinugo ni Hera, pati ang mga baging na kaninang kinatatayuan ni Euclid.

Nahulog ang dalaga sa tubig, at bago mawalan ng malay ay dumaan sa mata niya ang liwanag ng buwang unti-unti nang nawawala.

~*~*~*~*~*~*~*~

VOMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.

THANKS FOR READING!!!

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

32K 1.4K 65
𝐒𝐭𝐚𝐭𝐮𝐬: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐞𝐬𝐭 𝐑𝐚𝐧𝐤 𝐑𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐝: 1 in Dark Side, Princesses, Da...
245K 9.9K 46
Marliyah Lightgood is a runaway witch in their world called Agartha wherein magicians such like witches, wizards, mages, shamans, sorcerer's, warlock...
12.3K 526 50
Revenge leads them to become a rebel. Extraordinary teens that fights for equality. - Highest Ranking Achieved: • #107 in Powers • #321 in Reveng...
129K 6K 75
The story of the one and only Alexandria Montecillo lies in the pages of this book... ⚜⚜⚜ First Story from The Arcane Realms Collection