Aya's Confusion(Book 1)[Gxg]

By angDiyosaNgBuwan

180K 5.4K 888

The worst thing that can happen to a lesbian is to fall for a confused and deceitful straight woman. But what... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
Preface
F1. The Game Begins
F2. Fall Out
F3. The First Fool's Card
F4. The Second Betrayal
F5. Over and Done
F6. Back Again
5. Yuna's Story
6. The twist
7. The repeat
8. The Revelation
10. Memories
11. Moving on
12. Two sides of the coin
13. Spoiler Alert
14. The Witch
15. The Race
16. Alexa's Story
17. The Battle
18. The Fight
19. Hidden Emotions
20. I am Confused
21. Self-Deception
22. The Dragon
23. The Kiss
24. The Kiss Part 2
25. New Friends
26. Pity or Love?
27. Girlfriend
28. Birthday
29. Meet the parents
30. Shadow of the past
31. Lost
32. Saving Yuna
33. Saving Yuna Part 2
34. Confusions. And more confusions.
35. The escape
36. Death
37. Suicide
38. War
39. Chaos
40. The Fall
41. Fly away
42. Gone
43. Call-off
44. It's Over
45. The Box
46. Commemoration
47. Reign's list
48. The Sound of Defeat
49. The Proposal
50. The Final
Epilogue

9. The Goodbye

2.8K 129 25
By angDiyosaNgBuwan

Limang araw na ang lumipas matapos ang dapat sana'y pagsugod ni Aya kay Yuna sa Quezon. Ito rin ang araw ng pagbabalik ng babae.

Tapos na ang trabaho at nasa apartment na siya at naghihintay sa pagdating nito. She tried to be as nonchalant as she can be. Ayaw niyang makahalata ito na may alam siya. It was tearing her apart, knowing the woman was cheating on her. Kabilang na siya ngayon sa mga nagpapakatanga sa pag-ibig. It was so easy to tell another person to move on and let go pero kung ikaw na ang nasa posisyon, you can't seem to do it even if you so wanted to. The irony of love.

Hindi pa rin siya umuuwi ng Caloocan. Hindi niya maitatago sa mga magulang ang pinagdadaanan niya. Malakas ang pakiramdam ng mga ito, lalo na ang mama niya. Her parents... She wonders how will they react when they find out. They'll probably won't believe it. They thought Yuna was a changed woman. It will surely hurt them. Parang anak na din ang turing nila sa dalaga. At malamang doble ang galit na mararamdaman nila kumpara dati. Ayaw na niyang pag-isipin pa ang mga ito.

She was waiting by the living room, both dreading and anticipating her girlfriend's arrival. She remembered the last time she was waiting like this... It somehow put a smile on her face but then, made her sad even more. She wished she was back on that day and not now when she feels her heart on the verge of breaking completely. She can only hope, but even that hope feels like collapsing.

A tear fell from her eyes and she wiped it immediately. She took a deep breath. She needs to relax. She needs to be strong. Hindi pa tapos ang laban.

A sound of a car approaching and stopping right in front made her still. She could see rays of headlights from outside the window as the woman was maneuvering the car into the garage. Her hands are getting clammy, so she clasped them. She was both anxious and excited.

She glared at the door, waiting for the woman to make her entrance. After just a few moments she could see the knob being turned and came in the woman - the cause of her suffering. Aya's breath hitched upon seeing the woman's beauty. Yuna was only dressed in a pair of denim and a white button-down shirt. Pero dahil sa figure nito ay nagmukhang maliit ang suot nitong damit at bumabakat ang magandang hubog ng katawan nito. Aya almost swooned when the woman gave her a sexy smile but she remembered what the woman did. How dare she acts so calm. Yuna walks towards her in a yet seductive manner, the free hair from her high ponytail bouncing as she moved. And as if nothing, leaned down on her and gave her a peck on the lips.

"Did you wait for me?" Nakangiti pang sabi.

Aya gave her a tight smile but secretly gritting her teeth. Napagaling talaga nitong umarte. Gustong-gusto na niyang sigawan ito, komprontahin, but she held herself. Nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya para rito.

"Hey, what's wrong?" Tanong ni Yuna na nangunot ang noo. Aya didn't notice a single tear that fell under her eyes until Yuna wiped it. "Why are you crying?" Animo'y alalang-alala na tanong nito. Naupo na rin ito sa tabi ni Aya.

Aya tried to smile. "It's nothing... I-i just... Missed you is all." Napasinghot si Aya. Napatitig siya sa magandang mukha ng kaharap. She studied every contour of the woman's face - from her big, dark brown eyes which seems to penetrate her soul, to her almost perfect, pointed nose, to her full lips shaped like a heart and her oval face. She's a definition of perfection pero hindi ang mga iyon ang minahal niya rito. If someone will ask her why she loves her, she most likely wouldn't have an answer. She just loves her, just her. But, what did this woman do? She could feel the searing pain in her chest. She wanted to burst in tears, right there and then.

"Are you really okay? May problema ba?" Pagtataka pa rin nito.

Umiling si Aya at ngumiti lang. Napapaluha na naman siya kay tinakpan niya ito ng tawa at pasimpleng pinahid ang nagbabadyang luha. "Wala. Iniisip ko lang kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita, Yuna. Mahal na mahal," madamdaming pahayag niya.

Natitigilan namang napatitig si Yuna sa kanya. Aya's eyes were glassy and full of emotions she cannot comprehend.

Aya cleared her throat at pilit na kinalma ang sarili. "I'll just prepare the food. Magbihis ka muna then let's have dinner, hmm?" Hinaplos niya ang braso ni Yuna na parang napatanga na sa kanya.

Hindi na hinintay ni Aya na makasagot ito at naglakad na papuntang kusina.

Napakurap-kurap si Yuna at kunot ang noong sinundan ang likod ng kasintahan.

Nang makarating sa kusina ay itinukod ni Aya sa counter-top ang mga kamay at ang kanina pang pinipigilang luha ay malayang pinaglandas sa pisngi. Tahimik siyang humikbi, careful not to make any sound. She's thankful for the wall that's separating the kitchen from the living area. Yuna couldn't see her.

Maingat niyang pinahid ang mga luha at bumuntung-hininga. She composed herself and turned to the sink. Itinaas muna niya ang may kahabaaang sleeves ng suot na loose cotton dress and turned the tap on. Hinilamusan niya ng bahagya ang mga mata. Kumuha siya ng paper towel at nagpunas. Bumuntung-hininga ulit at inayos na ang pagkain sa mesa.

"So, how's the client?" Tanong ni Aya nang nasa hapag na sila at kumakain. Pilit niyang pinasigla ang boses, kahit sa totoo lang ay gustong-gusto na niyang sumbatan ang babae.

She noticed Yuna slightly fidget uncomfortably on her seat pero nagkunwa nalang siyang hindi ito napansin at ipinagpatuloy ang pagkain.

"She's okay... She wasn't picky at may napili na siyang design ng wedding gown niya mula sa mga nagawa ko nang designs. May ipinadagdag lang siyang details. It wasn't that complicated so it would be easy," sagot ni Yuna.

Aya hummed and nods her head. She wonders if she would ever tell the truth. Pakiramdam niya ang lahat ng sasabihin nito ay puro na kasinungalingan. Ganoon naman 'yun, kapag nagtaksil ang partner mo, mahirap na ulit ang magtiwala. Para iyong nabasag na vase, gamitan mo man ng glue para mabuo ulit, basag pa rin. At kahit ano sigurong gawin mong amend, ang duda... Hindi na maaalis iyon.

Aya faked a smile, "that's good, then."

Napatitig si Yuna sa kanya. Nakakunot pa rin ang noo at tila ba ina-analyze siya. "How about you? Kumusta ka naman? Hindi tayo gaanong nakakapag-usap, lately."

'Oo dahil busy ka sa lalaki mo,' ani Aya sa isip, ngunit hindi na iyon isina-boses pa at sa halip, "I've been fine. The usual. Busy sa trabaho, iyon lang naman," kibit-balikat na tugon niya. Kahit sa totoo lang... she doesn't feel fine at all. At mostly, inilaan niya lang ang oras niya sa pagmumukmok at pag-iyak.

"You didn't go out with your friends? Or with Tito and Tita?" Tanong nito.

Naalala na naman ni Aya ang mga magulang. Limang araw na siyang hindi nagpapakita sa mga ito. Sanay naman na ang mga ito na bibihira siyang makita, pero malamang ay nagtataka ang mga ito dahil nandito lang naman siya sa Maynila. Kahit kapos kasi sa oras ay talagang pinupuntahan niya ang mga ito. Hindi niya rin sinabi sa mga ito ang tungkol sa pagsunod niya kay Yuna sa Quezon.

"No. Mostly nandito lang ako sa bahay pagkatapos ng trabaho. Alam mo namang di ako mahilig maggala. Ikaw... Bakit nagtagal ka yata roon? Hindi ba't sabi mo ay hindi naman picky ang kliyente mo?" Curious si Aya sa isasagot ng babae. Ano na naman kayang palusot ang tatahiin nito.

"Uhm... Well... The client's fiance owns a resort and they invited me to stay for a few days. Saka... Naghanap din kami ni Sofia ng mga materials na gagamitin para sa gowns. Gusto kasi ng bride na local materials from Quezon ang gamitin. Kasama na din kasi sa gagawin namin pati mga damit ng bridesmaids," medyo nag-isip pang sagot nito. Si Sofia ang junior designer at assistant nito. Mukhang may katotohanan naman ang sinasabi nito, but she's aware she's skipping some details. She witnessed it firsthand.

Aya hummed. "I see."

'Ano nang nangyari? Have you talked to her?', asked Ivy on the other line. Sinabi niya kasi na ngayong gabi ang dating ni Yuna at heto nga't nagtatanong ito.

Aya sighs deeply, "I can't bring myself to confront her. I was trying, but I just can't do it. I'm so scared, Vee."

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh... Aya naman... Kapag pinagpatuloy mo pa 'yan, baka masanay ka na sa ganyang set-up. At ano, hahayaan mo nalang? Habang ikaw, nagdudusa ng ganyan. Come on!" Exasperated na turan ng kaibigan.

Hindi nakasagot si Aya. Napahawak siya sa noo. Naiiyak na naman siya pero pinigil niya ang sarili. Nasa shower lang si Yuna. She can't risk the woman seeing her like this. Nasa terasa siya na karugtong lang ng kuwarto at mayroon lamang sliding door na salamin na nakapagitan. Ito rin ang nagsisilbing pinaka-bintana ng kuwarto.

'Aya? Did she even tell you about Mike?' Tanong ulit ni Ivy.

"No. She didn't. Ang sabi niya lang ay trabaho ang inasikaso niya roon."

'What a bitch!' Napamura si Ivy 'bakit di mo na siya kinompronta doon pa lang? Huwag mo sabihing magpapaka-martir ka nalang? Seriously?'

Napapikit ng mariin si Aya. Napakahirap para sa kanya nito. She was torn between the truth at sa kagustuhang manatili sa kanya ang kasintahan. She bit her lip then said, "no. I just think it's not the time, yet."

Ivy released a sigh. 'That won't come, Aya. You needed to do it, now,' mariing wika nito.

"Naghahanap lang ako ng tiyempo, Vee. I'll do it, I promise," wika ni Aya nang bigla niyang mamataan si Yuna na palabas na ng shower "Saka nalang tayo mag-usap, Vee. I have to go," aniyang nagpaalam na at pinutol na rin ang tawag.

Tumalikod siya mula sa pinto at napahawak sa railings. Pumikit siya at pinakiramdaman ang mabining hangin na sumasampal sa pisngi. Maya-maya pa ay naramdaman niya mula sa likod ang presensya ni Yuna. Hindi na muna niya ito nilingon. Napapitlag siya nang biglang yumakap ito sa likod niya, her arms snaked around her waist. Ipinatong nito ang ulo sa balikat niya. She could smell her newly showered scent. Lalong napadiin ang pagpikit niya at ninamnam ang sandaling iyon. Gusto niyang umiyak. Hanggang kailan nalang kaya niya mararanasan ang ganito, hanggang kailan nalang kaya niya makakapiling si Yuna?

"Bakit ka nandito? Anong iniisip mo, hmm?" Paanas na tanong ni Yuna.

Napalunok si Aya. Pinilit na huwag pumiyok ang boses, nagbabanta na ang bagyo sa mga mata niya. "W-wala naman... Gusto ko lang magpahangin," sagot niya.

"Hm-hm... You didn't join me in the shower," anito.

"Naligo na ako kaninang pagdating ko." Iniyakap niya rin ang mga kamay sa mga braso nito at bahagyang isinandal ang likod dito. "Matutulog ka na ba?"

"Sana... Come, join me? I've missed you."

Napatiim-bagang si Aya. She knows what she means. She wondered if she ever thought of her while she was with Mike. She's certain na may nangyari sa mga ito, imposibleng wala. How could she do it if she did think of her. The thought enraged her.

Yuna could feel Aya's shoulders tensed. "Are you okay?" Nagtatakang tanong nito.

Agad namang kinalma ni Aya ang sarili. "Yeah... Nilalamig lang ako," pagdadahilan niya kahit sapat na ang init na hatid ng yakap nito.

"Then we really should come inside. Malalim na rin ang gabi," suhestiyon nito at inilayo na ang katawan mula sa kanya. Aya missed it instantly.

Hinayaan niya itong hilahin na siya papasok at muling ipadama ang pag-ibig na hindi na niya alam kung totoo ba talaga. Ah, bahala na. Basta ngayon, i-enjoy na muna niya ito. She knows that sooner or later it needed to end. And she would never be ready for that.

'I'm sorry, hindi ako makakauwi ng maaga ngayon. Don't wait for me, okay? May kailangan lang akong asikasuhin,' tinig ni Yuna mula sa kabilang linya. Pauwi na si Aya at nasa parking lot na ng kumpanya. Nakita kasi niyang naroon pa ang kotse ng babae kaya tinawagan niya ito. Past seven na. At saan naman kaya ito pupunta. Kinutuban na siya, parang alam na niya kung saan.

'Where are you, anyway? Nakauwi ka na ba?' Tanong pa.

"Uhm... Malapit na sana," napagpasyahan niyang magsinungaling.

Nakita niya itong pumasok na ng basement at nagmamadaling sumakay sa sariling kotse.

'I have to go, darling. I'll see you later,' paalam nito.

"Allright, bye." Pinutol na nito ang linya pagkatapos.

Hindi nito nakita ang sasakyan niya dahil nasa madilim na parte iyon. Agad niyang binuhay ang makina ng kotse nang makita niyang nagmamaniobra na itong palabas. She decided to follow her. May dalawang kotseng agad na sumunod dito palabas pero hinayaan nalang niya para di rin siya mapansin. Hindi niya winaglit ang tingin sa sasakyan ng babae.

She managed to tail Yuna's car without the woman noticing her. They ended up in a classy restaurant. Hinayaan niya muna itong tuluyang makapasok bago sumunod rito.

Nilinga-linga ni Aya ang paningin, medyo dimmed ang lightings sa loob at may pagka-romantic ang theme. Hindi niya pinansin ang maître d' na nagtatanong ng reservation niya kaya naman nakasunod ito sa kanya.

"Excuse me, ma'am... You need to make a reservation first," magalang pa rin nitong sabi sa kanya. She ignored him again and strode her way further.

"Maam ---"

"Shush..." putol niya rito and raised an index finger. She finally saw the woman. Sinundan naman nito ang tinitingnan niya. She squints her eyes on the woman's companion. Nakatalikod kasi iyon.

"Do you perhaps know them, ma'am? Should I announce your presence? They are not expecting anyone else, from what I know," the maître d' said uncertainly, glancing briefly at the door, probably alarming the guard if ever she'll make a scene.

"No," mabilis na sagot ni Aya. Hindi pa rin niya makita ang mukha ng kasama ni Yuna. Kung tatanungin naman niya ang maître d' ay tiyak na pagdududahan siya nito.

"You might want to sit down, ma'am. Hindi pa naman fully-booked ang restaurant---" she zoned-out from what he's saying when the man beside Yuna stands. The man was wearing a suit and his hair was neatly done, so it got difficult for her to recognize him. But when she saw his face... It was indeed, Mike. Her blood boiled in rage. She glared daggers towards Yuna pero hindi naman siya kita nito dahil nakatingin ito sa likod ng papalayong si Mike, a smile on her face. Lalong nag-init ang ulo niya.

Inagaw ng kanina pang nangungulit na maître d' ang atensyon niya, "Ma'am ---"

She hissed at him kaya napatigil naman ito. Aya gave Yuna a last glance, full of hate, then turned her heels around. Lumabas na siya ng restaurant, with her heart being shattered again. Napatingin siya sa langit. A thousand stars was scattered on it. Her chest was heaving in rage at gusto niyang sumigaw. Pinipigilan niya ang mga luhang nag-uumalpas sa mga mata, dahilan para sumakit ang ulo niya. Her eyes turned on the benches placed on the side of the sidewalk, hindi kalayuan mula sa restaurant. She walked towards one of it and take a seat.

Napayuko siya at napahikbi, hanggang ang hikbing iyon ay naging palahaw na. She didn't mind the passing people na napapatigil sa iyak niya. Ibinuhos niya ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman until she feels like hyperventilating. But she couldn't stop. Napatakip siya ng bibig. Bakit ba ito ginagawa sa kanya ni Yuna? Hanggang kailan siya nito paglalaruan?

Suddenly...

Someone stops in front of her. She was oblivious by it. Then the person sits down beside her. Hindi pa rin niya ito namalayan. Namataan nalang ni Aya ang isang kamay na nasa harapan niya at may hawak na kung ano. Her view was blurred from the tears, so she wiped her eyes with the back of her hand. Nang makita niya ang panyo ay agad niyang inabot iyon, not looking at the stranger who gave it. Pinahid niya ang mga luha at suminga roon, not caring if the kerchief isn't hers. Nanatili namang walang kibo ang estranghero.

Aya took deep breaths to compose herself. Sumisigok na siya sa tindi ng pag-iyak. Pinilit niyang kumalma at nang sa tingin niya ay kaya na niya ay nilingon ang estrangherong nagmagandang-loob na abutan siya ng panyo. Sa pagitan ng pagsinghot ay nagsalita, "S-salamat - " subalit natigilan siya nang mapagmasdan ang estranghero - o mas tamang sabihing, estranghera. But she wasn't a stranger at all, but a stranger still. She shook her head mentally. Ang gulo niya.

The person beside her is no other than Alexa - ang loka-lokang nakapagtapon sa kanya ng kape. Aya laughs despite herself at the irony of it. Sa lahat ba naman nang makakakita sa kanya ay ang babaeng ito pa.

"Hello to you too, stranger," the woman greeted with her infamous lopsided smile. But her usual cheeky vibe was gone; there was sadness in her eyes.

That took Aya off-guard. Bigla siyang nagseryoso and remembered the situation she's in. Umiwas siya ng tingin dito at napatingin sa taas. The moon was in its fullest. She was mesmerized by it and as if it was absorbing her pain, she feels at ease.

Sinundan ni Alexa ang tinitingnan niya. "Isn't it beautiful?" tanong nito.

"It is," marahang tugon ni Aya.

"Have you been curious what those black fragments on the moon was?" Alexa asks randomly.

Aya glanced at the woman, "Yes. Why? Did you know?"

Alexa continued looking at the moon. "They were scars," she said.

"Scars?" she repeated incredulously. "Really? Sa'yo ko lang narinig 'yan," ani Aya na napailing. Puro kalukuhan yata talaga ang alam ng babaeng ito.

Alexa turned to her. "I'm not kidding. Really. Do you want to know the story?"

"What story?" she asked skeptically.

"The moon was a actually a man. He was struck with lightning by the great god himself," seryosong paglalahad nito. Aya look funnily at the woman. She crossed her arms at her. "I'm serious. He was conspired by his older brother to attack the God's kingdom so He got angry and struck them with lightning. That's where he got those scars. But you know what, he's the only one who got revived among his four siblings," patuloy pa ng babae.

"And why is that?" Sinakyan nalang din ito ni Aya.

"That's what I don't know. But among them, he was the weakling. And you know what?" Dagdag nito. "He's actually gay."

"Pffft... Gay? Are you serious?" Natatawang tanong ni Aya. May masabi lang talaga 'tong babae na 'to. "kelan pa nagkaron ng gender ang buwan?" she asked rhetorically.

"Hey... I am telling the truth," pagtatanggol pa nito.

"Fine. And what is the point of your story?"

Nagkibit-balikat ito. "Well... I made you laugh. That counts to something, right?" The woman smirked.

Inirapan ito ni Aya at itinuon nalang ulit ang tingin sa buwan. A faint smile was playing on her lips. She's right. Kahit papano, her mood was lifted. Kahit walang kuwenta ang kwento nito.

"But it was just a myth, anyway..." ani Alexa pagkuwan.

Suddenly...

Aya burst out laughing. Alexa joined her.

"See... Kanina lang, wagas kang makaiyak. Ngayon tumatawa ka na," nakangiting saad ni Alexa.

"Kasi naman - ", pinahid ni Aya ang mata. Naluha siya dahil sa kakatawa " - napakawalang-kwenta ng kuwento mo. And the moon is gay? Come on. Who says that?" Natatawa pa ring saad niya. "Wala ka lang talagang masabi, ano?"

Nagkibit-balikat ulit ito. "Atleast napatawa kita. So, Okay ka na?" She asked.

Napailing si Aya pero nakangiti pa rin. "Hmm... a bit. Thank you. You're not so bad, after all," wika niya. "But you're still weird," she pointed. Kakatwang wala na siyang nararamdamang inis para sa babae. Gumaan pa nga ang loob niya nang dahil dito.

But the smile on her face suddenly fades when she caught the sight of Yuna and Mike exiting the restaurant. The rage and pain came back again. Her face hardened.

Natigilan si Alexa nang makita ang pagbabago ng mood ni Aya. Sinundan nito ang tingin ng babae. At parang nakakaunawang hinarangan nito ang view. "Do you want to go somewhere else?" Asked Alexa.

Nabaling ang pansin ni Aya rito but ignored her question. Hindi pa rin niya maalis ang tingin sa dalawang naglalandian pa talaga sa labas. Gustong-gusto na niyang sugurin ang mga ito. She was about to do just that nang bigla siyang pigilin ni Alexa. Hinuli nito ang palapulsuan niya kaya hindi siya nakatayo.

"Hey... Calm down. Don't give them the satisfaction. You are just gonna make a fool out of yourself," Alexa said in a haste.

"Huwag mo akong pigilan sa gusto kong gawin. Wala kang alam," puno ng hinanakit na saad ni Aya. Maluha-luha na naman ang mga mata niya.

"No. I'm not trying to stop you. But if you're going to go there, you need to calm down first. Kapag sumugod ka nang ganyan, magmumukha kang kaawa-awa. Magmumukha kang talunan. Gusto mo ba 'yun?" Alexa said in a leveled voice. "Cheer up. Ipakita mong hindi siya kawalan sa 'yo." She finally released her grip on Aya. "That way you will be able to regain yourself. Huwag mong hayaang tapak-tapakan niya ang pagkatao mo at magmukhang talunan sa harapan niya. You need to show your worth. You have to show her you can go on with your life, without her. That way hindi ka niya iti-take for granted."

Napamaang si Aya rito. May alam din pala itong matino. Pero nag-alinlangan pa rin siya. Kung gagawin niya ang sinasabi nito ay mawawala na nang tuluyan si Yuna sa kanya. Kaya ba niya? She glanced at them. Nandoon pa rin ang mga ito, nakatayo at naglalampungan. She needed to decide now.

Parang eksena sa pelikula na nag playback ang mga pinagdaanan niya sa piling ni Yuna - Simula nang magkakilala sila; nang magtaksil ito ng una at pangalawang beses; nang piliin siya nito at tinalikuran ang lahat; ang pagbangon nito at mga pinagsamahan nila sa mga panahong iyon; at ang ngayon... Ngayon na nakikita niya itong may kasamang ibang lalaki, kayakap at kahalikan. Napatiim-bagang siya. Hindi na importante ang mga nakaraan, dahil hindi na iyon maibabalik pa. Ang importante ay ang ngayon. At ngayon ay tanging kataksilan ni Yuna ang nakikita niya. She held her head up and made up her mind. She looked at Alexa. Tinanguan naman siya ng babae and gave her an encouraging smile. Aya willed all the courage and stands up. She turned on her heels and walks toward the two. Walang malay ang mga ito sa paglapit niya dahil parehong busy sa bibig ng bawat isa.

Inangasan niya ang tindig at nagsalita, "So... Ito pala ang sinasabi mong aasikasuhin mo?" Medyo nilakasan rin niya ang boses niya para marinig talaga ng mga ito.

Gulat namang napahiwalay ang dalawa sa isa't isa at napalingon sa kanya. Both eyes were wide. But Yuna's eyes is wider. Mas lalong lumaki ang dati nang malaki nitong mata. Tingin nga niya ay luluwa na iyon sa socket nito.

"Hi, darling..." ani Aya sa nanunuyang tono. "You seem very shocked. What? Got caught in a headlight?" She smirked. Agad din niyang pinalis ang ngiti sa labi at sumeryoso "Again? This is becoming really familiar, don't you think?"

Nakanganga lang ang mga ito at hindi makapagsalita. Mike glanced at the dumbfounded Yuna.

"Oh, don't worry. Hindi naman ako manggugulo. I just came to wished the both of you, luck. Sana magtagal ang pagsasama niyo. You two really look good together," she said mockingly. She gave them a lingering stare and scoffs, not saying anything else after that. The two remained silent. She then turned around leaving the two, flabbergasted.

Aya stopped midway and turned to look at Yuna again. "Whatever it is between us, I'm ending it. Goodbye... Yuna." At tuluyan na siyang umalis.

Continue Reading

You'll Also Like

21K 1.8K 7
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...
1M 33.2K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
234K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
5.9K 422 5
Wherein Veronica, the only daughter of House Armendarez is forced to marry Kiarra, the bastard of House Saavedra. PS. Wag muna basahin bc p aq