Territorial Men 4: Dwaye Mend...

By missgrainne

10.6M 277K 146K

Stuck in the past and the mystery behind it, Dwaye Mendez try to live his life again as normal as he used bef... More

Synopsis
Prologue
1 ~ Secrets
2 ~ Voice
3 ~ Phone call
4 ~ Trouble
5 ~ DNA
6 ~ Baby
7 ~ Stay
8 ~ Contented
9 ~ Hate
10 ~ Drugged
11 ~ SPG 1/2
12 ~ Baby (SPG 2/2)
13 ~ Possessive + Territorial
14 ~ Lips
15 ~ Hurt
16 ~ Feelings (SPG)
17 ~ Tears
18 ~ Yes
19 ~ Eyes
20 ~ Surprise (SPG 1/2)
21 ~ Wine (SPG 2/2)
22 ~ Pregnant
23 ~ Heart (SPG)
24 ~ Past 1/3
26 ~ Past 3/3
27 ~ Love
28 ~ Married (SPG)
29 ~ His Life
30 ~ You & Me
Epilogue

25 ~ Past 2/3

241K 7.4K 3.8K
By missgrainne




CHAPTER TWENTY FIVE

ANG KULAY kahel na langit at mapreskong simoy ng hangin ay sapat na kay Jess para makapag isip isip tungkol sa kanila ni Dwaye at sa magiging kinabukasan nila.

Nakakapagod na rin kasi ang sitwasyon nila, na walang label ang kanilang relasyon. Para sa kanya ay mahalaga iyon, gusto niyang may panghawakan at this time dapat ay matibay na. Hindi puro salita lang at paramdam.

"Magandang hapon, po." Ang boses na 'yon ang pumukaw sa kanya.

Nilingon niya ang dalagita sa Isla. Halatang kadarating lang nito kung galing saan ay hindi niya pa alam.

"Hello, ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Jean, po." Ngumiti ito kaya sumilay ang malalim na dimple sa kanan na pisngi.

"Ah, ako si Jess." Naglahad siya ng kamay na kaagad naman nitong kinuha. "You can call me ate Jess. Wag ng Ma'am. Hindi ako sanay."

"Sige po, Ate Jess."

"Saan ka pala galing?"

Pinasadahan niya ang kabuuan nito. She's wearing a black mini skirt and white long sleeve polo. Maayos na nakapusod ang buhok. Litaw ang ganda.

"Sa Altaraza Hotel po sa bayan. OJT."

Tumango-tango siya. "Kila Clane Altaraza 'yan, di ba?"

Kumislap ang mga mata ng dalaga. "Oo, kilala mo rin siya?"

"Kaibigan siya ni Dwaye. Sila nila Zyron."

"Ah, sige ate Jess, magbibihis lang ako."

"Sige, pahinga ka na rin."

Nag-ngitian silang dalawa bago ito tuluyang magpunta sa bahay ng mga ito sa likod lang ng malaking bahay na tinutuluyan nila ni Dwaye.

Ilang sandali pa ay nakita niyang naglalakad si Dwaye papunta kung saan siya nakaupo. Sa may duyan na ratan sa labas ng bahay. He was busy with his cellphone, narirnig niya na ang pakikipag-usap nito kay Atasha sa pamamagitan ng video call.

"Your Mama is here. Kausapin mo na."

Ibinigay sa kanya ni Dwaye ang cellphone nito. Sa malaking screen ay bumungad sa kanya ang magandang anak. Gumaan kaagad ang pakiramdam niya.

"Hello, anak." Jess waved at her daughter.

"Hi, Mama. Miss ka Atasha Daye."

Her heart melted. "I miss you too, anak ko. Don't worry, babalik na kami dyan ng daddy mo, soon."

"Tapos na ang sexy time niyo ni daddy ko, Mama?"

"Sexy time? Saan mo natutunan 'yan?"

Parang gusto niyong hilutin ang sintido. Ilang araw palang niyang hindi kasama ang anak ay ang dami na nitong natutunang salita.

"Kay Ninong pogi po." Ngumuso ito. "Sexy time, di ba?"

"Sinong Ninong pogi?"

"Ninong Zy-on."

Umikot ang mga mata niya. Kakaiba talaga magturo ang lalaking 'yon sa mga bata.

"Nandyan si Zyron?"

"Opo, Mama. Sexy time din sila ng gey-fend niya."

Natawa siya ng bahagya. "May kasamang girlfriend dyan sa resort?"

Mabait na tumango-tango ang anak. "Opo, two. Ganito Mama, o." At hirap na itinaas nito ang dalawang maliit na daliri.

"Anak ko," Napabuntong hininga siya. "Miss na miss ka na ni Mama." Sumimangot siya. "Gusto na kitang makasama ulit." Pinalungkot niya pa lalo ang boses para marinig ni Dwaye.

"Atasha Daye din, Mama. Uwi na kayo pagkatapos ng sexy time, ha? Ha?" Pilit pa nito, tutok na tutok sa kanya. "Okay?"

"Oo, anak. Malapit na kaming umuwi."

Tumalon-talon ito kaya pati ang camera ay nagulo gulo rin. Napangiti nalang siya. Miss niya na si Daye.

"Okay, Mama! Love you. Love you." Tapos ay ki-niss nito ang screen ng cellphone.

She did the same. She kissed the screen. "Love you, anak ko."

Nang matapos ang tawag ay ibinalik niya kay Dwaye ang cellphone. Nakaupo ito sa harap ng duyan, ratan na lamesa ang nasa pagitan nila.

"Miss our daughter?" Dwaye asked, staring at her.

Tipid siyang tumango. "Sobra. Kailan ba tayo aalis dito?"

"Okay na ba tayo? Hindi ka na galit sa'kin?"

"Umamin ka muna na nakipag threesome ka."

Dwaye let out a loud breath. Tamad na isinandal nito ang likod sa inuupuan. Ilang beses na nitong itinanggi ang bagay na 'yon, pero sa tuwing ibinabalik niya ang topic at nakikita ang itsura nito ay natutuwa siya.

"Hindi nga, Jess. Walang nangyaring threesome." Magkasalubong ang kilay ni Dwaye, parang pagod nang paniwalain siya.

Pinigil niyang mapangisi. Masarap din pala pagtripan ang isang 'to. Mas na-a-attract siya kapag nakakunot na ang noo at salubong ang makakapal na kilay.

"E, di wala. Hindi lang mawala sa isip ko. 'Yung mga haplos at halik nila sayo, hindi mabura sa isip ko." Pag-amin niya.

"That was part of their mission. Please, kalimutan mo na 'yon. Kinalimutan ko na 'yon. The memories we shared was the only thing in my mind. Ikaw lang ang babae sa isip ko." His voice was sincere, ang hirap na hindi paniwalaan.

Malamlam ang mga mata na sa kanya lang nakatuon. Sa likod nito ay tanaw ang karagatan. Nag-aagaw na rin ang kulay kahel at itim na langit.

Nakapatong ang ulo nito sa ibabaw ng sandalan, nakatingala sa langit, kaya mas nadepina ang leeg, an adam's apple ay maingat na gumagalaw.

Kung bakit ay sa kaunting kilos lang nito ay namamangha ang mga mata niya. Kinakain na ng dilim ang paligid, ngunit tila nagpaganda lang 'yon sa tanawin niya.

"Gusto kong marinig ulit ang kwento mo. Pwede?" Matamis siyang ngumiti kahit hindi naman ito sa kanya nakatingin.

"Ikaw muna. Gusto kong malaman ang nangyari sayo pagkatapos nang araw na 'yon." He moved his head forward to face her again. "Please?" Sa nangungusap na mga mata nito ay napatango siya.

ANG SAKIT at galit na nag-aalpasan sa dibdib ni Jess ay hindi niya na maipaliwanag. Ang makita si Dwaye na may kasamang ibang babae ay ang hirap nang lunukin, 'yon pa kayang makita ang bawat haplos at halik nito sa mga babaeng 'yon?

Higit sa lahat ay ang mga masasakit na salitang binitiwan ng binata. He made her feel that she was useless and he's done with her.

Kahit katiting ba ay hindi pinahalagahan ni Dwaye ang nanagyari sila? Dala lang ba talaga ng droga kaya pakiramdam niya ay totoo at hindi purong pakikipagtalik lang ang ipinaramdam sa kanya ni Dwaye?

'Yung kaunting pag-asa sa puso niya ay nawala na, gumuho na.

"Idispatsa niyo na 'yan, bilin ni boss." Narinig niyang sabi ng isang tauhan.

Dalawang lalaki ang may hawak sa kanyang braso. Mahigpit ang pagkakahawak ngunit hindi niya ininda iyon. Mas di hamak na masakit ang punyal na tumatarak sa dibdib niya.

Huling lingon ang ginawa niya sa pintong pinanggaligan niya, ay bumagsak ang masaganang luha sa mga mata.

"Ako na ang bahala sa kanya."

Isang armadong lalaki ang humarang sa dinaraanan nila. Nagkatinginan muna ang mga lalaki sa gilid niya, bago nginisian ang kaharap nila.

"Bakit, Akio? Pinagnanasaan mo rin ba ang babaeng 'to? Pinagsawaan na 'to ni Mendez." Sabay halakhak ng dalawa sa gilid niya.

Dapat ay naiinsulto siya sa mga sandaling 'yon, pero hindi. Mas iniintindi niya ang unti-unting nadudurog na puso. At ang isip niya ay wala sa mga ito, kundi nasa loob nang silid na pinanggalingan niya.

The man smirked. "Ibalato niyo na sa'kin. Ayos ba?"

"O, sayo na!" Sabay tulak sa kanya ng dalawa.

Kung hindi lang siya naalalayan ng lalaki sa harap ay siguradong napadapa na siya sa sahig.

"Ikaw na ang bahalang dumispatsa dyan. Hindi na 'yan kailangan dito. Walang nakuhang impormasyon dyan si boss."

"Oo! Ako na ang bahala dito."

Wala sa sarili na nagpahatak siya sa lalaki. Ni hindi niya na nga naisip ang buhay niya at ang kaligtasan niya. Ang isip at puso niya ay na kay Dwaye lang, na kahit masakit isipin na may kasama itong mga babae at magtatalik kalaunan ay hindi maiwasang hindi sumagi sa isip niya ang binata.

Bakit gano'n? Kung saan tayo nasasaktan, 'yon pa ang hindi natin kayang kalimutan. Kung saan tayo nasasaktan, 'yon pa ang hindi mabura sa ating isipan.

Ipinasok siya ng lalaki sa itim na van. Sobrang tahimik. Sila lang dalawa. 'Yung takot niya ay hindi niya maramdaman. Wala na ang salitang takot at pangamba, bagkos, puro sakit at galit lang ang namayani sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, Miss. Kakampi niyo ako."

Do'n lang yata siya biglang natauhan nang magsalita ang lalaki, pinapaandar na ang sasakyan palabas sa lumang gusali.

"A-Ano? Anong sinabi mo?"

"Ligtas ka na. Saan ba kita ihahatid?"

"Hindi ko maintindihan! Hindi ba at papatayin niyo ako? Bakit... b-bakit ganito?"

Gulung-gulo ang isip niya, ngunit sa isang banda ay nakaramdam ng kaunting kaginhawaan. Halata sa mukha ng lalaki na hindi ito nagbibiro.

"Uh, I don't need to explain to you. My job is to keep you safe."

"Sino ka? Bakit mo ito ginagawa?"

"You are my job." Simpleng sagot nito. "Pasensya ka na kung natagalan bago kita naialis sa lugar na 'yon. Masyadong maraming tauhan si Herrera, maraming mata kaya hindi ako kaagad nakagalaw."

Mariin na ipinikit niya ang mga mata. Kung bakit bigla ay may nangyaring ganito ay hindi niya na alam. Sa puso niya ay alam niyang ligtas na siya, pero paano si Dwaye?

"P-Paano ang kasama ko?" Kritikal na tanong niya.

Kahit na nasasaktan ay ang binata pa rin ang iniisip niya! Bulag nga talaga ang pagmamahal.

"We will try our best to keep him safe." Bumuntong hininga ito. "Pero hindi ako mangangako."

"Ano? Delikado pa rin talaga ang lagay niya? Nasaan na ba ang mga pulis? I-report natin!"

"Kumikilos na ang kapulisan. Miss. Wag ka nang mag-alala at mahuhuli rin si Tommy Herrera."

"Pero si Dwaye!? Paano?!"

"Ang mga kasama ko na ang bahala sa kanya. Sa ngayon ay kailangan mo munang lumayo para sa siguradong kaligtasan mo."

Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib niya. Nagagalit siya kay Dwaye pero hindi na ngayon maialis ang pag-aalala para sa binata. Ang puso niya... napaka loyal talaga.

"Ihatid mo na lang ako hanggang sa sakayan. Bumalik ka na do'n pagkahatid mo sa'kin. Pwede ba 'yon?"

"Sigurado ka ba dyan?"

"Oo!" Mabilis siyang tumango. "P-Para makatulong ka sa pagligtas kay Dwaye, di ba? Trabaho mo 'yon?"

"Yeah." He nodded his head and get something on his pocket. "Here, kunin mo ito."

Walang hiya-hiya na kinuha ni Jess ang pera na inabot nito sa kanya. Kailangan niya 'yon dahil wala siyang dalang kahit na ano.

"Salamat dito. Alam ko na hindi sapat ang pasasalamat ko sayo."

"Its my job."

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa terminal ng mga bus.

"Maraming salamat talaga." Aniya bago bumaba.

"Wala 'yon. Mag-iingat ka. At 'yung bilin ko gawin mo. Okay? Lumayo ka muna pansamantala."

"S-Sige! Salamat ulit sa pagtulong sa'kin. Sana ay makita kita ulit balang araw para masuklian ko ang kabutihan mo."

Tipid lang itong ngumiti, bago siya siya imwinestra sa mga bus.

Dali-dali siyang sumakay sa bus na byaheng pa Maynila. Tulala siya buong byahe. Hindi niya na namalayan kung gaano ba kahaba ang byinahe niya.

Nang huminto ang bus sa terminal sa Maynila ay bumaba siya. Hindi pa sigurado kung saan talaga pupunta.

"AT HINDI ko na alam ang sunod na nangyari pagkatapos akong maihatid sa terminal ng bus nung lalaki." Patuloy na kwento ni Jess kay Dwaye. "At hindi ko na rin nakita ang lalaki magpahanggang ngayon."

Ngumiti si Dwaye, ang mga mata ay hindi nagbago ng emosyon. Malamlam pa rin.

"Nagpapasalamat talaga ako ng pareho tayong nakaligtas. Lalo ka na."

"Ako rin naman, Dwaye. Galit na galit ako sayo pero nang malaman kong ligtas ka, abot-abot ang pasasalamat ko sa Kanya."

God became really a center of her life after she survived to that painful past. Sa pangalawang pagkakataon ay itinama niya nang husto ang buhay niya... kasama ang anak, kahit na nung una ay hindi niya pa kaagad natanggap na may anghel sa kanyang sinapupunan.

NAPAPADALAS ang pagsusuka ni Jess tuwing umaga at ang pagtulog niya tuwing tanghali ay gano'n din. Dalawang buwan lang makatapos siyang makaligtas sa kapahamakan ay naramdaman niya ang mga sintomas na 'yon.

"Use this." Mylene handed her a box of pregnancy test. "Yan ang sagot sa pagsusuka mo tuwing umaga."

Wala pa man din ay naiiyak na si Jess. Hindi pa naman nakukumpirma pero ramdam niyang nagdadalang tao nga siya lalo at delayed siya ng mahigit isang buwan na.

Sa naginginig na mga daliri ay kinuha niya 'yon. Sa banyo palang ay umiiyak na siya habang ginagawa ang pagsusuri. At mas lalo siyang umiyak nang mag dalawa ang guhit do'n!

Ni hindi niya alam kung paano mag alaga ng bata, tapos ay ganito? Buntis siya! At ang tatay? Wala! Walang kwenta!

Paglabas niya sa banyo ay umiiyak siyang dumapa sa kama. Ang kaibigan niya naman ay kaagad siyang inalo.

"Please, masama sayo ang pag-iyak, Jess. Nadadamay 'yung bata."

Wala pa man din siyang sinasabi ay nakumpirma na ni Mylene na buntis nga siya.

"Hindi ko 'to gusto!"

Umiiyak siya dahil hindi matanggap na may anghel na nabubuhay sa sinapupunan niya. It's an unwanted pregnancy. Hindi pa humuhupa ang galit sa puso niya at heto may bago na naman siyang iisipin.

Isang mabigat na responsibilidad na hindi niya alam kung magagampanan niya ba nang maayos ang pagiging ina, at mag-isa lang siyang bubuhay sa anak.

"Alam ko, pero nandyan na 'yan, Jess. Wala naman kasalanan 'yung bata dyan sa tiyan mo."

"Sana hindi nalang siya nabuo. Sana hindi nalang." Humihikbing sabi niya, iyak na nang iyak. 'Yung emosyon niya ay domoble. "Hindi ko naman siya mabibigyan ng kumpletong pamilya. Hindi siya magiging masaya."

"Wag mo na muna 'yang isipin. Alagaan mo nalang ang sarili mo. S-Saka na 'yang kumpletong pamilya. Nandito naman ako, tutulungan kita sa pag-aalaga."

"Tapos 'yung tatay niya, ano?! Nagpapakasaya sa piling ng ibang babae?! Napaka walang hiya niya talaga!"

"Kakarmahin din 'yon si Dwaye. 'Yan nalang ang isipin mo baka sakaling gumaan pa ang pakiramdam mo." Hinaplos-haplos nito ang likod niya. "Tahan na, sige ka, magiging kamukha ni Dwaye 'yang anak niyo kapag patuloy kang nagalit sa kanya."

"Gago siya! Balang araw ay kakarmahin din siya! Hindi ko ipapakilala sa kanya ang batang 'to!"

"Oo, wag." Gatong ng kaibigan. "Ayos din 'yan si Dwaye, e, 'no? Mag iiwan nalang ng remembrance, 'yung baby pa talaga. Tapos maging kamukha niya pa, naku, ewan ko nalang kung maka move on ka pa talaga."

Naiyak ulit siya. Ang sama sama ng loob niya kay Dwaye. Lahat ng pagkamunhi sa mundo ay ibnigay niya sa binata.

"YOU DIDN'T like our Atasha at first?" Dwaye asked after she told her about him her story about pregnancy. He looked bit shocked.

Umirap siya rito. Magulo ang isip niya noon kaya pakiramdam niya ay normal lang na hindi niya magustuhan ang pagbubuntis lalo at galit na galit siya sa ama ng anak.

"Sa una lang naman. Nang tumagal na, hindi na. Mahal ko ang anak natin." Aniya, tunog pinagtatanggol ang sarili. "Mas galit ako sayo, nadamay lang si Daye sa galit ko, Huwag mo 'yon sasabihin sa kanya, ha? Baka magtampo sa akin. Lagot ka talaga sa'kin!" Banta niya pa.

Bumuntong hininga ito sabay tumayo. Inilahad ang isang kamay sa kanya.

"Sa kwarto na natin ipagpatuloy ang kwentuhan."

Nagdududa na tinignan niya ito. "Kwentuhan ba talaga?"

"Pwede rin hindi. Gawa muna tayo ng kapatid ni Daye-"

"Dwaye!" Eskandalosang saway niya. "Wala talagang filter 'yang bibig mo minsan, e!"

Tumawa lang ito ng bahagya. "Tara na sa loob, nahahamugan ka na dito."

Isang irap pa ang ginawa niya bago kinuha ang kamay nito. Magkahawak ang mga kamay na naglakad sila papasok sa malaking bahay.

Unti-unti ay nararamdaman niya ang pag-gaan ng dibdib sa pagkukwento sa nakaraan. She felt like he deserve to know all about her past, lalo na ang pagbubuntis niya.

Pagkarating nila sa kwarto ay sa kama kaagad dumeretso si Jess. She lay her back there as she watch him stripping his clothes in front of her.

"Anong ginagawa mo?"

Pagkahubad sa t-shirt nito ay gumapang sa kama. Inumpisahang dampian ng halik ang binti niya.

"Makikinig sa kwento mo?" Tapos ay kinindatan siya. "While kissing you."

Umahon ang dibdib niya nang umangat ang labi nito sa may hita niya. Ang dress na suot ay hindi nakakatulong sa kanya.

"Hindi ko matatapos ang pagkwento kapag ganyan."

"We have a lot of time for that." He said and parted her legs.

"Sinusulit mo talaga 'no?"

"I told you, I won't stop until you're carrying my second child."

Dwaye started tracing a kisses on her thighs while he was caressing her stomach gently.

Sa muling pagkakataon ay nagpaubaya siya... nagpaangkin na ulit sa lalaking minamahal niya.

Continue Reading

You'll Also Like

3K 158 22
paano kung yung inakala mong buhay na meron ka ngayon--- ay hindi pala talaga ang buhay na dapat ay meron ka? paano kung alam mo sa simula pa lang na...
112K 5.6K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
625K 20.2K 38
Muntik nang mabundol ni Aidan ng sasakyan ang isang babaeng basta na lang tumawid sa kalsada. Dinala niya ito sa ospital and found out that she could...
7.6M 232K 50
Successful yet snobbish, that's how most people describe the hottie doctor, Howell Banchero. He's determined to continue his family's legacy and just...