Territorial Men 4: Dwaye Mend...

By missgrainne

10.6M 277K 146K

Stuck in the past and the mystery behind it, Dwaye Mendez try to live his life again as normal as he used bef... More

Synopsis
Prologue
1 ~ Secrets
2 ~ Voice
3 ~ Phone call
4 ~ Trouble
5 ~ DNA
6 ~ Baby
7 ~ Stay
8 ~ Contented
9 ~ Hate
10 ~ Drugged
11 ~ SPG 1/2
12 ~ Baby (SPG 2/2)
13 ~ Possessive + Territorial
14 ~ Lips
15 ~ Hurt
16 ~ Feelings (SPG)
17 ~ Tears
18 ~ Yes
19 ~ Eyes
20 ~ Surprise (SPG 1/2)
21 ~ Wine (SPG 2/2)
22 ~ Pregnant
23 ~ Heart (SPG)
25 ~ Past 2/3
26 ~ Past 3/3
27 ~ Love
28 ~ Married (SPG)
29 ~ His Life
30 ~ You & Me
Epilogue

24 ~ Past 1/3

275K 7.6K 3K
By missgrainne



CHAPTER TWENTY FOUR

ALAM ni Dwaye na hindi lang basta aphrodisiac ang dumadaloy sa mga ugat niya. He admit that he tried aphrodisiac before, only once, pero ang tama ay hindi ganito. Bukod sa sabik na sabik siyang makipagtalik, nararamdaman niya rin na may kakaiba pa sa katawan niya bukod sa pag-iinit.

Duda niya ay may iba pang iligal na droga ang isinama sa aphrodisiac. He was high like a drug addict.

Jess was now sleeping peacefully beside him. Pagod na pagod ito sa ilang ulit na pagtatalik nila buong araw, pero siya ay heto at hindi na makaramdam ng antok o pagod man lang. Mulat ang mga mata, sinisikap na gawing deretso ang takbo ng utak.

"Pagbabayaran niyo ang lahat ng 'to! Mga hayop!"

He turned his head to the door quickly when he heard a woman's angry voice. Pabalandrang ipinasok ng mga tauhan ni Tommy ang isang babae sa silid na 'yon saka sinara ulit ang pinto.

"Who are you?" He asked and covered Jess body with a white comforter.

Mabuti nalang ay nabihisan niya na ang dalaga bago pa dumating ang kung sino man.

"You must be Dwaye Mendez?" Tumayo ang babae sabay nagpagpag ng suot na maiksing damit. Her eyes drop down at sleeping woman beside him. "Jessielyn, right? Your girl?"

"Who are you?" Ulit niya.

Naupo ito sa bakanteng upuan. Komportableng inilibot ang tingin sa kabuuan ng silid bago muling ibinalik sa kanya.

"Hindi na importante kung sino ako. Pero nandito ako para sa isang misyon."

Tuluyang umalis na si Dwaye sa kama at nilapitan ang babae. Huminto siya sa harap nito, ang lamesa lamang ang nagsisilbing harang nila. He placed his palms above the table and stare at the woman.

"What's it?"

Naglabas ito ng maingat na hangin mula sa dibdib, tinumbasan ang mga titig niya.

"You need to cooperate with me, Mendez. Hindi magiging matagumpay ang misyon na ito kung hindi ka makikipagtulungan sa amin-"

"What the fuck is that?" He's getting impatient.

"You both need to get out of here... pero, hindi ko kaya na isabay kayong dalawa." Sinulyapan nito si Jess. "Ikaw ang pumili kung sino sa inyo ang unang lalabas dito-"

"Siya." He glanced at Jess and went back his eyes at the stranger in front of him. "Tell me what to do for it. I will wake her up."

"Hindi na kailangan. Wala na tayong oras. Anumang oras ay darating na ang isa ko pang makakasama rito."

"Fuck!" Napasambunot siya sa sarili.

Ang isip niya ay wala naman talaga sa tamang dereksyon. Magulo. Pero isa lang ang palaging tila layunin niyon... iyon ay ang maialis si Jess sa lugar na 'yon. Her safety is his number one priority.

"Tell me what to do!'

"Namumula ang mga mata mo at madilim ang awra ng mukha." Puna nito, maingat na sinusuri ang mukha niya.

"I'm drugged."

She let out a breath. "Tiyak na ganyan din ang mangyayari sa amin."

"Hindi malabo. Ano ang balak niyo?"

He felt really frustrated that he can't really do anything to get out of that place. Kahit na gustuhin niya mang makaalis do'n ay walang pumapasok sa utak niyang paraan lalo at alam niyang maraming tauhan si Tommy sa labas at lahat ay armado. He didn't want to risk anyone's life.

"Tommy Herrera was under our surveillance. His mining company was just a front to cover what's really happening inside. He was a druglord, for you to know."

His jaw clenched. Hindi siya makapaniwala na ang taong 'yon ay pinagkatiwalaan ng magulang niya at ibinenta pa ang kapatid niyang si Alexza!

"Isa sa mga tauhan niya ay tao namin. Nandito. He's our source. And, I also want you to know that your parents are involved in some of the illegal drugs transactions under Herrera. Their name is on our watchlist."

Napabuntong hininga ito nang makita ang pagkuyom ng mga kamao niya na nasa ibabaw ng lamesa.

"Nasabat ng PNP ang halos dalawang milyong halaga ng shabu na dapat sana ay dadalhin sa Vietnam. Ang magulang mo ang siyang may responsibilidad sa transaksyon na 'yon. Herrera got mad and asked your parents to return the money that he invested for that drug."

"That's why they sold my sister to Herrera as a change for it?" Bitterness and angriness filled him.

The woman nodded her head. "Oo. Tumakas ang kapatid mo di ba? Kaya ngayon ay iniipit ni Herrera ang magulang mo. Kaya, hindi na ako magtataka kung pati ikaw ay ipagkanulo nila sa hayop na druglord na 'yon." Tumayo ito. "Si Herrera ay kilala sa pagdidispatsya ng tao kapag wala ng silbi sa kanya." Muli itong sumulyap kay Jess na natutulog pa rin.

"Now, I want you to get rid of your girl. Kailangan ay mapaniwala mo si Tommy na wala sayong halaga ang babae na 'yan. That she's useless. So, he will stop using her against you. Dahil hanggat alam niya na may pinapahalagahan ka, patuloy niyang gagamitin iyon para ipitin at pasakitan ka. He's very frustrated now because your sister escaped. Kaya nasayo ang bunton ng galit niya."

"Tang ina." Napasambunot ulit si Dwaye sa sariling buhok.

Nahihirapan na tinignan niya si Jess. Hindi niya ito kayang saktan, hindi niya ito kayang makitang umiiyak dahil sa kanya at hindi niya kakayanin na magalit ito sa kanya!

Gustung-gusto niya ang dalaga dati pa, nag-aaral pa lang ito sa kolehiyo ay lihim niya na itong pinapangarap na isang araw ay mapapasakanya rin ito. Then, this happened, he got the change to claim her as his. Hindi man sa inaasahang pangyayari ay ang mahalaga ay naangkin niya na ito, kanya na talaga.

Pero, panandalian lang pala ang lahat ng 'yon, dahil... kahit ayaw niya at kahit hindi niya kakayanin na saktan si Jess, ay gagawin niya ang lahat mailayo lang ito sa kapahamakan kahit na ang kapalit niyon ay galit at luha mula rito.

"Wala na tayong oras, Dwaye!" Pahabol na sabi nito sa kanya nang balikan niya si Jess sa kama.

Marahan na hinaplos niya ang buhok at pisngi ng dalaga. Her beautiful face will always be in his mind. Watching her sleeping was like watching his future.

Dinampian niya ng halik ang noo ito, papunta sa tungki ng ilong at pababa sa labi. Tinagalan niya ang pagdampi ng labi niya sa labi ni Jess na para bang huling halik niya na talaga 'yon sa dalaga.

"Come back here. I could almost hear their footsteps. They are coming!" Alerto ang boses ng babae.

Kahit ayaw niya pa ay napilitan na lang siyang umalis sa tabi ni Jess. Ang himbing himbing ng tulog nito na kahit siya ay ayaw itong distrobohin. Pagod na pagod talaga sa ginawa nila. She needs energy for this.

"We need to act like we are flirting. Alam ni Herrera kung paano mo itrato ang mga babae, show it to him. Show him that you can easily rid of the woman after you use them. Play with me, I know you're good in this."

Hinila siya nito sa kaninang inuupuan nito. Pinaupo siya do'n habang ito naman ay sa ibabaw ng lamesa umupo, nakapaharap sa kanya. Handang-handa na sa pag arte nila.

"Tell me who are you."

"Wag na." Malagkit siya nitong nginitian sabay haplos sa batok niya. "Yung babae gising na." Akmang lilingunin niya si Jess nang mapiglan siya nito. "Keep playing with me. Focus. She will be safe soon. I guarantee you that."

Ginawa niya ang lahat wag lang lingunin si Jess. Mabuti na rin 'yon dahil baka kapag nakita niya ang emosyon sa mukha ng dalaga na masaksihan siyang may kasamang ibang babae ay baka ihinto niya ang pagpapanggap.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at sinalubong sila ni Tommy at ng mga tauhan nito na may bitbit pang isang babae.

"Let the game begin." The woman whispered playfully.

DWAYE BRUSHED his hair with his fingers after he told Jess what really happened. Ang alalahanin ulit ang nakaraan ay hindi madali para sa kanya lalo at nalaman niya ang mga lihim ng magulang na talagang nagbigay pasakit sa kanya.

Nang tignan niya ito ay nakatakip ang mga palad sa mukha, umuuyog ang mga balikat at naririnig niya na rin ang mga mahihinang paghikbi.

Napanguso siya. Uh, his baby's crying. He pulled her gently for a hug.

HINDI NAPIGILAN ni Jess ang mga luhang dumaloy sa pisngi nang ma-realize na ang ginawa ni Dwaye noon ay para sa kapakanan niya, para mailayo siya sa lugar na 'yon. Habang siya ay sarado ang isipan at itinatatak do'n na ginawa nito iyon dahil sadyang babaero.

"Hindi naging madali para sa'kin na ipakita sa'yo na may ibang babae na ako. Lalo at ilang beses na may nangyari sa'tin bago 'yon. Kahit na wala kang sinabi na may nararamdaman ka para sa akin, alam kong nasaktan ka sa nangyari, sa mga nakita at narinig mo."

Nakakulong siya sa mga bisig ni Dwaye kaya pati ang maingat na pagbuntong hininga nito ay nararamdaman niya.

"Masyadong sarado ang isip ko para sa mga paliwanag mo noon, Dwaye. I'm sorry."

Now, she felt so guilty for not giving him a chance to explain himself. Ni hindi pumasok sa isip niya noon na ang kaligtasan niya ang kapalit nang ipinagtulakan siya palayo ni Dwaye.

She was very hurt that time to think about good about him. She hated him to the bone for not being contented with her and to what they shared that day, without even thinking that all he did was for her... for her safety.

"I'm sorry." His voice was very sincere that it hurts her more. "I was really out of my mind that time. I was still high, habang ang tama sayo ay humupa na pagkatapos ng bente kwatro oras. I cannot think straight that I just go with what the woman told me, kung iyon lang ang paraan para lang mailayo ka sa lugar na 'yon. Handa kong tanggapin lahat ng galit mo, masigurado ko lang ang kaligtasan mo, Jess."

Mas lalo siyang naiyak. It wasn't his fault all this time! It hers, for being closed minded, for hating him for what she saw and heard, without hearing the real story behind all of it.

"K-Kung sana ay nalaman ko na gano'n pala ang gagawin niyo, sana ay nakipag-cooperate ako. Sana ay nabigyan tayo ng oras na mag-usap para hindi tayo umabot sa ganito, Dwaye." Napahikbi ulit siya. Pagsisisi ang siyang bumabalot sa kanya. Her heart was hammering inside her chest that it almost choke her. "Pero huli na para magsisi, di ba? Kasi pareho nating hindi gusto ang nangyari at alam kong pareho tayong nasaktan."

Dwaye planted a light kiss on the top of her head, making her closed her eyes. She move even closer to feel the warmth of his body against hers.

"What really matter to me right now is our future together with our kids."

Humikbi na naman siya sa huling pag-iyak, pero nangiti naman sa ka-sweet-an ng mensahe na 'yon mula dito. Our kids? He's really into it! And she admit, she starting to like how he talks about their future. Kagaya rin noon, bumabalik ang paghanga niya kung paano nito nakikita ang kinabukasan kasama siya at ang magiging anak pa nila.

"I just want to make sure if..."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa isa pang gumugulo sa kanya ng isipan. Hindi siya tuluyang mapapanatag kapag hindi nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon.

"What is it?"

"W-Wala bang nangyari sa inyo ng mga babaeng kasama mo do'n?" Alangan niyang tanong at hinanda ang sarili sa katotohanan.

Hell, nakita ng mga mata niya na lahat ito ay tinurukan ng droga! Paano kung...

"Well," he trailed playfully.

"Hindi ako magagalit!" Agap niya, pero ramdam ang pag-ahon ng gigil.

"Why don't we talk about our future than the past?"

Uminit ang ulo niya. Iniiwasan nito ang topic na 'yon! Iritado na umalis siya sa mga bisig nito at umusog hanggang sa dulo ng pabilog na ratan na inuupuan nila.

Magkasalubong ang mga kilay niya, ang mga mata ay nasa malawak na karagatan, kahit nasisilaw sa matinding sikat ng araw ay hindi siya nagpatinag. At mas lalo siyang nairita nang tumawa si Dwaye, amuse na amuse.

"I-uwi mo na ako!" Panlaban niya, pero muli lang itong natawa. Bwisit talaga!

"Ang ganda ganda mo talaga kapag naiinis."

She gasped and glanced at him, only to find out that he was making fun of her. Amuse na nakaangat ang mga kilay, may kislap sa mga mata at napapanguso pa para maitago ang pagngisi habang pinapanood ang pagiging iritado niya.

"Naaakit na naman ako." Dagdag pa nito. "Balik na tayo sa kwarto." He tried to hold an elbow but she avoided his hand.

Mabilis siyang tumayo nang umusog ito palapit sa kanya. Inis na inis siya. Bakit ba ayaw pa nitong umamin na may naka threesome ito? Inaasahan niya naman 'yon noon pa man! Anong bago kung aamin ito?

"Ano? May nangyari sa inyong tatlo, di ba?"

Pinapanood siya nitong nakatayo sa harap. Pakiramdam niya ay anomang oras ay susugurin niya ito kapag umamin talaga! Pero teka, 'yon naman ang gusto niya di ba? Ang gulo niya! Ang mga babaero, hindi kailanman aamin 'yan.

"Halika dito, naiinitan ka dyan."

Inilahad ni Dwaye ang kamay sa harap niya pero sadyang matigas siya, iwinaksi niya 'yon na tinawanan lang nito. At totoong mainit dahil hindi na siya naabot ng lilim ng punong niyog. Nasa ratan na upuan lang ang eksaktong lilim.

"Nag threesome kayo, di ba?! Baka may anak ka rin sa mga 'yon!" Paratang niya. Hindi malabong mangyari 'yon.

Napahilot ito sa chin, napapanguso ulit, itinatago ang ngiti. Balak talaga yatang inisin siya!

"Sasabihin ko na ba kay Atasha na may kapatid siya?" Patuya ang boses niya. Umaalpas ang selos sa kanya.

"Yes, tell her." He wiggled his eyebrows playfully. "Na may kapatid na siya."

Gigil na gigil na nag walk out siya. Nagmartsa pabalik sa malaking bahay at hindi na ito nilingon kahit tinawag pa siya. May kapatid pa pala si Atasha! Nanggigigil talaga siya!

Sa malaking bahay ay naabutan ni Jess ang care taker, si Rosita na nagluluto ng pananghalian.

"Paano po ba ako makakabalik sa Maynila?" Tanong niya nang makaupo.

Nilingon siya nito. "Pwede kang magpahatid kay Sir Dwaye sa bayan, Madam."

Napangiwi siya. Hindi siya magpapahatid sa lalaking 'yon. Nahilot niya ang noo nang maramdaman na tila nag-iinit ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata. Inis na inis siya at parang gusto niyang i-iyak ang nararamdaman na 'yon.

"May problema ba? Masakit ang ulo mo? Kukuha ako ng gamot."

"H-Hindi po." Pinilit niyang ngumiti, pero nahulog ang luha sa pisngi. Mabilis niyang pinunasan 'yon bago pa nito makita. "Sobrang init lang po sa labas, sumakit ang ulo ko." Dahilan niya.

"Jess..." Masuyong tawag sa kanya ni Dwaye nang makapasok sa kusina.

"Do'n ka nga muna." Taboy niya. "Masakit ang ulo ko. Wag mo nang dagdagan."

"Let's go to the clinic. Baka may laman na 'yan." He motioned her stomach making her eyes widened a bit.

"O, 'yon naman pala. Baka buntis ang misis mo sir Dwaye kaya mainit at masakit ang ulo."

Uminit ang pisngi niya bigla. Hindi siya buntis! Ang bilis naman. Over acting lang talaga itong si Dwaye, e. Gustung-gusto na mabuntis siya samantalang may mga anak naman sa ibang babae!

"Hindi ako buntis. Umalis ka nga muna sa harap ko, Dwaye. Naiirita talaga ako." Iritado na napakamot siya sa ulo.

"Pinaglilihian ka na, Sir." Tudyo ni Rosita.

"Kulang lang ho sa lambing si misis." Maka-misis? Grabe talaga makaangkin! Nilapitan siya ni Dwaye at niyakap mula sa likod. Hindi man lang nahihiya! "Wag ka nang magalit. Wala akong anak sa iba..." bulong nito sa tenga niya. "Ikaw lang naman ang babaeng gusto kong anakan. Alam mo naman 'yon di ba." Masuyo ang boses nito, sabay halik sa gilid ng labi niya.

Napanguso siya, nagpadala na naman sa paglalambing na 'yon ni Dwaye.

Continue Reading

You'll Also Like

626 91 52
Crystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at...
15.3M 432K 35
Kilala si Colton Altaraza sa Philippine Navy Seal na mabangis pagdating sa underwater swimming. Pero sa huli niyang misyon bago magpakasal sa kanyang...
6.7M 282K 51
Honorable but deadly, Caston Villareal is decided not to get involved with any woman who can distract him from getting justice for his mom. But thing...
1.2M 52.6K 25
At the young age, Yelena Altamonte already knew what she wants for her life. She has been yearning for freedom to achieve her dreams. Given the life...