His My Baby Maker

Od Arenhart

342K 8.3K 336

Masama bang planohin ang mga bagay bagay sa buhay mo ??... Paano kung hindi masunod ang nasa life plan mo?? d... Viac

Dear Readers
The Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
An Authors Note

Chapter 32

5.4K 169 10
Od Arenhart

Start and End
Every end is tend to be a start

*******
Maagang gumayak si steven dahil sa meeting na sinet nya for his new potential investor. Pinagmasdan nya ang lamesang punong puno ng pagkain at napailing na lang. Nakaugalian na kasi ni Zia na maghanda ng makakain para sa kanya kahit hindi nya naman ito ginagalaw mapa agahan man o hapunan.

" Good morning, kumain ka muna "

Ngiting ngiti itong humarap sa kanya habang sya ni hindi man lang ito binalingan ng tingin hanggat maaari kasi ay ayaw nitong mapalapit sa babae lalo pa at hanggang ngayon ay inuusig parin sya ng kanyang nagawa. Tinalikuran nya na lang ito ng muli itong nag salita.

" Steven, baka pwede kang umuwi ng maaga mamaya "

" why would I? " takang tanong nya dito na may pagka sarkastiko

" baka lang naman, birthday ko kasi ngayon gusto ko sanang magluto ng hapunan " napansin ni steven ang biglang paglukot ng mukha nito tanda na nalungkot ito.

" How do you know that today is your birthday? "

" Nabasa ko kasi yun dun sa profile na binigay mo sakin nung nakaraan pero kung hindi ka pwede ok lang naman, nagbabakasakali lang naman ako "

Ipinasok nya ang mga kamay nya sa kanyang bulsa at muling binalingan si Zia. Inililigpit na nito ang mga pagkain sa lamesa dahil hindi naman sya kakain

" fine susubukan ko " nagliwanag ang mukha ng kausap nya dahil sa narinig nito mabilis itong nakayakap sa kanya na ikinagulat nya. Tila natuod ang buo nyang katawan dahil sa pagkabigla pero agad din namang lumayo si Zia ng maisip nya ang kanyang nagawa.

" Pasensya na masyado lang akong nasiyahan "

Agad na tumalikod si steven at dumiretso na sa garahe ng walang kahit na anong sinasabi. Bumuntong hininga ito ng makapasok sa loob ng kotse. Hinawakan nya ang kaliwang dibdib nya dahil sa sobrang bilis na pagtibok ng puso nya.

" ano ba yun? " tanong nito sa sarili sabay iling at pinaandar na ang kotse.

******

" Are you sure of this "

Nginitian ni lio ang babaeng kanina pa nagtatanong kung sigurado na ba sya sa desisyon nya. Ngayon kasi ang araw ng paglipad nya to manage their business in canada and also to start a new life. Pinili nyang sundin ang gusto ng mga magulang nya tutal his friend jethro is willing to take over the company in the philippines.

" Yes, eh ikaw sigurado kabang sasama ka? You should stay here "

" No, I am sure of this isa pa we are partner on that business naman kaya Ok lang naman sigurong mag stay ako dun diba? "

Tumango na lamang si lio bilang tugon at ilang sandali lang ay tinawag na ang susunod na flight na papanhikan nila.

*****
" Tapos na "

masayang pinagmasdan ni Zia ang lamesang pinuno nya ng dekorasyon at ng masasarap na pagkain. Nagluto sya ng adobong baboy bilang ulam at grahams na hinaluan ng mangga at gatas upang maging panghimagas. Simple man ngunit batid nyang sapat na yun para sa kanilang dalawa.

Sa mga oras na yun ay walang pag sidlan ang kanyang saya ni hindi na nga sya mapakali sa paghihintay na sumapit ang ika pito ng gabi. Ito kasi ang kadalasang oras ng pag uwi ng lalaki.

Lumipas ang isang oras mula ng sumapit ang alas syete pero tahimik parin syang naghihintay sa sala. Muli nyang tiningnan ang orasan at napatayo ng may marinig syang dumaang sasakyan subalit wala paring kumatok sa pintuan.

" Bakit kaya wala pa sya "

Unti unti ay ginupo na sya ng antok sa paghihintay subalit wala parin ito ng magising sya pag sapit ng alas dose. Nagpasya syang tumayo at pa isa isang iniligpit ang nanlamig ng pagkain sa lamesa. Nanlulumo man ay muli nyang binalingan ang orasan, tapos na ang kanyang kaarawan. Mapait syang ngumiti at pumanhik sa hagdan ng may bagsak na likuran at kalooban.

Batid nyang wala syang karapatang magalit o maghinanakit pagkat hindi naman ito nangako na darating sya. Sadya lang hindi nya naiwasang umasa. Pinili na lamang nyang magkubli sa likod ng mga kumot at doon humikbi. Pakiramdam kasi nya nabigo na naman sya na para bang hindi ito ang unang beses na nalungkot sya ng sobra.

Unti unti ay pinihit nya ang seradura ng pinto. Nanibago sya sa dilim ng paligid nasanay kasi syang umuuwi na sinasalubong ni Zia kahit pa hindi naman nya ito binabalingan ng tingin. Nagpasya syang dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig. Nang kinuha nya ang pitsel sa ref ay napansin nya ang mga pagkaing kanina ay nakahanda sa lamesa.

" shit " hindi nya maiwasang hindi mapamura ng maalala ang napag usapan nila kaninang umaga. Sa sobrang dami kasi ng inasikaso nya kanina ay nakaligtaan na nya na ngayon ang kaarawan ni Zia.

Sinulyapan nya ang orasan na nasa kanyang pala pulsuhan. Mag aalauna na at napabaling sa unang pinto sa taas ng hagdan batid nyang maaaring nagtatampo ito pero nag pasya syang ipagpa bukas na lang ang kanyang agam agam.

" hello anna can you cancel all of my appointments for today mukhang hindi ako makakapasok "

Buong magdamag na hindi nakatulog si steven sa kabila ng pagod pero mas maaga paring nakapag handa ng agahan si Zia dahil nakahanda na ang pagkain sa lamesa ng makababa sya.

Umupo sya sa lamesa at inintay na mapansin sya ng nakatalikod na si Zia subalit ng makaharap ito ay linampasan lamang sya nito ng tingin.

" Gusto kong kumain " agaw nya sa pansin nito kahit pa nakahanda naman na ang pagkain sa mesa.

" Sige ahm ipagtitimpla na lang muna kita ng kape "

Sinundan nya ng tingin ang bawat kilos nito at nagsalita na ng hindi na nya matiis ang panlalamig nito na damang dama nya kahit pa ngumingiti ito sa harap nya.

" about last night "

" ayos lang, wala na yun natulog rin naman ako ng maaga ng alas syete na at wala ka pa " putol nito sa sasabihin nya sabay abot sa kanya ng tinimpla nitong kape at matamis na ngumiti sa kanya.

Manananghali na subalit hindi na sya kinibo pa nito matapos ang pag uusap nila kanina sa lamesa. Nagpabalik balik sya sa sala at paminsan minsang sinusulyapan ang babaeng abala sa paglilinis sa kusina.

" ahm get dress may pupuntahan tayo "

Turan nya dito sabay panhik sa kwarto ng hindi ito nililingon. Agad syang nagpalit ng damit at pumanhik sa sala upang hintayin si Zia.

" Saan ba tayo pupunta? "

Napabaling sya sa pinanggalingan ng tanong to find her wearing a sky blue floral dress just above her knees with matching blue flat barbie shoes. Halatang halata na rin ang kurba ng tyan nito na mas dumagdag sa ganda nito kahit pa simpleng powder at lipstick lang ang inaply nito. This is the first time na he admire her, may naitatago pala itong ganda.

" just find out later, tara na " binawi nya ng iling ang paghangang sandali nyang naramdaman at dirediretsong naglakad umaaasang hindi napansin ng babae ang kanyang pagkatulala.

Naging tahimik ang buong byahe bagay na nakakapanibago para sa kanya. Nasanay kasi sya na kahit hindi nya ito pinapansin o sinusungitan nya ay ito parin ang unang nagsisimula ng usapan at tuloy tuloy sa pagdaldal. Paminsan minsan nya rin itong sinusulyapan pero nakatingin lang ito sa labas ng bintana ni hindi na nga sya nito kinulit pa kung saan sila pupunta gayong hindi nya naman talaga ito tuwirang sinagot kanina.

" were here " putol nya sa katahimikan ng maihinto ang sasakyan

" anong lugar ito? "

Sa halip na sumagot ay bumaba sya at inalalayan si Zia sa pagbaba. Kitang kita ang pagkamangha sa mga mata nito ng tuluyang mabungaran ang nakakaanyayang tanawin sa kanyang harapan.

Napabaling ito ng tingin sa basket na hawak ni steven ng akmang iabot ito ng lalaki matapos makalabas sa isang kubo na pinasok nito kanina. Inabot nya ito ng may pagtataka habang nakataas naman ang kilay ng isa.

" pwede kang mamitas kung gusto mo, I just have to talk to someone regarding business "

Halos hindi mapigtas ang ngiti ni Zia sa narinig. Pinagmasdan nya muna ang paligid kung saan makikita ang malawak na taniman ng strawberrys at mas nakakaanyaya pa ang malamig na klima ng panahon sa lugar. Yes they are somewhere in bagiou.

Sinamyo nya ang malamig na hangin at sinimulang bagtasin ang mahaba habang taniman bago paisa isang pumitas sa mga nagpupulahang bunga ng prutas. Halos mapuno na nya ang basket ng muli syang pumitas ng isa upang matikman ang lasa ng may nag salita sa likod nya.

" I'm sorry " binalingan nya ito ng tingin at nabungaran ang seryoso nitong mukha na tila simpula na ng strawberry dahil sa hiya.

" Para saan " pag mamaang maangan nya kahit pa batid nyang kanina pa ito gumagawa ng paraan para makausap sya.

" About last night, inaamin ko nakalimutan ko but I believe hindi pa naman huli para icelebrate ang birthday mo diba? "

Pinagmasdan lang ni zia ang ekspresyon ni steven habang hinihimas nito ang kanyang batok na para bang kinakabahan sa kung anong magiging tugon nya.

" ayos lang yun hindi mo na dapat yun inaalala pa "

Inabutan nya ito ng isang bungang pinitas nya kanina. Akala nya ay hindi ito tatanggapin ng lalaki kaya agad nyang binawi ang pag abot dito ng bigla nitong hawakan ang kamay nya upang maisobo nya ang strawberry.

" mukha lang syang matamis pero ang totoo medyo maasim sya "

Natawa na lang si Zia sa naging ekspresyon ng mukha ni steven halos mag make face na kasi ito matapos matikman ang strawberry. Sandali din namang napangiti si steven ng makita kung papaano ang naging reaksyon ni Zia sa kanya.

" This will be a better start for the day "

Bulong nito na sinabayan na din ang babae sa pamimitas ng prutas.


*******
Hi guys miss me sorry na ha slow update talaga eh busy kasi pero thank you parin kasi nagtyatyaga kayong mag hintay love you all 😊😊😊 mwuah 😘

Your reads, votes and comments are very much appreciated 😍😍 love aren hahaha

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

63.9K 1.5K 36
This is the story of Ailla Franzine De vegas.. Let us see how did she fined her unexpected Love..
24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
16K 1K 95
SABRINA ARIELLE isang ordinaryong babae lamang na nangangarap ng magandang trabaho, at natupad nya naman iyon kaso para sa kanya naging mahirap at di...