Chapter 33

5.1K 155 4
                                    

Naging mas maayos ang pakikisama ni Steven kay Zia matapos nilang makauwi galing bagiou. Nakakasanayan narin nitong umuwi ng maaga upang masabayan si Zia sa hapunan at kumain ng almusal na iniluluto nito. Hindi man nya napapansin ay unti unti ng nagkakaroon ng kulay ang dating madilim nyang mundo.

" kumain ka muna "

Napangiti sya sa maagang bungad ni Zia sa kanya at agad na pumanhik palapit sa lamesa. Sinamyo nya ang mabangong aroma ng kape na nakahain na sa harap nya.

" Hindi ka paba kakain? "

Puna nya dito ng mapansin nyang nakatitig lang ito sa kanya at ng hindi ito nagsalita ay sya na mismo ang tumayo at nag lapag ng plato sa harap nito. Nilagyan nya ito ng kanin, hotdog , itlog at bacon na nagpalaki sa mata nito. Kahit kasi buntis ito ay napapansin nya na mahina itong kumain di tulad ng iba.

" ang dami naman hindi ko ito kayang ubusin " pag angal nito na akmang ibabalik pa ang ilang nilagay nya.

" no you need to eat that para maging healthy si baby "

Wala ng nagawa pa si Zia kundi nakasimangot itong sinimulan ang pagkain habang ngiting ngiti naman si steven.

" bakit nga pala hindi ka pa nakabihis? Hindi ka ba papasok? "

" nope sasamahan kitang mag grocery "

Napahinto si Zia sa pagkain dahil ngayon lang naman ito nag alok na samahan syang lumabas. Simula kasi nung una ay sya na mag isa ang nag aasikaso ng mga gawaing bahay at madalas na wala itong pake maliban sa pagbibigay nito ng pera na kailangan nyang ibudget para sa buong linggo.

" bakit mo ba binabalik? "

Singhal ni Zia dito ng makarating sila sa grocery at kasalukuyang namimili ng mga kakailanganin nila. Si steven ang nagtutulak ng cart habang sya naman ang abalang naglalagay ng mga goods.

" eh kasi puro junk foods yang mga kinukuha mo that is not healthy for you kaya binabalik ko "

Ngumuso lamang si Zia dahil napagtanto nyang tama naman ito sa sinabi nya.

" But I want this pwede kahit ito lang? "

Sabay angat nya sa V cut na nasa kamay nya at parang batang naglalambing para mabili ang candy na gusto nya.

" fine pero yan lang no more unhealthy foods "

Sunod sunod ang naging pagtango nya hindi nya alam kung bakit pero sobra syang nagalak sa pagpayag nito.

" nakakatuwa naman kayong tingnan, siguro ay bagong kasal kayo? "

Napalingon sila sa isang matandang babaeng nakangiti sa kanila. She has white hairs which reflects her age but still beautiful with her charming looks. Itatanggi na sana ni Zia ang akala nito na silay mag asawa ng unahan sya ng katabi.

" napaka pasaway po kasi nito eh "

Sabay akbay nito sa kanya at baling sa matanda na ngayon ay mas lumawak ang ngiti

" maswerte ka iha at may mabait at maalalahanin kang asawa "

Hindi na sya nakapag salita pa ng may dumating pang isang matandang lalaki na umaya na sa ginang upang mabayaran ang mga napamili nila. Marahil yun ang asawa nito.

Nang balingan nya si steven ay nakaalis na pala ito sa tabi nya at dumirediretso sa milk section. May kung ano syang naramdaman kanina ng akbayan sya nito lalo pa nung hindi man lang nito itinanggi ang maling akala ng babae gayong alam nyang alergic ito sa kanya noon.

Kumain muna sila sa isang fast food matapos mamili pero hindi rin nagtagal ay nagpasya na silang umuwi ayaw daw kasi ni steven na mapagod sya at baka matagtag.

His My Baby MakerWhere stories live. Discover now