Always unwanted 💯

By Dream_Secretly

463K 7.9K 295

The feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will... More

Always Unwanted
PROLOGO
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13: AFTER 5 YEARS
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGO

CHAPTER 31

6.7K 140 6
By Dream_Secretly


JANE

"H-How is she?" Tanong ko sa doctor nang matapos nitong i-check ang vitals ni Aria. Ang sabi niya, siya daw ang doctor ng anak ko at ang Mommy niya ang nag-opera noon kay aria.

"Her vitals are okay. Medyo hirap pa siyang huminga. Her test results will be release tomorrow. But, she'll be under observation for 24 hrs. I suggest you let her rest and please, don't stress her." Sabi niya pagkatapos ay bumuntong hininga. Inabot niya muna ang papel na hawak sa kasamang nurse bago ito sinenyasan na lumabas. Pagkatapos no'n ay binalingan niya ako. "You're her biological mother, right?" Tanong niya.

Tumango ako. "Yes. I'm her mother." And she's my daughter. My poor baby....hindi ko man lang napansin na bukod sa akin ay may sakit pa pala siyang tinitiis na nagpapahirap sa kaniya ng husto. Ngayon ko lang natanto na napaka-makasarili ko pala at sarili ko lamang ang iniisip ko. Ang tanging nasa isip ko lamang noon ay ang tuluyang pagkasira ng buhay ko, ni hindi ko man lang napagtuunan ng pansin ang kaawa-awa kong anak. Siguro kung hindi ako nagpakain ng galit noon, baka iba ang buhay ngayon ni Aria. Kung inalagaan ko lang sana ang sarili ko noong pinagbu-buntis ko siya, baka hindi siya nahihirapan ngayon. Hindi ko man lang naalagaan ang anak ko. This is all my fault.

"When I conduct her test results before for my thesis, lumalabas na ang dahilan ng heart failure niya ay ang mga pinagbabawal na gamot para sa mga buntis at alak. Maswerte lang siguro na malakas ang kapit ni victoria sa'yo noon kaya hindi mo siya napatay. But, all actions has its consequences, ma'am....and your consequence is this. She is your karma and I pity victoria for that. Naghihirap siya ngayon dahil sa mga bagay na hindi niya kontrolado." Sabi niya na lalong nagpa-bigat sa puso ko. May ideya na ako kung bakit may ganitong sakit si aria, alam ko na, pero masakit pa rin palang marinig 'yon mula sa ibang tao. Masakit palang marinig na ako sumira sa buhay ng anak ko. "Sana naisip mo ang mangyayari sa kaniya bago mo patuloy na iniinom ang mga pampalaglag na gamot na 'yon. Ilang buwan mo bang tinigil ang pagti-take ng gamot? Five months? Seven? Noong nagsawa kana, sumuko ka nalang hindi ba? You never think of her. Your selfishness leads her here, ma'am." Malamig niya pang sabi. Hindi na ako nangatwiran pa at sumagot dahil totoo naman lahat ng sinabi niya. Lahat ng ito ay kasalanan ko. "I am not talking here as her doctor but one of her family. Sinasabi ko ito sa'yo para maging aware ka at hindi mo na magawa ulit ang mga ginawa mo noon. Victoria is kind, charming and smart, she don't deserve to be hurt."

Napalunok ako at yumuko. Hiyang hiya ako sa sarili ko. "I know. Nagsisisi na ako sa lahat ng nagawa ko sa kaniya. Kung maibabalik ko lang sana ang mga oras. Magiging mabuting Ina ako sa kaniya. Hinding hindi ko siya sasaktan." Alam kong malaki ang mga kasalanan ko at sising sisi na talaga ako. Alam kong hindi lahat nadadaan sa sorry pero gusto ko pa ring subukan. Gusto kong itama lahat ng mali ko. Gusto kong maramdaman at makita ng anak ko na mahal na mahal ko siya.

"Good. Hindi pa huli para makabawi ka. May pagkakataon ka pa and this time, huwag mo na ulit iyong sasayangin." Malungkot siyang bumaling kay aria. "She needs you, now. She needed all the love of the people who matter to her. She need it to be motivated and to stay alive."

Lumapit ako kay aria at hinawakan ang kamay niya. Buong puso ko siyang tinitigan. Hindi ko na pakakawalan ang pagkakataong ito na makasama siya. This time, I'll do it right. Mamahalin ko siya at aalagaan. "I'll stay with her. Babawi ako. She will never feel unwanted anymore. And I will do anything for her, whatever it cost." Determinadong sambit ko.

"Very well." Ngumiti siya. Masaya sa nagiging sagot ko. "Her family will be here in a minute." Nanigas ako sa kinatatayuan ko at kinabahan. Ngumisi sa akin ang doctor at lumapit para gawaran ako ng tapik sa braso. "Kung talagang bumabawi ka. Forgive who ruined you, and accept her other family. Tanggapin mo na rin ang katotohanang hindi nalang ikaw ang tinuturing niyang Ina. Be a good mother this time, ma'am. This is your last chance."

Ilang minuto rin akong natulala nang tuluyan nang lumabas ang doctor. May ibang pasyente pa daw itong pupuntahan. Babalik na lamang daw siya mamaya.

Umupo ako sa tabi ni aria at tinitigan siya. She look so weak. Ang tamlay tamlay niya ngayon. Kapag ganitong lalo ko siyang pinagmamasdan, lalo akong natatakot na baka mawala siya sa akin ano mang oras.

Hinaplos ko ang kamay niya. "Aria...." Suminghap ako at tiningnan siya. "Natakot ako, anak. Akala ko mawawala ka sa 'kin. Hindi pa ako nakakabawi sa'yo kaya bawal mo akong iwan, ha? H-Hindi ko kakayanin." Nag-init ang mga mata ko. "H-Hindi ko pala n-nasabi sa'yo na....h-hindi ko naman g-gustong patayin ka....h-hindi talaga, anak." Napahikbi ako. "G-Galit na galit l-lang talaga ako a-at may mga oras na n-nawawala sa isip ko na....a-anak pa rin kita. P-Patawarin mo ako...h-hindi ko alam kung s-saan ako magsisimula p-pero gusto kong bumawi....h-hayaan mo sana akong m-maging ina s-sa'yo....nakikiusap ako, a-anak...." kahit ano handa kong gawin mapatunayan ko lamang na sising sisi na ako at mahal na mahal ko siya. Hindi man ako naging ina noon, sisiguraduhin kong babawi ako at magiging ina ngayon. Alam kong hindi pa huli ang lahat, naniniwala ako roon. "Naalala mo ba ang mga light necklace na regalo mo sa'kin tuwing birthday ko? Hindi totoong itinatapon ko 'yon. Hindi ko kinakaya sa tuwing nakikita ko ang mga 'yon sa basura, para akong sinasakal. Patawarin mo ako kung iniisip mo na hindi ko pinapahalagahan ang mga 'yon. Hindi lang kayang lunukin ng pride at galit ko na makita mong may parte sa pagkatao ko ang mahal na mahal ka. I-Iyon kasi ang b-bagay na pilit kong t-tinatago mula ng b-bata ka pa. Anak, Bata ka palang may puwang kana sa puso ko. And I'm so sorry for not showing it to you. Sorry kung mas inuna ko ang galit ko. Sorry baby. Please, come back to me, aria."

Aayusin ko ang lahat, anak. Tulad ng gusto mo. Nahihirapan kana siguro kasi nagkakagulo kaming mga mahal mo. Hirap na hirap kana siguro. Huwag kang susuko, aria.

"Jane,"

Napatingin ako sa may pinto nang marinig ko ang boses ni mama. Lumapit ito sa akin at kay aria.

"How is she?" Alalang tanong nito. Tulad ko, sising sisi na rin siya. Sabay kaming nanakit kay aria, pareho kaming mahal na mahal niya, kaya sabay rin kaming babawi at magmamahal sa kaniya.

"Nanghihina siya ngayon, 'ma. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa kaniya." Sabi ko sabay punas sa nabasang pisngi.

"She'll be alright. Matapang na bata ang apo ko. Makakaya niya 'to." Naniniwala siya na kakayanin ito ni aria kaya maniniwala na rin ako. Hindi kami susuko, hindi namin susukuan ang anak ko. Babawi kami ng sabay sa kaniya.

Be strong, anak. Marami kaming nag-aantay sa'yo. Mas marami kaming nagmamahal sa'yo. I promise you that I'll do anything for you. Handa na akong kalimutan ang lahat at magkaroon ng bagong buhay kasama ka. Handa na akong maging Ina sa'yo basta gumaling ka lang. I love you so much, my aria. My new victoria.

ARIA

Nagising akong sobrang bigat ng pakiramdam. Hinang hina at namamanhid ang buong katawan ko. Noong una ay nahihirapan pang mag-adjust ang mga mata ko sa liwanag pero kalauna'y unti unti rin itong nasanay.

Puting kisame ang unang kulay na nakita ko. Doon ko na rin napansin ang oxygen mask na suot ko. Kaya pala hindi ako nahihirapang huminga gayong parang may bara sa dibdib ko.

"V-Victoria?"

Napatingin ako sa gilid ko nang marinig ang malamyos na tinig ni daddy. Malungkot siyang ngumiti sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.

"Tinakot mo kaming lahat, anak." Naluluhang sambit niya.

Tinaas ko ang kaliwang kamay ko at inabot ang oxygen mask. Akmang tatanggalin ko na ito para makapag-salita nang pigilan niya ang kamay ko. "Don't. Ang sabi ni Dr. sanchez, kailangan daw manatili ng oxygen mask mo para hindi ka mahirapang huminga. You need that, anak." Aniya.

Umiling ako. Ayoko na nito. Ayoko nang maging ganito. Isipin ko palang na magtatagal ako sa ospital at suot suot ito ay nakakatakot na. Ayoko nang maging mahina tulad dati.

"Tiis tiis muna, anak." Pakiusap niya. Napapikit na lamang ako ng dampian niya ako ng halik sa noo. "You'll be alright, I promise you that." Bulong niya.

I hope so daddy. I hope so.....

Narinig kong bumukas sara ang pinto ng kwarto. Lumingon si daddy doon at ilang sandali lang ay nasa tabi na niya si mommy.

"Hi sweetie...." Ngumiti siya at lalong lumapit sa akin para dampian ako ng halik sa noo. "We are all here for you. Get well fast, sweetie. Hinahanap kana ni cain." Malambing niyang bulalas.

May tumulong luha sa gilid ng mata ko. Kaagad naman itong pinunasan ni mommy nang mapansin niya. Tumingin siya sa mga mata ko. I was guilty and sorry. Hindi ko sinabi sa kanila lalo na sa kaniya ang mga plano ko. Kinimkim ko lahat, at ngayon, nandito ako sa sitwasyong ito. Mahina at mukhang makukulong na naman sa ospital.

"It's okay, sweetie. Everything will be okay now. Don't worry about us, about me. You just did the right thing. And I'm so proud of you." Malamlam ang mga matang tinitigan niya ako. "Hindi kami nagtatampo sa'yo. We truly understand, anak. And we trust your decisions. We love you so much."

Napangiti ako at hindi na napigilang lumuha. Tears of joy. It feels like everything are normal now. I'm at peace. I think I found my sweet haven. I feel complete.

Ang gusto ko lang naman ay makitang masama ang mga mahal ko at ang makasama sila ng mas matagal pa. Alam kong hinding hindi ako pababayaan ng Diyos dahil ang pagmamahal niya at ang pananampalataya ko sa kaniya ang magliligtas sa akin, tulad noon.

I just prayed to Him that, when I wake up tomorrow, I want to see the happy faces of my love ones.

"Rest now, victoria. You need to be strong. We are all waiting for you." Sabi ni daddy. Parang may hipnotismo sa boses niya dahil nakaramdam ako ng antok hanggang sa unti-unting bumabagsak ang talukap ng mga mata ko. "I love you so much....." rinig kong bulong pa ni daddy bago ako tuluyang yakapin ng dilim.


Hello🥰

Lahat ng nababasa ninyo dito ay gawa-gawa lamang kaya kung may mabasa man kayong sobrang layo at imposibleng mangyari sa real world, please just feel the words. Iwan niyo muna ang mundo natin, dito muna tayo sa mundo ni Aria-Victoria.

Thank you for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

841K 29K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
105K 1.7K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.1M 61.6K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...