Class 3-C Has A Secret | comp...

By enahguevarra

17.8M 319K 103K

WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA... More

C3CHAS REPRINT 2019
C3CHAS TRILOGY
WELCOME TO HELL
C1: Teacher Yuko is ... dead?
C2: Confession
C3: The Call
C4: Mortem iuxta est
C5: A warning
C6: Akira
C7: Punishments
C8: Revelations
C9: An old friend
C10: Psycho
C11: Secrets are about to unfold
C12: Conflicts
C13: Freya
C14: The witness
C15: The forgotten flower
[Extra Chapter] Unfinished Business.
C16: Envy
C17: Betrayals
C18: Trust me, I'm lying
C19: Wrongdoers
C20: Hatred and Vengeance
C21: Is it over?
C22: Untold Feelings
C23: Obsessed
C24: White Roses
C25: You can't cheat Death
C26: The Queen Bee
C27: The Queen Bee (part 2)
C28: Memento Mori [UNEDITED]
C29: Luna
C30: Promises
C31: Deceitful Truth
C32: Goodbye, Summer
C33: The Sinners
C34: Truthful lies
C35: The game of Death
C36: Doubt
C37: Conspirator
C38: Fatalism
C39: Hush Hush
C40: Eagle's Prey
C41: Beginning of an end
C42: The monster inside
C44: Consequences
C45: To perish or to subsist
C46: Distorted
C47: The vengeful one
C48: The other side of the coin
C49: The one who sets fire
C50: The end is near
C51: The manipulator
C52: The last murderer
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE + TRAILER
C3CHAS Spin-Off

C43: Apocalypto

167K 3.4K 487
By enahguevarra

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Thania's POV


Lumapit ako sa tabi ni Philip. Tinignan ko siya at hinawakan ang kamay niya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak dito kasabay ng pagsandal ko sa balikat niya.

"Wag mo kong iiwan ha?" Muli kong sinabi ang mga katagang lagi kong sinasabi sa kanya. Alam kong maaring makulitan siya at magsawa sa pakikinig sa mga salitang ito ngunit naninigurado lang ako.

Nang nawala si Freya. Nakuha ko lahat ng inaasam ko. Iniwan man ako ng pamilya ko at nabulok ako sa ospital. Wala na kong pake sa bagay na yon. Pamilya? Hindi ko kailangan ng pamilya dahil sa wakas nakuha ko na ang dapat na akin. Nakuha ko na ang nag-iisang bagay na kulang sa buhay ko.

Si Philip.

Alam kong mahirap para sa kanya. Isang mahabang panaghoy ang buhay para sa aming dalawa. Para kaming mga nalulunod na isda sa loob ng malawak na karagatan. Isang mapanlinlang na rehas. Kung san wala kaming tigil na pinaparusahan. Mga nalulunod na isda na walang ibang alam gawin kundi humingi ng tulong pero sa dulo, wala rin kaming mapapala.

Mga nalulunod na isda.

Tama.

Tinignan ako ni Philip sa mga mata. Ito ang lalaking matagal ko nang pinapangarap Tanging si Freya ang hadlang. Siya lang ang dapat alisin sa daanan. Mahal ko ang kapatid ko ngunit mas matindi ang galit at inggit kaysa sa pagmamahal na iyon lalo na noong mga panahon na iyon.

Nasa kanya ang lahat habang ako'y walang pinaghahawakan na kahit anong katibayan na karapat dapat akong sumaya sa mundong ito, sa malawak na karagatan na ito. Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa mata niya at ipinikit ang mga ito.

"Kapag ba nakapikit ka at alam mong nakaharap ka sa akin. Sino ba ang gusto mong makita?" Huminto ako ng ilang segundo. "Si Freya o si Thania?"

Hindi siya nakasagot agad ngunit nakaramdam ako ng matinding kirot sa loob ko nang narinig ko ang sagot niya.

"Si Freya."

Wala na siya. Patay na si Freya. Bakit siya pa rin? Pinatay ko na siya ...pinatahimik ko na siya. Dapat na siyang mawala sa mga isipan nyo. Ako ang nagpatuloy ang buhay na iniwan niya. Si Freya ay wala na ... ako ... si Thania na ang bagong Freya.

Bakit ba walang makaintindi sakin?

Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakapatong sa mga mata niya. Tumayo ako at lumapit sa pinakamalapit na bintana. Tinanaw ko ang paligid mula dito. Matagal tagal na rin akong nagtatago sa lugar na ito. Kung sino o ano man ang pinagtataguan ko, hindi ko rin alam.

Basta ang alam ko, kailangan kong magtago.

"Si Freya naman pala ang gusto mong makita. Ba't nandito ka pa?" Hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang sinabi niya. Ngunit kahit paulit-ulit kong tanungin iyon, Freya pa rin ang pangalan na lumalabas sa bibig niya. Si Freya, palagi na lang si Freya.

"Hindi kita iiwan. Palagi akong nasa tabi mo. Sapat na yon di'ba?" Narinig kong sinabi niya habang papalapit siya sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko. Tanaw na tanaw ko sa repleksyon sa salamin ang mukha niya. Itinaas niya ang kanan niyang kamay at tinuro ang salamin ng bintana kung san kita rin ang mukha ko.

"Lagi tayong magkasama. Para sa akin, ayos na yon." Sabi niya muli.

Ganito naman siya palagi.

Awa lang ang nadarama niya. Ganito ba ko kahina? Ganito ba ko ka-walang kwenta?

Hindi man siya akin. Hindi man ako ang gusto niya. Alam kong, ako lang ang nagmamay-ari sa kanya.

"Philip." Tawag ko muli sa pangalan niya. "Kung malalaman mo ang sikreto ko, iiwan mo ba ko?" Tanong ko sa kanya. "Kung sasabihin ko ba sayo, matatanggap mo kaya?" Hinintay ko ang tugon niya ngunit wala akong nakuha kaya muli kong tinawag ang pangalan niya. "Philip."

Nakatingin lang siya sa bintana kung san makikita ang repleksyon niya. Hindi ko alam na kanina pa pala siya nasa tabi ng pintuan. Agad akong tumalikod sa bintana upang humarap sa kanya. Tinignan ko si Philip na halatang nagtataka sa nakikita niya.

Isa lang ang alam kong nasa isip niya...

Sigurado akong natuklasan na niya ang sikreto ko.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Philip sa kanya ngunit wala siyang nakuhang tugon.

Ngumisi lang siya kay Philip. Isang ngisi na kahit ako'y hindi alam ang ibig sabihin. Nakakatakot ang presensiya niya. Isang lobo na nagbabalat-kayo bilang isang kuneho.

Hindi niya pinansin ang presensiya ni Philip sa apat na sulok na kwartong kinalalagyan namin. Tinignan ko si Philip bago ako muling tumingin sa kanya. Nginitian ko siya bago magsalita..

"Tamang tama, nandito ka na." Ngumiti ako nang nakita kong tumango siya. inawakan ko ang kamay ni Philip at muling nagsalita. "Matatapos na rin ang lahat. Sa wakas."

Pagkatapos ng lahat, magsasama tayo Philip.

Malayo sa mga taong sakim at walang ibang inisip kundi ang pansarili nilang kapakanan. Malayo sa mga taong nananakit ng iba upang maka-ginhawa sila. Kapag nangyari iyon, sisiguraduhin ko na magiging masaya tayo.

Hanggang kamatayan.


Nichole's POV


Isang ngisi ang pumorma sa mga labi niya.

"Sabi ko na nga ba, hindi ka tatanggi." Sabi ko sa kanya habang may matamis na ngiti sa mga labi ko. Hindi ko man alam kung bakit siya papayag ngunit siguro sa kanya na ang dahilan na iyon. Kailangan ko siya ngayon. Ngunit alam kong dapat ko na rin siya isunod pagkatapos nito.

Walang matitira.Kahit ako, hindi ko alam kung nakatayo ako hanggang dulo ngunit sinisigurado ko na bago mangyari yon, namatay na ang dapat na mamatay.

Lahat sila, buburahin ko silang lahat sa mundong ito. Hindi nila alam kung pano ako gumanti. Ayoko silang maging abala sa daan ko patungo sa tagumpay at makakamit ko lamang ito ... nang wala silang lahat.

Ginagawa ko lang ang dapat. Minsan kahit mali, nagiging tama. Depende kung para san, para kanino o anong dahilan dahil minsan, ang tama ay nagiging mali din.

"Anong plano mo?" Tanong niya sa akin.

Sumandal muli siya sa pader na pinagsasandalan niya kani-kanilang lang. Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Baka pagtawanan lang niya ako kung sasabihin ko na basta na lang akong sumugod dito nang walang dalang armas laban sa kalaban, laban kay Akira.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya.

"Wala?" Muli niyang sinabi. Tumango lamang ako at nakita kong ngumiti siya muli. Isang nakakalokong ngiti pero nandoon pa rin ang pagka-inosente sa bawat kurba ng labi niya. Kung iba siguro ako, matutuwa ako dahil sa nakangiti siya. Ngunit alam ko ang takbo ng isipan niya.

May plano na siya.

"May naisip akong magandang ideya." Sabi niya. Tumingin lamang ako sa kanya na may pagtataka sa mga mata ko. "Mag-iimbita tayo ng mga munting bisita."

"Bisita?" Pag-ulit ko sa sinabi niya.

Hindi ko mawari kung ano ang ibig niyang sabihin. Bisita? Sa pagpatay kay Akira? Kahit anong gawin kong pako-konekta sa proseso, wala pa rin malinaw na kasagutan ang nabubuo sa isipan ko.

"Mga manonood. Mga mapaglalaruan pa natin. Alam kong kilala mo na kung sino ang nasa isipan ko." Nakatingin ako sa mga mata niya. May kakaibang kislap sa mga ito.

Ngumiti ako.

Si Denise--alam kong isa si Denise sa mga sinasabi niya.

Mukhang magugustuhan ko ang nasa isipan niya.

Lumapit pa ako sa kanya at inabot ang kamay ko upang makipagkamay.

"Deal?" Ttanong ko sa kanya.

Kinamayan naman niya ako at isang ngiti na naman ang naipinta sa mga labi niya. Lumakad na ako palayo. Narinig kong nagring ang phone ko.

Tumatawag si Akira..

"Akira." Pamungad ko sa kanya.

"Pumunta ka rito." Hindi na niya hinintay ang tugon ko at binaba na niya ito. Ngumisi ako bago pumara ng paparating na taxi. Kung trayduran ang hanap mo Akira, bibigyan kita nito. Matitikman mo kung papano traydurin muli.

Tumawa ako ng mahina nang naalala ko ang pagpatay ko kay Akira. Masyado na kong nasasabik. Bawat saksak, bawat hiwa at bawat butil ng dugong maiidulot ko sa kanya, lahat nang iyon ay magiging prutas ng paghihirap ko ... ng pagtitiis ko. Wala nang ibang maari at dapat kumitil ng buhay niya kundi ako.


Alex's POV


Bumaba ako mula sa taxi na sinakyan ko papunta dito sa burol ni Camille. Nahihiya man ay binati ko ang Mama't Papa ni Camille. Isang mahigpit na yakap lang ang kaya lang kong ibigay sa kanila. Halata ang pagkalungkot sa mga mata nila. Itim na itim ang suot ng lahat ng taong nandito maliban sa akin na nakasuot pa rin ng uniporme. Siguro isa na ito sa dahilan kung bakit may nararamdaman akong kaba sa bawat hakbang na ginagawa ko papunta sa kabaong ni Camille.

Pagkalapit ko sa puting kabaong ni Camille ay agad kong sinilip ang itsura niya. Kakaiba. Sobrang kakaiba sa pakiramdam lalo na't parang kailan lang ay nakikita ko siya sa eskwelahan. Hindi ko inaasahan na madadatnan ko siyang mahimbing na nakahimlay sa puting kabaong na ito.

Sandali akong nagdasal sa harapan ng kabaong ni Camille. Isang dasal para sa kaluluwa ni Camille. Para gabay sa pagpunta niya sa kabilang buhay. Pagkatapos kong magdasal ay nagpaalam na ako sa mga magulang ni Camille.

Rest in peace, Camille.

Naalala ko muli ang mga sinabi sa akin ni Nichole nang araw na iyon. Ang araw bago mamatay si Camille.

"Nichole..." Pabulong kong nasabi ang pangalan niya.

Ngunit tumayo lamang siya at lumapit sa akin. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ko pati na rin ang pisngi ko. Pakiramdam ko'y nanginginig ako sa kaba. Parang may kung anong espiritu ang sumanib sa kanya lalo na kapag napapatingin ako sa mga mata niya. Binaba niya ang kamay niya at isang ngisi na naman ang nakapinta sa mga labi niya.

"Gusto mo ba talagang malaman?" Tanong niya.

Wala na kong ibang nagawa kundi tumango na lamang.

"Pero alam mo, hindi mo naman kailangang malaman agad eh." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Malalaman mo rin naman ...balang araw."

Tumalikod siya sa akin at bumulong.

Alam kong sinasadya niyang marinig ko ang mga sinambit niya dahil malapit lamang ako sa kinatatayuan niya.

"Kapag patay ka na."

Pagkabulong na pagkabulong niya ng mga katagang iyon ay muli siyang humarap sa akin na may ngiti sa mga labi. Katulad ng mga dati niyang ngiti, .napaka-inosente--nakakagaan ng pakiramdam.

"Tara Alex! Kumain tayo sa labas." Sabi niya sa akin na na ngiting ngiti.

Nichole, ano ba talaga ang tinatago mo sa akin?

Aalis na sana ako ngunit nagulat ako sa pagdating niya.

"Amanda?" Hindi ko napigilan na sabihin ang pangalan niya.

Ang alam ko, wala siyang planong pumunta sa lamay ni Camille. Ngunit, bakit siya nandito? Tumigil siya sa harapan ko at umirap bago pa man magsimulang magsalita.

"So what kung pupunta ako?" Mataray niyang sinabi. "Gusto ko lang naman na makita siyang nakahiga sa kabaong na yan. Alam mo na, titignan ko kung bagay siya sa loob. Tutal mabubulok naman siya doon." Isang ngisi ang pumorma sa mga labi niya bago siya tumuloy sa loob.

May mga tao talagang hindi mo alam kung tugma ang sinasabi ng isip sa sinasabi ng bibig.

---------------------x

A/N:

"Apocalypto" which in Greek means "an unveiling and a new beginning".

Continue Reading

You'll Also Like

29.7M 987K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
11.6M 324K 43
Special Section book 2. Hindi mo siya mahahanap. Hindi mo siya matatakbuhan. Available in Bookstores, Convenience Stores, newsstands and online natio...
55.9M 986K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...